Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
Contracted Surrogate of the Zillionaire

Contracted Surrogate of the Zillionaire

Dahil sa hindi mabayarang utang na iniwan ng ama ni Ahtisa sa kaniya, kailangan niyang tanggapin ang kontratang maging surrogate ng tagapagmana ng bilyonaryong CEO na si Kairon Watson at ng girlfriend nitong si Celine Valdez. Apat na taon nang nagsasama si Kairon at Celine pero hindi pa rin sila nabibiyayaan ng anak dahil may problema si Celine sa kaniyang obaryo. Iyon ang dahilan kung bakit tutol ang mga magulang ni Kairon na magpakasal sila dahil kailangan nila ng tagapagmana, hindi sila p'wedeng mag-ampon dahil ang gusto ng mga magulang ni Kairon ay sarili dapat nilang apo at kadugo ang magmamana sa yaman nila. Doon nila napagdesisyon na kumuha ng surrogate na magdadala ng tagapagmana ni Kairon at iyon ay si Ahtisa. Dinala ni Kairon si Ahtisa sa pribadong isla upang itago at maproteksyonan siya. Sa halos araw-araw na pagtatalik ni Kairon at Ahtisa, hindi sila nabigong magbunga ito sa loob ng isang buwan. Sa pagdadalang-tao ni Ahtisa, namuo ang inggit sa kaniya ni Celine, lalo na kapag nakikita niya kung paano siya protektahan ni Kairon. Hindi maiikaila ni Ahtisa na nahuhulog na ang kaniyang loob kay Kairon at alam niya sa sarili niyang hindi niya na kayang ibigay sa kanila ni Celine ang batang dinadala niya dahil minamahal niya na rin ang batang nasa sinapupunan niya. Ano na ang gagawin ni Ahtisa? Paano niya kahaharapin ang galit sa kaniya ni Celine? At paano niya lalabanan ang pagmamahal na nararamdaman niya kay Kairon kung sa una palang ay mali na ito? Wala sa kontrata nila ang umibig siya sa ama nang pinagbubuntis niya!
9.631.8K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 1.2K Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
My Young and Wild Boss.

My Young and Wild Boss.

"Love should not be all about saying, 'I LOVE YOU' but also about showing and proving that it's true" Ang akdang ito ay tumutukoy sa isang Lalaking masyadong mataas ang tingin sa kanyang sarili kaya't kung pahirapan at ituring niya ang mga taong nasa paligid nya ay parang isang basura lang at basta na lang niya binabalewa. Makikilala niya si Irene Min, Isang Babaeng natutong tumayo sa sarili niyang mga paa para sa isang pagtakas na kanyang ginawa.
103.9K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 97 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
Paid for the Billionaire's Child

Paid for the Billionaire's Child

Certified gold-digger—’yan si Cailin Relova. Bilang isang rising fashion designer, she knows how to weave threads and hearts alike. Para sa kanya, laro lang ang pag-ibig, at siya ang laging panalo. Pero isang gabi sa The Bar of the Elite, ang dating laro ay nauwi sa isang mainit na pagkakamali. Isang estrangherong naka-maskara, isang gabing puno ng pagnanasa, at isang mamahaling ebidensya na hinding-hindi niya malilimutan. Sa tulong ng isang mapanganib na koneksyon, mabilis na natukoy ni Cailin ang lalaking nasa likod ng maskara—isang pangalang sapat na para yanigin ang buong bansa. Ngayong gumuho na ang kanyang mundo, wala siyang balak magpaapi. Hinarap niya ang makapangyarihang bilyonaryo, hindi para humingi ng pag-ibig, kundi para puwersahin ito sa isang malamig na kasunduan: milyon-milyong sustento kapalit ng kanyang pananahimik. Walang pagpapanggap, walang pagsasama, at walang pamilya. Isang purong transaksyon lang na binabayaran ng bilyon-bilyon. Pero sa likod ng marangyang buhay at bawat perang natatanggap niya, unti-unting lumalabas ang mga lihim na mas madilim pa sa gabing iyon. Paninindigan ba niya ang bunga ng kanilang pagkakamali, o muli siyang gagamit ng ibang lalaki para isalba ang kanyang sarili?
10399 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 9 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

ONE SUMMER WITH A LUTHER (The Luther's Empire Series)

NAGING mahirap ang buhay para kay Sunshine simula nang yumao ang ama at magkasakit naman ang ina. Mabuti na lamang at nagawa niyang pag-aralin ang sarili hanggang sa matapos niya ang kolehiyo. Naka-graduate man, hindi na siya nag-inarte sa kung ano ang trabahong pwede niyang pasukan. As long as her job can provide her mother's maintenance, go lang. Besides, nag-e-enjoy naman siya kahit pa minsan ang gabi ginagawa niyang araw. Papasok siya bilang waitress mula tanghali hanggang gabi at fire dancer naman hanggang hatinggabi. Nakakapagod, pero kailangan– para sa kaniyang Mamang. Maayos naman sana ang lahat, not until this summer. Not until she met Norman Luther. Ang arogante sa lahat ng aroganteng nakasalamuha niyang bakasyunista ng Palacio Grande Resort, na pinsan ng kaniyang Boss Lowelle at isa sa may pinakamalaking share sa resort na iyon. Hindi maintindihan ni Sunshine kung ano ang kasalanang nagawa niya sa lalaki at trip na trip siya ng lalaki. Na sa sobrang pan-ti-trip nito, ipinatanggal pa talaga siya sa trabahong matagal niyang iningatan dahil lang hindi niya tinanggap ang alok nito. Alok na nagpababa sa kaniyang dignidad at pagkatao. Mahuhulog kaya si Sunshine sa bitag ng binatang gumulo sa nananahimik niyang buhay, gayong ginagamit na ni Norman ang 'impluwensiya' makuha lang ang dalaga?
1010.8K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 313 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong

FORBIDDEN LOVE: Lihim na pagtingin kay Ninong

Sa kagustuhan ng sariling ama na sundan ang kaniyang ina na nasa ibang bansa, ay nagawang iwanan ang maliit na paslit na si Aira sa isang kaibigan nito na kilala bilang isang matikas at batikang CEO ng Gomez Corporation at gobernador ng buong Masbate. Sa ilang taon na lumipas, sa isang pagkakamali ay biglang nagbago ang pagtingin ni Aira sa kaibigan ng Ama. Dahil lamang sa pagsibol ng mainit na gabi ay lalong lumalalim ang lihim na pagtingin. Ngunit mananatili kaya ang kaniyang lihim na pag-ibig para sa Ninong niya ng malaman na ikakasal na ito? Ilalaban niya ba ang pagtingin? O susuko na lamang at tanggapin na hanggang doon na lamang ay kayang ibigin ang lalaking minsan ng umangkin sa kanya?
1.3K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 37 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
Bogus Billionare

Bogus Billionare

Dahil pinagtaksilan ng kanyang fiance, napagpasyahan ni Caroline Evans na magpakasal sa iba ng biglaan. Tinatawanan siya ng lahat dahil sa kanyang desisyon na talikuran ang pagiging tagapagmana ng pamilya Morrison at sa halip ay pumili ng isang mahirap na binata. Pero ang hindi alam ng lahat, ang binatang iyon ay isa pala sa pinakamayamang tao sa sa buong mundo, at nasa bansa lang siya para mag invest sa pag unlad nito. Siya rin ang uncle ng kanyang dating fiance! Sobrang nasaktan si Caroline Evans dahil sa pakiramdam niyang niloko siya at dahil dun ay nagpumilit siyang makipag divorce. Pero kinorner siya ng kanyang asawa at puno ng lambing na sinabi, “Hindi ako ang bilyonaryong iyon. Nagpa-retoke lang yun para maging kamukha ko..” Tinitigan ni Caroline ang gwapong mukha nito at naniwala siya. “Anong sumpa ito na magkaroon ng mukhang kagaya ng isa sa pamilya Morrison!” Kinabukasan, nagulat ang buong mundo sa balitang itinakwil na sa pamilya ang tagapagmana ng pamilya Morrison at ni sinco ay wala ng natira rito. Sa kabilang banda, ang bagong kinoronahang top billionaire, ay nakasuot maskara para takpan ang kanyang kagwapuhan.
9.838.2K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 1.5K Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
POSSESSION OF LOVE

POSSESSION OF LOVE

  Simula pa lang ay nagkagusto na si Kariel sa lalaking inampon ng kanilang mga magulang, na si Darrius. Minsan na rin niyang inamin ang nararamdaman rito. Ngunit dahil sa respeto at malaking utang na loob sa kinilalang magulang ay hindi siya binigyang pinansin nito. Ngunit na-realize ni Darrius na kailangan niyang ipaglaban ang kanyang nararamdaman para kay Kariel kahit labag pa sa kagustuhan ng magulang. Lalong-lalo na nang malamang ikakasal na ito sa anak ng kaibigan at kasusyo ng kinilalang magulang. At naisipan niyang pigilan ang kasal ng dalawa nang napagalaman ang totoong motibo ng pamilyang gustong ipakasal sa dalaga ng kinilala n'yang ng magulang. Nagtagumpay siya sa kanyang plano at sa wakas ay ipinagtapat niya sa huli ang totoong nararamdaman. Naging lihim ang kanilang relasyon. at kalaunan ay napagalaman din ang kanilang lihim at pilit silang pinaghiwalay ng mga magulang. Masakit ngunit kailangan nilang tanggapin ang kanilang kapalaran. Pinaghiwalay man ng isang sirkumstansya pero hindi sila nawalan nang pag-asang balang araw ay muli silang pagtagpuin ng tadhana para punan ang mga pusong nangulila sa matagal na panahon.
9.928.0K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 699 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
Dirty Game (Book 1-3)

Dirty Game (Book 1-3)

Dirty Game Book 1: Sky Avenido is a typically quiet, mysterious, genius and boy next door in their school but looks can be deceiving. You don't know his real self. He's obsessed with her. Dirty Game Book 2: Austin Jimenez can't accept the loss of his battle against Sky Avenido to Reese Santillan's heart but he will do everything just to get the only girl he loved in his entire life, even if he does His Dirty Tactics. Dirty Game Book 3: "Y-Yuri? Anong ginagawa mo dito?" Nauutal kong tanong habang nakatingin sa lalakeng ilang araw nang ginugulo ang buhay ko. "Is that how you welcomed me? My bestfriend's girlfriend?" He smirked that I almost lost my breath. Sana hindi ko nalang siya nakilala. Sana hindi nalang siya ipinakilala sa akin ni Zane. He is Yuri Avenido. My boyfriend's bestfriend who wants me so badly. This is the Dirty Game series of Sky, Austin, and Yuri.
1015.6K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 406 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
Sweet Revenge, Fake Marriage

Sweet Revenge, Fake Marriage

Limang taon ang binigay ni Aria Alcantara para sa fiancé niya; halos iikot na nga ang buhay niya rito. Pero nawasak ang lahat nang mahuli niya itong may relasyon pala sa sarili niyang kapatid. Mas matindi pa rito, nagawa pa siyang baligtarin ng dalawa. Pinalabas nilang si Aria ang may kasalanan, kaya tuluyan siyang itinakwil at pinalayas ng sarili niyang pamilya nang walang kahit ano. Noong lugmok na lugmok na si Aria, nakatagpo niya sa isang bar si Ethan Vance—isang makapangyarihan at kinatatakutang CEO na binansagang "Billionaire Grim Reaper" sa mundo ng negosyo. Dahil hawak ni Aria ang isang sekretong dokumento na pwedeng magpabagsak sa mga nanloko sa kanya, naglakas-loob siyang lumapit at makipag-usap kay Ethan para humingi ng tulong at maghiganti. ​Pero imbes na trabaho ang i-alok, isang kakaibang kasunduan ang ibinigay ni Ethan— isang kasal sa papel na puno ng panganib. Kailangan ng bilyonaryo ng asawa para makuha ang mana niya, habang si Aria naman ay kailangan ng backer at impluwensya para mapabagsak ang mga nanira sa kanya. Sa gitna ng pekeng kasal, matitinding labanan sa business world, at tensyong unti-unting nahuhulog sa totohanan, mapipigilan kaya ni Aria na ma-fall kay Ethan? O ang paghihiganting ito ang tuluyang sisira sa kanilang dalawa?
154 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 5 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
PILIT NA PAG-IBIG (SSPG)

PILIT NA PAG-IBIG (SSPG)

Ipinagkasal si Natasha sa lalaking matagal na niyang minahal nang palihim, si Ibrahim. Akala niya ay simula na ng masayang buhay, pero naging impyerno pala ang lahat. Galit na galit ito sa kanya at minamahal lang ang kapatid niyang si Ameira. Pero ang hindi alam ni Ibrahim… siya ang babaeng sumugal at nagligtas ng buhay niya noon, pero hinayaan niyang kunin ng kapatid niya ang kredito. Ngayon, kailangan niyang tiisin ang lamig at pananakit ng asawa niya habang pinapanood itong alagaan ang iba. Hanggang kailan niya kakayaning magmahal nang nag-iisa? At ano ang mangyayari kapag nalaman ang katotohanan?
437 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 17 Vezes como fast learner
Ler
+Biblioteca
ANTERIOR
1
...
3435363738
...
50
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status