Too Late, CEO Husband: Your Spoiled Wife Wants a Divorce
Dalawang taon nang kasal si Jade Ashbourne-Kingsley kay Evren Kingsley sa pamamagitan ng arranged marriage. Sa loob ng dalawang taong iyon, ginawa ni Jade ang lahat upang makuha ang pagmamahal ng kaniyang asawa.
Inakala niyang sadyang malamig lang talaga ang puso ni Evren... hanggang sa isang gabi, nahuli niya itong masayang kasama ang first love nito, si Charlotte. Doon niya napagtanto na marunong pa lang magmahal ang kaniyang asawa—hindi lang siya ang pinili nitong mahalin.
Sa gabing iyon, tuluyan na siyang nagpasya na wakasan ang lahat.
"I want a divorce."
Ngunit bago pa man niya tuluyang iwan ang lalaking minahal niya sa loob ng dalawang taon, isang mas malupit na katotohanan ang sumalubong sa kaniya.
Hindi pala siya tunay na isang Ashbourne.
Sa isang iglap, nawala sa kaniya ang lahat—ang pamilyang kinalakihan niya, ang mana, ang apelyidong ipinagmamalaki niya, at ang tahanang itinuring niyang sa kaniya.
Pero ang mas masakit...
Ang lalaking paulit-ulit na nagsasabing hindi siya mahal ay ayaw pa rin siyang pakawalan.
Habang isa-isang nabubunyag ang lihim ng tunay niyang pagkatao, mapipilitan si Jade na pumili.
Mananatili ba siya sa piling ng lalaking sumira sa puso niya... o tuluyan na niyang iiwan si Evren at pipiliin ang sarili, kahit wala na siyang ibang matatawag na tahanan?