Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
The Arranged Bride of the Cold Heir

The Arranged Bride of the Cold Heir

"You will marry his son." Isang utos na tuluyang sumira sa mga pangarap ni Avianna Saavedra. Sa paningin ng iba, nasa kanya na ang lahat—pera, kagandahan, at isang marangyang buhay. Ngunit walang nakakaalam na sa likod ng perpektong imaheng iyon ay isang babaeng naghahangad lamang ng kalayaan. Nang pilitin siyang pakasalan ang anak ng business partner ng kanyang mga magulang, gumawa siya ng isang desisyong babago sa kanyang buhay. Isang gabi ng pagtakas. Isang gabi ng kalayaan. At isang lalaking hindi niya inaasahang makikilala. Ngunit paano kung ang estrangherong lalaking iyon ay siya rin palang lalaking nakatakdang pakasalan niya? Habang unti-unting nahuhulog ang kanilang loob sa isa't isa, mga lihim, maling akala, at mga taong gustong paghiwalayin sila ang susubok sa kanilang pagmamahalan. Sa isang kasalang nagsimula sa obligasyon, posible bang matagpuan nila ang tunay na pag-ibig? O huli na ang lahat kapag pareho na nilang piniling lumayo?
101.6K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 61 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
The Billionaire's Marriage Deal

The Billionaire's Marriage Deal

Si Lea Himenez ay isang makapangyarihang pangalan sa mundo ng fashion—mayaman, hinahangaan, at sanay sa kontrol. Ngunit sa likod ng mga runway at boardroom ay isang babaeng pagod na pagod nang maging perpekto. Isang gabi ng kahinaan ang nagtulak sa kanya sa isang bar—isang gabing hindi niya alam na matagal nang hinihintay ng isang lalaki. Si Miguel Guero, isang CEO billionaire na kilala sa kanyang malamig na lohika at walang kapantay na kapangyarihan, ay matagal nang nagmamasid. Obsessive. Mapagplano. Hindi marunong umatras. Sa gitna ng alak at pagbagsak ng depensa ni Lea, inabot niya ang kontratang magbabago ng lahat. “Just sign it. I will take care of you—your world, your fears, your life. Everything will be mine to protect.” Isang pirma. Isang kasal. Isang buhay na kinitil ang kalayaan bago pa man niya ito mapagtanto. Habang nagigising si Lea sa isang mundong puno ng luho at mahigpit na pag-aangkin, unti-unting nabubunyag ang mas madilim na katotohanan—ang lihim na pagsubaybay, ang kasunduan ng pamilya, at ang planong isinilang bago pa man siya bumigay. Ang akala niyang aksidente ay isa palang perpektong bitag. Mananatili ang apoy at tensyon sa pagitan nila—o unti-unting mahuhulog si Lea sa kasunduang hindi niya ginusto ay maging damdaming hindi na niya kayang tanggihan.
2.6K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 72 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
Tuksong Naglalagablab

Tuksong Naglalagablab

Ang ganda niya'y tukso sa maraming kalalakihan pero hindi sa nag-iisa niyang kaaway na matagal ng may inis at galit sa kanya. Mapait na kapalaran ay dumating sa dagok ng kanyang buhay, ngunit siya'y babalik upang ipaghiganti ang nawasak niyang reputasyon. May pag-asa pa kayang maghilom ang sugat ng kahapon?
105.8K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 181 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
Ang lalaking hindi ko dapat mahalin

Ang lalaking hindi ko dapat mahalin

Sa mundong pinaghaharian ng kapangyarihan, pera, at mga lihim na matagal nang ibinaon sa nakaraan, isang kasunduan ang muling bubuhay sa mga sugat na hindi kailanman tuluyang naghilom. Si Cielo Arcega ay isang kilalang arkitekto at nag-iisang tagapagmana ng Arcega Group. Buong buhay niyang pinatunayan na kaya niyang magtagumpay nang hindi umaasa sa apelyido ng kanilang pamilya. Ngunit sa isang iglap, gumuho ang lahat ng plano niya nang ipagkasundo siya ng kanyang ama sa lalaking pinakaaayawan niya—si Aelion Voss. Matalino. Makapangyarihan. At imposibleng basahin. Bilang CEO ng pinakamalaking shipping empire sa bansa, sanay si Aelion na kontrolado ang lahat ng bagay sa paligid niya. Maliban kay Cielo. Ang dapat sana'y simpleng kasunduan sa negosyo ay unti-unting naging isang mapanganib na laro ng damdamin. Habang mas nakikilala nila ang isa't isa, natutuklasan nilang hindi lamang negosyo ang dahilan kung bakit sila pinagtagpo ng kanilang mga pamilya. May isang lihim na koneksyon sa pagitan ng kanilang mga magulang. Isang pagtataksil. Isang trahedya. At isang kasalanang naghintay ng maraming taon upang singilin sila. Habang pilit nilang nilalabanan ang damdaming hindi dapat umusbong, mas lalo silang hinihila ng tadhana palapit sa isa't isa. Ngunit paano kung ang mismong pagmamahalan nila ang bunga ng mga kasinungalingang sumira sa dalawang pamilya? Paano kung ang lalaking unti-unti mong minamahal ay bahagi ng nakaraan na matagal mo nang sinusubukang takasan? At paano kung ang tanging paraan upang maging masaya ay ang piliing mahalin ang taong hindi mo dapat mahalin? Sa pagitan ng galit, paghilom, obligasyon, kalayaan, at ng nakaraan at hinaharap, susubukin nina Cielo at Aelion kung sapat ba ang pag-ibig upang putulin ang siklong matagal nang bumihag sa kanilang mga pamilya. Dahil minsan, ang pinakamalaking trahedya ay hindi ang mawala ang taong mahal mo. Kundi ang matagpuan siya sa panahong hindi mo na dapat siyang mahalin.
56 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 1 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART

MELTING THE BILLIONAIRE’S COLD HEART

Dahil sa panloloko ng matalik na kaibigan, humantong si Mallory sa isang bar para magpakalunod sana sa alak. Ngunit sa pagpunta niya roon, saka niya nasaksihan ang panloloko naman ng boyfriend niyang si Marcus-kahalikan si Ara Manzo, ang babaeng sinsabi nitong kaibigan lang. Dahil sa sakit, pumayag na siya sa matagal nang settled na arranged marriage kay Ellis Orlov, a cold, woman hater. May mamuo kayang pag-iibigan sa dalawang pusong wala nang tiwala sa salitang 'pagmamahal'?
10246 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 6 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
Our Fixed Marriage

Our Fixed Marriage

Callieyah Grabielle Suarez is the one and only Heiress of Suarez Clan. Napilitan Siyang magpakasal Kay Luna Maxine Sandoval dahil sa kagustuhan ng kanyang ama. Sa takot na mawala lahat ng meron Siya ay walang nagawa kundi sumunod na lamang kahit kagagaling lang niya sa masakit na break up at idagdag pang babae Ang nais ipakasal sa kanya. Isang bagay na Hindi kahit kailan man niya maiintindihan dahil mas straight pa Siya sa isang pole. Pero paano kung Ang isang Callieyah Grabielle na madaling mabighani ang lahat mapa lalaki man o babae ay tila naging invincible lang sa isang Lluna Maxine Sandoval? Hindi matanggap ni Callieyah na tila nabasura Ang taglay niyang Ganda pagdating Kay Luna. Bakit Ang isang to ay naiiba sa lahat samantalang nagkakagusto Naman ito sa kapwa babae pero bakit excluded ata siya? Hindi ba siya kaakit akit sa paningin nito? Anu nga bang pakialam niya Lalo nat Siya Ang number one na against sa kasal na to. Pero tila ba lintang nakakapit sa kanyang Sistema Ang pagka frustrated. Bakit Ang isang Callieyah Grabielle na pangarap ng lahat ay Wala lang sa isang to? Hindi ito lubos matanggap ng pride, ego niya dahil sanay Siyang hinahabol. Pwes magkakandarapa din Ang babaeng ito sa kanya isang araw. Wala Siyang Hindi nakukuha kapag ginusto. Kumpyansa Siyang magwawagi at Ang babaeng ito ay mapapasunod niya sa lahat ng gusto.
103.8K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 86 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
The Billionaire's Forbidden Temptation

The Billionaire's Forbidden Temptation

‎​Si Calista Montemayor ay handang isakripisyo ang lahat para lang iligtas ang kanilang pamilya. Ang tanging paraan? Pakasalan ang makapangyarihang si Alejandro Valtieri. Ngunit bago ang kasal ay nakilala niya si Lucian, ang isang estrangherong nagpatibok ng kanyang puso. ‎ ‎​Ang gabi ng pagkakamali ay naging isang bangungot matapos silang pagtagpuin ulit sa altar, bilang brother-in-law. Kaya lang, mapaglaro talaga ang tadhana. Naiwang balo si Calista matapos masawi si Alejandro, at nakulong siya sa mansyon ng mga Valtieri kasama ang lalaking pinagbabawal niya. ‎​Habang pilit siyang sinisira ng mga taong nakapaligid sa kanya, isang mapanganib na laro ang sisimulan nilang dalawa ni Lucien. Handa silang suwayin ang mundo at kalabanin ang sarili nilang pamilya. Dahil sa mundong puno ng kasinungalingan, ang pinakamalaking kasalanan ay hindi ang manatili, kundi ang umibig sa maling Valtieri.
102 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 3 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
Arrange Marriage with Mysterious Billionaire

Arrange Marriage with Mysterious Billionaire

Si Leana Allegre ay isang babae na nasawi sa kanyang unang pag-ibig, nagdesisyon siyang gumamit ng baraha upang pagsisihan ng ex-boyfriend niyang si Felix ang ginawang panloloko sa kanya. Ginamit niya si Damian, isang gusgusing estudyante na sa tingin niya ay madaling bilhin para maging fake boyfriend niya. Lingid sa kaalaman ni Leana na ang lalaki pala ay isang CEO at bilyonaryo na may lihim na pagtingin sa kanya. Sa gitna ng pagpapanggap, unti-unting nabura ang mga linya ng pagkukunwari. Nahulog si Leana kay Damian, at ibinigay niya ang sarili rito pero hindi niya alam na ang lalaki ay may mga lihim na dahilan sa paglapit sa kanya—Isang kasal na biglaan, isang pagtatapat na magpapabago sa lahat. Paano kung ang pekeng pag-ibig ay naging totoo? Paano kung ang katotohanan ngayon ay mas masakit pa kaysa sa naramdaman mo noon?!
10579 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 23 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
Hating My Possessive Husband

Hating My Possessive Husband

Samantha Sky Smith never imagined that one day, she’d wake up as Mrs. Krim Kuen Vryzks—ang lalaking kinatatakutan at ginagalang sa mundo ng negosyo at impluwensya. Walang puso, walang awa, at walang pakialam kung ano ang gusto niya. Ang kasal nila ay isang kasunduan, pero para kay Krim, ito ay isang panalo. Para kay Samantha? Isang bitag na hindi niya alam kung paano tatakasan. Binigyan siya ni Krim ng isang linggong palugit bago niya ito angkinin nang tuluyan. Isang linggo para tanggapin ang bagong realidad na hindi niya ginusto. Pero habang lumilipas ang mga araw, mas lalong nagiging malinaw sa kanya ang isang bagay—hindi lang galit ang nararamdaman niya kay Krim. At iyon ang mas kinatatakutan niya. Sa pagitan ng panggigipit, matitinding emosyon, at isang kontratang bumihag sa kanya, magagawa kaya ni Samantha na manatiling matatag? O tuluyan na siyang mahuhulog sa patibong ng lalaking dapat ay kinamumuhian niya?
101.8K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 62 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
Cluelessly Yours

Cluelessly Yours

Isang maling hakbang. Isang maling gabi. Isang maling desisyon… o baka tamang tao sa maling pagkakataon? Elara has always played it safe—until she crashes into a stranger in the most awkward way possible. Akala niya, worst moment na ‘yon ng buhay niya—hindi pa pala. Because that stranger? Theo. The new hire sa office nila. Mas malala? Anak siya ng boss. Mula sa asaran hanggang sa hindi matapos-tapos na bangayan, they can’t seem to stay away from each other. But one unexpected night changes everything. Kinabukasan, they wake up—walang maalala at walang idea kung ano’ng nangyari. Months later, Elara finds out she’s pregnant. The problem? She doesn’t know who the father is. At nang malaman ng isang importanteng tao ang sitwasyon niya, isang desisyon ang kailangang gawin—one that will tie her and Theo together in a way they never saw coming. Now, they’re stuck in something they don’t understand. But what if the truth has been right in front of them all along? Or will they stay… Cluelessly Yours?
101.7K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 59 Vezes como friends
Ler
+Biblioteca
ANTERIOR
1
...
45678
...
26
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status