Save Me
Kung bakit niya ako hinayaang lumaki sa ampunan.
“Alam mo ba kung gaano kahirap doon sa ampunan, alam mo bang pinapangarap ko ring magkaroon ng nanay katulad ng iba, alam mo ba ang pakiramdam na halos magmakaawa kang mahalin ng ibang tao? Hindi mo alam diba k-kasi pinabayaan mo ako, hindi mo alam kung gaano kasakit ang masaktan. Hindi mo alam kung anong hirap at sakit ang tiniis ko sa tuwing sinasaktan nila ako, alam mo ba iyong pakiramdam na gusto mo na lang na hindi na lang magising para hindi mo na maramdaman ang sakit ng iyong katawan dahil sa sugat at palo, kung nanay kita bakit hinayaan mong mangyari sa akin iyon?” halos bulong kong sabi sa kanya. Hindi ko mapigilang isumbat sa kanya
Hot Chapters