Kakaibang Tikim
Kung papakinggan ay parang kaawa-awa siya pero sa tulad niyang tao na maraming ginawang kasalanan sa mundong ito, hindi bagay sa kaniya ang kaawaan.
“Sa dami ng taong pinatay ko, sa dami ng taong inapi ko, sa dami ng taong ginawan ko ng kasalanan, ngayon sinisingil na ako ng karma. Ganito pala ang pakiramdam kapag ako na ang sinasaktan at pinapahirapan. Hindi nga pala maganda. Tanggap ko nang ito na ang pagbagsak ko sa lupa. Tanggap ko na rin na ito na ang kabayaran sa lahat ng kasalanan ko. Kung sakaling magkaroon ako ng buhay sa ibang mundo, pipiliin kong maging mabuti na,” sabi ni Harvy.
Bab Populer