Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]

SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]

Sa edad na dalawampu't tatlo, wala nang ibang hangarin si Seraphina Monteverde kundi mailigtas ang nag-iisa niyang pamilya, ang kanyang walong taong gulang na kapatid na si Liam, na lumalaban sa leukemia. Ngunit tila hindi sapat ang lahat ng sakripisyo niya. Matapos masunog ang kanilang munting tahanan, nawalan sila ng tirahan, ng ipon, at ng pag-asang makabangon. Habang lumalala ang kondisyon ng kanyang kapatid at patuloy na dumarami ang gastusin sa ospital, unti-unting nauubos ang lahat ng pinto na maaari niyang katukin. Hanggang sa dumating ang gabing tuluyan siyang itinulak ng desperasyon. Wala nang natitirang pagpipilian. Kumapit siya sa patalim. Ibinenta niya ang sarili... kahit isang gabi lamang... kapalit ng perang makapagliligtas sa buhay ng kanyang kapatid. Ngunit hindi niya inaasahang ang lalaking bibili sa kanya ay ang pinakakinatatakutan at pinakamakapangyarihang billionaire sa bansa. Si Damian Alistair Del Rosario. Isang 42-anyos na negosyanteng bilyonaryo na kinatatakutan sa mundo ng negosyo. Taglay niya ang lahat. Pera, kapangyarihan, at impluwensya, maliban sa isang bagay. Pamilya. Hindi siya nagmamahal. Hindi siya nagtitiwala. At hindi niya kailanman binalak na mag-asawa. Ngunit sa hindi maipaliwanag na dahilan, matapos ang gabing iyon, hindi niya nagawang pakawalan si Seraphina. Binili niya ang buong buhay nito. Mula sa bahay, sa trabaho, hanggang sa bawat desisyong gagawin ni Seraphina... lahat ay nasa ilalim ng kanyang pangalan. Sa mundong ang lahat ay may presyo... May halaga rin ba ang tunay na pag-ibig? O mananatili na lamang siyang... Sold... and Owned by the Billionaire.
450 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 18 kali sebagai munting
Baca
+Pustaka
The Ruthless Billionaire's Little Cupid

The Ruthless Billionaire's Little Cupid

The Ruthless Billionaire's Little Cupid Si Alexander Blackwood ay isang walang-awang bilyonaryong CEO na kinatatakutan ng lahat. Matapos mawalan ng asawa pitong taon na ang nakalipas, isinara niya ang kanyang puso sa pag-ibig at inialay ang buhay sa kanyang negosyo at sa kanyang anak na si Mia. Ngunit may ibang plano si Mia. Sa murang edad na pito, napansin niyang sa likod ng malamig na ngiti ng kanyang ama ay isang pusong puno ng kalungkutan. Kaya lihim siyang naging isang munting kupido upang hanapan ito ng bagong pag-ibig. Nang makilala niya si Sophia Carter, isang mabait at matapang na interior designer na may masakit na nakaraan, agad niyang naisip na ito ang perpektong babae para maging bahagi ng kanilang pamilya. Habang pilit silang pinaglalapit ni Mia, unti-unting nagiging mas malalim ang ugnayan nina Alexander at Sophia. Sa bawat pagtatalo, lumalakas ang kanilang atraksyon. Sa bawat sandaling magkasama sila, mas nahihirapan silang itanggi ang damdaming namamagitan sa kanila. Ngunit bago pa man nila mabigyan ng pagkakataon ang kanilang pagmamahalan, isang nakakagulat na lihim mula sa nakaraan ang magbabago sa lahat. Kasabay nito ang mga pagtataksil, sabwatan, at mga kaaway na handang sirain hindi lamang ang imperyo ni Alexander kundi pati ang kanilang mga puso. Sa gitna ng mga pagsubok, isang maliit na batang babae ang magsisilbing ilaw at pag-asa ng kanilang pamilya. Makakaya bang paghilumin ng pag-ibig ang pusong matagal nang nagyelo, o tuluyan silang paghihiwalayin ng mga lihim na matagal nang nakabaon sa nakaraan?
101.3K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 41 kali sebagai munting
Baca
+Pustaka
Behind Her Innocence

Behind Her Innocence

“Maaari ko bang isangla muna sa iyo ang kwintas na ito kasama ng singsing ng aking mommy?” Anya ng pitong taong gulang na batang babae sa isang lalaki na nakapikit habang nakasandig ang ulo sa sandalan ng upuan sa isang waiting area ng hospital. Seryosong tumitig ang 20 years old na binata sa isang munting bata sa kan’yang harapan. “Alam ba ng mommy mo na isinasangla mo ang ang wedding ring niya?” Seryosong tanong na hindi maalis ang tingin sa mala anghel na mukha ng bata. “Ang sabi ng doctor ay kailangang maoperahan si mommy, pero wala akong pera, hindi mo naman siguro ipapaalam kahit kanino na sinangla ko ito sayo, di’ba?” Malungkot na sagot nito, bago matapang na sinalubong ng batang babae ang mga mata ng lalaki. “Paano kung kukunin ko ‘yan, paano mo ito matutubos sa akin? Hindi ako tumatanggap ng pera.” Seryosong pahayag ng lalaki. Saglit na nag-isip ang bata na wari mo’y naguluhan. “Kukunin ko ‘yan at sasagutin ko ang operasyon ng mommy mo pero sa isang kondisyon, magiging akin ka at pagtuntong mo sa tamang edad ay ikakasal ka sa akin. Kung hindi ka tutupad ay hindi ko babalik sayo ang kwintas at ang singsing ng mommy mo.” “Pumapayag po ako.” Inosenteng sagot nito. ————— Isang batang babae ang nakipagkasundo sa nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Smith, si HARRIS SMITH. No read, no write at mangmang sa lahat ng bagay ‘yan si ZAHARIA LYNCH. Isang simpleng dalaga na sinamantala ang kainosentihan ng mga taong itinuturing niyang pamilya. Paano magkakaroon ng katuparan ang kasunduan ng dalawa kung sa apat na sulok ng kwarto umiikot ang mundo ni Zaharia?
1037.5K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 1.4K kali sebagai munting
Baca
+Pustaka
Love Beyond Contract

Love Beyond Contract

Synopsis Si Sienna ay napilitang sumang-ayon sa isang kontrata ng kasal kay Denver Thompson, isang bilyonaryo at CEO ng Thompson Corporation, kapalit ang malaking halaga para sa gastusin ng kanyang mama at kuya. Dahil sa malalang aksindente at wala siyang malaking halaga ng pera. Ang kontrata ay may dalawang taong tagal. Bago nito, si Sienna ay nagtrabaho bilang sekretarya ni Denver ngunit umalis siya nang malaman niya na si Denver ang dahilan sa  pagkamatay ng kanyang pangalawang kuya. Alam na sa sarili ni Denver na mahal na niya si Sienna unang kita pa lang niya sa dalaga. Ngunit ayaw na ng dalaga magmahal dahil sa naranasan niya sa ex-boyfriend. Nang sumang-ayon si Sienna sa kasunduang kasal ay hindi ito nagustuhan ng ama ni Denver lalong lalo na fiancée at ang pamilya nito. Habang tumatagal na magkasama ang dalawa ay unti-unting nahuhulog ang loob ng dalaga sa binata, na halos makalimutan na niya ang kasalanan na ginawa nito sa kaniyang kuya, halos naibigay na niya ang sarili niya sa binata at nabuo ang munting sanggol. Ngunit sa isang aksidente na nagdulot sa lalaki ng pagkakaroon ng amnesia at nakalimutan niya ang mga nangyari sa kaniya sa loob ng 7 taon. Si Denver na isang maginoo, mabait at makulit kay Sienna, na babalik sa kaniyang dating masamang ugali, na siyang gagamitin ng ex fiancée niya upang bumalik sa kaniya. Maibabalik pa ba kaya ni Sienna ang pagmamahalan at alala na binuo nila ni Denver ng magkasama? Kakayanin kaya no Sienna ang mga hamon na kakaharapin niya? Ibabalik pa ba niya ang lalaking minahal kung ang makakalaban niya ang ama ni Denver na hindi siya tanggap bilang daughter-in-law at mga iba pang hamon?  
101.1K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 25 kali sebagai munting
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
123
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status