Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

"Alipin Ng Bulag Na Pag-ibig"

⚠️SPG  "Bulag na Pagmamahal: Ang Kwento ni Rheana Belmonte" Si Rheana Belmonte, 20 taong gulang—bulag, ngunit marunong magmahal. Sa kabila ng kanyang kapansanan, ibinuhos niya ang buong puso sa lalaking inakala niyang tagapagtanggol niya... si Darvey Gonsalo. Pero ang pag-ibig na inaakala niyang kanlungan, unti-unting naging impyerno. Nang dumating sa buhay nila si Cindy Buena, unti-unting naglaho ang halaga ni Rheana. Sa mismong tahanan nilang mag-asawa, nasaksihan niya—harapan—ang kababuyang ginagawa ng kanyang asawa’t kabit. Sa harap ng lipunan at ng pamilya ni Darvey, ibinaba siya sa pagiging isang katulong—walang karapatan, walang boses, at lalong walang dignidad. Ang masakit? Hindi lang siya binulag ng kapalaran, kundi pati ng pag-ibig. Hanggang kailan mananatiling martir si Rheana Belmonte? Lalaban ba siya sa sistemang sumira sa kanya—o mananatili siyang bulag habang tuluyang nilalamon ng karimlan ang kanyang mundo?
102.6K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 67 Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

ANG LIHIM NA ASAWA NG BILYONARYO

Sa loob ng dalawang taong pagsasama ay puno ng pag-asa si Annie na matututunan rin siyang mahalin ni Lucas ngunit laking pagkakamali niya dahil sa araw mismo ng second anniversary nila ay inabot nito sa kaniya ang divorce agreement. Puno ng sakit at pagkadismaya ay pumayag siya kahit na noong araw sana na iyon ay gusto na niyang sabihin rito na buntis siya, ngunit bigla na lamang namatay ang lolo ni Lucas at hiniling nito na kung pwede ay huwag na lamang silang maghiwalay at ayusin nila ang kanilang pagsasama kaya sinabi niya na susugal siya muli at aasa na baka isang araw ay matutunan na siyang mahalin ni Lucas. Hanggang sa isang araw ay nasangkot siya sa aksidente kung saan ay ang una niyang tinawagan ay si Lucas para magpasaklolo, gusto niyang mabuhay, gusto niyang mabuhay ang mga anak niya. "Iligtas mo ako, iligtas mo ang mga anak natin... " "Tumigil ka! Palagi tayong gumagamit ng proteksiyon! Kaya napakaimposible ng sinasabi mo!" Doon siya nagising sa katotohanan na hanggang sa mga oras na iyon ay walang ibang mahalaga rito kundi ang unang minamahal nito, mas inuna nitong puntahan ito kaysa ang iligtas siya at ang anak nila. Patatawarin niya ba ito sa kabila ng pagkawala ng mga anak niya sa ngalan ng kanilang pagsasama kahit na labis ang pagsisisi nito sa nangyari? O tuluyan na niya na itong palalayain at hahayaang maging masaya sa piling ng pinakamamahal nitong babae?
9.8622.5K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 17.4K Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

ANG KATULONG NA PINIKOT NG BILYONARYO

Isang kasambahay na walang pake sa pag-ibig. Isang bilyonaryong sanay sa kontrol. At isang gabing ‘di nila inaasahan... na hahantong sa kasalan?! Si Roxane Hermenez ay simpleng babae: trabaho, uwi, tulog, ulit. Ang pangarap niya? Makaipon, makaalis sa pagiging katulong, at mabigyan ng maayos na buhay ang pamilya. Walang oras sa landi-landi lalo na’t ang amo niya ay si Dark Nathaniel Villamonte — mayaman, suplado, at ubod ng arte. Pero isang gabi, dahil sa kakaibang pagkakataon, isang basong alak, at isang sira ang elevator… may nangyari. At noong malaman ni Dark Nathaniel na may “posibleng bunga” ang gabing iyon, hindi siya nagtago— Siya pa ang nagpumilit magpakasal! “Hindi puwedeng wala akong responsibilidad. Puwede na ang kasal sa Huwes!” Ngayon, si Roxane ang natataranta. Sino ba’ng babae ang pinipikot ng sariling amo?! Pero teka… kung responsibilidad lang ang dahilan, bakit parang nagiging possessive, sweet, at seloso si Dark? May pag-ibig na ba talagang nabubuo? O baka naman… trip lang talaga siya ng bilyonaryo? Saan hahantong ang damdamin ni Roxane sa kanyang gwapong apo kung patuloy siyang susuyin nito kahit alam niyang may mga kontra barata sa ginagawang iyon ni Dark Nathaniel?!!!!
9.5103.2K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 3.2K Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Ang Lihim Na Dalaga ng Amo

Si Bellerien, isang kasambahay na lihim na umiibig sa kanyang amo, si Damien—isang makisig at makapangyarihang lalaki—ay nakaranas ng gabing tuluyang nagbago ang kanyang buhay. Isang hindi inaasahang sandali, sa gitna ng kanyang manipis na pangtulog, ang nagtulak kay Damien sa tukso. Ang matagal nang nakatagong pagnanasa ay tuluyang sumiklab. Bagama’t una siyang nagpumiglas, hindi maikakaila ni Bellerien ang katotohanan—ang pagkakataong maranasan kung paano maging si Sofia, ang babaeng iniibig ni Damien, ay hindi niya matanggihan. Ngunit sa likod ng matinding pagnanasa, may kirot, pag-aalinlangan, at pagsuko. Para kay Bellerien, ang gabing iyon ay magiging isang matamis ngunit mapait na alaala na hindi niya malilimutan. Para naman kay Damien, isa itong kasalanang mananatiling multo sa kanyang konsensya.
1074.1K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.4K Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Ang Misteryosong Asawa Ng Nakakaakit Na CEO

Si Zarina Alcantara ay isang misteryosang babae. Walang nakakakilala sa kanya ng lubos. Tahimik, maganda, at tila may tinatagong lihim na hindi maabot ng sino kahit pa ang kanyang future husband. Si Damian Hidalgo naman ay isang CEO. Guwapo, masungit, ngunit mapagmahal na apo sa kanyang lolo. Hanggang isang araw, ang dalawang tao na ito ay pinagtagpo sa pamamagitan ni Matthew, kung saan ipinagkasundo silang ikakasal ayon sa gusto ng matanda. Para kay Lolo Matthew, nagkasundo ang dalawa. Hindi maganda ang una nilang pagtatagpo dahil sa simula, hindi pag-ibig ang nagdala sa kanila sa pagsasama kung hindi isang kasunduan lamang. Ngunit, paglipas ng panahon, hindi napigilan ng dalawa ang mahulog sa isa't-isa sa kabila ng kanilang magkaibang mundo. Hanggang saan ang kanilang pagsasama kung balang araw ay natuklasan nila ang lihim ng isa't-isa? Pipiliin ba nila ang kanilang pag-iibigan o hayaan ang mga sikretong wasakin silang dalawa…
2.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 75 Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
Bihag ng Kanyang Pag-ibig na Obsesyon

Bihag ng Kanyang Pag-ibig na Obsesyon

Livia Shelby, 19, ay pinilit na pakasalan si Damian Alexander – isang walang-awang CEO na may malamig na puso. Nag-aalab ang galit sa ilalim ng kanilang relasyon, at minsan ay nagiging malabo ang linya sa pagitan ng sama ng loob at pagnanasa. Ngunit ano ang mangyayari kapag ang pag-ibig na namumuo sa pagitan nila ay nakatali sa isang kontrata… at ipinagbabawal na banggitin?
1.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 66 Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare

Ang Sutil na Anak ng Ninang kong Billionare

Si Samantha Gomez ay bunga ng isang pagkakamali—isang "bastarda" sa mata ng kanyang mayamang ama. Pinabayaan siya kasama ng ina na may karamdaman. Sa gitna ng hirap at pang-aapi ng kanyang madrasta, ang tanging tumulong sa kanya ay ang kanyang Ninang Amanda—ang matapang na CEO ng Soliven Holdings. Dahil sa utang na loob, ibinuhos ni Samantha ang buong oras niya sa pagtatrabaho bilang executive secretary nito. Ngunit may isang malaking problema sa maayos na niyang buhay—si Enrico Soliven. Si Rico ang nag-iisang tagapagmana ng mga Soliven—gwapo, matalino, pero isang spoiled brat at playboy na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang araw ni Samantha. Lumaki silang turingan ay magkapatid, pero sa bawat mapanuksong tingin at lapit ni Rico, unti-unting nahuhulog ang loob ni Samantha—isang bagay na pilit niyang pinipigilan. ​Habang pilit na inaabot ni Samantha ang kanyang pangarap at ang atensyon ng kanyang "dream boy" na si James, lalo namang nagiging mapang-angkin si Rico. Sa likod ng mga asaran at tensyon, may mga lihim na pilit itinatago ang kanilang mga pamilya—mga katotohanang maaaring sumira sa tanging pundasyong pinanghahawakan ni Samantha. ​Sa mundong puno ng kataksilan at panlalait, paninindigan ba ni Rico ang pagiging "sutil" para makuha ang puso ng kanyang kinakapatid? O mananatili silang bilanggo ng nakaraang pilit silang pinaghihiwalay?
10384 viewsOngoingIdinagdag sa Library 13 Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
Basâ at Masama: Bawal na Koleksyon ng Lust

Basâ at Masama: Bawal na Koleksyon ng Lust

WARNING: Ang koleksyon ito ay naglalaman ng sobrang dark romance, age gaps, possessive na step-daddies, bratty na step-brothers, shared mates, BDSM, Voyeurism, Exhibition, light bondage at iba pang dark na kinks at zero limits. Kung gusto mo ng taboo na kapal, mga lalaking nakikipag-away para sa'yo, at ang mga gabi na nagtatapos sa hindi ka na makalakad... pasok ka rito. ~ ~ ~ Maligayang pagdating sa bahay kung saan ang 'Pamilya' ay isa lang salita, at ang 'Sharing' ang tanging patakaran. Akala mo alam mo kung ano ang nangyayari sa likod ng mga saradong pinto? Wala kang ideya. Hindi lang ito isang kwento, ito ay isang koleksyon ng 40 Gabi ng Tumutulong Pagnanasa kung saan ang lahi ay walang kwenta, ang init lang ang mahalaga. Ito ang ultimate forbidden anthology. Nagsisimula sa kanya lang (Ang Step-Father), pero hindi doon nagtatapos. Sa huli, ikaw ay nakulong sa isang web ng pag-aari, disiplina, at doble ang gulo. ANO ANG NASA LOOB: Ang bawat kwento sa librong ito ay koleksyon ng maruming sikreto na habang tumatagal ay lalo pang dumudumi: Ang Solo Sessions: Ikaw at si Daddy lang. Puro, mabigat, possessive na "Daddy" energy. Zero limits sa kanyang pasensya, mahigpit na limits sa iyong damit. Ang Double Trouble: Kapag pareho nilang nagdesisyon na kailangan ka nilang "alagaan" sa parehong oras. Ang Rivalry: Kuya vs. Dad. Sino ang may karapatang humalik sa'yo ng goodnight? Sino ang may karapatang paluin ka? (Spoiler: Kayong dalawa). Ang Audience: Tinuturuan ka ni Daddy ng leksyon habang pinapanood ng Kuya... at sasali pa siya. Consensual? Oo. Forbidden? Lagi. Basa? Hindi. Lagi kang nalulunod. Pwede kang sumisid rito.
117 viewsOngoingIdinagdag sa Library 3 Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
PAG-ANGKIN NG BILYONARYO: Ang Lihim Na Anak

PAG-ANGKIN NG BILYONARYO: Ang Lihim Na Anak

Limang taon na ang nakalipas mula nang iwan ni Iris Alcantara ang marangyang buhay para protektahan ang lalaking mahal niya. Ngayon, isa na siyang single mom na kumakayod sa isang catering company para sa maysakit niyang ina at sa anak na si Zion. Ang tanging hiling niya ay tahimik na buhay, pero muli siyang pagtatagpuin ng tadhana sa nakaraang pilit niyang tinatakbuhan. Si Jace Ramirez, isang ruthless billionaire, ay nagising mula sa aksidente na walang alaala tungkol kay Iris. Dahil sa manipulasyon ng kaniyang pamilya, ang alam lang niya ay iniwan siya ng babae dahil sa pera. Nang muling magtagpo ang landas nila, galit at paghihiganti ang dala ni Jace. Gagamitin niya ang kaniyang impluwensya para pilitin si Iris na maging personal assistant niya at unt-unting pahirapan ito. Ngunit magugulo ang plano ni Jace sa pag-eksena ng limang taong gulang na si Zion. Ang madiskarteng bata na carbon copy ng bilyonaryo ang unt-unting maglalapit sa kanila at magbubunyag sa mga lihim ng nakaraan. Sa oras na lumabas ang resulta ng DNA test, walang makakapigil kay Jace na angkinin at bawiin ang mag-ina. Makakaya ba ni Iris na protektahan si Zion sa magulong mundo ng mga Ramirez? Paano paninindigan ni Jace ang kaniyang pag-angkin kapag bumalik na ang kaniyang mga alaala? Sa gitna ng galit at lihim, ang anak nga ba nila ang magiging susi para mabuo ang nawasak nilang pamilya?
10151 viewsOngoingIdinagdag sa Library 5 Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
Ang Katulong na Naging Kontratang Asawa ng Bilyonaryo

Ang Katulong na Naging Kontratang Asawa ng Bilyonaryo

“And don’t fall in love with me.” Iyon ang huling patakaran ni Lucas Matteo Vergara para kay Mandy D. Mapagkatiwalaan. Natawa lang si Mandy nang marinig iyon. Dahil sino ba naman ang magkakagusto sa isang suplado, mayabang, at ubod ng sungit na bilyonaryo? Siguro may iba. Pero hinding-hindi siya. Ngunit nagbago ang lahat nang mapilitan siyang pumirma sa isang kontratang magliligtas sa buhay ng babaeng tumuring sa kanya bilang sariling apo. Upang matupad ang huling hiling ni Lola Janette, kailangan niyang pakasalan si Lucas at maging kontratang asawa nito sa loob ng tatlong taon. Akala ni Mandy, iyon na ang pinakamahirap na bahagi ng kanilang kasunduan. Ngunit nang bumalik si Samantha—ang unang babaeng minahal ni Lucas at ang babaeng muntik na niyang pakasalan—unti-unting nabasag ang mga pader na itinayo niya sa paligid ng kanyang puso. At doon niya napagtanto na may mas mahirap pa pala kaysa sa pagiging kontratang asawa ng isang bilyonaryo. Ang mahulog sa lalaking hindi kailanman magiging kanya. Hanggang kailan niya kakayaning magpanggap na walang nararamdaman? At kapag dumating ang araw na kailangan na niyang umalis, handa ba siyang bitawan ang lalaking pinakamamahal niya? O lalaban siya para sa pag-ibig na mula pa sa simula ay hindi naman para sa kanya?
101.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 26 Beses bilang na'ng meaning
Read
+Library
PREV
123456
...
50
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status