ONE MORE NIGHT
Si Jecelle Mendez ay hindi lang basta pangalan—siya ang tagapagmana at leader ng pamilyang Mendez. Matalas ang isipan, matibay ang paninindigan, at sanay na hawak ang lubid ng kapangyarihan. Sa mundo ng negosyo, kilala siya bilang babaeng hindi natitinag, walang kinatatakutan, at laging nananaig. Pero sa likod ng kanyang matapang na anyo, may pusong matagal nang natakot magtiwala, lalo na sa mga taong may parehong impluwensya sa kanya.
Hanggang sa makilala niya si Christopher Lanchan. Bilang pinakamakapangyarihang bilyonaryo sa bansa, si Christopher ay kasing-tindi at kasing-husay ni Jecelle. Sanay siyang makuha ang lahat ng gusto niya sa isang iglap, pero nang magtagpo ang kanilang land