Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Serravalle's Daddy and his little Bunny:Serravalle Brothers3

Serravalle's Daddy and his little Bunny:Serravalle Brothers3

All Seraiah ever wanted was to make her parents proud by becoming a successful model. Pero nagbago ang lahat nang maaksidente ang sinasakyan niyang bangka habang nagbabakasyon mag-isa sa Isla ng Palawan. Pagmulat ng kanyang mga mata, wala siyang maalala, hindi ang kanyang pangalan, hindi ang kanyang nakaraan, at lalong hindi ang lalaking nagpakilalang asawa niya. Austin Serravalle never planned to lie. Ngunit nang makita niyang may selective amnesia ang babaeng iniligtas niya mula sa dalampasigan, gumawa siya ng isang desisyong babago sa buhay nilang dalawa—nagkunwari siyang asawa nito. What started as a lie slowly turned into the kind of love neither of them expected. But when Seraiah's memories returned, she left the island without a single goodbye, taking with her a secret Austin would never imagine. Seven years later, fate brings them together once more. Austin discovers the heartbreaking truth—he has a seven-year-old daughter he never knew existed. Now he must face the consequences of the lie that started it all, while Seraiah is forced to confront the love she left behind. Can a love born from a lie survive the truth buried for seven long years? And how do you tell a little girl that the father she's always dreamed of never even knew she existed? Will Austin Serravalle finally win back the family he unknowingly lost, or will the past steal his second chance at forever? 3 stories, 3 writers, 3 Brothers... Hidden Baby Secrets Unfold. Serravalle Brothers Series Collaboration 1. SERRAVALLE'S secret Baby (Serravalle BROTHERS Series 1) by GUEMBYOEL 2. Serravalle's Hidden Heir (Serravalle Brothers Series 2) by Yvette Stephanie 3. Serravalle's Daddy and his little Bunny ( Serravalle Brothers Series 3) by ROSENAV91
1051 viewsOngoingAdded to Library 1 Times as quotes on secrets
Read
+Library
The Billionaire's Tender Bargain

The Billionaire's Tender Bargain

Si Dolores Roman, 22, ay pasan ang bigat ng mundo. Siya ang nag-aalaga sa nakababatang kapatid na may malubhang sakit, at dahil sa hospital bills at utang, halos hindi na siya makahinga. Pagod ‘man siya, pero hindi sumagi sa isip ang pagsuko. Gagawin niya ang lahat para sa kapatid—kahit pa napakahirap. Devon Valderama—mayaman, tahimik, at matagal nang may lihim na pagtingin kay Dolores. Lihim niyang sinusuportahan ang pag-aaral ni Dolores, at nang humiling ang kanyang lola na makita siyang masaya at may asawa bago ito mamaalam, naisip niyang ito na ang pagkakataong mapalapit kay Dolores. Inalok niya si Dolores ng isang contract marriage: isang taon silang magpapanggap bilang mag-asawa para mapasaya ang kanyang lola. Kapalit nito, sasagutin niya ang lahat ng utang ni Dolores at gastusin sa gamutan ng kapatid. Nag-alinlangan si Dolores, pero pumayag para sa kapatid. Ang usapan: walang feelings, walang komplikasyon. Pero habang magkasama sila, unti-unting nahulog ang loob nila sa isa’t isa. Si Dolores, naantig sa kabutihan ni Devon. Si Devon, lalong minahal si Dolores. Hanggang sa bumalik ang ex-fiancée ni Devon, gustong bawiin siya. At si Dolores, nalaman ang totoo—na matagal na pala siyang mahal ni Devon, at ang kasal ay paraan para mailapit siya rito. Nasaktan si Dolores sa katotohanang itinago ni Devon, kaya siya ay lumayo. Pero inamin ni Devon ang lahat—na totoo ang lahat ng ginawa niya dahil mahal niya si Dolores. Sa huli, si Dolores ang bumalik—hindi dahil kailangan niya ng tagapagligtas, kundi dahil natutunan niyang tanggapin ang pagmamahal ng taong handang lumaban kasama niya. No contract and secrets - just love.
104.4K viewsOngoingAdded to Library 150 Times as quotes on secrets
Read
+Library
My Brother Wants Me

My Brother Wants Me

“In a family built on secrets, loving the wrong person may be the only truth left.” Si Loriene Tianelle Mejes ay lumaking parang prinsesa—ang bunsong anak ng makapangyarihang pamilyang Mejes na sanay makuha ang lahat ng kanyang naisin. Ngunit sa kabila ng marangyang buhay at pagmamahal ng pamilya, may isang bagay na kailanman ay hindi niya nakuha: ang atensyon at lambing ng malamig at mailap na si Jaxon Roan, ang panganay na tila laging may pader sa pagitan nilang dalawa. Ang hindi alam ni Loriene, bawat paglayo ni Jaxon ay hindi dahil sa kawalan ng pakialam, kundi dahil sa isang damdaming matagal nitong itinatago—isang pagnanasang ipinagbabawal niyang maramdaman para sa babaeng itinuring niyang kapatid. Gumuho ang mundo ni Loriene nang dumating si Angelique, ang tunay na anak ng mga Mejes, at sa isang iglap ay nawala ang lugar na matagal niyang inakalang kanya. Kasabay ng pagbagsak ng kanyang pagkakakilanlan, nabunyag ang katotohanang hindi pala sila magkadugo ni Jaxon—isang rebelasyong naging simula ng pag-ibig na matagal nang pinipigilan. Sa isang bahay-tabing dagat, malayo sa mapanghusgang mundo, sumiklab ang damdaming matagal nilang ikinadena. Ngunit ang kanilang pagmamahalan ay naging mitsa ng galit ng pamilyang Mejes, dahilan upang sila’y paghiwalayin at itapon si Loriene sa isang payak na buhay sa probinsya. Pagkalipas ng tatlong taon, nagbalik si Loriene bilang isang matagumpay na propesyonal—mas matatag, mas malamig, at hindi na ang babaeng minsang iniwan. Ngunit muling ginulo ng tadhana ang kanyang mundo nang magtagpo sila ni Jaxon, ngayo’y engaged na sa iba. Habang muling nag-aalab ang dati nilang damdamin, isang mas malalim na sikreto ang mabubunyag—isang katotohanang maaaring sumira o tuluyang magpalaya sa pag-ibig na kahit panahon, kasinungalingan, at paghihiwalay ay hindi kayang patayin..
10312 viewsOngoingAdded to Library 8 Times as quotes on secrets
Read
+Library
PREV
1
...
171819202122
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status