Filtrar por
Status de atualização
TodosEm andamentoConcluído
Ordenar por
TodosPopularRecomendaçãoAvaliaçõesAtualizado
TRAPPED IN HIS OBSESSION

TRAPPED IN HIS OBSESSION

Kabado akong sumiksik sa ilalim ng kama ko... Hindi ko alam kung anong nangyayari sa baba, pero naririnig ko ang pag-iyak ng aking ina. "M-master... maawa po kayo... wala pa po talaga akong pambayad sa utang ko..." Aniya ng aking ama, nanginginig ang boses, habang umiiyak. Napatakip ako sa aking bibig nang biglang bumukas nang malakas ang pinto ng kwarto. Nakita ko ang makintab na black shoes na marahan humahakbang sa sahig... nakita kong hinawakan nito ang picture frame na nakapatong sa drawer ko. Maya-maya, binitawan niya iyon at umikot sa kabilang side ng kwarto. Pinigil ko ang paghinga ko, halos gusto kong mawala sa paligid. Mahigpit kong niyakap ang munting teddy bear na iniregalo pa sakin ng aking ama noong 12th birthday ko... pero agad akong napatili nang may marahas na humila ng paa ko palabas sa pinagtataguan ko.
104.4K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 165 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
Dangerously Yours

Dangerously Yours

Isang gabi lang ang nagbago sa lahat. Si Marie isang simpleng babae ay napunta sa maling lugar sa maling oras. At sa isang iglap, nasangkot siya sa mundong hindi niya alam kung paano tatakasan. Isang mundong pagmamay-ari ni Solid isang malamig, makapangyarihan, at walang awa na mafia boss na sanay kontrolin ang lahat… maliban sa kanya. Noong gabing iyon, naging target si Marie. At si Solid ang nag-iisang taong kayang magligtas sa kanya. Ngunit sa halip na palayain siya pinili niya itong angkinin. Sa ilalim ng kanyang proteksyon, natutunan ni Marie ang katotohanan: ang mundo ni Solid ay puno ng dugo, lihim, at kapangyarihan—at kapag pumasok ka rito, wala nang balikan. Habang papalapit ang panganib, mas lalong lumalalim ang koneksyon nilang dalawa. Mula sa responsibilidad… naging obsession. Mula sa proteksyon… naging pag-aari. At sa isang mundong walang ligtas— si Solid lang ang kaya niyang sandalan. Pero ang tanong— ligtas ba talaga siya sa lalaking handang sunugin ang buong mundo… para sa kanya?
256 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 9 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
The Billionaires Pregnant Babysitter

The Billionaires Pregnant Babysitter

Tatlong buwan na siyang buntis—tinakbuhan sya ng boyfriend nya kaya wala syang katuwang sa buhay. Desperado din syang magkapera para sa operasyon ng kapatid. Sa ospital, isang batang umiiyak ang lumapit sa kanya, mahigpit na yumakap at tinawag siyang “Mama.” Bago pa man siya makapaliwanag, dumating ang bilyonaryong si Lucien Montclair. Sa halip na pasalamatan siya, pinagbintangan siyang nanlilinlang. Para sa lalaki, siya ay isang impostor—isang multo na nagpapaalala sa babaeng nang iwan dito. Ngunit nang malaman nitong desperado siya para sa pera, binigyan siya ng isang alok na hindi niya kayang tanggihan. Ang maging babysitter ng anak nito. Sa ilalim ng iisang bubong, araw-araw niyang nararamdaman ang bigat ng titig ng lalaki—galit, hinanakit, at isang mapanganib na pagnanasa na unti-unting kumakain sa kanila pareho. Sa pagitan ng kasinungalingan, galit, at isang lihim na hindi niya kayang ibunyag… paano kung ang lalaking kinamumuhian siya ang siya ring magpapatibok ng puso niya?
431 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 15 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Ang Lihim Ng Bilyonaryong Manugang

Pagkatapos ng pag-aaral sa isang sikat na unibersidad sa Amerika, bumalik si Aricella Vermillion sa Pilipinas para magbukas ng isang financial company kasama ang kanyang matalik na kaibigan. Siya ay parehong shareholder at direktor. Siya ay kinidnap noong isang taon at iniligtas ni Igneel Mauro, isang pulubi. Upang mabayaran ang kanyang kabaitan ni Igneel, inalok niya si Igneel na maging asawa niya. - Ang tagapagmana ng pamilyang Rubinacci ay pinaalis sa pamilya 10 taon na ang nakakaraan para sa isang pagsubok na ibinigay ng pamilya. Naging pulubi sa loob ng 9 na taon sa ilalim ng interbensyon ng pamilya hanggang natagumpayan niya ang pagsubok. Matapos siyang mailigtas ay pumasok siya sa buhay ni Aricella at naging manugang ng pamilya ni Aricella. Ano nga bang mangyayari sa buhay ni Igneel sa puder ng bagong pamilya o pamilya nga ba ang turing sa kanya? Alamin ang kuwento ni Igneel at ni Aricella .
9.677.2K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 2.0K Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
Tame The Hot Professor

Tame The Hot Professor

Si Chantal Iscobar ay ang definition ng spoiled princess. Maganda, mayaman, at lahat ng gusto niya ay nasusunod sa isang pitik lang. Kaya nang magpasya siyang bumalik ng Pilipinas mula sa Madrid, walang nagawa ang daddy niya kundi ang sumuko—sa isang kondisyon: Titira siya sa ilalim ng pangangalaga ni Stefano Guildhall. Si Stefano Guildhall, ay ang pinakapinapangarap na Professor sa unibersidad. Matangkad, seryoso, at may taglay na awtoridad na nakakatunaw. Siya rin ang matalik na kaibigan ng ama ni Chantal... at ang kanyang Ninong. Para kay Stefano, isang tungkulin lang si Chantal na kailangang bantayan. Isang sakit sa ulo na dapat disiplinahin. Pero para kay Chantal, si Stefano ang tanging laruan na hindi niya pa napaamo. Paano lalabanan ang tukso kung ang taong dapat nagpoprotektaang siya mismong nagtutulak sa iyo sa pagkakasala? Isang bawal na ugnayan. Isang mapanganib na laro. At isang pusong handang sumamba... kahit mali.
10268 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 6 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
Claimed by the father In-low

Claimed by the father In-low

Si Zania ay naging asawa lang ni Lance para gamitin at maliitin. Nang malubog ito sa utang, ibinenta siya nito sa sarili niyang ama—si Damian Vance, ang makapangyarihan at kinatatakutang amo. Napilitang pumirma si Zania sa kontrata, ngunit doon niya nalaman ang katotohanan: matagal na pala siyang hinahangad at inaabangan ni Damian. Hindi siya binili para lang bayaran ang utang, kundi dahil siya ang tanging bagay na hindi nito kayang palampasin. Inilayo siya ni Damian at itinuring na kayamanan at reyna, habang itinaboy at binalaan ang sarili niyang anak. Sa kabila ng bawal nilang ugnayan, ipinaramdam ni Damian kay Zania ang tunay na pagmamahal at halagang kailanman hindi naibigay ng asawa niya. Ngayon, sa ilalim ng proteksyon at pagmamay-ari ni Damian, nalaman ni Zania na kahit anong sabihin ng mundo... sa huli, ang mahalaga lang ay isa lang ang katotohanan: siya ay kanya, at kanya lang.
10176 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 4 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
Abo ng Pagtataksil

Abo ng Pagtataksil

Sa kaarawan ng anak ko, ang asawa ko ay hiniling sa kanyang first love na sunduin ang anak namin sa bahay. Noong nagpupumilit akong tumanggi na payagan siyang umalis, nagkaroon ng malaking sunog sa hallway habang nag-aaway kami. Tinamaan ako ng mga bumabagsak na piraso ng nasusunog na kahoy, at nagsimulang tumulo ang dugo mula sa ulo ko. Pero, ang anak ko ay ligtas habang nakahiga sa ilalim ko. Ang asawa ko, na bumbero, ay iniligtas kami. Pero ang binigyan niya ang nag-iisang gas mask sa kanyang first love. “Mahina ang pangangatawan ni Miss Leia. Ama, pakiusap ilabas mo muna siya. Ma, hintayin mo na iligtas ka ng ibang mga bumbero!” Pinanood ko silang umalis habang nakangiti ako ng ng mapait. Mukhang pareho na nilang nakalimutan na may matinding asthma ako at ang katotohanang mamamatay ako dahil wala akong gas mask.
2.2K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 43 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
One Night With The Tyrant Mafia

One Night With The Tyrant Mafia

Hindi alam ni Roselle na ang trabahong aapplyan niya ay dadalhin siya sa underworld para ibenta sa mga mayayamang tao, mafia, gangster at sindikato. Nabili ng isang matanda si Roselle pero tumakas siya sa kwarto kung saan siya ikinulong. Sa pagtakas niya ay pumasok siya sa isang kwarto, ang kwarto ni Darius Montemayor. Humingi ng tulong si Roselle kay Darius na iligtas siya. Binili ni Darius sa dobleng halaga si Roselle at dahil nasa ilalim ng droga si Roselle ay siniil niya nang halik si Darius. Paano kung ang isang gabing pagkakamali ay magbunga? Limang taon ang lumipas simula nang may nangyari sa kanila. Isang araw, dumating na ang presidente ng kompanyang pinagtatrabahuan ni Roselle. Nanlaki ang mga mata niya ng makilala niya si Darius Montemayor, ang presidente ng kompanya at ama ng kaniyang anak. Magkakaroon ba ng pagmamahalan sa pagitan nilang dalawa dahil sa anak nila? Paano kung malaman ng mga ito ang nakaraan ng kaniyang mga pamilya? Will they still love each other or will they kill each other?
10474 visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 15 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon

Betrayed by the Billionaire, Wedded to the Tycoon

Ethan was the perfect man-sweet, gentle, at mahal ni Alyanna. O iyon ang akala niya. Sa likod ng lahat ng iyon ay isang matinding pagtataksil na tuluyang sumira sa paniniwala niya sa pag-ibig. Ang babaeng inakala ni Ethan na mahina ay nawala na. Ngayon, siya na si Arabella Selene Madrigal Dela Vega-malamig, matapang, at hindi na kailanman magpapagamit muli. Isang arranged marriage ang nagbuklod sa kanya kay Giovanni Octavian Russo, isang makapangyarihang business tycoon na sanay makuha ang lahat ng gusto niya. At ang gusto niya ngayon-si Arabella. Dalawang beses nang nauwi sa wala ang kanilang kasal dahil sa pagtutol niya. Pero sa pangatlong pagkakataon, hindi na siya pakakawalan ni Giovanni. Sa ilalim ng iisang bubong, unti-unting mabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Mga lihim ang mabubunyag. Ngunit nang bumalik ang unang lalaking minahal ni Arabella-ang lalaking sumira sa kanya-napilitan siyang mamili. Between the past that broke her and the tycoon who refuses to let her go, will Arabella surrender to love... or lose herself again?
1012.7K visualizaçõesCompletoAdicionado à Biblioteca 305 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Ninong Sebastian's Untamed Desire (SPG)

Sa edad na dalawampu’t dalawa, mag-isa na lang sa mundo si Alina Torres. Maaga siyang naulila sa ama, at iniwan naman siya ng sariling ina para sumama sa ibang pamilya. Wala na siyang ibang mapupuntahan kundi ang taong kinatatakutan niya noon pa man—ang kanyang ninong, si Sebastian Villalobos, isang makapangyarihan at mayamang negosyante na kilala sa pagiging malamig, istrikto, at isang taong walang inuurungan. Ngunit sa ilalim ng malamig nitong anyo ay ang lalaking handang akuin ang responsibilidad na alagaan at ipagtanggol ang inaanak. Hindi niya alam kung paano tatanggapin si Alina sa buhay niya, lalo na’t habang lumilipas ang mga araw, hindi na inosente ang kanyang nararamdaman para rito. Samantala, si Alina naman ay nahahati sa pagitan ng takot at pagtitiwala. Takot, dahil alam niyang mahigpit at mapanganib ang mundo ng kanyang ninong. Pagtitiwala, dahil siya lang ang nag-abot ng kamay sa oras na lahat ay tumalikod sa kanya. Sa pagitan ng mga lihim, pangamba, at damdaming pilit nilang itinatanggi.
103.0K visualizaçõesEm andamentoAdicionado à Biblioteca 78 Vezes como sa ilalim
Ler
+Biblioteca
ANTERIOR
1
...
89101112
...
50
ESCANEIE O CÓDIGO PARA LER NO APP
DMCA.com Protection Status