Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
Raising The Billionaire's Child

Raising The Billionaire's Child

- Tagalog Novel - Hindi anak ni Hannah si Elisha, pero higit pa sa sariling dugo't laman na itinuring niya itong pamilya nang abandunahin ito ng tunay nitong mga magulang. Apat na taon na tumayo siyang ama at ina nang sabay sa bata. Until Elisha's biological parents suddenly reappeared in their lives. At bago pa mapagtanto ni Hannah ang nangyayari, binabawi na ng ama nito ang bata mula sa kanya. Pero gano'n na lang ba iyon? Matapos ang lahat ay tila siya pa ang masama? Up to what lengths could a mother go to keep her child? Kahit na hindi si Hannah ang nagsilang kay Elisha, gagawin pa rin niya ang lahat para ipaglaban ito.  Even if it would mean going against the dangerous Billionaire, Nate Sarmiento in the process. Kahit pa mukhang wala siyang karapatan, Hannah still raised his child and that’s an irreversible fact. But would Hannah survive the harsh treatment before she could even see Elisha again? If she would, what about from Nate’s charms? Could her inexperienced heart handle the danger of falling in love with a man who loves someone else?
9.746.7K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.5K Beses bilang sariling multo
Read
+Library
Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Finding Bilyonaryong Afam na Daks

Isang kwento ng limang magkakabata, magkakaklase at matalik na magkakaibigan na mga probinsyana na ang tanging pangarap ay magkapagtapos ng pagaaral upang maihaon ang pamilya sa kahirapan ngunit isang araw umuwi ang isa pa sa mga kababata nila mula Amerika at may dalang asawang Amerikano. Nakita nila ang malaking pagbabago ng buhay nito. Nakapagpatayo ng sariling bahay at nabigyan ng magandang buhay ang pamilya. Hindi nila napagilan ang sarilung mainggit rito ngunit ang mas lalong kinaiingitan nila ay ang gwapong mukha ng napangasawa nitong Afam na may malaking umbok sa harapan na noong nakita nila'y nahirapan silang lumunok. Simula noon bigla na lamang nagbago ang pangarap nilang lima, bukod sa pagtatapos ng pag-aaral ay dinagdag nila sa kanilang bucket list ang makapag-asawa ng Afam na mayaman, gwapo, yummy at higit sa lahat ay daks. Tunghayan kung saan dadalhin ang lima magkakaibigan na ito na sina SIting, Doring, Meling, Ajing at Aning sa kanilang mga pangarap sa buhay at samahan rin natin sila sa kanilang Operationg: Finding Bilyonaryong Afam na Daks.
9.912.8K viewsOngoingIdinagdag sa Library 357 Beses bilang sariling multo
Read
+Library
When The Mafia Falls In Love

When The Mafia Falls In Love

Ipinambayad si Angel Anzores ng kanyang tiyahin at tiyuhin sa kanilang pagkakautang matapos nilang itago ang kanyang nakababatang kapatid na si Angelo at pagbantaang ito ang ibebenta kung hindi siya papayag. Kaya walang nagawa ang dalaga kung hindi ang sundin ng mga taong umako sa kanilang magkapatid matapos mamatay sa isang car accident ang kanyang mga magulang. Si Salvatore Ravalli ay 35 years old at kilala sa tawag na “Tore” sa underground at isang malupit na mafia na siyang inutangan ng tiyuhin at tiyahin ni Angel at mahuhulog ang loob sa dalaga. Matatanggap kaya ni Angel ang lalaki na noong una ay nang-alipin sa kanya at tinakot gamit ang buhay ng sariling kapatid? Ano ang gagawin ni Salvatore kapag nalaman ni Angel na sangkot siya sa aksidenteng kumitil sa buhay ng kanyang mga magulang na naging dahilan upang masadlak silang magkapatid sa buhay na ibinigay sa kanila ng mga taong kumupkop sa kanila? Magagawa kaya ni Salvatore na mailigtas ang babaeng minamahal sa kamay ng mga malupit din niyang kaaway?
1076.8K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 2.7K Beses bilang sariling multo
Ipakita ang mga Review (20)
Read
+Library
MysterRyght
Hi po. Sobrang salamat po sa pagsubaybay sa story nila Salvatore at Angel. Kila Gracie, Irene Wong at Vanessa na nagregalo ng coins thank you so much po. Pati na rin sa mga nagbigay ng gems. Sobrang grateful po ako sa inyong generosity kaya sana po ay pagpalain pa po kayo ng Panginoon.
Erichine Asuncion
nakakaworry na nawala xa ng malay,bka yung ama ni victor ang nasa likod niyan...pero mas gusto ko mgpkapositive na nahilo lang sia kc buntis ulit sia and this time twin boys naman hahaha taz gud samaritan yung driver dinala sia sa hospital
Basahin ang Lahat ng Review
One Night of Beauty

One Night of Beauty

Markuz
Beauty Pareech is the definition of her own name, though she is dark skinned she embodies the qualities of a beauty queen. Ang kagandahang tagglay niya lang ang maipagpapasalamat niya sa kaniya'ng walang kwentang ama dahil sa murang eda pa lamang niya ay iniwan na sila nito. Isang trahedya ang nangyari sa kanyang ina na nagtulak sa kanya upang gawing ang bagay na pagsisisihan nita sa huli. For Winsley Aushwitz as the CEO of his company, it's a mist for him to be tough, dapat wala siyang inaatrasan maliban sa katotohana'ng pinagtaksilan siya ng kanyang fiance at ng sariling ama. Kaya't isang gabi ay nagpaubaya siya sa kanyang naghihinagpos na damdamin at ininlabas niya ang galit sa kakawang babae na ani mo'y isang iton na diyamante, kakaiba. Sila ay muling nagtagpo makalipas ang apat na taon na para bang nakatadhana. Pagbigyan kaya nila ang kanilang mga sarili na mahalin ang isa't-isa now that they have a reason? Pero buhay talaga ay mapaglaro at isang sekreto ang pilit na sisira sa kanilang namumukadkad na damdamin.
103.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 68 Beses bilang sariling multo
Read
+Library
Chasing Justice

Chasing Justice

Dalawang puso ang tumitibok at naglalayong magpaalab ng sumibol na pag-ibig sa hindi inaasahang pagkakataon at panahon. Ang pag-ibig na hindi mapapantayan ang inaalay ni Brael Montegarde at Hasumi Mitsunabi sa isa't isa. Ilang beses na pinaghiwalay ng tadhana subalit muling natatagpuan ang mga sariling tapat na sumisinta sa isa't isa at pinipiling iraos ang pag-ibig na pilit hinahadlangan ng mga taong nakapaligid sa kanila. Isang trahedya sa nakaraan ang muling binabalikan ng kasalukuyan. Ang madugong pagpatay sa mga magulang ni Brael at ang bangungot na patuloy na gumugulo kay Hasumi ay tila ba konektado.  Sa pagsiwalat ng katotohanan ay magugulantang ang mga pusong nagiibigan. Ang pumatay sa mga magulang ni Brael ay ang babaeng minamahal niyang si Hasumi.  Layunin ni Brael Montegarde ang maghiganti sa taong pumaslang sa mga magulang niya. Subalit guguluhin ng pagmamahal niya ang paghangad niya ng hustisya.  Kaya niya bang paslangin ang babaeng mahal niya? O mananaig ang pag-ibig na napunla sa mga puso nilang lubos na nagmamahal sa isa't isa?
104.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 112 Beses bilang sariling multo
Read
+Library
My Dream Lover, Came Back As My Boss

My Dream Lover, Came Back As My Boss

Tatlong babae. Tatlong kwento ng pag-ibig. Isang mundo ng bilyonaryo, lihim, at tadhana. Si Sheena del Fuente ang unang bumuo ng pag-ibig na akala niya ay panghabang-buhay—isang relasyon na sinubok ng panahon, sakit, at pagbabalik ng lalaking minsan niyang minahal. Kasunod niya si Antonette del Fuente—ang kanyang best friend at half-sister sa ama—isang simpleng front desk staff na biglang madadala sa mundo ng isang bilyonaryo. Sa isang napulot na magazine magsisimula ang lahat… at sa pagdating ni Gabby Ong, ang tagapagmana ng isang hotel empire, unti-unting mabubuksan ang pag-ibig na hindi niya inaasahan. Kasama nila si Carlo, isang makapangyarihang businessman na may sariling sugat ng nakaraan, na magpapakumplikado sa ugnayan ng magkakaibigan at magbubukas ng mga lihim na matagal nang itinatago. Tatlong magkakaibigan. Tatlong pusong susubok magmahal. Isang tadhanang hindi mo matatakasan. Sa mundo ng mga bilyonaryo, hindi lang pag-ibig ang nakataya—pati tiwala, pamilya, at katotohanan. Dahil minsan… ang pinakamalapit na tao ang siyang magpapabago ng lahat.
1.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 36 Beses bilang sariling multo
Read
+Library
THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

THE BILLIONAIRE’S MARTYR WIFE

Musika
Si Rebecca Jacinto ay ikinasal sa kaniyang matagal na kasintahan na si Roland Estrella. Matagumpay nilang naisagawa ang kanilang kasal subalit isang hindi inaasahang trahedya ang nangyari sa mismong araw na iyon. Nagkaroon ng amnesia ang kaniyang asawa dahil sa isang aksidente na tumagal ng ilang taon. Ang pangyayari na iyon ang naging dahilan upang magkaroon ng pagkakataon na pumasok sa buhay nila ang kaniyang biyenan na si Zenaida Estrella para pahirapan siya. Sa kabila ng masamang pagtrato ng kaniyang sariling biyenan ay nanatili siya at hindi sumuko. Patuloy pa rin niyang pinagsisilbihan ang asawa. Ngunit lingid sa kaniyang kaalaman na iyon ang magiging mitsa para mas lalong umapaw ang galit ng kaniyang biyenan para paghiwalayin silang mag-asawa. Dinala pa nito ang ex-girlfriend ng kaniyang asawa na si Cynthia Sebastian na tanging nakikilala ng kaniyang asawa. Hanggang saan tatagal ang pagiging martyr na asawa ni Rebecca? Handa ba siyang ipaglaban ang kaniyang pagmamahal sa asawang hindi siya maalala o susuko na lang at ipauubaya sa iba ito?
101.1K viewsOngoingIdinagdag sa Library 34 Beses bilang sariling multo
Read
+Library
GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

GAGAYUMAHIN SI ULTIMATE CRUSH (The Palpak Version)

Hindi siya kagandahan alam niya. Minsan tinatawag pa siyang mukhang weirdo pero wala siyang pakialam. Siguradong-sigurado siya na mapapasakanya ang gwapong-gwapong si Clyde del Espania dahil umaasa siya sa gayuma na nakasulat sa libro ng lola niya. Paano naman kung ang lahat nang panggagayuma niya ay nauudlot dahil sa kinaiinisang kambal nito na si Kyle del Espania? Alam ng lalaki na patay na patay siya sa kambal nito kaya't tinutulungan siya ni Kyle kung paano siya mapapansin at magugustuhan ni Clyde. May sariling layunin din kasi ang lalaki. Gusto nitong mabawi ang babaeng mahal nito na si Claire na siya ngayong fiancee ng kambal. Pero paano pa niya ipagpapatuloy ang usapan nila kung siya mismo ang parang nagagayuma sa kambal ng lalaking kinababaliwan niya dati? Paano kung si Kyle na pala ang itinitibok ng puso niya? Makukuha niya rin kaya ito sa gayuma kahit alam niyang mahal na mahal pa rin nito ang ex nitong si Claire?
1040.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 1.4K Beses bilang sariling multo
Read
+Library
Beauty Hates the Beast

Beauty Hates the Beast

IamGorgeousBlack
Matigas ang ulo, matalas ang dila, at spoiled brat. Ganyan si Leticia Traviesco, isang anak ng gobernador. Lumaki siyang may ginintuang kutsara sa bibig. Ngunit nakukuha man ang lahat ng gusto, may isang bagay ang kulang sa kanya—ang kalayaan niya. Kahit saan magpunta ay palaging may nakasunod sa kanyang bodyguard. Kaya madalas, tinatakasan niya ang mga ‘yon kahit na gaano pa katindi ang pagbabantay ng mga ito sa kanya. Pero makakahanap ng katapat si Leticia nang mag-hire ng bagong bodyguard ang ama niya, si Kane Cueves. Sa una pa lang ay badtrip na si Leticia sa binata dahil sa pangyayari nang una silang magkatagpo. Idagdag pang tila daig ng binata ang GPS. Kahit saan siya magpunta ay natutunton siya nito. At ang malala, dahil sa isang pangyayari ay tuluyang maglalaho ang kalayaang inaasam-asam ni Leticia. Sa isang iglap, natagpuan na lang niya ang sariling nakakulong sa bisig ni Kane. And the worst is, he has no plans to let her go. Paano na lang siya makakalaya mula sa isang Kane Cueves?
1.4K viewsOngoingIdinagdag sa Library 42 Beses bilang sariling multo
Read
+Library
The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

The Nanny of the Cold Billionaire CEO'S Heartless Son

Si Violet Rodriguez, isang masayahin at madiskarteng dalaga, ay may madilim na nakaraan na pilit niyang kinakalimutan. Nagpasya siyang magtrabaho bilang babysitter, kung saan nakilala niya ang iba't-ibang tao, kabilang na ang bilyonaryong si Black at ang kanyang anak. Sa kanyang pagtatrabaho, hindi lamang ang puso ng bata ang kanyang napaamo, kundi pati na rin ang puso ng ama. Ngunit ang kanyang tahimik na buhay ay muling nagulo nang dahil sa mga taong nag hahabol sa kayamanang meron si black Sa gitna ng mga pagsubok, pagtatangka sa kanyang buhay, at mga lihim na nabubunyag, natagpuan ni Violet ang pag-ibig kay Black. Ngunit ang kanilang relasyon ay hindi naging madali, lalo na nang dumating ang mga taong gustong silang paghiwalayin at gamitin sila para sa kanilang sariling interes. Paano niya ipaglalaban ang pag-ibig at katotohanan kung ang kanyang iniingatang pamilya ay nadamay sa isang brutal na paghihiganti? Makakamit ba niya ang hustisya para sa pamilya, at maabot ang kapayapaan at kaligayahan na matagal na niyang hinahanap?
525 viewsOngoingIdinagdag sa Library 20 Beses bilang sariling multo
Read
+Library
PREV
1
...
1718192021
...
36
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status