Filter dengan
Status pembaruan
SemuaSedang berlangsungSelesai
Sortir dengan
SemuaPopulerRekomendasiRatingDiperbarui
Under the Mayor's Command

Under the Mayor's Command

Isang gabing pagkakamali, isang panghabambuhay na iskandalo. Si Rosita Alonzo, isang matapang at masipag na dalaga, ay pumasok bilang katulong sa mansyon ng mga Zaviere sa pag-asang matatakasan ang kahirapan. Ngunit sa isang gabing nilunod ng alak ang kanyang katinuan, isang maling pinto ang kanyang nabuksan . . . isang maling kama ang kanyang nahigaan. Ang silid na iyon ay pagmamay-ari ni Alexander Zaviere, ang makapangyarihang Mayor ng lungsod. Si Alexander ay ang perpektong lider sa mata ng publiko, gwapo, matalino, at kagalang-galang. Ngunit sa likod ng mga pader ng kanyang mansyon, siya ay isang lalaking nilalamon ng pait at pangungulila matapos ang pagkamatay ng kanyang asawa. Ang agwat ng kanilang edad na dalawampung taon at ang malaking pagkakaiba ng kanilang katayuan sa buhay ay dapat sapat na upang hindi sila magtagpo, ngunit ang init ng gabing iyon ay nag-iwan ng apoy na hindi na nila kayang apulahin. Sa bawat palitan ng titig at bawat pagkakataong magkalapit sa loob ng mansyon, unti-unting nahuhulog ang loob ni Alexander sa dalagang muling nagparamdam sa kanya na siya ay buhay. Ngunit ang kanilang bawal na ugnayan ay mitsa ng isang malaking pagsabog. Nang kumalat ang isang iskandalosong larawan ng Mayor kasama ang kanyang batang katulong, nanganib ang kanyang karera at ang dangal ni Rosita. Upang protektahan ang kanyang titulo at ang kaayusan ng lungsod, pinili ni Alexander ang pinakamasakit na paraan, ang itaboy si Rosita palayo sa kanyang mundo. Ngunit sa pag-alis ng babaeng nagpatibok muli ng kanyang puso, ramdam ni Alexander na ang kapangyarihan ay walang silbi kung ang puso niya ay muling magiging bilanggo ng lungkot. Handa ba niyang isuko ang kanyang korona at posisyon para bawiin ang babaeng itinuring niyang isang "pagkakamali"? O hahayaan na lamang niyang maging isang mapait na alaala ang pag-ibig na nagligtas sa kanya mula sa dilim?
101.8K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 61 kali sebagai silid
Baca
+Pustaka
Owned by Mr. XXL (SSPG R-18)

Owned by Mr. XXL (SSPG R-18)

Isang gabi. Isang malaking pagkakamali—na hinding-hindi pagsisihan ni Avery. Sa kagustuhang takasan ang toxic niyang ex, napadpad siya sa Fantasy Lounge, isang mamahaling underground BDSM club kung saan ang bawat pantasya ay may presyo. Ang plano lang niya? Uminom sa madilim na sulok at manood. Ngunit hindi niya alam, kanina pa nakatitig sa kanya ang isang pares ng mapanganib na mga mata. Si Xavier Sterling. Siya ang pinakamahal at in-demand na "special premium gigolo" ng club. Disente, may napakagwapong mukha, at matipunong katawan na sculpted to perfection. He is dominance personified na may malalim na boses at angking laki na kayang magpasuko sa kahit na sinong elite na babae. Nang maglakas-loob si Avery na umorder ng gigolo para sa isang gabi, isang twist ang nangyari. Nabihag sa ganda niya, si Xavier mismo ang pumasok sa silid imbes na ang kanyang tauhan. Doon niya ipinalasap kay Avery ang pinakawild at pinakahot na sarap na nagpabago sa buhay ng dalaga. Akala ni Avery, natapos ang lahat sa gabing 'yon. Ang hindi niya alam, si Xavier ay hindi isang simpleng gigolo. He is actually a multi-billionaire tycoon at ang misteryosong may-ari ng buong imperyo ng Fantasy Lounge at ginagawa lang nitong libangan ang pagiging gigolo para sa sariling kasiyahan. Kinabukasan, laking gulat ni Avery nang makaharap ang lalaking umangkin sa kanya, hindi sa club, kundi sa boardroom ng korporasyong papasukan niya bilang bagong corporate secretary. Doon, nakatayo si Xavier sa kanyang mamahaling suit bilang ang malamig at striktong CEO. Sa isang mapang-angking sulyap nito, alam ni Avery na huli na ang lahat. Sa opisina, siya ang kanyang bilyonaryong boss. Pero pagpatak ng gabi, siya ang Master na nagmamay-ari sa bawat hibla ng katawan niya. Kaya mo bang panindigan ang maging pag-aari ng isang bilyonaryong nagpapanggap na gigolo?
10404 DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 14 kali sebagai silid
Baca
+Pustaka
Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Chasing Mr. Billionaire [SSPG]

Bata pa lamang si Sam ay bukambibig na niya na si Vaughn ang lalaking kanyang magiging asawa — na kaibigan ng nakakatanda niyang kapatid. Kahit malaki ang agwat ng kanilang edad at nakakabatang kapatid lamang ang turing nito sa kanya. Madalas nga ay nagpa-practice na siya sa pagsusulat at idudugtong ang apelyido ni Vaughn na Lopez sa kanyang buong pangalan na Samantha Santos. Inspirasyon din niya ito sa kanyang pag-aaral para maipagmalaki siya nito. Samantalang ang binata ay may nobya sa katauhan ni Yvonne — childhood sweetheart ng binata. At nangako na pagkatapos ng sampung taon nito sa modelling career ay magpapakasal na silang dalawa at iiwanan ni Yvonne ang modelling para sa bubuuin nilang pamilya. Nang malaman iyon ni Sam ay labis nitong ininda ang balitang iyon — hindi kumain ng ilang araw, tumangis nang tumangis sa kanyang silid, napabayaan ang pag-aaral at naging sakitin. Hanggang sa isang araw ay makabuo siya ng plano — ang pikutin si Vaughn. Hindi naman siya nagtagumpay dahil nahulaan agad ng binata ang kanyang masamang balak. Sa kasamaang palad ay hindi natuloy ang kasal nila Vaughn at Yvonne. Sinamantala naman ni Samantha ang pagkakataon na ligawan si Vaughn. Wala siyang pakialam kung siya ang humabol sa binatang CEO. Walang nakapigil sa kanya kahit ultimo ang sariling pamilya dahil katwiran niya ay nasa tamang edad na siya at tapos na sa pag-aaral. Ngunit, tila naging bato na yata ang puso ng binatang Bilyonaryo dahil kahit anong panunuyo niya rito ay hindi talaga siya nito pinapansin. Igi-give up na ba niya ang pagmamahal kay Vaughn at ibabaling na lamang ang atensyon sa nakababatang kapatid nito na matagal nang may gusto sa kanya? O maghihintay pa rin siya na mapansin ni Vaughn kahit mayroon na ulit itong bagong nobya?
102.6K DibacaOngoingDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 100 kali sebagai silid
Baca
+Pustaka
MY ASSASSIN WIFE

MY ASSASSIN WIFE

Pahayag ng May-akda: Lahat ng ito ay isang kathang-isip lamang, kung may mga pangalan, lugar o taong magkatulad sa bida nitong kwento ay hindi sinasadya. -May-akda: Inday Stories. Sky POV HABANG. Habang nasa loob ako sa aking silid ay paulit-ulit kong pinanood ang mga videos ng aking pamilya. Kung may makakita lang sa akin ay sasabihin 'para kang baliw' dahil tumatawa at umiiyak habang pinanood ko itong mag-isa. "Mama, Papa, Bunso! Miss na miss ko na kayong tatlo!" sabi ko habang nakatingin sa TV. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin matanggap na wala na sila. Sariwa pa rin sa aking isipan kung paano sila namatay na wala akong magawa. Hanggang natapos ang pinanood ko saka ko naman kinuha ang isang memory card may nakadikit na maliit na papel 'TRUE IDENTITY' -dahil sa aking curiosity ay agad ko itong sinalang sa aking laptop upang mapanood ko ang laman dito. "Anak, kung napanood mo ito ay siguradong may masamang nangyayari sa aming ng Mama mo. Kung sakaling may taong maghahanap o magtatanong kailangan mong itago ang tunay mong pagkatao. Ayaw namin ng iyong Ina na ikaw ang papalit sa kanyang trono bilang isang Mafia, ayaw kong matulad ka naming na maraming napatay na tao o ha-huntingin ka ng mga kalaban namin noon. Ito ang tunay na pagkatao namin anak. Ako at ang iyong ina ay anak ng isang makapangyarihang tao ang iyong ina ay isang prinsesa ng mga Mafia at kalaban namin sa aming organisasyon na kinabibilangan ko. Isa ako anak ng ikatlong Mafia sa Dark Moon, naging hadlang ang iyong Lolo ama ng iyong Ina kung kaya't nagtago kami at bumaba ako bilang isang Mafia prince upang mamuhay nang simpleng mamamayan ganoon rin ang iyong Ina.
7.931.1K DibacaTamatDitambahkan ke Perpustakaan sebanyak 746 kali sebagai silid
Baca
+Pustaka
Sebelumnya
123456
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status