Filter By
Updating status
AllOngoingCompleted
Sort By
AllPopularRecommendationRatesUpdated
MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

MARRIED AFTER ONE SINFUL NIGHT (SSPG)

Dahil sa kalasingan, maling silid ang napasukan ni Solar. Paggising niya kinabukasan ay katabi na ang kilalang ruthless and cold CEO, si Caellune Santorre. Gulat, takot, at hiya ang naramdaman ng dalaga. Kaya agad niyang tinakasan ang binata. Pinilit kalimutan ni Solar ang nangyari, ngunit nang kausapin siya ng mga magulang tungkol sa kasal ay parang binagsakan ng langit ang dalaga. Pero wala siyang choice nang ipilit ng mga magulang ang kasal bilang kabayaran sa utang ng pamilya. Ngunit hindi inasahan ni Solar ang mas malalang twist. Ang lalaking tinakasan niya matapos ang makasalanang gabi, ito pa lang ang mapapakangasawa niya. Akala ni Solar nakalimutan nito ang nangyari sa kanila. Pinagbintangan siya ni Caellune na sinadya niyang mapalapit dito para akitin ito. Hindi naging maganda ang trato ni Caellune kay Solar. Pero habang tumatagal, napapansin niya na may mga lihim na itinatago si Caellune. Mga kwartong bawal pasukin. Mga tawag na biglang pinapatay. At mga mata nito na tila puno ng sakit at galit sa nakaraan. Ngunit habang tumatagal ay unti-unting nabubuo ang damdaming hindi nila inaasahan. Pero paano kung ang pagmamahal na nagsisimula pa lang ay masira nang bumalik ang babaeng unang minahal ni Caellune? Mapapatawad ba ni Solar ang lalaking sinumpa niyang kamumuhian? O tuluyan na silang sisirain ng mga sikreto at kasalanang pilit nilang nililibing sa nakaraan?
108.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 280 Beses bilang silid
Read
+Library
Trapped by My Twins’ Billionaire Daddy

Trapped by My Twins’ Billionaire Daddy

Ginawang patibong ni Liana ang sarili nilang birthday party upang linlangin ang kakambal niyang si Lara. Nilasing nila ito at dinala sa silid ng isang estranghero upang palabasing niloko ang fiancé niyang si Adrian. Lingid sa kaalaman ni Lara, matagal nang lihim na magkasintahan sina Adrian at Liana. Magkasabwat ang dalawa sa planong sirain ang kanyang buhay at tuluyan siyang mawala sa kanilang landas. Dahil sa patibong nila, iniwan siya ni Adrian, itinakwil ng sarili niyang pamilya, at tinangka pang patayin. Pero nakaligtas si Lara at nagpunta sa ibang bansa. Limang taon ang lumipas, bumalik si Lara sa Maynila kasama ang dalawa niyang genius na anak. Handa na siyang bawiin ang lahat ng nawala sa kanya—at pagbayarin si Liana at mga taong sumira sa buhay niya. Pero hindi niya inaasahang muling makikita si Renzo Valmonte—ang makapangyarihang lalaking nakasama niya noong gabing nagbago ang buhay niya. Nang makita ni Renzo ang kambal na kamukhang-kamukha niya, agad nitong hinarangan si Lara. “Lara, magpaliwanag ka. Bakit kamukhang-kamukha ko ang kambal?” Napatigil si Lara. “I-Iba ang iniisip mo.” Mabilis niyang hinila ang dalawang bata sa harap ni Renzo. “Mga anak, tawagin n’yo siyang Tito Renzo.” Biglang dumilim ang mukha ni Renzo. “Hindi,” mariin niyang sabi. “Daddy ang itawag n’yo sa akin.”
13 viewsOngoing
Read
+Library
A Love Reclaimed: Fated To Love You

A Love Reclaimed: Fated To Love You

"Zack, tatlong taon na tayong kasal, at ni minsan ay hindi mo pa ako sinipingan. A-ayoko na, Zack, hindi ko na kaya pa, kaya naman sumusuko na ako sa pagsasama nating ito para maging masaya ka na kasama ang tunay mong minamahal. H-hindi ba't ito naman ang gusto mo? Ang makalaya sa kasal na ito?" Garalgal at may halong pait na tanong ni Rhian. "Pagkatapos ng gabing ito, hanapin mo na siya at puntahan. Ngunit sa ngayon, isipin mo na lang na kabayaran ito sa pagmamahal na inilaan ko sa iyo sa loob ng nakaraang mga taon..." Matapos sabihin iyon ni Rhian, yumuko siya at mapangahas na hinalikan sa labi si Zack na ngayon ay nasa kaniyang ilalim, naghahalo ang kaniyang kasabikan at kawalan ng pag-asa. Parang isang gamu-gamo na siyang dumapo mismo sa apoy na siyang tutupok sa kanya. "Rhian, ang lakas ng loob mong gawin ito!!!" Alam niyang marumi ang kanyang mga paraan. Gusto lang maangkin ni Rhian ang asawa sa una at huling pagkakataon. Pagkatapos ng gabing ito, siya ay lalayo. Ngunit ang una at huling na pinagsaluhan nilang dalawa ay nagbunga at sa kanyang pagbabalik ay muli silang nagkita... “Zack, bitiwan mo ako! Baliw ka ba? Nasa isang pribadong silid tayo! Maaaring may pumasok anumang oras!” Ang kanyang ex-husband na ‘hindi siya minahal ay hinahalikan siya ngayon... ngayon, ito naman ang naghahabol sa kanya!
9.890.7K viewsOngoingIdinagdag sa Library 2.4K Beses bilang silid
Read
+Library
THE KING'S BILLIONAIRE SPY QUEEN

THE KING'S BILLIONAIRE SPY QUEEN

Parehong mayaman at makapangyarihan si Thorn at si Iris. A king of his country at ang bilyonaryang babae na isang ex Marines ng kalabang bansa na may kompanyang pagawaan ng warships at fighter jets. Kay Iris nakasalalay ang kapayapaan upang itigil ni Thorn pang samantala ang gyera sa pagitan nila. Pero hindi makapag desisyon si Iris dahil minsan na syang sinabihan ni Thorn na sya ang pinaka unang papatayin nito pag may pagkakataon sya dahil si Iris ang mag ari ng mga warships na sumakop sa dating mahinang bansa nila Thorn, pero ngayong mas malakas na sila ay sasamantalahin na ng lalaki ang gumanti at kay Iris nya yun unang gagawin. Pwersahan nyang pinapunta ang babae sa kanilang bansa at ginawang alipin, katulong, parausan. Hindi nya alam na lihim na ding isa palang spy ang babae na nagmamanman at napag alamang plano ng bansa nilang irescue sya pero napamahal na sya kay Thorn. Pagtataksilan nya ang kanyang sariling bansa para manatili na lang sa piling ng lakaki. Pero paano nya mapapa amo ito? walang tiwala sa kanya si Thorn pero nawawala ang pagka brutal nito pag nagsasalo sila sa kama. Hanggang sa mapapatunayan nito ang kanyang katapatan sa kanya minsang may mag tangka sa buhay ng lalaki at magagawa nya itong ipagtanggol. At mula noon ay mula sa pagiging bilanggong katulong sa kanyang silid ay nais na nya itong laging nasa tabi nya at gusto pang gawin kanyang Reyna.
117 viewsOngoingIdinagdag sa Library 2 Beses bilang silid
Read
+Library
Married to a Heartless Ugly Billionaire

Married to a Heartless Ugly Billionaire

Sa madilim na sulok ng kanyang silid, isinumpa ng isang lalaki ang kanyang kapalaran. Ipinanganak na may birthmark na halos sakop ang kalahati ng kanyang mukha, lumaki siyang iniiwasan ng mga tao—at sa huli, siya na mismo ang lumayo. Ang tanging nagmahal sa kanya ay ang kanyang mga magulang, ngunit kahit ang sariling kapatid ay hindi pa siya nasisilayan. Dahil sa mga pangungutya at pag-iwas ng iba, isinara na niya ang kanyang puso—lalo na pagdating sa mga babae. Hindi na niya hinangad na mahalin o mahalin pa ng iba. Ngunit nagbago ang lahat nang dumating ang isang babaeng katulong sa kanilang bahay. Sa hindi niya maipaliwanag na dahilan, naagaw nito ang kanyang atensyon. May kakaiba rito, at hindi niya mapigilan ang sariling mahulog. Ngunit isang araw, isang lihim na usapan ng kanyang mga magulang at ng babaeng iyon ang kanyang narinig—isang kasunduang pag-aasawa kapalit ng malaking halaga. Isang pagtataksil. Isang panloloko. Sa galit at pagkasuklam, isinumpa niya ang babae. "Gold digger!" Wala itong pinagkaiba sa lahat ng iba pang tao. Mula noon, nagbago ang kanyang pagtingin dito. Hindi na pagmamahal ang nais niyang ipadama—kundi paghihiganti. Pero hanggang kailan niya maitatanggi ang tunay niyang nararamdaman? At totoo nga bang panloloko lang ang naging dahilan ng babae sa paglapit sa kanya? Abangan ang kanilang kwento—isang kasunduang puno ng sakit, galit, at isang pag-ibig na pilit na itinatanggi.
101.5K viewsOngoingIdinagdag sa Library 60 Beses bilang silid
Read
+Library
THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

THE KATULONG WHO BECAME THE STEPMOTHER

Akala ni Vera Mendoza ay nasa tamang landas na ang kanyang buhay kasama ang live-in partner niyang si Draven Villareal. Ngunit isang gabing puno ng dilim at pagkakamali ang tuluyang sumira sa lahat. Sa isang madilim na silid ng hotel, inakala ni Vera na si Draven ang lalaking nakapiling niya. Kinaumagahan, umalis siya nang hindi man lang nasilayan ang mukha nito. Buo ang paniniwala niyang ang lalaking minamahal niya ang nakasama niya noong gabing iyon. Ngunit pag-uwi niya, nadatnan niyang nakikipagtalik si Draven sa ibang babae. Sugatan at wasak ang puso, pinili niyang lumayo, hindi alam na may dinadala na pala siyang lihim na bunga ng gabing iyon. Lumipas ang mga taon at muli silang pinagtagpo ng tadhana. Ngunit ang mas nakakagulat, nalaman ni Vera na ang lalaking nakasama niya sa hotel ay hindi pala si Draven... kundi ang sarili nitong ama. Dahil sa sunod-sunod na pangyayari, nauwi sa kasalan ang dalawa. Ang dating live-in partner ni Draven... ay naging asawa ng kanyang ama. Ang babaeng minsan niyang minahal ay tatawagin na niyang stepmother. Ano ang mangyayari kapag nabunyag ang buong katotohanan? Paano haharapin ni Draven ang babaeng dati niyang minahal na ngayon ay kanyang madrasta? At paano kung ang batang matagal niyang inakalang anak ay anak pala ng sarili niyang ama? Sa mundong puno ng maling akala, pagtataksil, at lihim, kaya bang paghilumin ng katotohanan ang mga pusong matagal nang nasugatan? O mas lalo lamang nitong guguluhin ang pamilyang nabuo sa isang gabing hindi dapat nangyari?
9.98.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 181 Beses bilang silid
Read
+Library
PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

PAINT ME NAKED - FREE PHILLIAN ZODIAC

RISE ABOVE THE ZODIACS SERIES | Dos - PISCES Free Phillian Zodiac is a frustrated painter and a full-time fisherman. Mula gabi hanggang madaling araw ay nasa gitna ito ng karagatan kasama ang mga tauhan para mangisda, at sa umaga naman ay tulog at nagtatago sa araw. In the afternoon, when the sky is red, he would go out of his room and sit on his veranda overlooking the mountains and the sea, and from there, he would start painting. He paints everything his eyes could see, and not a lot of people know this. Isang hapon, habang nasa veranda siya ng kaniyang silid at ipinipinta ang karagatan ay may nakita siyang palutang-lutang na kahoy sa dalampasigan. Using his binoculars, he learns that it isn't just a piece of wood but a raft with a person on it. An unconscious--probably almost dead person who might need some help. Naisip niyang baka isa iyon sa mga mangingisdang nagkaroon ng aksidente sa gitna ng karagatan. At dahil siya ang nakakita ay responsibilidad niyang tulungan ang taong iyon, lalo at nasa bahagi ito ng beach na pag-aari na ng pamilya niya. Nang marating niya ang baybayin ay saka niya napagtantong hindi mangingisda ang naroon, but a woman wearing a bridal gown. Nakadapa ito at nanginginig sa lamig. He saved her and brought her to his place. His female assistant nursed her, and when she woke up the next morning, she claimed to have no memory of the night before. Naisip niya na maaaring nagka-trauma ito kaya nalimot ang nangyari, pero anong gulat niya nang magkaharap sila sa unang pagkakataon ay bigla siya nitong pinagmumumura at binato ng kung anu-anong madampot nito. Odd, but she knows him, and she is furious at him. Bakit daw hindi siya sumipot sa kasal nila? Like, what the f*ck?
1010.9K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 271 Beses bilang silid
Read
+Library
My Possessive Maniac Doctor!

My Possessive Maniac Doctor!

“I had you first, and I won’t let any man get close to you!” -Dr. Kent Marcus Smith “I am Kent Marcus Smith, AKA Dr. Smith, 34 year old, a handsome cardiologist. Born in America but my heart is purely pinoy. They say I am a good person-that’s what they believe. What they don’t know is that, I have a dark secret. I met this girl, a beautiful young lady, took advantage of her weakness and innocence years ago, and now I'm back , I offered her to be my secretary and planned to completely make her mine”. “Hindi ko ito gusto, pero kinailangan kong gawin. Ipinangako ko sa sariling aayusin ang aking buhay sa kahit na anong paraan, lumaki ako sa magulong pamilya at ngayon, pinili kong tumayo sa sarili kong paa para makatakas sa kanila. Ako si Mikaela Ramirez, ang babaeng ibinenta ang sarili sa hindi ko nakikilalang tao sa edad na 20 at ngayon ito ay “Sugar Daddy” ko pa. Yes, hindi ko sya kilala dahil sa tuwing may mangyayari sa amin ay hindi ko sya nakikita dahil sa sobrang dilim ng kwarto. Isa ito sa mahigpit na Rule ng aking Sugar Daddy- Bawal ang may kahit na ano mang liwanag sa loob ng silid kung saan kami nag-kikita. Oo imoral akong tao, pero ito ang nagbigay pagkakataon sakin para makapag-aral ng Nursing sa Prestihiyosong Paaralan. Hangang sa makatangap ako ng letter mula sa kanya at sinabing-Hindi sya makikipag kita sa akin ng ilang buwan o taon pero siguraduhin ko daw na walang ibang gagalaw sa akin bukod sa kanya dahil tuloy-tuloy pa din ang suporta na ibibigay nya at sa pag balik nya, ihanda ko daw ang aking sarili. Should I be scared? Hmm I’m not, matagal na akong patay, pero kelangan ko lang mabuhay.”
102.3K viewsOngoingIdinagdag sa Library 45 Beses bilang silid
Read
+Library
ANG PIYAYA NI PIPAY

ANG PIYAYA NI PIPAY

“Pipay!” galit na sigaw ng aking madrasta mula sa kanyang silid habang abala sa pag-aayos ng kanyang mukha. Halos magputok ang ugat sa kanyang leeg, na para bang ako ang dahilan ng lahat ng problema niya sa buhay. “Bakit po, Madam?” mahinahon kong sagot habang tuloy sa paglalampaso ng sahig. “Madam”—iyon ang itinawag niya sa akin mula pa noong una, at dahil sa takot, hindi ko na rin inusisa kung bakit. Ako nga pala si Piazza Fontana Vega, o mas kilala bilang Pipay. Dalawampu’t dalawang taong gulang na ako, ngunit hanggang Grade 5 lang ang naabot ko. Natigil ako sa pag-aaral noong mag-asawa muli ang aking ama. Simula noon, naging parang alipin na ako ng aking madrasta. Araw-araw, pareho lang ang eksena sa bahay. Ako ang gumagawa ng lahat ng gawain habang si Madam at ang kanyang anak na si Claire ay nag-e-enjoy sa luho ng buhay. Pero kahit ganoon, may lihim akong pangarap. Minsan, sa mga tahimik na gabi, iniisip ko kung darating ba ang araw na makakawala ako sa ganitong sitwasyon. “PIPAY!” muling sigaw ng aking madrasta, na tila mas nagiging galit pa. Agad kong iniwan ang mop at tumakbo sa kanyang kwarto. Kailangan kong magmadali. Kapag natagalan ako, mas matindi ang parusa. “Madam, may kailangan po ba kayo?” magalang kong tanong sa aking Madrasta. "Bakit ba ang bagal mong kumilos? HETO! Labhan mo pati ang damit ng anak ko!” sigaw niya, sabay hagis sa akin ng maruruming damit. Tumama ito sa aking mukha, pero wala akong nagawa kundi damputin ang mga ito. “Opo, Madam,” sagot ko, habang pinipigil ang pagbagsak ng luha.
1022.0K viewsKumpletoIdinagdag sa Library 615 Beses bilang silid
Read
+Library
Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Mr. Billionaire Professor And Her Ugly Student

Sa likod ng nagniningning na ginto at karangyaan ng Golden University, isang mapanganib na laro ng panlilinlang ang nagaganap. Si Laria, isang elite spy, ay bihasa sa pagiging anino. Upang matagumpay na maisagawa ang kanyang misteryosong misyon, pinili niyang itago ang kanyang tunay na ganda sa likod ng isang pangit at hindi kapansin pansing anyo makapal na salamin, pekeng dungis sa mukha, at isang mahiyain na personalidad na madaling balewalain ng mapanghusgang lipunan ng unibersidad. Sa paningin ng lahat, siya ay isang hamak na iskolar na walang puwang sa mundo ng mga elitista, ngunit sa likod ng maskarang ito ay isang matalas na isipan na nagmamanman sa bawat kilos ng mga nasa paligid niya. Ngunit ang katahimikan ng kanyang pag iispya ay magugulo sa pagdating ni Professor Drake. Sa umaga, siya ang misteryoso, malamig, at nakakalunod ang presensya na guro na kinatatakutan at hinahangaan ng lahat. Ngunit sa ilalim ng kanyang mamahaling suit at matatalas na titig, si Drake ay isang mafia billionaire na may mas malalim at madugong agenda. Pumasok siya sa unibersidad hindi upang magturo, kundi upang bawiin ang isang mahalagang pag aari ng kanyang pamilya at lipulin ang mga traydor na nagtatago sa loob ng akademya. Ang bawat leksyon sa loob ng silid aralan ay tila isang interogasyon, at bawat titig niya kay Laria ay tila unti-unting nagbabaklas sa pader na itinayo ng dalaga. Habang nagtatagpo ang kanilang mga landas sa gabi bilang mga estrangherong magkalaban sa misyon, at sa araw bilang guro at estudyante, isang matinding tensyon ang mabubuo. Sa unibersidad na binuo ng mga lihim, kailangang mag ingat ni Laria dahil ang lalaking nagmamasid sa kanya mula sa unahan ng klase ay ang siya ring lalaking maaaring maging pinakamalaking hadlang sa kanyang misyon o ang tanging makakapagligtas sa kanya.
289 viewsOngoingIdinagdag sa Library 8 Beses bilang silid
Read
+Library
PREV
123456
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status