The Rebirth of Love
Pagdating namin, nag-order agad kami ng pagkain at binuksan 'yung laptop n'ya para mag-search ng kahit ano tungkol kay Princess Ariadne.
"Oh, my gosh! The designer was right! Kamukhang-kamukha mo nga si Princess Ariadne! Look…” biglang bulalas ni Zara sabay pihit ng laptop n'ya paharap sa'kin.
Bumungad sa'kin 'yung portrait ng isang Egyptian princess na kung sa biglaang tingin ay mapagkakamalan ngang ako. We really look so much alike with each other. Maliban sa complexion, eye color, hairstyle, at estilo ng pananamit ay wala na kaming halos pinagkaiba. At kahit nakita ko na s'ya sa portrait sa bahay ni Ruan, hindi ko pa rin maiwasan na mamangha ngayon na mas natititigan ko na s'ya ng malapit
인기 회차