The Self-centered Billionaire's Lady Makulit
38
KANTON MY LOVE SO SELOSO
Kandahaba ang nguso ko habang nakapangalumbaba ako sa upuan ko. Nakatingin ako sa phone ko na pambatikal sa bunga ng bayabas. Ang phone ko ay 33 15 na Nokia. Laban itong batuhan kaysa sa nga bagong labas ngayon na isang bagsak lang ay basag na ang likod ko harap. Ito ay nagkakalasog-lasog lang, humihiwalay ang paa sa tuhod, esta baterya sa katawan ng cellphone, pero kapag pinag-power on, kwala! Gagana pa!