LOGINIsang gabi lang ang naging kapalit ng lahat para kay Luna Solace. Bilang isang masipag na empleyada, ginagawa niya ang lahat para sa kanyang inang may sakit—kahit pa ubusin niya ang sarili sa overtime at pagod. Ngunit sa isang gabing hindi niya inaasahan, pinagtagpo siya ng pagkakataon at kahinaan sa loob ng opisina ng CEO na si Rafael Blackwell. Pagod din si Rafael—sa pamilyang pilit siyang pinapakasal, sa responsibilidad na hindi niya matakasan. At sa gitna ng alak at lungkot, may nangyari sa kanilang dalawa na hindi na mababawi. Kinabukasan, inalok niya si Luna ng pera kapalit ng katahimikan. At tinanggap iyon ni Luna—hindi dahil gusto niya, kundi dahil kailangan niya para sa kanyang ina. Akala niya, matatapos doon ang lahat. Ngunit para kay Rafael, ang isang gabi ay hindi sapat. Dahil habang pilit siyang iniiwasan ni Luna, mas lalo naman niya itong gustong mapasakanya. At sa mundong kontrolado ng kapangyarihan at obligasyon—paano kung ang pinakamalaking pagkakamali nila ang siya ring maging pinakamapanganib nilang pagnanasa?
View MoreTahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.
Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil. “Konti na lang,” bulong niya sa sarili. CEO’s office na lang ang kulang. Inaasahan niyang madilim na roon. Pero bukas ang ilaw. Napahinto siya. Marahang kumatok. “Sir?” Nandoon si Rafael Blackwell — CEO, anak ng may-ari, lalaking laging maayos ang postura at malamig ang tingin. Hawak ang baso ng alak. Gusot ang kurbata. Nakabukas ang dalawang butones ng polo. Mapula ang mga mata. “Bakit ka pa nandito?” paos nitong tanong. Nagulat si Luna pero hindi nagpahalata. “May urgent po na papeles. Kailangan ng pirma ninyo.” “Anong oras na?” “Lagpas alas-onse na po.” Napangiti siya nang mapait. “Pareho pala tayong hindi marunong umuwi.” Hindi sumagot si Luna. “Umupo ka.” “Sir, okay lang po—” sagot ni Luna, medyo nahihiya. “Rafael,” putol niya. Makikita sa mukha niya ang pagiging sigurado. “Wag mo akong tawaging sir.” “Okay… Rafael.” agad na sumunod si Luna sa kagustuhan nito. Saglit siyang natahimik. Umupo siya sa sofa, hawak ang folder. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang kamay ng lalaki habang ibinababa ang baso. May ilang patak ng alak na muntik nang tumapon sa mesa, kaya mabilis itong napasandal at ipinikit ang mga mata na parang pilit binubuo ang sarili. Hindi iyon ang Rafael na kilala ng buong kumpanya—hindi ang lalaking laging kontrolado, laging may sagot, laging isang hakbang sa unahan ng lahat. “May problema po ba?” maingat niyang tanong. “Lagi namang may problema,” “Gusto ng mga magulang ko na magpakasal na ako. Magkaanak. Magmana ng kumpanya. Parang checklist.” Agad nitong sagot. Tumahimik si Luna. “Parang wala akong choice,” “Parang hindi ako tao. Investment lang.” “Pagod kayo,” mahina niyang sabi. Dagdag niya. Napangiti ito nang walang saya. Makikita sa mukha niya ang bahid ng kalungkutan. “Ikaw? Hindi ka ba pagod?” “Dalawang trabaho po kasi.” “Dalawa?” “Opo.” “Bakit?” seryoso si Rafael na mag tanong. Gusto niyang malaman bakit sobrang nag susumikap ito sa kanyang opisina. Mas tumalim ang titig niya, hindi bilang boss—kundi bilang lalaking gustong maintindihan kung bakit gabi-gabi ay naroon pa rin si Luna sa opisina niya. Saglit na napayuko si Luna. Parang may kung anong bumigat sa balikat niya sa simpleng tanong na iyon. “May sakit po ang nanay ko.” Tumahimik ang silid. “Kaya ka laging ginagabi.” seryosong tanong nito. “Opo.” “Wala kang ibang choice.” “Wala po.” makikita sa mukha ni Luna ang lungkot na dinadala niya. “Uminom ka,” Nagkatinginan sila. Hindi bilang CEO at empleyado. Dalawang taong parehong napipilitang maging matatag. “Nasa opisina po tayo.” “Isang lagok lang. Para makalimot.” sabi ni Rafael. Tinulak ang baso sa kanya. Nag-alinlangan siya. Pero inabot niya ang baso. Isang lagok. Mainit sa lalamunan. Napapikit siya saglit. “Masama ’yan,” sabi niya. “Minsan kailangan,” sagot ni Rafael. Ngumiti siya nang bahagya—isang ngiting hindi sigurado kung panunukso ba o pag-amin ng pagkatalo sa sariling bisyo. “Hindi kayo mukhang masaya kahit marami kayong pera.” Napatawa siya nang mahina. “Ikaw ang unang nagsabi niyan.” Tahimik ulit. Mas mabagal ang oras. “Luna,” tawag niya. “Po?” agad na tanong nito na parang nag-tataka. “Pwede ka bang manatili sandali?” Hindi agad siya sumagot. Wala namang naghihintay sa kanya sa bahay. Katahimikan lang. “Opo.” tumayo si Rafael. Lumapit. Hindi agresibo. Hindi sigurado. “Kung aalis ka, maiintindihan ko.” sabi niya, seryoso. Tumingin si Luna sa kanya. Kita niya ang lungkot. Ang pagod. Hindi ang CEO. “Hihinto tayo kapag sinabi mong ayaw mo,” dagdag niya. Tumango si Luna. “Sasabihin ko.” Dahan-dahang umangat ang kamay ni Rafael. Dumampi sa pisngi niya. Mainit. “Ganito lang,” bulong niya. Lumapit si Luna. Halos magkadikit ang noo nila. “Rafael…” mahina niyang sabi. Pero hindi siya umatras. Huminga si Rafael nang mabigat laban sa labi niya. Ramdam ni Luna ang init ng katawan nito, ang bahagyang paghaplos ng kamay sa balikat, at ang tibok ng dibdib niya na tila humahabol sa kanya. “Sabihin mo lang,” bulong niya. Hindi nagsalita si Luna. Sa halip, hinayaan niyang lumalim ang halik. Walang pagmamadali. Walang pangako. Isang sandali ng pahinga. Kinabukasan. Nagising si Luna sa malamig na liwanag ng umaga. Umupo siya sa kama. Mabigat ang dibdib. Sa harap niya, nakatayo si Rafael — nakasuot na ng maayos. Nakaayos ang kurbata. Wala na ang lalaking nakita niya kagabi. “Good morning,” sabi nito, pormal. Parang wala lang. Tumango siya. “Good morning.” Inilapag ni Rafael ang isang sobre sa mesa. “Para sa katahimikan,” sabi niya. “At para hindi makaapekto sa trabaho mo.” Nanlambot si Luna. Ayaw niyang tanggapin. Pero naalala niya ang nanay niya. Ang ospital. Ang mga bayarin. Kinuha niya ang sobre. “Hindi mo kailangang tanggapin ’yan,” sabi ni Rafael, malamig ang tono. “Kailangan,” sagot niya. “Kailangan… o pinipili mo lang?” “May pinagkaiba ba? Kapag may umaasa sa’yo?” Tahimik siya. “Hindi ko alam na ganito ka,” sabi ni Rafael. “Mahina?” mapait ang ngiti niya. “Hindi, matatag.” agad nitong sagot. Napatingin siya sa kanya. “Kung matatag ako, ito ang dahilan bakit ako nandito.” Lumapit siya nang bahagya. Mahina ang boses ni Luna, pero malinaw. Parang pag-amin na matagal na niyang kinikimkim. Lumapit si Rafael nang bahagya. Hindi sapat para hawakan siya. Hindi sapat para maging mali. Pero sapat para maramdaman niya ang init ng presensya nito. “Isang gabi,” “Hindi na mauulit.” mariing sabi niya. “Hindi rin naman ako babalik,” sagot ni Luna. “Trabaho lang. Walang higit pa.” Nagkatinginan sila. Parehong nagsisinungaling. “Kung may makarinig—” simula ni Rafael. “Walang makakarinig,” putol niya. “Hindi ako gano’ng klaseng tao.” “Good,” sagot niya. “Mas mabuti ’yan para sa’yo… at sa akin.” Para sa atin. Gusto sana niyang sabihin. Pero hindi niya ginawa. Humakbang si Luna palayo. “Sir—Rafael,” sabi niya bago tuluyang lumabas. “Sana maging okay kayo.” Hindi siya sumagot. At habang isinasara niya ang pinto, pareho nilang alam— Tapos na ang usapan. Pero hindi ang epekto. Dahil may mga gabing kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik. At sa pagitan ng kapangyarihan at pangangailangan, may nabuo na hindi nila gustong pangalanan. At mas mapanganib iyon kaysa sa inaakala nilang simpleng pagkakamaliPagpasok pa lamang ni Luna sa lobby ay ilang pares na agad ng mata ang sumunod sa bawat hakbang niya. Hindi na iyon bago para sa kanya. Ngunit sa pagkakataong ito, mas ramdam niyang may panibagong usap-usapan.Hindi dahil sa isyu.Kundi dahil sa social media.Tahimik siyang pumasok sa elevator habang hawak ang paper cup ng kape. Nang bumukas ang elevator sa floor nila, bumungad agad ang ilang empleyadong nagkukunwaring abala sa cellphone.“Good morning.”Magalang niyang bati.“Good morning…”Mahina lamang ang sagot ng ilan.Habang naglalakad siya papunta sa desk, narinig niya ang mahinang bulungan.“Siya na ’yon…”“Grabe ’yung post kagabi.”“May singsing talaga.”“Pero bakit parang wala namang engagement announcement?”“Feeling ko may sugar daddy.”Hindi siya lumingon.Tahimik niyang inilapag ang bag sa mesa at binuksan ang laptop.Makalipas lamang ang ilang segundo ay maririnig na naman ang matinis na takong ni Rosset.Pak…Pak…Pak…Huminto ito sa mismong harapan ng desk ni Luna.Na
Kinabukasan ay tila mas maingay ang buong kumpanya kaysa sa mga nakaraang araw. Hindi dahil sa bagong proyekto o sa pagdating ng mga kliyente, kundi dahil sa mga usap-usapang unti-unti nang kumakalat sa bawat departamento. Halos lahat ay may hawak na cellphone habang palihim na nagbabasa ng social media.Tahimik namang dumating si Luna. Suot niya ang paborito niyang office uniform, maayos ang buhok, at gaya ng nakasanayan ay nakangiti niyang binati ang mga empleyadong nadadaanan.“Good morning.”May ilan na ngumiti rin bilang tugon.Ngunit mayroon ding nagbulungan sa sandaling makalampas siya.“Siya na naman…”“Siya ba talaga ’yon?”“Hindi ko alam kung sino ang paniniwalaan.”Hindi na lamang sila pinansin ni Luna. Sanay na siyang maging sentro ng tsismis nitong mga nakaraang linggo. Kung dati ay tahimik lang siyang nagtitiis, ngayon ay iba na.Hindi na siya ang dating Luna na umiiyak lang sa sulok.Hindi na rin siya ang babaeng laging nananahimik.Habang inaayos niya ang laptop sa des
Tahimik ang buong opisina ni Rafael nang umagang iyon. Nakalatag sa mesa ang ilang legal documents, dalawang fountain pen, at isang maliit na velvet box na kulay itim. Wala nang bakas ng pag-aalinlangan sa mukha ni Rafael. Halos isang araw niyang inasikaso ang lahat—mga dokumentong kailangang ihanda, legal consultations, at bawat detalye ng planong bubuo ng pinakamatibay nilang depensa laban kina Victor at Rosset.Hindi ito impulsive decision.Pinag-isipan niya ito nang paulit-ulit.Hindi lamang bilang CEO.Kundi bilang isang lalaking ayaw nang mawala ang babaeng mahal niya.Makalipas ang ilang minuto ay marahang kumatok si Luna.“Sir… pinapatawag niyo po ako?”“Come in.”Pagpasok niya ay agad niyang napansin ang seryosong ekspresyon ni Rafael. Walang laptop na bukas. Walang tambak na papeles. Tanging isang folder lamang ang nasa gitna ng mesa.“May meeting po ba tayo?”Bahagyang umiling si Rafael.“Just us.”Lumapit si Luna at naupo sa sofa.Tahimik niyang pinagmasdan ang lalaking na
Hindi agad nagsalita si Rafael matapos nilang pag-usapan ang posibleng iskandalong ikakalat nina Victor at Rosset. Tahimik siyang nakaupo sa swivel chair habang nakatitig sa mga dokumentong nakalatag sa mesa. Paminsan-minsan ay napapailing siya na tila may mabigat na desisyong pilit niyang binubuo sa isip.Sa kabilang banda, hindi mapakali si Luna. Kanina pa niya napapansin ang kakaibang katahimikan ni Rafael.“Sir…” mahina niyang tawag habang marahang inilapag ang tasa ng kape sa mesa nito. “Kanina pa po kayo seryoso. May naisip na ba kayong paraan?”Hindi agad sumagot si Rafael.Sa halip ay tumayo ito, lumapit sa malaking bintana ng opisina, saka isinuksok ang dalawang kamay sa bulsa ng pantalon.“I think…”Huminto siya.“…may naiisip na ako.”Bahagyang lumiwanag ang mukha ni Luna.“Totoo po? Ano pong plano?”Tumalikod si Rafael at pinagmasdan siya nang ilang segundo.Hindi siya nagsalita.Mas lalo tuloy kinabahan si Luna.“Sir… huwag niyo po akong titigan nang ganyan. Kinakabahan p
Mabigat ang bawat hakbang ni Roset habang papalayo siya sa gitna ng opisina. Ramdam niya pa rin ang init ng mga titig na nakasunod sa kanya—mga matang puno ng usisa, bulong, at paghuhusga. Napahigpit ang hawak niya sa bag niya, halos manginig ang mga daliri sa pinipigilang galit.“Okay ka lang ba,
Tahimik ang biyahe nila palabas ng subdivision ni Rafael, ngunit hindi iyon yung klase ng katahimikan na awkward—mas parang may mga bagay na hindi sinasabi, pero ramdam sa pagitan nila. Maaga pa, kaya halos wala pang sasakyan sa kalsada. Malamig pa ang hangin, at ang liwanag ng araw ay dahan-dahan
Nakatayo si Luna sa tapat ng malaking gate, hawak ang cellphone habang paulit-ulit niyang binabasa ang address na sinend ni Rafael. Kahit malinaw ang nakasulat, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang gate pa lang—mataas, bakal, at elegante ang disenyo—parang katumbas na ng buong boardi
Umaga pa lang, gising na si Luna.Tahimik ang buong bahay. Nakaupo siya sa gilid ng kama, hawak ang cellphone habang nakatitig sa blangkong screen.Hindi siya makatulog nang maayos kagabi.Paulit-ulit sa isip niya ang iisang tanong.“Tama pa ba ’to?” mahina niyang bulong sa sarili.Napahawak siya s












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore