Share

A Night Owned by the CEO
A Night Owned by the CEO
Author: J_Anne

Chapter one

Author: J_Anne
last update publish date: 2026-02-27 13:20:08

Tahimik na ang buong floor nang matapos si Luna Solace sa photocopier.

Hawak niya ang huling set ng dokumentong kailangang mapirmahan bago mag-umaga. Masakit ang likod niya. Nangingitim ang ilalim ng mata sa puyat. Pero hindi puwedeng tumigil.

“Konti na lang,” bulong niya sa sarili.

CEO’s office na lang ang kulang. Inaasahan niyang madilim na roon. Pero bukas ang ilaw. Napahinto siya. Marahang kumatok.

“Sir?”

Nandoon si Rafael Blackwell — CEO, anak ng may-ari, lalaking laging maayos ang postura at malamig ang tingin. Hawak ang baso ng alak. Gusot ang kurbata. Nakabukas ang dalawang butones ng polo. Mapula ang mga mata.

“Bakit ka pa nandito?” paos nitong tanong. Nagulat si Luna pero hindi nagpahalata.

“May urgent po na papeles. Kailangan ng pirma ninyo.”

“Anong oras na?”

“Lagpas alas-onse na po.” Napangiti siya nang mapait.

“Pareho pala tayong hindi marunong umuwi.” Hindi sumagot si Luna.

“Umupo ka.”

“Sir, okay lang po—” sagot ni Luna, medyo nahihiya.

“Rafael,” putol niya. Makikita sa mukha niya ang pagiging sigurado.

“Wag mo akong tawaging sir.”

“Okay… Rafael.” agad na sumunod si Luna sa kagustuhan nito.

Saglit siyang natahimik. Umupo siya sa sofa, hawak ang folder. Napansin niyang bahagyang nanginginig ang kamay ng lalaki habang ibinababa ang baso. May ilang patak ng alak na muntik nang tumapon sa mesa, kaya mabilis itong napasandal at ipinikit ang mga mata na parang pilit binubuo ang sarili.

Hindi iyon ang Rafael na kilala ng buong kumpanya—hindi ang lalaking laging kontrolado, laging may sagot, laging isang hakbang sa unahan ng lahat.

“May problema po ba?” maingat niyang tanong.

“Lagi namang may problema,”

“Gusto ng mga magulang ko na magpakasal na ako. Magkaanak. Magmana ng kumpanya. Parang checklist.” Agad nitong sagot. Tumahimik si Luna.

“Parang wala akong choice,”

“Parang hindi ako tao. Investment lang.”

“Pagod kayo,” mahina niyang sabi. Dagdag niya. Napangiti ito nang walang saya. Makikita sa mukha niya ang bahid ng kalungkutan.

“Ikaw? Hindi ka ba pagod?”

“Dalawang trabaho po kasi.”

“Dalawa?”

“Opo.”

“Bakit?” seryoso si Rafael na mag tanong.

Gusto niyang malaman bakit sobrang nag susumikap ito sa kanyang opisina. Mas tumalim ang titig niya, hindi bilang boss—kundi bilang lalaking gustong maintindihan kung bakit gabi-gabi ay naroon pa rin si Luna sa opisina niya. Saglit na napayuko si Luna. Parang may kung anong bumigat sa balikat niya sa simpleng tanong na iyon.

“May sakit po ang nanay ko.” Tumahimik ang silid.

“Kaya ka laging ginagabi.” seryosong tanong nito.

“Opo.”

“Wala kang ibang choice.”

“Wala po.” makikita sa mukha ni Luna ang lungkot na dinadala niya.

“Uminom ka,” Nagkatinginan sila. Hindi bilang CEO at empleyado. Dalawang taong parehong napipilitang maging matatag.

“Nasa opisina po tayo.”

“Isang lagok lang. Para makalimot.” sabi ni Rafael.

Tinulak ang baso sa kanya. Nag-alinlangan siya. Pero inabot niya ang baso.

Isang lagok. Mainit sa lalamunan. Napapikit siya saglit.

“Masama ’yan,” sabi niya.

“Minsan kailangan,” sagot ni Rafael.

Ngumiti siya nang bahagya—isang ngiting hindi sigurado kung panunukso ba o pag-amin ng pagkatalo sa sariling bisyo.

“Hindi kayo mukhang masaya kahit marami kayong pera.” Napatawa siya nang mahina.

“Ikaw ang unang nagsabi niyan.” Tahimik ulit. Mas mabagal ang oras.

“Luna,” tawag niya.

“Po?” agad na tanong nito na parang nag-tataka.

“Pwede ka bang manatili sandali?” Hindi agad siya sumagot. Wala namang naghihintay sa kanya sa bahay. Katahimikan lang.

“Opo.” tumayo si Rafael. Lumapit. Hindi agresibo. Hindi sigurado.

“Kung aalis ka, maiintindihan ko.” sabi niya, seryoso.

Tumingin si Luna sa kanya. Kita niya ang lungkot. Ang pagod. Hindi ang CEO.

“Hihinto tayo kapag sinabi mong ayaw mo,” dagdag niya. Tumango si Luna.

“Sasabihin ko.” Dahan-dahang umangat ang kamay ni Rafael. Dumampi sa pisngi niya. Mainit.

“Ganito lang,” bulong niya. Lumapit si Luna. Halos magkadikit ang noo nila.

“Rafael…” mahina niyang sabi. Pero hindi siya umatras.

Huminga si Rafael nang mabigat laban sa labi niya. Ramdam ni Luna ang init ng katawan nito, ang bahagyang paghaplos ng kamay sa balikat, at ang tibok ng dibdib niya na tila humahabol sa kanya.

“Sabihin mo lang,” bulong niya. Hindi nagsalita si Luna.

Sa halip, hinayaan niyang lumalim ang halik. Walang pagmamadali. Walang pangako.

Isang sandali ng pahinga. Kinabukasan. Nagising si Luna sa malamig na liwanag ng umaga. Umupo siya sa kama. Mabigat ang dibdib. Sa harap niya, nakatayo si Rafael — nakasuot na ng maayos. Nakaayos ang kurbata. Wala na ang lalaking nakita niya kagabi.

“Good morning,” sabi nito, pormal. Parang wala lang. Tumango siya.

“Good morning.” Inilapag ni Rafael ang isang sobre sa mesa.

“Para sa katahimikan,” sabi niya.

“At para hindi makaapekto sa trabaho mo.”

Nanlambot si Luna. Ayaw niyang tanggapin. Pero naalala niya ang nanay niya. Ang ospital. Ang mga bayarin. Kinuha niya ang sobre.

“Hindi mo kailangang tanggapin ’yan,” sabi ni Rafael, malamig ang tono.

“Kailangan,” sagot niya.

“Kailangan… o pinipili mo lang?”

“May pinagkaiba ba? Kapag may umaasa sa’yo?” Tahimik siya.

“Hindi ko alam na ganito ka,” sabi ni Rafael.

“Mahina?” mapait ang ngiti niya.

“Hindi, matatag.” agad nitong sagot. Napatingin siya sa kanya.

“Kung matatag ako, ito ang dahilan bakit ako nandito.” Lumapit siya nang bahagya.

Mahina ang boses ni Luna, pero malinaw. Parang pag-amin na matagal na niyang kinikimkim.

Lumapit si Rafael nang bahagya. Hindi sapat para hawakan siya. Hindi sapat para maging mali. Pero sapat para maramdaman niya ang init ng presensya nito.

“Isang gabi,”

“Hindi na mauulit.” mariing sabi niya.

“Hindi rin naman ako babalik,” sagot ni Luna.

“Trabaho lang. Walang higit pa.” Nagkatinginan sila. Parehong nagsisinungaling.

“Kung may makarinig—” simula ni Rafael.

“Walang makakarinig,” putol niya. “Hindi ako gano’ng klaseng tao.”

“Good,” sagot niya.

“Mas mabuti ’yan para sa’yo… at sa akin.”

Para sa atin. Gusto sana niyang sabihin. Pero hindi niya ginawa. Humakbang si Luna palayo.

“Sir—Rafael,” sabi niya bago tuluyang lumabas. “Sana maging okay kayo.”

Hindi siya sumagot. At habang isinasara niya ang pinto, pareho nilang alam— Tapos na ang usapan. Pero hindi ang epekto. Dahil may mga gabing kahit pilitin mong ibaon, babalik at babalik. At sa pagitan ng kapangyarihan at pangangailangan, may nabuo na hindi nila gustong pangalanan. At mas mapanganib iyon kaysa sa inaakala nilang simpleng pagkakamali

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (3)
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
more more more
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
update please
goodnovel comment avatar
SKYGOODNOVEL
wow.....I like this story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 37

    (About sa pag tawag ni Victor ng meeting kay Rafael about sa business nila and sinama si Luna kasi part of the business rin. Ang context dito is about sa pagiging comfortable ni Luna sa paligid ni Victor pero acting professional pa rin dahil sa trabaho. Makikita tensyon ni Rafael at Victor).Maaga pa lamang ay nag-ring na ang telepono sa loob ng opisina ni Rafael. Nakaupo siya sa harap ng desk habang binabasa ang ilang dokumentong ipinasa ng legal team para sa proyekto nila ni Victor. Nang makita ang pangalan sa screen, agad siyang napasandal sa upuan.Victor.Pinindot niya ang answer button at inilapit ang telepono sa tenga.“Good morning,” malamig niyang bati.Sa kabilang linya ay agad niyang narinig ang pamilyar na boses na parang laging may halong biro.“Wow. Ganyan ka ba lagi kaboring sa umaga?” natatawang sabi ni Victor.“Sabihin mo na kailangan mo.”Napatawa si Victor.“Straight to business. I like that. Anyway, may meeting tayo mamayang tanghali. Nandito na yung updated propos

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 36

    Victor’s POVNakasandal si Victor sa likod ng itim niyang sasakyan habang pinagmamasdan ang mga ilaw ng lungsod mula sa bintana ng hotel suite na tinutuluyan niya. Hawak niya ang isang baso ng whisky, paikot-ikot itong iniikot sa pagitan ng mga daliri habang nakatanaw sa malayo.Hindi pa rin mawala sa isip niya ang nangyari noong gabing iyon. Hindi ang galit ni Rafael.Hindi ang suntok na muntik na niyang matanggap. Kundi ang reaksyon ni Luna. Napangisi siya nang bahagya bago uminom.“Interesting...” bulong niya sa sarili.Marami na siyang nakilalang babae sa buong buhay niya. Mga model, artista, anak ng mga negosyante, at mga taong kusang lumalapit dahil sa pangalan at pera niya.Pero iba si Luna.Hindi ito lumalapit.Hindi ito nagpapapansin.At lalong hindi ito sumusunod sa agos.Iyon ang dahilan kung bakit lalo siyang naging interesado.“Ang dami kong nakilala na gustong-gusto ang atensyon,” mahina niyang sabi habang inilalapag ang baso sa mesa.“Pero ikaw? Ikaw yung tipo na guston

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 35

    Tahimik pa rin ang loob ng office matapos niyang ayusin ang huling band aid sa braso ni Luna. Si Rafael ay marahang tumayo at isinara ang first aid kit, habang ang kilos niya ay mabigat pa rin na parang hindi pa rin tapos ang galit niya sa nangyari kanina. Napatingin siya sa glass wall kung saan kita pa rin ang mga empleyadong abala, pero ramdam pa rin ang bulungan sa labas. “Hindi ko maintindihan kung bakit ang hilig nilang gawing target ang tahimik,” mahina niyang sabi habang nakapamulsa, hindi malinaw kung para sa sarili niya o para kay Luna. Tahimik si Luna sa sofa, inayos ang sleeves ng polo niya para matakpan ang mga pasa sa braso. “Sir, sanay na po ako… ganun po talaga sa office, hindi lang naman po ako yung unang pinagchismisan nila,” mahina niyang sagot habang pinipilit maging normal ang boses niya. Agad na napalingon si Rafael sa kanya, halatang hindi nagustuhan ang sinabi. “Sanay ka?” mababa pero mariing tanong niya habang dahan-dahang lumapit muli. “Luna, hindi ka d

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 34

    Maaga pa lamang ay nasa elevator na si Luna. Tahimik siyang nakatingin sa repleksyon niya sa salamin habang hinihigpitan nang bahagya ang manggas ng blouse niya para matakpan ang ilang band aid sa braso. Naglagay rin siya ng manipis na skin-tone bandage sa gilid ng binti kung saan may natira pang pasa. Ayaw niyang maging sentro ng usapan. Ayaw niyang magpaliwanag. At higit sa lahat, ayaw niyang maalala ang nangyari kagabi. Nang bumukas ang elevator sa floor nila ay agad siyang bumuntong-hininga at inayos ang sarili. “Good morning,” mahina niyang bati sa ilang empleyadong nasalubong. May ilan namang ngumiti. May ilan ding agad napatingin sa mga band aid niya. At may ilan na halatang nagpipigil ng tanong. Hindi na niya iyon pinansin. Tahimik siyang nagtungo sa desk niya, inilapag ang laptop bag, inilabas ang laptop, at nagsimulang magbukas ng mga email na kailangan niyang asikasuhin. Akala niya ay magiging tahimik ang umaga. Nagkamali siya. “ay wow? paawa yarn?” Agad niyang

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 33

    Tahimik ang buong hallway habang mabilis na naglalakad si Rafael dala si Luna sa kaniyang mga bisig. Hindi na nito pinansin ang mga empleyadong napapatingin sa kanila. Ang tanging nasa isip niya ay ang dalhin si Luna sa ligtas na lugar na malayo sa nangyari kanina.Mahigpit na nakakapit si Luna sa kuwelyo ng polo niya. Nakasiksik ang mukha nito sa leeg niya, para bang doon lang nito nararamdaman ang seguridad matapos ang takot na pinagdaanan.“Rafael…” mahina nitong tawag.Agad siyang tumingin dito. “I’m here.”Hindi na sumagot si Luna. Mas lalo lamang itong sumiksik sa kaniya.Pagdating nila sa opisina, marahan niyang isinara ang pinto gamit ang paa bago dinala si Luna sa sofa.Ngunit bago pa niya ito ibaba, napatingin siya sa mesa.Naroon pa rin ang mga bote ng alak.Mga basong kalahating laman.Mga bakas ng gabing hindi sana nangyari.Napapikit siya nang madiin.“Damn it…” bulong niya.Kung hindi siya nakainom. Kung hindi siya naging kampante.Kung hindi niya hinayaang mawala sa pa

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 32

    Mahigpit ang hawak ni Victor sa bewang ni Luna habang nakasandal ito sa malamig na pader ng restroom. Ramdam ni Luna ang mabigat nitong paghinga sa leeg niya at ang amoy ng alak na halos makasakal sa kanya. Nanginginig na ang kamay niyang pilit itinutulak ang dibdib ni Victor palayo, pero mas lalo lang itong dumidiin. “Sir Victor… tama na po!” hirap na sabi ni Luna habang umiwas ang mukha niya nang pilitin nitong idikit ang labi sa leeg niya. “Please… bitawan niyo po ako!” Ngumisi lang si Victor, mapula ang mga mata dahil sa alak habang mabagal na hinagod ng kamay ang gilid ng bewang niya pababa. “Come on, baby… don’t act innocent,” paos nitong bulong habang lalo siyang kinukulong sa pagitan ng katawan at pader. “I know men stare at you. That body? Damn… even Rafael can’t hide it, ang sarap mo kasi” “Tumigil po kayo!” halos maiyak nang sigaw ni Luna habang pilit umiilag. At doon— BUMAGSAK ang pinto. Malakas at padabog. Parehong napalingon sina Luna at Victor. Nakatayo roon

  • A Night Owned by the CEO   Chapter Thirteen

    Maaga pa lang, ramdam na agad ni Luna ang bigat ng paligid.Pagpasok niya sa opisina, parang may mga matang agad na sumunod sa kanya. Hindi lantaran—pero sapat para maramdaman niya.“Yan na siya…”“Ang aga naman ngayon…”“Baka may schedule kay boss…”Mahinang bulungan. Pero malinaw.Humigpit ang ha

  • A Night Owned by the CEO   chapter 23

    Nagpapatuloy ang bigat ng tensyon sa buong floor habang nakatayo si Rafael sa gitna, matalim ang tingin sa bawat empleyadong halos hindi na makatingin sa kanya. Ramdam ang galit sa bawat galaw niya—mula sa pagkuyom ng kamao hanggang sa marahas na paghinga niya na pilit niyang kinokontrol.“Uulitin

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 20

    Tahimik ang biyahe nila palabas ng subdivision ni Rafael, ngunit hindi iyon yung klase ng katahimikan na awkward—mas parang may mga bagay na hindi sinasabi, pero ramdam sa pagitan nila. Maaga pa, kaya halos wala pang sasakyan sa kalsada. Malamig pa ang hangin, at ang liwanag ng araw ay dahan-dahan

  • A Night Owned by the CEO   Chapter 16

    Nakatayo si Luna sa tapat ng malaking gate, hawak ang cellphone habang paulit-ulit niyang binabasa ang address na sinend ni Rafael. Kahit malinaw ang nakasulat, hindi pa rin siya makapaniwala sa nakikita niya. Ang gate pa lang—mataas, bakal, at elegante ang disenyo—parang katumbas na ng buong boardi

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status