LOGIN“Ano!? Ano kamo? Pinangakuan ka niya ng kasal tapos, tapos, pinauwi ka nang Pinas ng ganon na lang. At ang bruhang Shamira na ‘yon! Ang landi ha! Naku…. Nakakagigil talaga ang hari ng mga Herodes na yon! Isa pa yang Jayson na yan! Pag nakita ko talaga yan, kukuyumusin ko ang mukha niya!” nanggagalaiting bulalas ni Cleo.Habang si Loraine ay pugto na ang mga mata sa kakaiyak.“Hoy Loraine tumigil ka na nga dyan, lalo lang akong nanggigigil sa Herodes na ‘yon e. Para ka niyang pinasakay sa roller coaster ha,” dugsong pa ni Cleo. “Anong parang, ganon na nga ang sumatotal ng lahat,” sabat ni Thea.Napalingon naman si Loraine na nagtataka. “Teka nga Thea bakit nandito ka nga pala? Hindi ba nandoon ka sa villa ninyo? At di ba ikakasal ka kay Delfin? Ano na bang nangyari?”Natahimik naman si Thea habang idinudukot ang mga kamay sa bulsa. Nag-aapuhap ng isasagot. “Naku, isa pa yan, isa pa yang Dimitri na yan,” muling dugsong ni Cleo. “Ano? Teka, hindi ko maintindihan. Ano naman ang kinala
Ilang oras ang lumipas nang makalabas si Ibrahim sa kwarto nina Loraine. Tinatamad pa sanang bumangon si Loraine pero alas nueve na ng umaga kaya nag-inat inat na siya at nagsimulang ayusin ang sarili. Isang oras ang lumipas nang may kumatok sa pintuan. Kumunot ng bahagya ang kanyang noo. “Ha? Ano ba naman si Ibrahim, bakit kailangan pang kumatok e basta na lang naman siya pumapasok dito, saka hindi naman naka-lock ang pintuan ah,” pagtataka niya sa pag-aakalang si Ibrahim ang kumakatok.Pero kumatok pa ulit ito ng sunud-sunod. “Hay… oo na nga andiyan na.” Isinuot niya ang robe at nagmadaling tumakbo papunta sa pinto. “My love,” excited na salubong niya pero si Jayson ang nasa labas, may dala itong plane ticket. “Ay sorry naman Jayson, ikaw pala yan.” Natawa siya. “Ah, oo ako nga,” maang ni Jayson. “O halika, pasok ka,” aya ni Loraine kay Jayson. “Naku hindi na, dito na lang. Saka mukhang kagigising mo lang e.”“Ah oo. E teka bakit ka nga ba nandito? I mean nasaan si Ibrahim?
No doubts, no fear, pakakasal na siya kay Ibrahim.Tumayo ito at niyakap siya ng mahigpit. “I will never let you go. Walang sinumang makapaghihiwalay sa atin, my love, I love you.”“I love you too Ibrahim.”Kasunod ng proposal na iyon ay ang magarbong strings orchestra play sa grand stage ng amusement park kasabay ang sunud-sunod na foreworks.Naluluhang natatawa si Loraine. “Grabe, A whole New World talaga.” Iyon ang saliw na tinutugtog ng orchestra.“If I can only give you the world, I will, pero sorry my love hindi kasi akin ang mundo e. Baka magalit ang tunay na may ari na siyang lumikha.”Natawa silang pareho.“Ikaw talaga.”Matapos ang proposal at Orchestra play, dinig na dinig naman nila ang sigaw nila Disney mula sa itaas ng ferris wheel.“I love you Papa!!! I love you Mama!!! I love you Lolo!!!” umeekong sigaw ni Disney.Panatag namang nakatanaw sina Ibrahim mula sa ibaba dahil alam nilang bantay sarado ito ng mga katulong at bodyguards.Maya-maya may lumapit na isa sa mga bo
Loraine admit to herself na may kaunting takot siya noong umpisa sa ipinapakitang pagmamahal ni Ibrahim para sa kanya, ngayon iba na, talagang mapapatunayan niyang tapat ito sa kanyang nararamdaman dahil sa mga ipinapakita nito.Nagising siya mula sa pagakakatulog ng mahimbing dahil na rin sa magdamag na lambingan nila ni Ibrahim.. Napamulagat siya nang makitang sinusugod na siya ng yakap nina Disney at Khalid habang pinapanood naman sila ni Ibrahim.“Mama, dito ka pala natulog, hinahanap ka namin kagabi e,” pag-uusisa ni Disney.Napangiwi naman siya sa sobrang hiya sa mga anak.“Ahm… oo anak, sorry.” Sabay peace sign.“Okay lang po Ma kasi dumating naman po si Papa. Pinatulog nga po niya si Khalid e. Bakit kasi Ma, dito ka natulog,” reklamo ni Disney.“Ah… hahaha. Kasi mga anak…”“Because you and Khalid are grown up babies, kailangan n’yo nang masanay matulog na mag-isa,” salo ni Ibrahim.“Ha…? E Papa bata pa kami,” pangangatwiran naman ni Disney. Habang si Khalid naman ay mahigpit
Everything’s change after that night. Naging malambing na sa kanya si Ibrahim ngunit maingat sila. Hindi nila ipinahahalata sa karamihan ang kanilang relasyon. Pumayag siya na muling maging kasintahan nito kahit palihim. Alam niyang mahirap gawin ang desisyon ni Ibrahim pero nakikita niya ang pagsisikap nito.Una nitong sininop ang kumpanya sa Pilipinas na siyang inaasahan nitong pantaguyod sa kanilang pamilya. Pangalawa ay ang pakikipag-usap nito sa hari na mariin namang tinutulan ang desisyon nito kaya talagang mahirap. But all in all, humahanga si Loraine sa katapangan nito kaya walang dahilang hindi niya ito mahalin. Marupok na kung marupok, may dahilan naman.Hindi niya tuloy maiwasang mapangiti habang naaalala ang gabing iyon. Napakasaya niya talaga na sa wakas dumating ang oras na naging maayos na sila ni Ibrahim, kasal na lang ang kulang. Nagtitiwala naman siya na makakasal siya rito.Gabi na nang dumalaw si Ibrahim sa kanilang kwarto. Tulog na rin sina Disney.“Hey, I missed
“What is going on here?”Agad na namang kumabog ang dibdib ni Loraine nang marinig ang boses na iyon ni Ibrahim. Ayan na naman kasi ang lakas ng dating nito sa kanya kaya kahit anong iwas at tago, lumalabas at lumalabas pa rin ang epekto nito sa kanya kahit naiinis siya dito. Natataranta siya at namumula ang mukha.“Wa-wala, aalis na ako,” natatarantang sagot niya.“Bakit kailangan mong umalis kung pwede ka namang mag-stay.”‘Oo nga naman Loraine,’ sagot ng kanyang isip. “Ahm… mas maganda sigurong bigyan ko kayo ng time sa isa’t-isa,” palusot pa niya.‘Sus… ang arte talaga, if I know gusto mo rin naman akong makasama,’ natatawang tugon ni Ibrahim sa kanyang isip. “You know what, mag-stay ka na rin dito so we can have time with each other as family,” nakangiting paliwanag naman ni Ibrahim.‘Anong nakain ng Herodes na ‘to at parang ang bait bait niya ngayon?’ tanong ni Loraine sa isip.“Come on… I’m in the good mood today,” muling yaya ni Ibrahim.Nagdadalawang isip naman si Loraine na
WALANG manners, no etiquette, wala man lang itinatagong kahinhinan sa katawan. Sa tagal ni Ibrahim na naninirahan sa Pilipinas alam niyang kilala ang mga Filipina sa pagiging malambing at mahinhin, bukod sa pagiging maasikaso. Pero heto at kaharap niya ang isang babaeng basta na lang nambabato, at
BIGLANG umahon ang matinding kaba sa dibdib ni Loraine nang makita ang limang lalaking nakaitim na suit sa labas ng kanilang bakuran. Pumasok ang isa na sinalubong naman ni Khaleb. Hinawakan ito sa mga braso at binitbit palabas. Agad siyang bumaba sa motor at tinakbo ang mga lalaki. Matinding traum
HABANG naghihintay, hindi maiwasan ni Cleo na ma-intimidate sa titig ng lalaking nasa kabilang table. Hindi niya mawari kung sa kanya ba ito nakatitig o ilusyon niya lang, mukhang may galit pero tama si Cleo, ang hot niya kaya hindi siya mapalagay. Ibinaling na lang niya sa bintana ang tingin. Per
NATATAWANG naiiling na lang si Loraine kay Khaleb. Pero natutuwa siya sa batang ito simula ng tulungan niya itong dalhin sa ospital noong maaksidente, hayun at hindi na siya tinigilan na tulungan. Pagtanaw lang daw ng utang na loob. Ang kaso mukhang na-i-in love ito sa kanya sa pakiramdam niya. An







