مشاركة

ALWAYS BEEN YOU
ALWAYS BEEN YOU
مؤلف: pixiedust

Chapter 1

مؤلف: pixiedust
last update تاريخ النشر: 2026-04-23 12:49:01

Huminga ng malalim si Althea habang naghihintay sa pagdating ng bagong CEO ng Titus, ang kumpanya kung saan siya nagtatrabaho bilang Executive Secretary ni William Chavez, ang dating CEO at may-ari ng nasabing kumpanya.

Maraming naging problema ang kumpanya noong nakaraang taon at yun ang naging dahilan kung bakit pumayag na ito sa acquisition na inoffer ng kumpanya ng bagong may-ari.

Ayon kay William, sa ibang bansa naka-base ang kumpanya ng new owner at hindi nga raw maintindihan ng boss niya kung bakit ang Titus ang napili niya.

Wala na siyang ibang alam tungkol sa bagong CEO dahil yun lang naman ang sinabi sa kanya ni William at ang assurance na walang matatanggal sa trabaho, kabilang na siya.

Isang taon pa ang nalalabi sa kontrata ni Althea sa Titus dahil tatlong taon na din siya doon.

Wala siyang idea kung sino ang bagong boss niya at kung ano ang ugali nito kaya naman naisip niya na kung hindi ito kasing bait ni William, hindi siya magdadalawang-isip na magresign.

Nakakahinayang man, wala naman siyang magagawa dahil ayon kay William, desisyon ng board na tanggapin ang offer ng bagong may-ari.

Dahil kung hindi, babagsak ito at mas marami ang madadamay.

“Baka siya na yan!” sabi ni Lexie, and secretary ng COO ng Titus at isang malapit na kaibigan ni Althea

Lahat ay nag-abang sa taong bababa mula sa magarang kotse na humimpil sa harap ng gusali ng Titus.

Napatayo ng tuwid si Althea at gaya ni Lexie ay nagfocus din siya sa pag- aabang sa taong bababa mula sa sasakyan.

Naunang bumaba ang lalaking naka-suit at agad nitong binuksan ang pinto ng backseat.

Everyone was holding their breath at nung bumaba ang paa ng bagong CEO ay masasabi ni Althea na matangkad ito.

Pero feeling ni Althea, namutla siya nung tuluyang nakalabas sa kotse ang lalaki.

Hindi siya maaring magkamali!

Si Joaquin Lagdameo!

Joaquin scanned the place at nagyuko ng ulo si Althea nung padaan na sa pwesto nila ang mapanuring mata nito.

‘Bakit siya nandito?’

‘Bakit niya inacquire ang Titus?’

‘Dahil ba sa kanya?’

Napailing si Althea dahil imposible naman yun. Noong iwan niya si Joaquin, galit na galit ito sa kanya at halos isumpa pa nga siya.

So bakit niya yun gagawin for her sake?

“Ms. Althea, tara na po!”

Napalingon si Althea at nakita niya na nilagpasan lang siya ni Joaquin kaya naman naisip niya na baka hindi na siya nakilala nito.

Pero imposible naman yun! Tatlong taon silang naging magkarelasyon at kahit apat na taon na din ang lumipas buhat noong maghiwalay sila, hindi siya naniniwala na hindi siya nito makikilala.

“Grabe! Ang gwapo nung bagong boss natin!” sabi ni Lexie habang naglalakad sila pero hindi niya ito pinansin

“Hindi din….”

Siniko siya ni Lexie kaya napalingon naman siya dito.

“Anong hindi din! Bulag ka ba?!” gulat na tanong sa akin ni Lexie pero hindi ko na lang pinansin

Even before, gwapo na talaga si Joaquin. Kaya naman habulin siya ng mga babae noon sa university na pinapasukan nila. Pero ang mga mata ng binata ay nasa kanya lamang kaya nga tumagal ng tatlong ang relasyon nila.

Second year na siya noon at fourth year na si Joaquin nung maging sila. Unang taon pa lang niya sa kolehiyo nung bakuran siya ng binata at sinagot niya na ito dahil bukod sa gwapo ito ay mabuti din ang pinapakitang asal nito.

Naging supportive na girlfriend si Althea lalo na nung nagsisimulang maghanap ng trabaho si Joaquin after graduating. Nakahanap naman siya at masaya si Althea dahil unti-unti ng natutupad ang pangarap ni Joaquin.

Pero nangyari ang isang sakuna na naging dahilan para masawi ang tatay ni Althea. Nasa ikaapat na taon na siya noon at isang taon na lang, magtatapos na siya sa pag-aaral bilang isang arkitekto pero napilitan siyang huminto dahil sa nangyari.

Hindi pumayag si Joaquin na huminto siya at sinabi ng binata na siya na ang magpapa-aral sa kanya. Tinaggihan ito ni Althea pero mapilit si Joaquin dahil gusto nito na maabot niya din ang pangarap niya.

Ginawa ni Joaquin ang lahat at tumanggap pa nga ito ng mga sidelines para lang mas kumita ng pera and Althea also did her part. Naghanap din siya ng trabaho kahit na ilang oras lang para makatulong naman kay Joaquin.

Hanggang sa matanggal si Joaquin sa pinapasukan nitong opisina at hindi nga niya alam kung bakit samantalang maayos naman ang trabaho niya. Pero hindi sumuko si Joaquin dahil alam niyang inaasahan siya ng kanyang nobya.

Ang nakakapagtaka lang, walang kumpanya na gustong i-hire siya kaya naman nakaramdam ng depression si Joaquin kaya nagpasya na si Althea na tumigil na ulit sa pag-aaral.

Ilang buwan ding nagtiis si Joaquin sa paghahanap ng trabaho hanggang sa tawagan siya ng isang malaking kumpanya. Masayang-masaya sila ni Althea pero hindi akalain ng dalaga na doon na magsisimula ang problema sa relasyon nila.

Naging busy si Joaquin at nawalan na nga ito ng oras sa kanya pero inunawa ito ng dalaga dahil alam niyang para naman sa kinabukasan nila ang lahat. Nagtiis siya at hinabaan ang pasensya niya dahil alam niyang nahihirapan din naman ang kanyang nobyo.

Hanggang sa magpaalam ito sa kanya at sabihing mawawala siya ng isang linggo dahil kailangan niyang sumama sa boss nila sa isang business trip. Nagtaka si Althea dahil wala pa naman isang taon si Joaquin sa trabaho at hindi naman mataas ang posisyon niya para isama sa ganung lakad.

Minabuti niyang hindi magtanong kay Joaquin dahil ayaw niyang mamis-interpret siya ng binata. Kailangan niyang suportahan ito pero hindi talaga maalis ang kaba na nararamdaman niya.

Isang linggong nawala si Joaquin at kahit masama ang loob niya dahil ni hindi siya nagu-update ay tiniis ito ng dalaga. Hanggang sa dumating ang isang hindi inaasahang panauhin noong araw na yun.

“Iwanan mo na ang anak ko! Hindi ka makakabuti sa kanya!”

Napatingin si Althea sa ginang na siyang ina ni Joaquin at kita naman sa mga mata nito ang disgusto sa kanya pati na sa relasyon nila. Ramdam na ito ni Althea kahit noon pang unang ipakilala siya ng binata sa kanyang ina.

“Ano pong ibig ninyong sabihin?” tanong ni ALthea na noon ay nagpipigil sa pag-iyak

“Kasama ni Joaquin ang anak ng boss niya. Si Erin dela Cuesta. Kilala mo naman siguro siya hindi ba?”

Erin dela Cuesta…

Isang sikat na modelo hindi lang sa Pilipinas kung hindi rin sa ibang bansa.

“Hindi ikaw ang pinangarap ko para sa anak ko, Althea! Hindi ikaw ang para sa kanya. Nakikiusap ako sa iyo, bilang ina, iwanan mo na si Joaquin. Maniwala ka sa akin, magiging maayos ang buhay niya pag hiniwalayan mo siya!” pakiusap ng nanay ni Joaquin habang hawak ang kamay niya

“Naririnig niyo po ba ang sinasabi ninyo?” protesta ni ALthea saka niya binitawan ang kamay ng ginang

“Nagmamahalan kami ni Joaquin! Hindi ko siya iiwan dahil sumumpa kaming dalawa na hindi namin bibitawan ang isa’t-isa!” ani Althea kaya muling naging madilim ang mukha ng nanay ni Joaquin

“Ipinagkakait mo kay Joaquin ang magandang buhay, Althea! Sinisira mo ang magandang bukas na naghihintay sa kanya!”

Hindi maintindihan ni Althea ang ibig sabihin ng nanay ni Joaquin pero isa lang ang sigurado siya, hindi niya iiwan si Joaquin!

استمر في قراءة هذا الكتاب مجانا
امسح الكود لتنزيل التطبيق

أحدث فصل

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 18

    Kinabukasan ay sinundo ni Joaquin si Althea at hindi nga inaasahan ng dalaga na may kasama sila na pupunta ngayon sa Tagaytay. Walang iba kung hindi ang babaeng kasama niya sa restaurant kahapon ng gabi.Wala namang makitang reaksyon si Joaquin sa mata ni Althe pero maaga pa naman for him to conclude na wala na nga siyang epekto dito.“Babe, okay lang ba talaga na sumama ko sa inyo?” tanong ni Debbie kay Joaquin habang nakahilig siya sa balikat ng lalake at dahil nakaharap si Althea sa kanila ay kitang-kita ni Joaquin ang bale-walang reaction ng dalagaMagkaharap kasi ang upuan ng sasakyang dala ni Joaquin dahil gusto niyang makita ang mukha ni Althea pag nagsimula na ang plano niya.“Of course naman, babe! Hindi ba ako nga ang nagsuggest na sumama ka!” sagot naman ni JoaquinHindi naman sila pinapansin ni ALthea at patuloy lang siya sa pakikipagchat niya kay Dani. Nabasa na kasi nito ang mensahe niya kagabi at sinabihan ni ALthea na huwag na munang tumawag dahil kasama niya si Jo

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 17

    Hindi na din nagtagal si William at nagpaalam na siya kay Althea nung maubos niya ang kape. Labag man sa kalooban niyang malayo sa dalaga ay wala naman siyang magawa dahil ito ang utos ng bagong may–ari.“Mag-ingat ka sa pagmamaneho, William! Tawagan mo ako pag nandoon ka na!” bilin ni Althea sa binata nung ihatid niya ito sa pintoNiyakap ni William si Althea at nagulat naman ang dalaga sa inakto ng kaibigan niya.Pero hindi naman niya ito itinaboy dahil alam niyang mabigat sa loob nito ang kanyang pag-alis.Hindi naman manhid si Althea at alam niya na may pagtingin sa kanya ang binata pero hindi niya ito magawang suklian.May anak na siya at yun ang proyoridad niya sa ngayon. At siguro din, dahil hanggang ngayon, si Joaquin pa rin ang mahal niya kahit pa sinaktan nito at dinuUmalis na si William at isinara naman ni Althea ang pinto saka niya dinala sa lababo ang tasa na ginamit ni William.Matapos niya itong hugasan ay lumabas na siya ng kusina at halos mapahiyaw siya nung makit

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 16

    “Nandito pala kayo!” sabi ni Joaquin nung makalapit na siya sa mesa ni Althea at William with a smile on his faceTumingin naman sa kanya ang dalaga at ngumiti lang din ito saka magalang na bumati sa kanila ng kasama niyang babae na kanina pa nakakapit sa braso niya.“Good evening po, sir, Ma’am!” nakangiting sabi naman ni Althea kahit pa ramdam naman ng puso niya ang sakit na makitang may kasamang ibang babae si JoaquinBut being her, nagawa niyang itago ang damdaming iyon kahit pa sa loob niya, nandoon ang sakit na bumibihag sa puso niya.Naisip pa ni Althea na masyado ng binago ng karangyaan si Joaquin dahil naging babaero na yata ito. ALam kaya ito ng asawa niyang si Erin?Samantala, hindi naman nagustuhan ni Joaquin nakita niyang reaction ni ALthea. Mukhang walang dating sa kanya ang plano ng kanyang kapatid na pagselosin ang dalaga dahil kita naman sa reaksyon niya na wala itong pakialam kahit pa may kasama siyang babae ngayon.“Good evening po sir, ma’am!” pagbati naman ni Will

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 15

    Napakurap si Joaquin nung magring ang intercom at naputol ang pagbabalik tanaw niya sa nakaraan.Hindi pa man, sumasakit na ang ulo niya knowing na guguluhin siya ni Erin dito.Pero hindi na siya papayag! Hindi si Erin ang sisira ng diskarte niya kay Althea.“Yes?” sagot niya sa intercom “Sir, ten minutes po bago ang meeting with the suppliers!” sabi ni Althea sa kabilang linya ang medyo kumalma siya upon hearing her voiceGanun ang hatid na enerhiya ni Althea sa kanya. Just my merely hearing her voice ay kumakalma talaga siya.“Okay!” sagot ni Joaquin bago niya ibaba ang teleponoInayos na niya ang sarili niya at hinanap ang mga papeles na kakailanganin niya para sa meeting at nung oras na ay tumayo na siya at lumabas ng opisina.Nakita niya si Althea na nakahanda na din at naglakad na sila papunta sa conference room.Nandoon na ang mga ka-meeting ni Joaquin and it went smoothly naman. Hanggang sa maalala ni Joaquin ang tungkol sa isang project nila na ongoing sa Tagaytay.“Malapi

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 14

    FLASHBACK:Matapos ang hiwalayan ni Althea at Joaquin ay sinubukan ng huli na sundin ang sinasabi ng kanyang ama.At yun ay ang bumalik sa poder niya dahil isa siyang Lagdameo. At kahit anak siya sa labas, may karapatan din siya bilang anak ni Vernon.At kung magiging maayos ang buhay niya, baka balikan pa siya ni Althea!Naging maayos naman ang pagtanggap kay Joaquin ng mga kapatid niya. Pinadala siya ng kanyang ama sa US para mag-aral ng Master’s Degree dahil wala sa mga kapatid niya ang may interes sa negosyo.At nung makapagtapos na siya, nagsimula na niyang hawakan ang negosyo nila doon.Noong una, walang naging problema hanggang sa sabihin ng kanyang ama ang tungkol sa kagustuhan nitong ipakasal siya kay Erin.Hindi siya pumayag dahil si Althea ang mahal niya at siya lang ang babaeng gusto niyang pakasalan.“Joaquin, kailangang pakasalan mo si Erin dahil kung hindi, babalikan ni Daddy si Althea!” sabi ni Philip noong magkausap sila ng kanyang kapatid Dumalaw si Philip sa US at

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 13

    “What are you doing here?” galit na tanong ni Joaquin sa kapatid niyang si PhilipHe came unannounced at naabutan nga niya ang eksena nila kanina ni ALthea. Ang ending, naputol ang halik niya sa dalaga at naitulak siya nito. Nakayuko siyang lumabas ng opisina at hindi nga ito makatingin kay Philip na noon at nakangisi na.“Tsk! Dumalaw lang ako sa iyo, malay ko bang may ginagawa kayong milagro ng ALthea mo!” mapang-asar na saad ni Philip“Hindi yun ganun!” saway ni Joaquin sa kapatid niya dahil ang gusto niya, igalang ng mga kapatid niya ang babaeng mahal niya“Well, oo naman! Mukhang hindi nga siya masaya kasi pumapalag siya!” natatawang sabi ni Philip kaya sinamaan siya ng tingin ni Joaquin“Kuya naman! Akala ko ba, aayusin mo na ang lahat sa inyo? E ang nangyayari, tinatakot mo!” sabi ni Philip at alam ni Joaquin na may katwiran ang kapatid niya“Masyado siyang mailap! Gusto ko na siyang makasama pero parang lalo siyang lumalayo sa akin!” himutok ni Joaquin“Bakit naman kasi kail

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 6

    Nakaramdam ng panunubig si Althea kaya naman tumayo muna siya para maghanap ng restroom.Busy naman si Joaquin sa pakikipag-usap kaya naman hindi na niya magawang magpaalam dito.He was flanked with many beautiful women at una na nga doon ang birthday celebrant na sa tingin niya ay panay ang pa-cu

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 5

    Pagdating ni Althea sa opisina ay lagpas alas-siyete na at ngayon palang, alam na niyang magiging issue na naman ito kay Joaquin. Sinamahan siya ni William at pagpasok nila sa building ay nakita nilang nasa lobby na si Joaquin at naghihintay sa kanya. “You are late…” sabi ni Joaquin at sinubukan

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 4

    Sa buong maghapon ay pagod na pagod si Althea dahil sa walang tigil na utos sa kanya ni Joaquin.Gustong isipin ni Althea na sinasadya ito ng lalaki para makaganti sa kanya sa ginawa niyang pakikipaghiwalay noon pero siya din ang bumabawi sa iniisip niya.Matagal na yun at siguro naman, nakalimutan

  • ALWAYS BEEN YOU    Chapter 3

    Sinamahan ni Althea si Joaquin na maglibot sa kumpanya at lahat naman ay nagbigay ng paggalang sa kanya. Nakita ni Althea na kinikilig ang mga babaeng empleyado ng kumpanya at napailing na siya.Matapos maglibot sa bawat opisina ay itinuro din ni Althea ang pantry at ang huli ay ang office nito sa

فصول أخرى
استكشاف وقراءة روايات جيدة مجانية
الوصول المجاني إلى عدد كبير من الروايات الجيدة على تطبيق GoodNovel. تنزيل الكتب التي تحبها وقراءتها كلما وأينما أردت
اقرأ الكتب مجانا في التطبيق
امسح الكود للقراءة على التطبيق
DMCA.com Protection Status