Share

Chapter 2

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-06-02 13:54:56

Chapter 2

Kasabay ng paglayo ko sa kanya ay pakiramdam ko ring unti-unti kong iniiwan ang lahat ng alaalang binuo namin.

"Althea, please!" habol niya habang sumusunod ng ilang hakbang.

Ngunit agad akong huminto. At sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya. Ang mga matang minsang puno ng pagmamahal para sa kanya ay wala nang ibang laman kundi pagod at sakit.

"Ang kapal ng mukha mo."

Napatigil siya. "Sa lahat ng taong pwede mong lokohin, ako pa." Napailing ako. "Huwag ka nang mag-abala pang magpaliwanag." Bumara ang luha sa lalamunan ko.

Ngunit pinilit kong maging matatag. "Dahil mula ngayon, wala ka nang karapatan sa buhay ko."

At matapos sabihin iyon, tuluyan ko siyang tinalikuran. Habang sa likuran ko ay paulit-ulit niyang tinatawag ang pangalan ko.

Ngunit hindi na ako lumingon. Dahil kung lilingon pa ako. Baka makita niya kung gaano ako kasira. At ayokong ibigay sa kanya ang huling piraso ng dignidad na natitira sa akin.

"Okay ka lang?"

Nag-aalalang tanong ni Joan habang magkatabi kaming nakatayo sa labas ng hotel. Huminga ako nang malalim.

Masakit, oo di yun maiiwasan at sobrang sakit ang nararamdaman ko. Pero wala nang saysay ang pag-iyak para sa isang lalaking hindi naman ako pinahalagahan.

"Yeah," sagot ko habang pinupunasan ang natitirang luha sa aking pisngi.

Tiningnan ko ang malaking gusali sa harapan ko bago dahan-dahang ngumiti.

Ngunit hindi na iyon ang dating ngiti ng isang babaeng umiibig. Isa na iyong ngiti ng isang babaeng handang lumaban.

"Kailangan kong maging okay." Tahimik na nakinig si Joan. "And I think it's time to go back home and kunin ang para sa akin."

Napatitig siya sa akin. Pagkatapos ay unti-unting lumaki ang kanyang ngiti.

"Finally."

Napatawa ako nang bahagya. Matagal na kasi niya akong kinukulit tungkol dito. Matagal na niyang sinasabing tigilan ko na ang pagtatago sa tunay kong pagkatao.

Pero pinili kong mamuhay nang simple. Pinili kong mamuhay bilang isang ordinaryong babae. At higit sa lahat, pinili kong mahalin si Cyrus bilang si Althea lamang.

Hindi bilang tagapagmana ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa.

Sa pagkakaalam ni Cyrus, isa lamang akong simpleng saleslady sa isang mall. Isang babaeng kumakayod para mabuhay.

Isang babaeng walang kayamanan. Walang impluwensya. Walang maipagmamalaki. Pero ang hindi niya alam. Ako ang nag-iisang anak ni Lorenzo Monteverde.

Ang tanging tagapagmana ng Monteverde Group of Companies. At habang nagpapanggap akong isang ordinaryong empleyado. Ang aking stepmother at stepsister naman ang unti-unting umangkin sa lahat ng dapat ay akin.

"Ano'ng plano mo?" tanong ni Joan.

Napatingin ako sa malayong kalangitan. "Uuwi ako."

"Seryoso?"

Tumango ako. "Matagal na akong naging mabait." At panahon na para itama ang lahat.

" I agreed your decision!" sambit nito. "Kung ano man ang kahihinatnan lahat, don't forget to call me, okay!"

Napangiti ako sa kanyang sinabi. "Thank you so much, Joan. For everything!" saka ko ito niyakap mahigpit.

Pagkatapos ay sabay kaming umalis sa lugar na ito naay dalang pag-asa sa buhay.

KINAGABIHAN. Matapos ang halos tatlong oras na biyahe ay sa wakas ay nakarating ako sa Monteverde Mansion.

Huminto ang taxi sa harap ng napakalaking bakal na gate.

Napatitig ako rito.

Tatlong taon.

Tatlong taon na rin simula nang umalis ako sa bahay na ito.

Tatlong taon na rin simula nang piliin kong mabuhay nang mag-isa.

At sa loob ng tatlong taon na iyon. Hindi man lang ako hinanap ng aking ama.

Mas pinili niyang bigyang-pansin ang bago niyang pamilya.

Napakuyom ang aking kamay.

Ngunit agad kong pinakawalan ang tensyon.

Hindi ako narito para magtanim ng galit.

Narito ako para bawiin ang nararapat sa akin.

Pagbaba ko ng taxi ay agad akong sinalubong ng matandang guwardiya.

Nanlaki ang kanyang mga mata.

"M-Miss Althea?"

Napangiti ako nang bahagya.

"Good evening, Mang Roberto."

Halos mabitawan niya ang hawak niyang flashlight.

"Miss! Kayo nga po!"

Tumango ako.

At sa sumunod na segundo ay dali-dali niya akong pinagbuksan ng gate.

"Pasok po kayo, Miss! Siguradong matutuwa si Sir Lorenzo kapag nakita kayo!"

Hindi ako sumagot.

Dahil hindi ako sigurado kung matutuwa nga ba ang ama ko.

Tahimik akong naglakad papasok.

At nang marating ko ang malaking pintuan ng mansyon ay agad ko itong binuksan.

Pagpasok ko pa lamang ay bumungad na agad sa akin ang masayang tawanan.

Napatingin ako sa living room.

At doon ko nakita sila.

Ang aking ama.

Ang aking stepmother na si Veronica.

At ang kanyang anak na si Bianca.

Masaya silang nakaupo habang nagkukuwentuhan.

Parang isang perpektong pamilya.

Parang walang nawawalang miyembro.

Hanggang sa mapansin ako ni Bianca.

Agad na nawala ang ngiti sa kanyang mukha.

"Althea?"

Napalingon din ang iba.

At sa isang iglap ay nabalot ng katahimikan ang buong sala.

Nanlaki ang mga mata ng aking ama.

"A-Althea?"

Mabagal akong ngumiti.

"Hello, Dad."

Tumayo siya mula sa kanyang kinauupuan. Para bang hindi siya makapaniwala sa nakikita.

Samantalang si Veronica naman ay halatang nanigas sa kanyang kinauupuan.

At si Bianca? Kitang-kita ko ang pag-aalala sa kanyang mukha. Parang natatakot siyang may mangyaring hindi niya magugustuhan.

At tama siya. Dahil ngayong nakabalik na ako. Hindi na ako papayag na sila ang maghari sa buhay na dapat ay akin. Mabagal akong tumingin sa bawat sulok ng mansyon. Pagkatapos ay muling ibinalik ang tingin sa kanila.

"Namiss n'yo ba ako?"

At sa simpleng tanong na iyon. Naramdaman ko ang biglang pagbigat ng hangin sa buong silid.

"P-Paanong buhay ka pa?" Biglang tanong ni Bianca.

Nawalan ng kulay ang kanyang mukha habang nakatitig sa akin na para bang multo ang nakita niya. Napakunot ang noo ko. Pagkatapos ay mabagal akong ngumiti. Ngunit walang kahit katiting na saya sa ngiting iyon.

"Bakit?" malamig kong tanong.

"May dahilan ba para hindi ako mabuhay?"

Agad siyang napayuko. "A-Ano? Hindi, ang ibig kong sabihin—"

"O gusto mo bang patay na ako?" Naputol ang sasabihin niya.

Nakita kong namutla lalo ang kanyang mukha. Samantalang si Veronica naman ay agad na tumayo.

"Bianca! Anong klaseng tanong iyan?"

Ngunit halatang-halata ang kaba sa kanyang boses. Para bang may natatakot silang malaman ko. O baka naman ay may natatakot silang mabunyag. Tiningnan ko silang dalawa nang diretso.

Pagkatapos ay ibinaling ko ang tingin ko sa aking ama. Ang lalaking minsang nangakong ako ang kanyang pinakamamahal na anak. Ang lalaking pinabayaan akong umalis nang walang kahit anong pagpigil.

"Andito ako para kunin ang mana na iniwan ni Mom sa akin."

Nabigla silang lahat. Lalo na si Veronica. Kasabay ng sinabi kong iyon ay tila nanigas ang kanyang buong katawan.

"Including this mansion."

"Althea!" Malakas na sigaw ni Veronica. "Anong ibig mong sabihin?"

Tumaas ang isang kilay ko. "Alam mo ang ibig kong sabihin."

Humakbang ako palapit.

Isa. Dalawa. Tatlo.

Hanggang sa tuluyan akong huminto sa harapan nila.

"Nakapangalan sa nanay ko ang mansyong ito bago siya namatay."

Tahimik silang lahat.

"At ayon sa huling habilin niya, lahat ng kanyang ari-arian ay mapupunta sa akin pagdating ng tamang panahon."

Napakuyom ang kamao ni Bianca. "Hindi totoo iyan!"

Napalingon ako sa kanya. "Talaga ba?"

Naningkit ang mga mata ko. "Kung hindi totoo, bakit parang takot na takot ka?"

"Ako? Takot?"

Napatawa ako. "Hindi mo kailangang magsinungaling."

Mabilis akong naglabas ng isang folder mula sa aking bag. At inilapag iyon sa mesa. Agad na napatingin ang lahat dito.

"Narito ang kopya ng testamento ni Mom."

Nanlaki ang mga mata ni Veronica. Dahil sigurado akong inakala nilang wala akong alam. Na isa lamang akong inosenteng babaeng namuhay nang malayo sa pamilya. Ngunit nagkamali sila. Matagal ko nang alam ang katotohanan. Pinili ko lamang na manahimik noon. Pero hindi na ngayon.

"Althea..." mahinang tawag ni Dad.

Napatingin ako sa kanya. At sa unang pagkakataon matapos ang tatlong taon ay nakita ko ang guilt sa kanyang mga mata.

"Dad, hindi ako nakipag-away para rito noon." Humugot ako ng malalim na hininga. "Dahil mas pinili kong magkaroon ng pamilya kaysa pera."

Napayuko siya. "Pero ngayon?" Napahawak ako nang bahagya sa aking tiyan. Hindi nila napansin ang simpleng kilos na iyon.

Ngunit para sa akin ay sapat na iyon bilang paalala. Hindi na lang sarili ko ang iniisip ko ngayon. May batang umaasa sa akin. At sisiguraduhin kong walang sinuman ang aagaw sa dapat ay para sa kanya.

"Ngayon, babawiin ko ang lahat ng nararapat sa akin."

Bumagsak ang katahimikan sa buong sala. Hanggang sa biglang magsalita si Bianca.

"Hindi ka pwedeng basta na lang bumalik at angkinin ang lahat!"

Napalingon ako sa kanya at saka malamig na ngumiti.

"Talaga ba?"

Humakbang ako palapit sa kanya. At sa bawat hakbang ko ay lalo siyang napaatras.

"Dahil sa pagkakaalam ko..." Huminto ako sa harapan niya. "...ako ang tunay na tagapagmana."

Nakita kong namuo ang galit sa kanyang mga mata. Samantalang si Veronica ay tila hindi na mapakali. At doon ko tuluyang natiyak. May tinatago sila. At anuman iyon a malapit ko nang malaman.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 50

    Chapter 50Cyrus POVTahimik akong nakatingin habang papalayo sina Althea at Caleb.Magkahawak ang kanilang mga kamay.Paminsan-minsan ay may sinasabi ang bata na siyang ikinapangiti ni Althea.Hindi ko namalayang napangiti rin ako.Hanggang sa tuluyan silang nawala sa paningin ko.Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa larawan na hawak ko.Iyong larawan...Kung saan nakangiti kaming tatlo.Para kaming isang normal na pamilya.Marahan kong hinaplos ang gilid ng photo strip."Hindi ako titigil..." Mahina kong bulong sa sarili. "...hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan, Althea."Huminga ako nang malalim.Masyadong marami nang pagkakataon ang nagtuturo sa iisang direksyon.Ang pagkakahawig namin ni Caleb.Ang edad ng bata.Ang apelyido nitong Monteverde.At higit sa lahat...Ang paraan ng pag-iwas ni Althea sa tuwing tinatanong ko siya.Hindi iyon ugali ng isang taong walang itinatago."You're hiding something."Mahina kong sambit."And I'm going to find out what it is."Muli

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 49

    Chapter 49Matapos ang family photo shoot ay ipinakita sa amin ng photographer ang mga kuha.Isa-isang lumabas ang mga larawan sa malaking monitor.May kuhang nagtatawanan kami.May kuhang nakatingin si Caleb sa amin habang hawak ang kamay naming dalawa.At may isang larawan...Tahimik lang kaming nakangiti.Si Caleb ay nasa gitna, habang ako at si Cyrus ay nakatingin sa kanya na puno ng pagmamahal.Sa litrato...Parang isa kaming tunay na pamilya."Wow..."Manghang sambit ng photographer."This is the best shot today."Tumango rin ang event organizer."I've handled a lot of family events, but this photo is different.""It looks so natural."Marami sa mga taong naroon ang napahinto upang tingnan ang larawan."Ang ganda...""Parang cover ng family magazine.""Bagay na bagay silang tatlo."Napayuko na lamang ako.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan.Dahil ang nakikita nila ay isang masayang pamilya...Ngunit ang hindi nila alam ay punô ito ng mga lihim.Habang tahimik akong

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 48

    Chapter 48Bago pa man ako makapag-isip ng isasagot kay Cyrus, biglang may nakita si Caleb sa kabilang bahagi ng mall.Nanlaki ang kanyang mga mata at masaya niya akong hinila."Wow!"Masigla niyang sigaw."It's that photo booth?"Sabay turo niya sa isang makulay na photo booth na napapalibutan ng iba't ibang dekorasyon at sample pictures ng mga pamilya at magkakaibigan."Mommy..."Masuyo niyang sabi habang nakatingin sa akin."We try?"Napalingon ako sa direksyong tinuturo niya.Napabuntong-hininga ako.Sa totoo lang, gusto kong tumanggi.Ngunit nang makita ko ang kislap ng kanyang mga mata, hindi ko magawang sirain ang saya niya.Ngumiti ako nang bahagya."Okay."Agad siyang napatalon sa tuwa."Yehey!"Hinila niya ang kamay ko papunta sa photo booth.Pagkatapos ay lumingon siya kay Cyrus."Mister Handsome!"Masaya niyang tawag."Come with us!"Nanlaki ang mga mata ko."Caleb..."Mahina kong saway.Ngunit tila hindi niya iyon narinig."Please!"Aniya habang nakatingin kay Cyrus."I w

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 47

    Chapter 47 Matapos naming lumabas sa toy store ay magkahawak-kamay kaming naglakad ni Caleb. Sa kabilang kamay niya ay mahigpit niyang yakap ang paper bag na naglalaman ng dalawa niyang bagong racing cars. "Mommy!" Masaya niyang sabi. "Can we buy books later?" Napangiti ako. "Of course." Habang abala akong nakikinig sa kuwento niya ay hindi ko napansin ang lalaking papalapit mula sa kabilang direksyon. Bump! Nagulat ako nang bahagya sa pagkakabangga namin. Napalayo ako ng isang hakbang. "I'm sorry, Mister." Agad kong hingi ng paumanhin habang nakayuko. Hindi ko man lang ito tiningnan. Ngunit bago pa ako makalakad... Narinig ko ang masayang boses ni Caleb. "Wow!" Napalingon ako sa kanya. "Mister Handsome!" Masaya niyang sigaw. "We meet again!" Parang tumigil ang oras. Dahan-dahan akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko. At ganoon din siya. Nagtagpo ang aming mga mata. Pareho kaming natigilan. "Althea..." Mahina niyang sambit. "Cyrus..." Hindi ko namala

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 46

    Chapter 46Matapos naming kumain ay tinawag ko sina Ate Linda at Inday."Ate Linda, Inday."Agad silang napatingin sa akin."Yes, Ma'am?"Ngumiti ako."Ngayong araw, gusto kong i-enjoy ninyo ang weekend ninyo."Nagkatinginan silang dalawa."Kaya bumili kayo ng kahit anong gusto ninyo.""Ma'am, huwag na po. Sasamahan na lang po namin kayo ni Baby Caleb."Sabi ni Ate Linda.Umiling ako."Hindi.""Kanina ko pa sinabi sa inyo na ito ang araw ninyo.""Tingnan ninyo ang mga gusto ninyong bilhin. Huwag kayong mag-alala sa amin ni Caleb."Nag-aalangan pa rin si Inday."Pero, Ma'am..."Ngumiti ako at hinawakan ang kanyang balikat."Trust me.""Kayang-kaya kong bantayan ang anak ko.""Isa pa, gusto ko ring magkaroon kami ng mother-and-son bonding."Napangiti silang dalawa."Sige po."Sabay nilang sagot."Tama."Dagdag ko."Magkita-kita na lang tayo rito ulit sa restaurant."Sinulyapan ko ang relo ko."Exactly 11:00 a.m."Tumango si Ate Linda."Okay po, Ma'am.""At huwag kayong magmadali.""Bast

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 45

    Chapter 45Makalipas ang halos tatlumpung minuto ng biyahe ay nakarating din kami sa mall.Maingat kong ipinarada ang sasakyan sa parking area bago ko pinatay ang makina."Okay, everyone."Ngumiti ako habang inaalis ang seatbelt."We're here.""Yey!"Masayang sigaw ni Caleb habang pumapalakpak.Pagkababa namin ng sasakyan ay inayos ko muna ang damit ni Caleb at hinawakan ang kanyang maliit na kamay.Pagkatapos ay lumingon ako kina Ate Linda at Inday.Sandali kong binuksan ang aking handbag at kumuha ng dalawang sobre.Iniabot ko ang tiglilimang libong piso sa bawat isa."Ma'am?"Naguguluhang tanong ni Ate Linda."Ano po ito?"Ngumiti ako."Allowance ninyo ngayong araw."Nanlaki ang kanilang mga mata."Hindi na po, Ma'am."Sabay nilang tanggi.Ngunit umiling ako."Kunin ninyo.""Sobrang laki na po nito."Sabi ni Inday habang nag-aalangan."Hindi po kami sanay."Napangiti ako."Weekend ngayon.""Gusto kong i-enjoy din ninyo ang araw.""Bilhin ninyo ang gusto ninyo.""Bagong damit.""Sap

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 1

    Chapter 1 Althea POV "Bestie, walang hiya talaga iyang Cyrus na iyan!" galit na galit na sabi ni Joan sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko habang nakaupo sa waiting area sa labas ng ospital. Kadarating ko lang mula sa check-up dahil ilang araw na akong nakararanas ng pagkahilo at pagsusuka

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 26

    Chapter 26 Habang nagpapatuloy ang meeting ay napansin kong unti-unti nang naiinip ang anak ko. Kanina pa siya tahimik na nakaupo sa gilid ng conference room. At para sa isang batang kasing-edad niya, himala na ang halos isang oras na pananatiling tahimik. Kaya hindi na ako nagtaka nang bigla n

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 25

    Chapter 25 Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Alas-sais pa lamang ng umaga ay nakahanda na ako para sa nakatakdang pagbisita namin sa isang kumpanya. Hindi iyon basta ordinaryong meeting. Isa iyong personal na pag-survey sa negosyong nagbigay sa akin ng proposal kagabi sa event. Sa lahat ng

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 5

    Chapter 5Pagkapasok ko sa guest room ay agad kong isinara ang pinto.At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa mansyong ito...Nawala ang matigas na maskarang suot ko.Napagod ako.Hindi sa pakikipagtalo.Kundi sa pag-alala.Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala ng aking ina.Mga ala

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status