LOGINChapter 3
"Lorenzo... magsalita ka!" Hindi na napigilan ni Veronica ang sarili. Halata ang pagkataranta sa kanyang mukha habang paulit-ulit na tumitingin sa aking ama. Parang umaasa siyang may sasabihin itong pabor sa kanila. Parang umaasa siyang muli niya akong isasantabi. Ngunit sa pagkakataong ito... Hindi na ako iyong dating Althea. "Althea..." mahinang tawag ni Dad. "Althea, hindi mo pwedeng gawin ito." Napatawa ako. Ngunit walang saya sa tawang iyon. Puro pait lamang. Puro sama ng loob. "Why, Dad?" Tahimik siya. "Kasi ba mas mahal mo sila kaysa sa akin?" Nakita kong nanikip ang kanyang panga. Ngunit hindi ako tumigil. Hindi matapos ang lahat ng taon na pinabayaan niya ako. "Hindi ba ako ang tunay mong anak?" Muling bumagsak ang katahimikan sa buong sala. "Mas matimbang ba sa'yo ang dalawang iyan na wala namang dugong dumadaloy sa kanilang mga ugat?" "Althea!" saway ni Veronica. Ngunit agad ko siyang tiningnan. At sa isang tingin pa lamang ay natahimik siya. "So pathetic..." Mapait akong napailing. "Alam mo, Dad?" Tumulo ang isang luha sa aking pisngi. Hindi dahil mahina ako. Kundi dahil nasasaktan pa rin ako. Sa kabila ng lahat. Anak pa rin niya ako. "Buong buhay ko, akala ko kulang lang ako." Napayuko ako sandali. "Akala ko may mali sa akin." Naramdaman kong bumigat ang dibdib ko habang isa-isang bumabalik ang mga alaala. Mga kaarawan na hindi niya nadaluhan. Mga recognition day na wala siya. Mga gabing hinihintay ko siyang umuwi. Mga panahong mas pinili niyang samahan ang bagong pamilya niya kaysa ang sarili niyang anak. "Pero ngayon naiintindihan ko na." Napatingin ako sa kanya. "Never akong naging problema." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Dad..." Napangiti ako nang mapait. "Ikaw." Parang may kung anong bumagsak sa pagitan naming mag-ama. Isang pader na hindi na kayang sirain. "Althea, hindi ganoon ang nangyari." "Talaga ba?" Mabilis kong tanong. "Dahil sa nakikita ko, ganoon na ganoon ang nangyari." Napahawak siya sa noo niya. Mukhang nahihirapan. Ngunit wala na akong pakialam. Tatlong taon akong nasaktan. Panahon naman para marinig niya ang katotohanan. "Sabihin mo nga sa akin, Dad." Diretso akong tumingin sa kanyang mga mata. "Noong umalis ako rito..." Humugot ako ng malalim na hininga. "...sinubukan mo ba akong hanapin?" hindi ito sumagot. "Noong umiiyak ako mag-isa..." Tahimik pa rin. "Noong kailangan kita bilang ama..." Wala pa ring sagot. Dahan-dahan akong tumango. Naramdaman kong lalong sumikip ang dibdib niya. Ngunit hindi na ako umurong. Hindi na ngayon. "Dahil ang katahimikan mo ang sagot." "Althea..." basag ang boses niya. Pero huli na. Masyado nang huli. Biglang tumayo si Bianca. "Enough!" Napalingon kaming lahat sa kanya. Galit na galit ang mukha niya. "Akala mo ba ikaw lang ang nasaktan?!" Napataas ang kilay ko. "Excuse me?" "Oo!" Nanginginig ang boses niya. "Pinaghirapan namin ang lahat ng mayroon kami rito!" Napatawa ako. At sa pagkakataong iyon, hindi ko na itinago ang pangungutya sa aking mukha. "Talaga?" Humakbang ako palapit sa kanya. "Pinaghirapan?" Nakita kong napalunok siya. "Sabihin mo nga sa akin, Bianca." Tinuro ko ang paligid. "Kaninong pera ba ang nagpatayo ng mansyong ito?" Tahimik siya. "Kaninong pamilya ang nagtatag ng kumpanyang tinatamasa ninyo ngayon?" Wala pa ring sagot. "At kaninong mana ang ginagamit ninyo sa loob ng maraming taon?" Namula ang kanyang mukha. Dahil alam niyang tama ako. At alam kong alam niya iyon. "Everything you have..." Malamig akong ngumiti. "...came from my mother." Parang binuhusan ng malamig na tubig ang buong sala. At sa unang pagkakataon. Wala ni isa sa kanila ang nakasagot. Dahil ang katotohanan ay isang bagay na hindi nila kayang takasan. At ngayong nakabalik na ako. Sisiguraduhin kong haharapin nila ang bawat kasinungalingang itinayo nila sa loob ng maraming taon. "Manong, pakiakyat ang gamit ko sa aking silid." Agad na tumango si Mang Roberto. "Yes, Miss Althea." Ngunit bago pa man siya makaalis ay biglang sumingit si Bianca. "No!" Malakas ang kanyang boses. Lalo pa siyang nagmukhang galit nang makita niyang sinusunod ako ng mga katulong. "Silid ko na iyon!" Napalingon ako sa kanya. At saka malamig na ngumiti. "Silid mo?" Napatawa ako nang mahina. "Yes, in the first place, silid ko iyon." Tumigas ang kanyang mukha. "At ikaw ang umagaw niyon sa akin." "Althea!" sigaw niya. Ngunit hindi ako natinag. Sa halip ay tumingin ako sa mga katulong na tila hindi malaman kung sino ang susundin. "Narinig n'yo ang sinabi ko." Tumango ang ilan sa kanila. "Ang lahat ng gamit sa loob ng silid ay tanggalin." Nanlaki ang mga mata ni Bianca. "Ano?!" "At palitan ng bago." "How dare you!" Mabilis siyang lumapit sa akin. Ngunit hindi ako umatras. Hindi tulad noon. Hindi na ako iyong batang tahimik na inaapi. Hindi na ako iyong batang umiiyak sa sulok habang inaagaw nila ang lahat ng para sa akin. "How dare me?" ulit ko. Malamig akong tumawa. "Mas magandang itanong mo iyan sa sarili mo." Nakita kong namula ang kanyang mukha sa galit. "Three years akong wala rito." Humakbang ako palapit sa kanya. "Three years mong ginamit ang silid ko." Isa pang hakbang. "Three years mong inangkin ang mga bagay na hindi naman para sa'yo." Isa pang hakbang. Hanggang sa tuluyan siyang mapaatras. "Kaya huwag mo akong tanungin kung paano ako nagkaroon ng lakas ng loob." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Dahil ang tanong ay..." Malamig akong ngumiti. "...paano mo nagawang angkinin ang hindi naman sa'yo?" "Mom!" galit niyang tawag kay Veronica. Agad naman itong lumapit. "Althea, sobra ka na." Napalingon ako sa kanya. "Sobra?" Tumawa ako. "Sobra na ba agad kapag kinukuha ko ang sarili kong pag-aari?" Hindi siya agad nakasagot. "Dahil sa pagkakaalam ko, kayo ang sumobra." Tahimik silang dalawa. At doon ko nakita ang galit sa kanilang mga mata. Pero wala na akong pakialam. Hindi na ako natatakot sa kanila. Hindi na matapos kong malaman kung gaano sila kadaling talikuran ang katotohanan para sa sariling kapakanan. "Mang Roberto." "Yes, Miss?" "Simulan na ninyo." Nagkatinginan ang mga katulong. Pagkatapos ay sabay-sabay silang tumango. "Yes, Miss Althea." "Ano?!" Halos mapasigaw si Bianca nang makitang nagsimula nang umakyat ang mga katulong sa ikalawang palapag. "Huwag kayong gagalaw!" Ngunit walang sinuman ang sumunod sa kanya. Dahil alam nilang lahat kung sino ang tunay na may-ari ng silid na iyon. At marahil kung sino rin ang tunay na tagapagmana ng pamilyang Monteverde. Nakita kong namumula sa galit si Bianca habang isa-isang umaakyat ang mga katulong. Samantalang si Veronica naman ay halos hindi makapaniwala sa nangyayari. At si Dad? Tahimik lamang siyang nakatayo. Pinagmamasdan ang lahat. Parang ngayon lang niya napagtatanto kung gaano karaming bagay ang hinayaan niyang mangyari habang nakapikit siya sa katotohanan. "At isa pa pala." Napalingon silang lahat sa akin. Malamig kong inilapag ang aking bag sa sofa. "Mula bukas, gusto kong makita ang lahat ng financial reports ng Monteverde Group." Nanlaki ang mga mata ni Veronica. "Ano'ng kinalaman niyan dito?" Napangisi ako. "Malalaman mo bukas." At sa unang pagkakataon mula nang makabalik ako sa mansyong ito. Nakita ko ang takot sa kanilang mga mukha. Takot na baka mabunyag ang lahat ng sikreto nilang matagal nang nakatago. At sisiguraduhin kong mangyayari iyon. Dahil ang pagbawi ko sa aking silid. Simula pa lamang ng lahat.Chapter 52 Tahimik ang buong mansyon. Maging ang mga kasambahay ay hindi makakilos sa kinatatayuan nila. Nakatitig lamang silang lahat sa amin. Samantalang ang babaeng nasa harapan ko ay unti-unti nang nawawalan ng kumpiyansa. Humakbang ako palapit sa kanya. Mahigpit ang aking titig. "And one more thing..." Malamig kong sabi. "Wala akong pinuntahang business event that year." Nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Ano?" Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "So tell me... Paano tayo nagkakilala?" Hindi siya agad nakasagot. Napatingin siya kay Mommy na para bang humihingi ng tulong. Ngunit nanatiling tahimik si Mommy. Pakiramdam niya ay may mali na sa kuwento ng babae. "Cyrus..." Nauutal nitong sambit. "M-May mali lang siguro akong natandaan." Napatawa ako nang mapait. "Mali? Kanina, sigurado kang anak ko ang batang ito." pang-uuyam ko g sambit. "Ngayon naman... Mali ang naaalala mo?" Napayuko siya. Wala siyang maisagot. Humakbang ako palapit sa batang lalaki at lumuhod sa har
Chapter 51Matapos kong maibaba ang tawag kay Dr. Adrian Reyes, nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan.Hindi pa rin ako makapaniwala.May anak ako.At ang batang masayang tumatawag sa akin ng "Mister Handsome"...Ay sarili kong dugo.Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng aking mga mata.Hindi ito ang tamang oras para magpadala sa emosyon.Kailangan kong maging kalmado.Kailangan kong mag-isip nang maayos.Agad kong dinukot ang aking cellphone at hinanap ang numero ng event coordinator na inutusan kong mag-asikaso ng Family Day para sa mga empleyado ng CDM Company sa susunod na linggo.Ilang segundo lamang ay sinagot nito ang tawag."Good morning, Sir.""Good morning."Diretso kong sagot."How's the preparation?""Okay na ba ang lahat?""Yes, Sir."Masiglang tugon nito."Naka-book na po ang venue.""Confirmed na rin po ang catering, sound system, at mga games.""At ayon po sa utos ninyo, puwedeng isama ng lahat ng empleyado ang kanilang pamilya."Tahim
Chapter 50Cyrus POVTahimik akong nakatingin habang papalayo sina Althea at Caleb.Magkahawak ang kanilang mga kamay.Paminsan-minsan ay may sinasabi ang bata na siyang ikinapangiti ni Althea.Hindi ko namalayang napangiti rin ako.Hanggang sa tuluyan silang nawala sa paningin ko.Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa larawan na hawak ko.Iyong larawan...Kung saan nakangiti kaming tatlo.Para kaming isang normal na pamilya.Marahan kong hinaplos ang gilid ng photo strip."Hindi ako titigil..." Mahina kong bulong sa sarili. "...hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan, Althea."Huminga ako nang malalim.Masyadong marami nang pagkakataon ang nagtuturo sa iisang direksyon.Ang pagkakahawig namin ni Caleb.Ang edad ng bata.Ang apelyido nitong Monteverde.At higit sa lahat...Ang paraan ng pag-iwas ni Althea sa tuwing tinatanong ko siya.Hindi iyon ugali ng isang taong walang itinatago."You're hiding something."Mahina kong sambit."And I'm going to find out what it is."Muli
Chapter 49Matapos ang family photo shoot ay ipinakita sa amin ng photographer ang mga kuha.Isa-isang lumabas ang mga larawan sa malaking monitor.May kuhang nagtatawanan kami.May kuhang nakatingin si Caleb sa amin habang hawak ang kamay naming dalawa.At may isang larawan...Tahimik lang kaming nakangiti.Si Caleb ay nasa gitna, habang ako at si Cyrus ay nakatingin sa kanya na puno ng pagmamahal.Sa litrato...Parang isa kaming tunay na pamilya."Wow..."Manghang sambit ng photographer."This is the best shot today."Tumango rin ang event organizer."I've handled a lot of family events, but this photo is different.""It looks so natural."Marami sa mga taong naroon ang napahinto upang tingnan ang larawan."Ang ganda...""Parang cover ng family magazine.""Bagay na bagay silang tatlo."Napayuko na lamang ako.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan.Dahil ang nakikita nila ay isang masayang pamilya...Ngunit ang hindi nila alam ay punô ito ng mga lihim.Habang tahimik akong
Chapter 48Bago pa man ako makapag-isip ng isasagot kay Cyrus, biglang may nakita si Caleb sa kabilang bahagi ng mall.Nanlaki ang kanyang mga mata at masaya niya akong hinila."Wow!"Masigla niyang sigaw."It's that photo booth?"Sabay turo niya sa isang makulay na photo booth na napapalibutan ng iba't ibang dekorasyon at sample pictures ng mga pamilya at magkakaibigan."Mommy..."Masuyo niyang sabi habang nakatingin sa akin."We try?"Napalingon ako sa direksyong tinuturo niya.Napabuntong-hininga ako.Sa totoo lang, gusto kong tumanggi.Ngunit nang makita ko ang kislap ng kanyang mga mata, hindi ko magawang sirain ang saya niya.Ngumiti ako nang bahagya."Okay."Agad siyang napatalon sa tuwa."Yehey!"Hinila niya ang kamay ko papunta sa photo booth.Pagkatapos ay lumingon siya kay Cyrus."Mister Handsome!"Masaya niyang tawag."Come with us!"Nanlaki ang mga mata ko."Caleb..."Mahina kong saway.Ngunit tila hindi niya iyon narinig."Please!"Aniya habang nakatingin kay Cyrus."I w
Chapter 47 Matapos naming lumabas sa toy store ay magkahawak-kamay kaming naglakad ni Caleb. Sa kabilang kamay niya ay mahigpit niyang yakap ang paper bag na naglalaman ng dalawa niyang bagong racing cars. "Mommy!" Masaya niyang sabi. "Can we buy books later?" Napangiti ako. "Of course." Habang abala akong nakikinig sa kuwento niya ay hindi ko napansin ang lalaking papalapit mula sa kabilang direksyon. Bump! Nagulat ako nang bahagya sa pagkakabangga namin. Napalayo ako ng isang hakbang. "I'm sorry, Mister." Agad kong hingi ng paumanhin habang nakayuko. Hindi ko man lang ito tiningnan. Ngunit bago pa ako makalakad... Narinig ko ang masayang boses ni Caleb. "Wow!" Napalingon ako sa kanya. "Mister Handsome!" Masaya niyang sigaw. "We meet again!" Parang tumigil ang oras. Dahan-dahan akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko. At ganoon din siya. Nagtagpo ang aming mga mata. Pareho kaming natigilan. "Althea..." Mahina niyang sambit. "Cyrus..." Hindi ko namala
Chapter 26 Habang nagpapatuloy ang meeting ay napansin kong unti-unti nang naiinip ang anak ko. Kanina pa siya tahimik na nakaupo sa gilid ng conference room. At para sa isang batang kasing-edad niya, himala na ang halos isang oras na pananatiling tahimik. Kaya hindi na ako nagtaka nang bigla n
Chapter 25 Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Alas-sais pa lamang ng umaga ay nakahanda na ako para sa nakatakdang pagbisita namin sa isang kumpanya. Hindi iyon basta ordinaryong meeting. Isa iyong personal na pag-survey sa negosyong nagbigay sa akin ng proposal kagabi sa event. Sa lahat ng
Chapter 5Pagkapasok ko sa guest room ay agad kong isinara ang pinto.At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa mansyong ito...Nawala ang matigas na maskarang suot ko.Napagod ako.Hindi sa pakikipagtalo.Kundi sa pag-alala.Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala ng aking ina.Mga ala
Chapter 4 Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports. Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca. At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila. "Financial reports?" pilit







