Share

Chapter 4

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-06-02 22:35:59

Chapter 4

Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports.

Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca.

At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila.

"Financial reports?" pilit na kalmadong tanong ni Veronica.

"Oo." Tumayo ako mula sa kinauupuan ko. "May problema ba doon?"

"Wala kang karapatang humingi ng mga dokumentong iyon."

Napataas ang isang kilay ko. "Talaga?" Napatingin ako kay Dad. "Dad, sabihin mo nga."

Muling bumagsak ang katahimikan. Halatang nahihirapan siya. Ngunit sa pagkakataong ito, hindi ko siya tutulungang makaiwas.

"Althea..."

"Yes or no?" Mariin kong tanong. "May karapatan ba ako o wala?"

Napapikit siya sandali. At nang muli siyang dumilat ay tila tumanda siya ng sampung taon.

"Meron."

Parang binuhusan ng malamig na tubig sina Veronica at Bianca.

"Dad!" Sigaw ni Bianca.

Ngunit hindi na siya pinansin ng aking ama. At sa unang pagkakataon sa loob ng maraming taon. Pinili niya ang katotohanan kahit huli na.

Malamig akong ngumiti. "Narinig mo?" Napatingin ako kay Veronica. "Kaya siguraduhin mong nasa opisina ko bukas ang lahat ng records."

"Althea, hindi mo naiintindihan—"

"Hindi." Putol ko. "Kayo ang hindi nakakaintindi." Nakita kong kumuyom ang kanyang mga kamay. "Sa loob ng tatlong taon, hinayaan ko kayong gawin ang gusto ninyo." Humakbang ako palapit. "Pero tapos na iyon."

"Akala mo ba madali ang pagpapatakbo ng kompanya?" singhal ni Bianca. "Akala mo ba dahil bumalik ka, pwede mo nang kunin lahat?"

Napatawa ako. Ngunit wala iyong bahid ng saya. Puro pangungutya lamang.

"Kunin?" Mabagal akong tumango. "Interesting."

Tumingin ako sa buong sala. Sa mamahaling chandelier. Sa mamahaling mga kasangkapan. Sa lahat ng bagay na pagmamay-ari ng pamilya ko.

"Paano naging pagkuha ang pagbawi ng sariling pag-aari?"

Namula ang mukha ni Bianca. Ngunit wala siyang naisagot. Dahil alam niyang tama ako. Lahat ng mayroon siya ngayon ay nagsimula sa mana ng aking ina.

At ngayon ay unti-unti ko iyong babawiin. Makalipas ang ilang minuto ay umakyat ako sa ikalawang palapag. Kasunod ko ang ilang katulong.

Pagdating namin sa dating silid ko ay agad akong natigilan. Maraming bagay ang nagbago. Iba na ang kulay ng dingding. Iba na ang mga kurtina. Iba na ang mga muwebles. At higit sa lahat ay wala nang bakas ng dating ako. Parang binura nila ang bawat alaalang minsang naroon.

"Mam, ano po ang unang ipapatanggal?" tanong ng isa sa mga katulong.

Mabagal akong umikot sa silid. At saka tumigil sa gitna.

"Lahat." Nagkatinginan sila.

"Lahat po?"

Tumango ako. "Lahat." Malamig ang boses ko."Wala akong gustong matira rito."

Agad silang nagsimulang kumilos. Isa-isang tinanggal ang mga gamit.

Ang kama. Ang cabinet. Ang mga dekorasyon. Lahat.

Habang pinagmamasdan ko iyon, biglang bumukas ang pinto. Pagpasok ko si Bianca.

Galit na galit at namumula ang mukha.

"Stop this!"

Malamig akong napalingon sa kanya. "Hindi."

"Althea!"

"Labas."

Napatigil siya. "Ano?"

"Labas." Mas malamig ang boses ko ngayon.

"At huwag kang papasok sa silid ko nang walang permiso."

Nanlaki ang kanyang mga mata. "Your room?"

Tumango ako. "My room."

Halos manginig siya sa galit. "Dahil ba anak ka ni Dad kaya feeling mo superior ka?"

Napangiti ako ngunit mapanganib na ngiti iyon. "Hindi." Humakbang ako palapit sa kanya. "Alam mo kung ano ang pinagkaiba natin?" Tahimik siya. "Ako, hindi ko kailangang magnakaw para magkaroon ng lugar sa bahay na ito."

Parang sinampal siya sa sinabi ko. "Ako, hindi ko kailangang gamitin ang apelyido ng ibang tao para maging mahalaga." Lalong namutla ang kanyang mukha.

"Ako..." Huminto ako sa harapan niya. At diretso siyang tiningnan sa mga mata. "...hindi kailangang mang-agaw."

Tumulo ang luha sa kanyang mga mata. Ngunit wala akong naramdamang awa. Hindi matapos ang lahat ng taon na ako ang umiiyak habang sila ang masaya. Hindi matapos nilang pakinabangan ang lahat ng iniwan ng aking ina.

At lalo na ngayon, na alam kong may batang umaasa sa akin. Hindi na ako pwedeng maging mahina. Hindi na ako pwedeng magpatawad nang basta-basta. Dahil ang Althea na umalis sa mansyong ito tatlong taon na ang nakalipas ayy hindi na ang Althea na bumalik ngayon. At sa pagkakataong ito ay hindi ako titigil hangga't hindi ko nababawi ang lahat ng kinuha nila sa akin.

Ilang sandali pa ay dumating si Dad sa harap ng silid. Mukhang may nagsumbong na agad. At hindi na ako nagtaka kung sino. Pagpasok pa lamang niya ay agad kong nakita si Bianca na umiiyak.

Nakayakap kay Veronica habang nagpapanggap na siya ang biktima. Parang siya ang inagawan. Parang siya ang nawalan. Hindi ako nakapigil ay npailing na lamang ako.

"Althea, sumusobra ka na!" Mariing sambit ni Dad.

Napalingon ako sa kanya. Pagkatapos ay itinuro ko ang sarili ko. "Huh? Ako?" Napatawa ako. Ngunit halatang-halata ang pangungutya sa boses ko. "Sumusobra?" Napailing ako. "Napapatawa ba ninyo ako, Dad?"

Tahimik siya. "Sumosobra ba ang pagbawi ko sa para sa akin?"

Wala siyang naisagot. At lalong wala siyang naisagot nang ituro ko ang paligid.

"Silid ko ito." Isa-isang lumabas sa bibig ko ang bawat salita. "Silid ko bago pa man dumating sila sa mansyon natin." Tahimik. "Silid ko bago pa man nila angkinin ang lahat."

Tahimik pa din at muli niyang ginawa ang nakasanayan niyang gawin sa loob ng maraming taon.

"Dad!" Biglang singit ni Bianca. Lumapit siya rito habang umiiyak. "Dad, saan ako matutulog ngayong gabi?" Parang bata niyang tanong. "Kinuha ni Althea ang silid ko."

Agad akong tumingin sa kanya. "Correction." Tumigil siya. "Binawi." Malamig kong sabi. "Hindi kinuha."

Napangisi ako. "Magkaiba ang dalawang iyon, Bianca." Namula ang mukha niya.

Habang si Veronica naman ay halos sumabog na sa galit.

"Dad!"

Muling reklamo ni Bianca. "Saan ako matutulog?"

Tiningnan ko siya mula ulo hanggang paa. Pagkatapos ay nagkibit-balikat.

"May maid's room naman."

Parang natamaan siya ng kidlat. "What?!" Nanlaki ang kanyang mga mata. "Are you crazy?!"

Tumawa ako. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil ngayon niya nararanasan ang kahit katiting ng naranasan ko noon.

"What? Hindi ba kuwarto rin iyon?"

"How dare you!"

"Ano?"

Napataas ang kilay ko. "Wala namang bakanteng kuwarto." Pagkatapos ay itinuro ko ang hallway. "At ngayong gabi, sa guest room muna ako matutulog habang inaayos ang silid ko."

Lalong namula si Bianca. Parang gusto na niya akong sugurin. Ngunit hindi ko siya pinansin. Sa halip ay ibinaling ko ang tingin kay Veronica.

Nanginginig ito sa galit. "What? Are you crazy?" singhal niya.

"Patutulugin mo ang kapatid mo sa kuwarto ng mga katulong?"

Napatawa ako. Ngunit sa pagkakataong ito, wala nang natitirang init sa boses ko.

Malamig. Napakalamig.

"Kapatid?" Napatigil silang lahat. "Kailan pa naging kapatid ko ang isang taong nakinabang sa lahat ng dapat ay akin?" "Madrasta lang kita."

Isa pang hakbang. "Hindi ko sila kadugo." Isa pang hakbang. "At lalong hindi ko obligasyong unahin ang komportable nilang buhay."

Nakita kong napahiya si Dad. Ngunit hindi ako naaawa. Dahil saan siya noong ako ang nawawalan? Saan siya noong ako ang unti-unting nawawalan ng lugar sa sarili kong tahanan? Saan siya noong sila ang mas pinili niya?

Mabagal kong kinuha ang bag ko. At saka dumaan sa pagitan nilang tatlo. Pagdating ko sa tabi ni Dad ay saglit akong huminto. Hindi ko siya tiningnan. Dahil natatakot akong makita ang sarili kong sakit.

"Don't worry, Dad." Mahina ngunit malinaw kong sabi. "Hindi pa ito ang sobra."

Nanigas siya at bago pa siya makapagsalita ay nagpatuloy na ako sa paglalakad. Patungo sa guest room. Habang sa likuran ko ay naiwan ang katahimikan. At ang unang pagkakataon sa maraming taon na hindi nila makuha ang gusto nila. Dahil nagsisimula pa lamang akong bawiin ang lahat.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 52

    Chapter 52 Tahimik ang buong mansyon. Maging ang mga kasambahay ay hindi makakilos sa kinatatayuan nila. Nakatitig lamang silang lahat sa amin. Samantalang ang babaeng nasa harapan ko ay unti-unti nang nawawalan ng kumpiyansa. Humakbang ako palapit sa kanya. Mahigpit ang aking titig. "And one more thing..." Malamig kong sabi. "Wala akong pinuntahang business event that year." Nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Ano?" Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "So tell me... Paano tayo nagkakilala?" Hindi siya agad nakasagot. Napatingin siya kay Mommy na para bang humihingi ng tulong. Ngunit nanatiling tahimik si Mommy. Pakiramdam niya ay may mali na sa kuwento ng babae. "Cyrus..." Nauutal nitong sambit. "M-May mali lang siguro akong natandaan." Napatawa ako nang mapait. "Mali? Kanina, sigurado kang anak ko ang batang ito." pang-uuyam ko g sambit. "Ngayon naman... Mali ang naaalala mo?" Napayuko siya. Wala siyang maisagot. Humakbang ako palapit sa batang lalaki at lumuhod sa har

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 51

    Chapter 51Matapos kong maibaba ang tawag kay Dr. Adrian Reyes, nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan.Hindi pa rin ako makapaniwala.May anak ako.At ang batang masayang tumatawag sa akin ng "Mister Handsome"...Ay sarili kong dugo.Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng aking mga mata.Hindi ito ang tamang oras para magpadala sa emosyon.Kailangan kong maging kalmado.Kailangan kong mag-isip nang maayos.Agad kong dinukot ang aking cellphone at hinanap ang numero ng event coordinator na inutusan kong mag-asikaso ng Family Day para sa mga empleyado ng CDM Company sa susunod na linggo.Ilang segundo lamang ay sinagot nito ang tawag."Good morning, Sir.""Good morning."Diretso kong sagot."How's the preparation?""Okay na ba ang lahat?""Yes, Sir."Masiglang tugon nito."Naka-book na po ang venue.""Confirmed na rin po ang catering, sound system, at mga games.""At ayon po sa utos ninyo, puwedeng isama ng lahat ng empleyado ang kanilang pamilya."Tahim

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 50

    Chapter 50Cyrus POVTahimik akong nakatingin habang papalayo sina Althea at Caleb.Magkahawak ang kanilang mga kamay.Paminsan-minsan ay may sinasabi ang bata na siyang ikinapangiti ni Althea.Hindi ko namalayang napangiti rin ako.Hanggang sa tuluyan silang nawala sa paningin ko.Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa larawan na hawak ko.Iyong larawan...Kung saan nakangiti kaming tatlo.Para kaming isang normal na pamilya.Marahan kong hinaplos ang gilid ng photo strip."Hindi ako titigil..." Mahina kong bulong sa sarili. "...hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan, Althea."Huminga ako nang malalim.Masyadong marami nang pagkakataon ang nagtuturo sa iisang direksyon.Ang pagkakahawig namin ni Caleb.Ang edad ng bata.Ang apelyido nitong Monteverde.At higit sa lahat...Ang paraan ng pag-iwas ni Althea sa tuwing tinatanong ko siya.Hindi iyon ugali ng isang taong walang itinatago."You're hiding something."Mahina kong sambit."And I'm going to find out what it is."Muli

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 49

    Chapter 49Matapos ang family photo shoot ay ipinakita sa amin ng photographer ang mga kuha.Isa-isang lumabas ang mga larawan sa malaking monitor.May kuhang nagtatawanan kami.May kuhang nakatingin si Caleb sa amin habang hawak ang kamay naming dalawa.At may isang larawan...Tahimik lang kaming nakangiti.Si Caleb ay nasa gitna, habang ako at si Cyrus ay nakatingin sa kanya na puno ng pagmamahal.Sa litrato...Parang isa kaming tunay na pamilya."Wow..."Manghang sambit ng photographer."This is the best shot today."Tumango rin ang event organizer."I've handled a lot of family events, but this photo is different.""It looks so natural."Marami sa mga taong naroon ang napahinto upang tingnan ang larawan."Ang ganda...""Parang cover ng family magazine.""Bagay na bagay silang tatlo."Napayuko na lamang ako.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan.Dahil ang nakikita nila ay isang masayang pamilya...Ngunit ang hindi nila alam ay punô ito ng mga lihim.Habang tahimik akong

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 48

    Chapter 48Bago pa man ako makapag-isip ng isasagot kay Cyrus, biglang may nakita si Caleb sa kabilang bahagi ng mall.Nanlaki ang kanyang mga mata at masaya niya akong hinila."Wow!"Masigla niyang sigaw."It's that photo booth?"Sabay turo niya sa isang makulay na photo booth na napapalibutan ng iba't ibang dekorasyon at sample pictures ng mga pamilya at magkakaibigan."Mommy..."Masuyo niyang sabi habang nakatingin sa akin."We try?"Napalingon ako sa direksyong tinuturo niya.Napabuntong-hininga ako.Sa totoo lang, gusto kong tumanggi.Ngunit nang makita ko ang kislap ng kanyang mga mata, hindi ko magawang sirain ang saya niya.Ngumiti ako nang bahagya."Okay."Agad siyang napatalon sa tuwa."Yehey!"Hinila niya ang kamay ko papunta sa photo booth.Pagkatapos ay lumingon siya kay Cyrus."Mister Handsome!"Masaya niyang tawag."Come with us!"Nanlaki ang mga mata ko."Caleb..."Mahina kong saway.Ngunit tila hindi niya iyon narinig."Please!"Aniya habang nakatingin kay Cyrus."I w

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 47

    Chapter 47 Matapos naming lumabas sa toy store ay magkahawak-kamay kaming naglakad ni Caleb. Sa kabilang kamay niya ay mahigpit niyang yakap ang paper bag na naglalaman ng dalawa niyang bagong racing cars. "Mommy!" Masaya niyang sabi. "Can we buy books later?" Napangiti ako. "Of course." Habang abala akong nakikinig sa kuwento niya ay hindi ko napansin ang lalaking papalapit mula sa kabilang direksyon. Bump! Nagulat ako nang bahagya sa pagkakabangga namin. Napalayo ako ng isang hakbang. "I'm sorry, Mister." Agad kong hingi ng paumanhin habang nakayuko. Hindi ko man lang ito tiningnan. Ngunit bago pa ako makalakad... Narinig ko ang masayang boses ni Caleb. "Wow!" Napalingon ako sa kanya. "Mister Handsome!" Masaya niyang sigaw. "We meet again!" Parang tumigil ang oras. Dahan-dahan akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko. At ganoon din siya. Nagtagpo ang aming mga mata. Pareho kaming natigilan. "Althea..." Mahina niyang sambit. "Cyrus..." Hindi ko namala

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 26

    Chapter 26 Habang nagpapatuloy ang meeting ay napansin kong unti-unti nang naiinip ang anak ko. Kanina pa siya tahimik na nakaupo sa gilid ng conference room. At para sa isang batang kasing-edad niya, himala na ang halos isang oras na pananatiling tahimik. Kaya hindi na ako nagtaka nang bigla n

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 25

    Chapter 25 Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Alas-sais pa lamang ng umaga ay nakahanda na ako para sa nakatakdang pagbisita namin sa isang kumpanya. Hindi iyon basta ordinaryong meeting. Isa iyong personal na pag-survey sa negosyong nagbigay sa akin ng proposal kagabi sa event. Sa lahat ng

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 2

    Chapter 2 Kasabay ng paglayo ko sa kanya ay pakiramdam ko ring unti-unti kong iniiwan ang lahat ng alaalang binuo namin. "Althea, please!" habol niya habang sumusunod ng ilang hakbang. Ngunit agad akong huminto. At sa huling pagkakataon ay nilingon ko siya. Ang mga matang minsang puno ng pagm

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 1

    Chapter 1 Althea POV "Bestie, walang hiya talaga iyang Cyrus na iyan!" galit na galit na sabi ni Joan sa kabilang linya. Napakunot ang noo ko habang nakaupo sa waiting area sa labas ng ospital. Kadarating ko lang mula sa check-up dahil ilang araw na akong nakararanas ng pagkahilo at pagsusuka

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status