Share

ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY
ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY
Author: SKYGOODNOVEL

Chapter 1

Author: SKYGOODNOVEL
last update publish date: 2026-06-01 21:44:53

Chapter 1

Althea POV

"Bestie, walang hiya talaga iyang Cyrus na iyan!" galit na galit na sabi ni Joan sa kabilang linya.

Napakunot ang noo ko habang nakaupo sa waiting area sa labas ng ospital. Kadarating ko lang mula sa check-up dahil ilang araw na akong nakararanas ng pagkahilo at pagsusuka. Akala ko nga ay may malubha akong sakit.

Ngunit kabaligtaran ng inaasahan ko ang naging resulta.

One month pregnant. Hanggang ngayon ay hindi ko pa rin lubos na matanggap ang sinabi ng doktor. Pakiramdam ko ay nananaginip lang ako.

"Ano'ng ibig mong sabihin?" nagtatakang tanong ko kay Joan.

Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga. "Hay naku, mahirap ipaliwanag sa telepono. Basta pumunta ka rito sa Moon Hotel. May kailangan kang makita."

Lalo akong napakunot-noo.

"Moon Hotel?"

"Oo. Bilisan mo. Huwag kang magtanong. Basta pumunta ka na rito."

May kakaibang kaba ang gumapang sa dibdib ko. "Sige. Papunta na ako."

Agad niyang pinatay ang tawag. Tinitigan ko muna ang hawak kong ultrasound result bago ko iyon maingat na isinilid sa aking bag at napahawak ako sa aking tiyan.

"Buntis..." mahinang bulong ko.

Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o matatakot. Ang ama ng batang dinadala ko ay walang iba kundi si Cyrus Del Monte ang lalaking pinakamamahal ko.

Napangiti ako nang bahagya habang naaalala ang mga masasayang sandaling magkasama kami. Ngunit mabilis ding naglaho ang ngiting iyon nang maalala ko ang kakaibang tono ni Joan.

Parang may mali. At pakiramdam ko, hindi ko magugustuhan ang malalaman ko. Dahil nasa kabilang kalsada lamang ang Moon Hotel, nagpasya akong lakarin na lang ito.

Pagdating ko sa harap ng hotel, agad kong namataan si Joan na tila balisang naghihintay sa akin.

"Bestie!" Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang aking kamay.

"Joan, ano ba talaga ang nangyayari?"

Hindi siya agad nakasagot. Sa halip ay tumingin siya sa ikalawang palapag ng hotel.

"Doon."

Sinundan ko ng tingin ang direksiyong itinuro niya. Isang malaking glass window ang naroon.

At sa isang iglap ay parang tumigil ang pag-ikot ng mundo ko. Nanlaki ang aking mga mata saka nanginig ang aking buong katawan. Dahil sa loob ng silid na iyon ay malinaw kong nakita si Cyrus.

Nakangiti. Nakayakap. At kasalukuyang hinahalikan ang isang babae. Parang may nabasag sa loob ng dibdib ko.

"H-Hindi..." mahina kong bulong.

Pakiramdam ko ay nawalan ako ng lakas. Hindi ako makapaniwala sa aking nasasaksihan. Ang lalaking nangakong ako lamang ang mamahalin niya. Ang lalaking ama ng batang dinadala ko ay niloloko pala ako.

Unti-unting pumatak ang aking mga luha habang nakatitig sa eksenang paulit-ulit na sumasaksak sa puso ko. At sa pagkakataong iyon, hindi ko alam na ang nakikita ko ay simula pa lamang ng pinakamalaking kasinungalingang sisira sa aming dalawa.

"J-Joan..." hikbi kong tawag habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng mga luha ko.

Agad niya akong inalalayan nang mapansin niyang nanginginig na ang buo kong katawan.

"Walang hiya talagang lalaki iyon! Ano? Susugurin ba natin?" galit na galit niyang tanong habang nakatingin sa bintanang kinaroroonan nina Cyrus.

Napatingin ako sa kanya. "Pwede ba iyon?" nanginginig kong tanong.

"Oo naman! At the first place, nobya ka niya! How dare him cheat on you?" gigil na sabi niya.

Muli akong napatingin sa bintana. Nandoon pa rin si Cyrus kasama ang babae. Masayang nag-uusap. Masayang nagtatawanan.

Habang ako ay durog na durog ang puso. Napahawak ako sa tiyan ko nang hindi namamalayan. Hindi pa man din ako nakakaisip kung paano ko sasabihin kay Cyrus na buntis ako. Hindi pa man niya nalalaman na magkakaroon na kami ng anak. Pero heto ako ngayon, nasasaksihan kung paano niya ako niloloko.

"Hindi na..." mahinang sambit ko.

"Ano?" tanong ni Joan.

"Hindi ko sila susugurin." Nanlaki ang mga mata niya.

"Ha? Althea, seryoso ka ba?"

Tumango ako habang pinupunasan ang mga luha ko.

"Ayaw kong magmukhang desperada."

"Pero bestie—"

"Tama na."

Pinikit ko ang mga mata ko at pilit na nilunok ang sakit na bumabara sa lalamunan ko. Kung talagang mahal niya ako, hindi niya magagawa ito. At kung nagawa niya at ibig sabihin, hindi ako sapat para sa kanya.

"Althea..." nag-aalalang tawag ni Joan.

Mabagal akong huminga bago muling dumilat. Sa pagkakataong iyon, parang may namatay sa loob ko. Ang babaeng handang ibigay ang lahat para kay Cyrus. Ang babaeng naniwalang sila na hanggang dulo pero kasinungalingan lang pala ang lahat.

"Huwag mo nang sabihin sa kanya ang tungkol sa bata," malamig kong sabi.

Natigilan si Joan.

"Ano?"

"Palalakihin ko ang anak ko nang ako lang."

"Pero karapatan niyang malaman!"

Mapait akong ngumiti.

"At karapatan ko ring ilayo ang anak ko sa isang lalaking manloloko."

Kasabay ng sinabi kong iyon ay bumukas ang pinto ng hotel. At mula roon ay lumabas si Cyrus.

Kasama ang babaeng kanina lamang ay nakayakap niya.

Hindi ko alam kung bakit. Pero sa halip na umiwas, kusang nagtama ang aming mga mata. At sa unang pagkakataon, nakita ko ang gulat na gumuhit sa kanyang mukha.

"Althea?"

Nakita ko ang kanyang reaksyon.Takot at pagkabigla. At kung may kaunting konsensya man siyang natitira, malinaw na nakaukit iyon sa kanyang mukha ngayon.

"Althea?" muli niyang tawag habang mabilis na bumibitaw sa babaeng kasama niya.

Napatawa ako nang mahina. Iyong klase ng tawang puno ng pait. Iyong tawang halos kasabay ng pagdurog ng puso.

"Bakit ka nabigla, Cyrus?" tanong ko habang nakatitig diretso sa kanya. Napansin kong bahagya siyang napaatras. "Bakit? Takot ka bang mahuli ko?"

"A-Althea, hindi ito ang iniisip mo—"

"Talaga ba?" putol ko agad sa sasabihin niya.

Napayuko siya sandali bago muling tumingin sa akin. Samantalang ang babaeng kasama niya ay tahimik lamang na nakamasid sa amin.

Napakuyom ang mga kamao ko. Hindi dahil gusto ko silang sugurin. Kundi dahil pilit kong pinipigilan ang sarili kong hindi tuluyang bumagsak sa harapan nila.

"Althea, please. Hayaan mo akong magpaliwanag."

Napailing ako. "Paliwanag?" Mapait akong ngumiti. "Nakakatawa ka, Cyrus."

Humakbang ako palapit sa kanya. Hindi ko alam kung saan ko nakukuha ang lakas na iyon. Marahil kapag sobra na ang sakit, kusa na lamang itong napapalitan ng galit.

"Anong ipapaliwanag mo?" tanong ko. "Na hindi ikaw ang lalaking nakayakap sa kanya?" Tahimik siya. "Na hindi ikaw ang humalik sa kanya?"

Muli siyang natahimik. "Na hindi ikaw ang nakita kong masayang-masaya habang niloloko mo ako?"

Napalunok siya at ang pananahimik niyang iyon ang pinakamasakit na sagot. Mas masakit pa sa kahit anong kasinungalingan. Dahil alam naming pareho ang totoo.

"Althea..." mahina niyang sambit.

"Stop."

Itinaas ko ang isang kamay. Agad siyang natigilan. Unti-unting pumatak ang luha ko ngunit hindi ko na iyon pinunasan. Hayaan niyang makita. Hayaan niyang makita kung gaano niya ako sinaktan.

"Alam mo kung ano ang pinakamasakit, Cyrus?"

Nakita kong kumunot ang noo niya. Napatawa ulit ako. Ngunit puno na iyon ng poot at pagkadismaya.

"Hindi iyong panloloko mo." Nanlaki ang kanyang mga mata. "Hindi rin iyong katotohanang may iba ka." Huminga ako nang malalim. "Ang pinakamasakit ay iyong pinaniwala mo akong mahal mo ako."

Parang may kung anong dumaan sa kanyang mukha. Sakit, Pagsisisi. O baka awa. Pero huli na para doon. Dahil ang pusong minsan niyang iningatan ay siya rin ang sumira.

"Althea, makinig ka muna sa akin—"

"Hindi." Matigas kong sagot. "Pagod na akong makinig."

Nagtagpo ang aming mga mata. At sa pagkakataong iyon, wala na akong nakitang lalaking mahal ko. Ang nakikita ko na lamang ay isang estranghero. Isang lalaking marunong magsinungaling habang nakatingin sa aking mga mata. Isang lalaking kayang sirain ang mga pangarap naming dalawa nang hindi man lang nagdadalawang-isip.

"Congratulations, Cyrus."

Napakunot ang noo niya. "Ano?"

Mapait akong ngumiti. "Nahanap mo na ang taong mas mahalaga kaysa sa akin."

"That's not true!" Mabilis niyang sagot.

Pero ngayon? Wala na akong pakialam. Dahil ang mga salita ay nawalan na ng halaga. Ang katotohanan ay nasa harapan ko na. At hindi iyon kayang baguhin ng kahit anong paliwanag, bahagya akong umatras.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 52

    Chapter 52 Tahimik ang buong mansyon. Maging ang mga kasambahay ay hindi makakilos sa kinatatayuan nila. Nakatitig lamang silang lahat sa amin. Samantalang ang babaeng nasa harapan ko ay unti-unti nang nawawalan ng kumpiyansa. Humakbang ako palapit sa kanya. Mahigpit ang aking titig. "And one more thing..." Malamig kong sabi. "Wala akong pinuntahang business event that year." Nanlaki ang kanyang mga mata. "A-Ano?" Bahagya kong ikiniling ang ulo ko. "So tell me... Paano tayo nagkakilala?" Hindi siya agad nakasagot. Napatingin siya kay Mommy na para bang humihingi ng tulong. Ngunit nanatiling tahimik si Mommy. Pakiramdam niya ay may mali na sa kuwento ng babae. "Cyrus..." Nauutal nitong sambit. "M-May mali lang siguro akong natandaan." Napatawa ako nang mapait. "Mali? Kanina, sigurado kang anak ko ang batang ito." pang-uuyam ko g sambit. "Ngayon naman... Mali ang naaalala mo?" Napayuko siya. Wala siyang maisagot. Humakbang ako palapit sa batang lalaki at lumuhod sa har

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 51

    Chapter 51Matapos kong maibaba ang tawag kay Dr. Adrian Reyes, nanatili akong tahimik sa loob ng sasakyan.Hindi pa rin ako makapaniwala.May anak ako.At ang batang masayang tumatawag sa akin ng "Mister Handsome"...Ay sarili kong dugo.Huminga ako nang malalim at pinunasan ang luhang namuo sa gilid ng aking mga mata.Hindi ito ang tamang oras para magpadala sa emosyon.Kailangan kong maging kalmado.Kailangan kong mag-isip nang maayos.Agad kong dinukot ang aking cellphone at hinanap ang numero ng event coordinator na inutusan kong mag-asikaso ng Family Day para sa mga empleyado ng CDM Company sa susunod na linggo.Ilang segundo lamang ay sinagot nito ang tawag."Good morning, Sir.""Good morning."Diretso kong sagot."How's the preparation?""Okay na ba ang lahat?""Yes, Sir."Masiglang tugon nito."Naka-book na po ang venue.""Confirmed na rin po ang catering, sound system, at mga games.""At ayon po sa utos ninyo, puwedeng isama ng lahat ng empleyado ang kanilang pamilya."Tahim

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 50

    Chapter 50Cyrus POVTahimik akong nakatingin habang papalayo sina Althea at Caleb.Magkahawak ang kanilang mga kamay.Paminsan-minsan ay may sinasabi ang bata na siyang ikinapangiti ni Althea.Hindi ko namalayang napangiti rin ako.Hanggang sa tuluyan silang nawala sa paningin ko.Dahan-dahan kong ibinaba ang tingin sa larawan na hawak ko.Iyong larawan...Kung saan nakangiti kaming tatlo.Para kaming isang normal na pamilya.Marahan kong hinaplos ang gilid ng photo strip."Hindi ako titigil..." Mahina kong bulong sa sarili. "...hangga't hindi ko nalalaman ang buong katotohanan, Althea."Huminga ako nang malalim.Masyadong marami nang pagkakataon ang nagtuturo sa iisang direksyon.Ang pagkakahawig namin ni Caleb.Ang edad ng bata.Ang apelyido nitong Monteverde.At higit sa lahat...Ang paraan ng pag-iwas ni Althea sa tuwing tinatanong ko siya.Hindi iyon ugali ng isang taong walang itinatago."You're hiding something."Mahina kong sambit."And I'm going to find out what it is."Muli

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 49

    Chapter 49Matapos ang family photo shoot ay ipinakita sa amin ng photographer ang mga kuha.Isa-isang lumabas ang mga larawan sa malaking monitor.May kuhang nagtatawanan kami.May kuhang nakatingin si Caleb sa amin habang hawak ang kamay naming dalawa.At may isang larawan...Tahimik lang kaming nakangiti.Si Caleb ay nasa gitna, habang ako at si Cyrus ay nakatingin sa kanya na puno ng pagmamahal.Sa litrato...Parang isa kaming tunay na pamilya."Wow..."Manghang sambit ng photographer."This is the best shot today."Tumango rin ang event organizer."I've handled a lot of family events, but this photo is different.""It looks so natural."Marami sa mga taong naroon ang napahinto upang tingnan ang larawan."Ang ganda...""Parang cover ng family magazine.""Bagay na bagay silang tatlo."Napayuko na lamang ako.Hindi ko alam kung matutuwa ba ako o masasaktan.Dahil ang nakikita nila ay isang masayang pamilya...Ngunit ang hindi nila alam ay punô ito ng mga lihim.Habang tahimik akong

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 48

    Chapter 48Bago pa man ako makapag-isip ng isasagot kay Cyrus, biglang may nakita si Caleb sa kabilang bahagi ng mall.Nanlaki ang kanyang mga mata at masaya niya akong hinila."Wow!"Masigla niyang sigaw."It's that photo booth?"Sabay turo niya sa isang makulay na photo booth na napapalibutan ng iba't ibang dekorasyon at sample pictures ng mga pamilya at magkakaibigan."Mommy..."Masuyo niyang sabi habang nakatingin sa akin."We try?"Napalingon ako sa direksyong tinuturo niya.Napabuntong-hininga ako.Sa totoo lang, gusto kong tumanggi.Ngunit nang makita ko ang kislap ng kanyang mga mata, hindi ko magawang sirain ang saya niya.Ngumiti ako nang bahagya."Okay."Agad siyang napatalon sa tuwa."Yehey!"Hinila niya ang kamay ko papunta sa photo booth.Pagkatapos ay lumingon siya kay Cyrus."Mister Handsome!"Masaya niyang tawag."Come with us!"Nanlaki ang mga mata ko."Caleb..."Mahina kong saway.Ngunit tila hindi niya iyon narinig."Please!"Aniya habang nakatingin kay Cyrus."I w

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 47

    Chapter 47 Matapos naming lumabas sa toy store ay magkahawak-kamay kaming naglakad ni Caleb. Sa kabilang kamay niya ay mahigpit niyang yakap ang paper bag na naglalaman ng dalawa niyang bagong racing cars. "Mommy!" Masaya niyang sabi. "Can we buy books later?" Napangiti ako. "Of course." Habang abala akong nakikinig sa kuwento niya ay hindi ko napansin ang lalaking papalapit mula sa kabilang direksyon. Bump! Nagulat ako nang bahagya sa pagkakabangga namin. Napalayo ako ng isang hakbang. "I'm sorry, Mister." Agad kong hingi ng paumanhin habang nakayuko. Hindi ko man lang ito tiningnan. Ngunit bago pa ako makalakad... Narinig ko ang masayang boses ni Caleb. "Wow!" Napalingon ako sa kanya. "Mister Handsome!" Masaya niyang sigaw. "We meet again!" Parang tumigil ang oras. Dahan-dahan akong napatingin sa lalaking nasa harapan ko. At ganoon din siya. Nagtagpo ang aming mga mata. Pareho kaming natigilan. "Althea..." Mahina niyang sambit. "Cyrus..." Hindi ko namala

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 5

    Chapter 5Pagkapasok ko sa guest room ay agad kong isinara ang pinto.At sa unang pagkakataon mula nang bumalik ako sa mansyong ito...Nawala ang matigas na maskarang suot ko.Napagod ako.Hindi sa pakikipagtalo.Kundi sa pag-alala.Sa bawat sulok ng bahay na ito ay may alaala ng aking ina.Mga ala

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 4

    Chapter 4 Tahimik na naghari ang buong sala matapos kong sabihin ang tungkol sa financial reports. Ngunit kitang-kita ko ang takot na mabilis na dumaan sa mukha nina Veronica at Bianca. At doon ko lalong natiyak. May tinatago sila. At mukhang malaki ang tinatago nila. "Financial reports?" pilit

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 26

    Chapter 26 Habang nagpapatuloy ang meeting ay napansin kong unti-unti nang naiinip ang anak ko. Kanina pa siya tahimik na nakaupo sa gilid ng conference room. At para sa isang batang kasing-edad niya, himala na ang halos isang oras na pananatiling tahimik. Kaya hindi na ako nagtaka nang bigla n

  • ANG KINADENA KONG PUSO: MY CUPID BABY   Chapter 25

    Chapter 25 Kinabukasan ay maaga kaming nagising. Alas-sais pa lamang ng umaga ay nakahanda na ako para sa nakatakdang pagbisita namin sa isang kumpanya. Hindi iyon basta ordinaryong meeting. Isa iyong personal na pag-survey sa negosyong nagbigay sa akin ng proposal kagabi sa event. Sa lahat ng

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status