分享

Chapter 5

作者: Luffytaro
last update publish date: 2025-02-25 08:24:29

ANG AKALA NITO ay may balak siyang akitin ito dahil lang nasa kama siya nang magmulat ito ng mata na wala naman talaga sa isip niya. Sobrang toxic ng isip nito. Hindi niya alam kung paano siya magpapaliwanag at kung ano ang sasabihin niya dahil mukha namang kahit anong sabihin niya ay hindi nito tatanggapin. 

“Hindi ba at sinabi ko na sayo na kahit na ikaw na lang ang natitirang babae rito sa mundo ay hindi ako magpapakababa para sayo? Hindi ko gugustuhing dumihan ang kahit dulo ng daliri ko dahil lang sa katulad mo.” sabi nito at ang bawat salitang binitawan nito ay puno ng diin.

Masakit. Sobrang sakit. Wala man lang itong pakialam sa kahit anong lumabas sa bibig nito, wala itong pakialam kung makakasakit ba ito o ano pero wala naman siyang magawa. “O baka naman idol mo ang mga prinsesa sa mga cartoons na nakatagpo ng prinsepe nila?” dagdag pa nitong tanong sa kaniya at pagkatapos ay umiling.

Sa puntong iyon ay bigla na lamang nahulog ang luha sa kanyang mga mata. Hindi na niya nagawang pigilan pa ang kanyang emosyon lalo pa at napakasakit ng mga binitawan nitong salita. Bugbog na bugbog siya sa pang-aalipusta nito sa kaniya. “Bakit ba ganyan ka kasakit magsalita?” tanong niya at pinunasan ang kanyang mga luha. Ayaw niya sanang ipakita rito na nasasaktan siya sa mga sinasabi nito ngunit hindi na niya matagalan pa.

“At bakit hindi sana? Ikaw ang nagpunta rito at naghanap ng gulo.” malamig na sabi nito.

“Bakit ba ayaw mong maniwala na inutusan ako ng DAddy mo na pumunta rito? Sino ang taong tanga na gugustuhing pumunta rito kung mga masasakit lang naman pala na salita ang dadatnan niya rito.” sabi niya.

“Umalis ka na. Ayokong makita pa ang mukha mo.” malamig na utos nito.

Napakuyom ang kanyang mga kamay at pagkatapos ay mabilis na lumabas ng silid na hindi na nagsalita pa at walang inaksayang oras para umalis sa lugar na iyon. Pagkalabas niya ng condo ay pinunasan niya ang kanyang mga luha sa kanyang pisngi. Habang dumadaan ang araw ay parang palala ng palala ang trato ni Lawrence sa kaniya na para bang sinasadya nitong pahirapan siya. Bigla tuloy sumagi sa isip niya na paano kaya kung umalis na lang siya sa mansyon ng mga ito? Pero saan naman siya pupunta kung sakali?

NOONG HAPONG iyon sa mansyon ay bigla siyang ipinatawag ni Don Lucio sa kanyang silid. Nang pumunta siya sa sala ay nakita niya na naroon din si Lawrence at nakaupo sa sofa. Nang mapansin siya nito ay agad na namang nagdilim ang mga mata nito na para bang nakita na naman nito ang taong kinamumuhian nito ng lubos.

“Umupo ka hija.” sabi ng matanda sa kaniya.

Mabilis naman siyang sumunod. “May problema po ba?” kaagad na niyang tanong pagkaupong pagkaupo pa lang niya. Hindi naman siya nito ipapatawag kung walang problema. Hindi niya maiwasang hindi isipin na baka mamaya ay nagsumbong na si Lawrence sa ama nito at pilit na siyang paalisin sa mansyon. Bigla siyang kinabahan.

“Malapit ka ng grumaduate, hindi ba?” tanong nito sa kaniya. Tumango naman siya at nagtaka kung bakit bigla-bigla na lang nitong tinatanong iyon.

“Magbabakasyon na kayo ng ilang buwan bago ang OJT niyo hindi ba?” tanong nitong muli na ikinatango niyang muli. “Gusto ko sanang hilingin sayo na kung pwede ay pansamatala ka munang maging secretary ni Lawrence habang nakabakasyon ka. Okay lang ba sayo?”

Hindi pa man siya nakakasagot ay nauna nang nagsalita sa kaniya si Lawrence na puno ng pagtutol. “Hindi pwede. Ayoko siyang maging secretary.” mariing pagtutol nito.

Bigla namang bumaling ang matandang lalaki sa anak. “Bakit naman ayaw mo? Dapat lang na malaman din ni Asha ang trabaho sa opisina para na rin maihanda siya sa OJT niya.” sabi nito.

Kitang-kita niya ang pagtatagis ng mga bagang nito. “Dad naman, ilang buwan na lang ay aalis na ako ng bansa kaya sana naman ay huwag mo na akong pahirapan pa.” muling sabi nito. “Isa pa, pinag-aral mo na nga siya lahat-lahat sa pinaka magandang paaralan pagkatapos ay gusto niyo pa siyang ipasok sa kumpanya? Para sa saan? Dahil ba sa nanay niya na naging dahilan ng pagkasira ng pamilya natin?” tuloy-tuloy na bulalas nito. Bigla siyang napayuko sa labis na pagkapahiya dahil sa sinabi nito.

“Lawrence, tumigil ka.” seryosong saway ng matanda rito ngunit sa halip na tumigil ay mas lalo pa itong nagalit.

“Alam niyo ba na dala-dala ni Mommy ang sama ng loob niya sa inyo hanggang sa huling hininga niya?” puno ng galit na tanong nito. “Alam niyo ba iyon?!” tumaas na ang boses nito.

在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP

最新章節

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 75

    SINULYAPAN niya si Adam na may hindi maipintang mukha habang nakatayo sa kanyang harapan. “Bakit hindi na lang ikaw mismo ang nagpaalis sa kaniya sa kwarto mo kaysa inutos mo pa sa kasambahay?” hindi niya napigilang itanong.Agad na umikot ang mga mata nito. “Kung ako ang umakyat doon, baka kung ano lang ang magawa ko sa kaniya.” sagot nito na hindi pa rin natatanggal ang matinding inis sa mukha.Hindi na lang siya umimik pa dahil alam niya kung gaano kainis ito sa babaeng iyon at talagang ayaw pa rin nitong sumuko. Desidido talaga itong akitin si Adam at sa totoo lang, maging siya ay naiinis na rin. Nang hindi siya sumagot ay muli siyang binalingan nito.“O gusto mo na pumunta ako doon sa kaniya?” tanong nito.Agad na umikot ang kanyang mga mata at sinamaan ito ng tingin. “Pwede ba Adam, magtigil ka nga. Sobrang sakit ng ulo ko sa totoo lang kaya wala akong lakas para makipag-away sayo.” Tumaas ang sulok ng labi nito habang nakatingin sa kaniya. “Talaga? Gusto mo bang tulungan kitan

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 74

    NAKITA niyang natigilan si Adam habang nakatingin sa kaniya. Isang buntong hininga ang pinakawalan nito bago sumagot. “Itatapon ko lang ang laman nito.” tukoy nito sa palangganang hawak. “Babalik din ako kaagad. Kahit na ganun ang sinabi nito sa kaniya ay parang nagdadalawang isip pa rin si Miri sa sagot nito. “Sigurado ka ba?” ulit niya na parang batang pinapangakuan.Nagsalubong ang mga kilay nito habang nakatingin sa kaniya. “Tumigil ka nga sa kagaganyan mo okay? Masyado kang pabebe.” medyo naiinis na sabi nito sa kaniya.Wala siyang ideya kung ano ang itsura niya ng mga oras na iyon kaya tanging ang mapakagat labi na lang ang nagawa niya. Hindi niya pa rin pala nabibitawan ang damit nito at nananatiling nasa harap pa rin niya ito. “Huwag mong kagatin yang labi mo.” saway nito sa kaniya.Dahil dito ay napanguso siya ng wala sa oras. “Lahat na lang ba ng gagawin ko ay bawal?” tanong niya rito. Napabuga na lang ito ng marahas. Ano na naman kayang problema? Tanong ni Miri sa kanyang

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Authors Note

    Hello po, alam kong nag-aabang pa rin kayo sa pagpapatuloy ng story ni Miri at Adam at opo, itutuloy ko pa rin po siya pero po sa ngayon sa isangvstory po muna ako mag-focus. Ang story po ni Sevi Alvaro, ang panganay na anak ni Asha at Lawrence. Baka gusto niyo pong basahin^^ FATED TO BE MINE po ang Title. Salamt po sa pag unawa. ~Luffytaro

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 73

    NAALIMPUNGATAN si Miri dahil sa isang malamig na bagay na dumampi sa kanyang mukha. Idagdag pa ang matinding sakit ng ulo niya ng magising siya. Hirap na hirap niyang iminulat ang kanyang mga mata. Namumungay pa ang kanyang mga mata na pinalis ang malamig na bagay na patuloy na dumadampi sa kanyang noo dahil giniginaw din siya. “Ang ginaw…” wala sa sarili niyang sabi. Narinig niya ang isang buntong hininga mula sa tabi niya. “Hayaan mong punasan na muna kita.” sabi ng isang pamilyar na tinig sa tabi niya.Nahihirapan siyang tiningnan ito. “Bakit? Bakit mo ako pupunasan?” naguguluhang tanong niya rito.“Nilalagnat ka.” sagot nito sa kaniya. “Pagkatapos mong umiyak ay bigla ka na lang nakatulog at nilagnat.” Dahil dito ay hindi siya umimik. Hindi niya akalain na lalagnatin siya dahil lang sa simple niyang pag-iyak. “Wait lang, huwag ka munang magkumot ng sobra pupunasan pa kita.” muling sabi nito sa kaniya.Sa halip ay sinubukan niyang bumangon ngunit mabilis siya nitong pinigilan.

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 72

    “HINDI ba at binalaan na kita? Bakit hindi ka nakinig sa akin?” malamig na tanong nito sa kaniya.“Pwede ba River. Stop ordering me around okay? Ngayon at nakuha niyo na ang gusto niyo, we can now cut ties completely. Ayoko ng bumalik pa sa pamilyang nagtulak sa akin sa impyerno dahilan para magkandaleche-leche ang buhay ko.” walang prenong sabi niya rito. Punong-puno na siya sa totoo lang.“How can you say that Miri? Kapatid kita so how can I cut ties with you?” “Why not? Katulad nga ng sabi ko ay tapos na ang obligasyon ko. Naibalik na sa inyo ang dapat na ibalik sa inyo. Isa pa, buo na ang desisyon kong huwag ng bumalik pa sa bahay at kahit na wala na akong matirhan pa ay hinding-hindi na ako magmamakaawa pa sa inyo na tulungan ako.” “Miri, ano bang kalokohan yang sinasabi mo?” “Ipapadala ko na lang sayo ang mga dokumento kaya huwag mo na akong tawagan pa. Ayoko ng makipag-usap sayo at ikaw na lang din ang magsabi kay Dad ng sinabi ko sayo.” sabi niya at mabilis na ibinaba ang n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   BOOK2: Chapter 71

    MAKALIPAS ang ilang minuto ay muling biglang nagsalita si Adam. “magbabakasyon ako sa Boracay at kailangan mong sumama sa akin.” Agad na nagsalubong ang kanyang mga kilay nang marinig niya ang sinabi nito. “At bakit ko naman kailangang sumama sayo?” puno ng pagtatakang tanong niya.Sinulyapan siya nito at puno ng pagdududa ang mga mata. “Malamang na kapag iniwan kita ay susubukan mong tumakas kaya wala akong pagpipilian kundi ang isama ka kahit na ayoko sana.” Naging malamig ang kanyang mga mata at halos hindi na niya malunok pa ang kanyang kinakain. “Kung labag din naman pala sa kalooban mo na isama ako e di iwan mo na lang ako dito. Magiging istorbo lang ako sayo doon tyaka kung natatakot ka na baka takasan kita e di pabantayan mo na lang ako sa mga tauhan mo. anong ginagawa nila e napakadami nila hindi ba?” medyo naiinis ng tanong ko sa kaniya.Isang buntong hininga lang ang pinakawalan niya. “Masyado silang busy kaya wala silang oras na bantayan ka.” hindi talaga ito nauubusan n

  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 90

    NAGULAT NA LANG siya nang makalapit na pala ito ng tuluyan sa kaniya at pagkatapos ay hinawakan ang magkabila niyang mga braso at bigla na lang siya nitong hinila palapit dito. Sinubukan niyang labanan ang ginagawa nito ngunit naging limitado lang ang mga kilos niya dahil natatakot siya na baka mal

    last update最後更新 : 2026-03-23
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 74

    NAPUNO SIYA ng pagkabalisa. Hindi niya tuloy napigilan ang sarili niya na kagatin ang kanyang kuko ng mga oras na iyon. Natatakot siya. Natatakot siya na baka pumunta nga doon si Lawrence at parusahan pa siya ng mas matindi kaysa noong magkasama pa sila. Idagdag pa na tiyak na hindi niya ito kayang

    last update最後更新 : 2026-03-22
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 79

    HINDI NIYA ito hinahamon lang at hindi niya ito sinasabi dala ng pagiging sarkastiko kundi sinasabi niya iyon dahil punong-puno na rin siya rito. Hindi niya pwedeng hayaan na kontrolin lang siya nito dahil sa totoo lang ay masakit para sa kaniya na hindi man lang nito alam na pagsisihan ang mga gin

    last update最後更新 : 2026-03-22
  • ARRANGED MARRIAGE WITH THE HEARTLESS BILLIONAIRE   Chapter 83

    KINABUKASAN PAGKAGING na pagkagising ni Lawrence, dahil sa wala naman siyang pasok sa opisina dahil weekends ay agad siyang naligo at nagbihis. Gagawa siya ng paraan para mawala sa isip niya ang babaeng iyon. Hindi niya ito dapat pinag-aaksayahan ng oras na isipin kaya pagkatapos niyang magbihis ay

    last update最後更新 : 2026-03-22
更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status