LOGINThe first exam for the first semester has finally come.
Halos lahat ay abala sa pagre-review at pagtatapos ng kanilang mga requirements bago ang examination. Halos lahat ay hindi magkandaugaga sa kanilang mga dapat na tapusin at asikasuhin, kabilang na roon sina Elyan at ang kanyang mga kaibigan.
Bagama't nagkikita sila araw-araw, hindi iyon para sa pakikipagtsismisan o di kaya para pag-usapan ang kung anu-anong mga bagay.
Over the past two weeks, they've been staying in
Hindi lamang si Lester kundi maging si Vivian ay natigilan sa mga sandaling iyon nang makita nila ang unti-unting pagkawala ng website ng Donald-Walyen University, ganoon din ang account ni Jessica Salazar. Agad silang nagkatinginan at hindi kalaunan ay tinapunan ng tingin si Yugi na abalang nakaharap sa laptop nito mula sa living room.Not long after that, binalingan nilang muli ang laptop na nasa kanilang harapan. Sa puntong iyon ay muling bumalik ang account ni Jessica, pero hindi tulad kanina, wala na ang ilang libong followers nito, ganoon din ang mga post nito.Wala na rin ang post nito tungkol sa paninira nito kay Elyan ngunit napalitan iyon ng isang video na halos trenta minutos ang haba.Bago pa man pindutin ni Lester ang play button, natigil siya. Ilang saglit pa ay isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya kasunod niyon ay nakipagtitigan kay Vivian."Do you think…it's safe to play this?" kunot-noo niyan
Hindi maipinta ang mukha ni Elyan sa mga sandaling iyon. Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin niya maalis sa kanyang isip ang naging usapan nila ni Mrs. Arevalo. Hanggang ngayon ay gigil pa rin siya sa mga sinabi ng babaeng iyon.Ilang saglit pa ay tuluyan na rin siyang nakarating sa apartment. Pabagsak niyang isinara ang pinto at agad na dumiretso sa living room. Matapos niyang ilapag ang kanyang mga gamit ay agad siyang sumalampak ng upo roon.Sa puntong iyon ay hindi niya alam kung ano ang mararamdaman niya. Tatakbo ba siya o magtatago? Haharapin ba niya sila sa katotohanan o itatanggi niya iyon?Umiling siya at hindi kalaunan ay ipinikit niya ang kanyang mga mata.Maya-maya ay napukol ang tingin niya kay Ara na narinig niyang may kausap sa cellphone nito. Kabababa lamang nito mula sa hagdan at naglalakad patungo sa kinaroroonan niya."Sige. Mamaya na lang ulit tayo mag-usap. Bye!" sambit nito at tuluya
You received an email from Samantha Arevalo.You received an email from Jackson Dela Cruz.You received an email from Katherine Dimaculangan.You received an email from Donald-Walyen University.A message notification from the DWU SC Officers chat group.A message notification from Ara Tomas.Hindi mahinto sa pagtunog ang cellphone ni Yugi sa mga sandaling iyon. Bagama't hindi pa niya nababasa ang lahat ng iyon ay alam na niya kung ano ang laman ng bawat isa sa mga iyon. Kani-kanina lang ay nabanggit sa kanya nina Lester at Vivian ang tungkol sa balitang kumakalat sa buong campus ng Donald-Walyen University."Everyone knew you and Elyan were in a relationship."Isang malalim na buntung-hininga ang pinawalan niya habang sinasariwa ang mga binitawang salita na iyon ni Lester. Napahilamos siya sa kanyang mukha habang ramdam niya ang pag-iinit n
Tila ba may kumirot sa puso ni Elyan habang nakatuon ang kanyang tingin sa mga litratong nasa kanyang harapan. Hindi lamang basta larawan ang mga iyon kundi mga kuhang larawan nila ni Yugi na magkasama. Ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi sa mga sandaling iyon.Hindi siya makagalaw habang nakatuon ang kanyang tingin sa masayang mukha nila ni Yugi na magkahawak-kamay. Ang ilan sa mga iyon ay yakap-yakap siya ng binata mula sa kanyang likuran habang hinahalikan siya nito sa pisngi.Iniwas niya ang kanyang tingin sa mga iyon at hindi kalaunan ay napalunok.Kung tutuusin, hindi niya tiyak kung kaya pa ba niyang lumunok dahil sa sitwasyong kinalalagyan niya ngayon. Tumikhim siya at ilang saglit pa ay nag-angat siya ng tingin sa dean.Dismayado ang mukha nitong nakatuon ang tingin sa kanya habang napapailing."You had nothing to deny, Ms. Marquez. Nandyan na ang lahat ng pruweba," sinsero nitong anas at umayos ng upo. "Alam mo bang tu
Walang mapaglagyan ang tuwa ni Jessica paglabas niya ng dean's office. Taas-kilay niyang muling tinapunan ng tingin ang pinto ng opisinang iyon habang hindi mabura ang nakakalokong ngiti sa kanyang mga labi."My plan is finally coming to fruition," kinikilig niyang anas sa kanyang sarili. "I'm sorry, my dear best friend! Hindi mapapantayan ng pagkakaibigan natin ang kagustuhan kong maangkin si Prof. Yugi."Bago pa man siya tuluyang makababa ng hagdan ay natigil siya nang mapukol ang kanyang tingin kina Lorea at Malea na nasa ibaba. Tila ba may kung anong seryosong pinag-uusapan ang mga ito at nang mapadpad ang tingin nila sa kanya ay agad din naman silang huminto.Isang matamis na ngiti ang gumuhit sa kanilang mga labi at agad siyang sinalubong."Anong ginagawa mo sa administrator's building?" bungad na tanong ni Lorea. "Nakausap mo ba si Elyan? Ipinatawag kasi siya sa dean's office, ngayon lang. Nakasalubong mo
"How are you doing? Have you been doing well?" tanong ni Arnulfo sa anak habang naglalakad sila sa malawak na hardin ng hacienda. "Kumusta ang halos limang taong pananatili mo sa Makati? Wala ka naman bang naging problema?""So far so good. Wala naman ho akong naging problema at ayos lang din ang kalagayan ko roon. Medyo mahirap nga lang lalo na noong bagong salta ko pa lang doon," sagot niya na ikinangiti ng ama.Tumango si Arnulfo.Muli ay tinapunan nito ng tingin ang kabuuan ng lugar na tinatahak nila. Sa kabilang banda naman ay tahimik lamang si Yugi sa mga sandaling iyon. Pakiramdam niya ay malaki ang ipinagbago ng kanilang samahan simula nang umalis siya ilang taon na ang nakalipas.Ramdam niya ang awkwardness sa pagitan nila, ganoon din ang kaba habang kasama niya ang kanyang ama.Pero ang ipinagtataka niya ay kung bakit hindi man lang siya nito pinagbuhatan ng kamay. Hindi man lang ito nagalit sa kanya tulad ng kung
Gumising si Elyan na suot ang matamis na ngiti sa kanyang mga labi. Bagamat hindi niya inaasahan na may masamang balak sa kanya si Billy ay naging daan pa rin ang pagkakataong iyon upang masolo niya si Yugi.Habang kumakain ng almusal ay ramdam niya ang pag-iinit ng kanyang magkabilang pisngi. Hang
Hindi tiyak ni Yugi kung tama ba ang desisyon niyang makipagkita at pumayag sa kagustuhan ng kanyang dating nobya. Walang kasiguraduhan kung ano ang mangyayari pagkatapos ng gabing ito.Malinaw ang kanyang intensyon na papayag lang siya dahil sa tawag at init ng kanyang katawan na dinala ni Elyan s
Ala-una na nang madaling araw kung kaya't nagpasya na lamang na manatili si Yugi sa bahay ng mga Marquez. Bukod pa roon ay wala rin naman siyang mapapala kung uuwi siya dahil tiyak na hindi rin siya papapasukin ni Aki.Sa pagpasok niya sa loob ng guest room ay isang malalim na buntung-hininga ang p
Inabot lamang ng ilang minuto ang pagmamaneho ni Yugi bago niya tuluyang maiuwi si Elyan sa bahay nito. Kung tutuusin ay may usapan sila ng kanyang mga kasamahan na matapos ang event ay didretso sila sa paborito nilang coffeeshop. Matagal-tagal na rin kasi simula nang huli silang magkaroon ng bond







