Share

Chapter 090

Author: Author Rain
last update publish date: 2026-05-23 23:59:15

-Ava-

Aawatin na sana kami ni Daniel nang bigla siyang matigilan. Napatitig siya mukha ko, sa buhok ko, at sa katawan kong natatakpan ng manipis na kumot.

“It was you…” mahina niyang sambit, at hindi ako sigurado kung tuwa ba ang nakita ko sa kanyang mga mata, pero parang bigla itong kumislap.

Mukhang hindi naman narinig ni Ada ang sinabi ni Daniel, dahil nagpatuloy siya sa paghila sa buhok ko.

“Ada, stop it!” hinila siya ni Daniel palayo sa akin at agad niyang iniharang ang sarili nang tangkai
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 176

    -Ava-At sisiguraduhin kong pagbabayaran ng bawat taong responsable ang lahat ng sakit, paghihirap, at kamatayang ipinadanas nila sa nanay ko at sa kanyang mga magulang.“Tiyo Frederick,” mahina kong tawag. “Galit po ba kayo kay Ricardo?” Saglit siyang natahimik. “Kinamumuhian n'yo rin ba siya dahil siya ang dahilan ng pagkamatay ng inay?”Hindi siya agad sumagot. Patuloy lamang siyang nakatitig sa nitso ng aking mahal na ina.Unti-unti kong napansin ang pamumula ng kanyang mga mata. Hindi man siya nagsalita, sapat na ang katahimikang iyon upang malaman ko ang sagot.Alam kong kasing-lalim din ng galit ko ang galit na nararamdaman niya para kay Kardo ngayon.Dahan-dahan akong lumapit sa nitso ng inay at saka inilapag ang dala kong mga bulaklak dito.“Alam mo kung anong mas masakit, Tiyo?” halos pabulong kong sambit habang pinagmamasdan ang kanyang pangalan na nakaukit sa marmol. “Hanggang sa huling sandali ng buhay ng inay, hindi niya man lang naramdaman ang pagmamahal ng kapatid ko.”

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 175

    -Ava-“Doon kayo dinala ni Ricardo sa isla, kasama ang iyong ina. Akala ng lahat, doon na magsisimula ulit ang bagong buhay ninyo. Pero bumalik si Tanya makalipas ang ilang taon.”Muli kong naramdaman ang pag-init ng dugo ko nang maalala kung paano nakikipagkita si Kardo sa isang mayamang babae na ipinalit niya daw sa nanay ko sabi ng mga kapitbahay.“Binalikan ni Tanya si Ricardo at humingi siya ng tawad dito. Sinabing mahal na mahal pa rin niya ito kaya siya nagbalik. At muli na namang nahulog ang iyong ama sa kanya. At sa pagkakataong ito, iniwan na niya kayong mag-ina. Mas pinili niya si Tanya kaysa sa inyo.”Napapikit ako habang pilit pinipigilan ang pag-agos ng mga luha ko. Ganito pala ang nangyari. Hindi kami iniwan ni Ricardo dahil mahirap na kami. Iniwan niya kami dahil mas pinili niya ang ibang babae na siayng dahilan kung bakit naghirap ang aking inay.“At ang ibig mong sabihin...” mahina kong tanong habang unti-unting pinagdudugtong ang lahat ng nalaman ko, “ang kayamanang

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 174

    -Ava-Hindi ko napigilang mapahikbi. Habang mas lalo kong nalalaman ang mga pinagdaanan niya, lalo ring sumisikip ang dibdib ko. Hindi niya deserve ang lahat ng sakit na iyon.“Doon nakakita ng pagkakataon si Ricardo,” dugtong ni Tiyo Frederick.Napatingin akong muli sa kanya.“Alam niyang desperado na ang pamilya ng iyong ina na maayos ang eskandalong kinahaharap nila, kaya nagpakitang gilas siyang muli. Sinabi niyang pananagutan niya ang iyong ina at inalok pa ng kasal nang sa gayon ay hindi isipin ng ibang tao na nagbuntis ang iyong ina ng walang asawa. Nangako siyang magiging mabuting asawa at ama sa mga batang dinadala niya.”Napakuyom ako ng kamao. “Dahil ayaw ng iyong mga abuelo na lumaki pa ang eskandalo, pumayag silang ipakasal ang iyong ina kay Ricardo. Wala nang nagawa si Ursula sa desisyon ng kanyang ama. Labag man iyon sa kanyang kalooban, tinanggap niya ang kasal.”Napayuko ako at halos bumaon na ang aking mga kuko sa aking palad. Pakiramdam ko ay isa na namang piraso n

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 173

    -Ava-Napabuntong-hininga siya ng malalim, at hindi ko naman mapigilang maawa sa kanya. Napakatuso talaga ng Kardo na ‘yon! Ang sama-sama ng ugali!“Hindi man lang ako nabigyan ng pagkakataong ipagtanggol ang sarili ko.” nagpatuloy si Tiyo Frederick. “Pero ang nanay mo, hindi siya naniwala sa ibinibintang nila sa akin..”Unti-unting muling namuo ang luha sa mga mata niya habang inaalala ang araw na iyon.“Hanggang ngayon, sariwang-sariwa pa rin sa alaala ko ang mga sinabi niya.”“Daddy, hindi iyan magagawa ni Frederick! Hinding-hindi niya kayo pagnananakawan! Ilang taon na siyang naninilbihan sa atin, at ni minsan ay wala siyang ginawang masama!” Siya pa nga ang nagligtas sa akin noon nang muntik na akong mabangga, at naapektuhan pa ang kanyang kaliwang paa dahil isinugal niya ang buhay niya para sa akin! Hindi ako papayag na paalisin ninyo siya!”Napahikbi si Tiyo Frederick nang sabihin niya sa akin kung paanong lumuhod pa ang inay para lamang hindi siya paalisin ng aking lolo.“Ipi

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 172

    -Ava-Habang nagkukuwento siya, napansin kong kusang sumilay ang isang banayad na ngiti sa kanyang mga labi. Parang muli niyang nakikita ang dalagang Ursula. Masayahin, mabait, at punong-puno ng pangarap. Isang alaalang kahit kailan ay hindi nabura sa kanyang puso.“Isang araw, habang pauwi si Ursula galing sa unibersidad, may isang grupo ng mga kalalakihan ang humarang sa kanya.” Biglang tumigas ang ekspresyon ni Tiyo Frederick nang maalala ang pangyayaring iyon. “Lasing ang mga iyon. Halatang may masama silang balak. Nagbibitiw sila ng mga bastos na salita at pilit siyang pinaliligiran.Natakot ako na baka may mangyari sa kanya. Hindi na ako nag-isip. Tumakbo agad ako para iligtas siya.”Napansin kong bahagya siyang natulala.“Sa kabutihang-palad, napaalis ko ang mga lalaki bago pa nila siya magawang saktan. Labis ang pasasalamat ni Ursula sa akin, at hindi nagtagal, kinausap niya ang kanyang mga magulang at hiniling na kunin nila akong bodyguard at driver niya.”Napapailing siya hab

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 171

    -Ava-“Iha, huwag mo nang isauli sa akin ang perang ipinadala ko noon sa iyong inay,” malumanay na sabi ni Tiyo Frederick. “Itago mo na lang iyon. Mag-isa na lang naman ako sa buhay at kaya ko pa ring buhayin ang sarili ko. Mas kakailanganin mo ang perang iyan sa paghahanap ng bagong matitirhan.”Huminga siya nang malalim bago muling nagsalita.“Please lang, iha. Makinig kang mabuti sa akin. Umalis ka na sa poder ni Ricardo.”Dahan-dahan kong itinaas ang aking ulo at nagtama ang aming mga mata. Marahan akong umiling at sa naginginig na boses, tinanong ko siya. “Alam mo ba kung ano ang ginawa nila sa nanay ko?”Tinitigan niya lang ako at hindi sinagot.“Pinatay nila ang inay. Si Ada... at ang magaling kong ama. Sila ang dahilan kung bakit nawala siya sa akin ng maaga.”Hindi ko na kailangang ipaliwanag pa ang dahilan kung bakit ayokong umalis sa mansyon ng mga Alonzo dahil alam kong alam na ni Frederick ang balak ko.Hindi ako mananahimik hangga't hindi nakakamit ng inay ang hustisyang

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 070

    -Ava-At hindi lang siya ang puntirya ko ngayon. Si Tanya din na siyang dahilan kung bakit iniwan ni Kardo ang nanay ko. At si Ada na siyang dahilan kung bakit nawala ang nanay ko! Kung hindi dahil sa masasamang salita na sinabi niya kay inay, hindi sana nito maiisip na kitlin ang kanyang buhay.At

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 067

    -Ava-Dahil hindi ko na madadala ang katawan ng inay sa probinsya dahil nakaplano na ako na hindi na muna uuwi, agad ko itong pina-cremate. May natitira pa naman akong pera kaya madali na lang ang lahat ng mga proseso. Binayaran ko na rin ang natitira pang bill ng inay sa hospital at itinago ko lah

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 065

    -Ava-Hindi ako makapaniwalang makikita ko dito ang asawa ni Ada. Bigla din akong naguluhan sa nararamdaman ko. Kanina, hinahanap ko siya. Ngayong nandito naman siya, parang gusto ko siyang paalisin na parang hindi. “Get lost!” sigaw niya sa dalawang babae, at agad namang tumakbo palayo ang dalawa

  • Brother-in-Law's Wrong Bed   Chapter 064

    -Ava-Parang huminto sa pag-inog ang mundo nang tuluyan na akong lumabas at tumayo sa gitna ng entablado. Lahat sila ay mukhang na-shock nang makita ako. Tumalon ang kanilang mga mata mula kay Ada papunta sa akin, at mula sa akin pabalik naman kay Ada.Napaawang ang kanilang mga labi habang tinitig

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status