Home / Romance / Chasing The Wife He Threw Away / Chapter 05: The Feeling of Familiarity

Share

Chapter 05: The Feeling of Familiarity

Author: mnwrites
last update publish date: 2025-12-11 23:44:23

KRYSTAL

SEVEN YEARS LATER… 

Pitong taon ang lumipas, pitong taon ang nasayang sa buhay ko… may sakit ba? May dapat ba akong malaman? May dapat ba akong tandaan? Kasi wala akong matandaan na kahit ano pagkatapos ng pangyayaring iyon. 

Ang sabi sa akin ni Lucas na accident ako at na-comatose ng dalawang buwan. Akala niya wala ng pag-asa na mabuhay ako but miracle happens at nagising ako. Pero sa paggising ko, ni isang ala-ala sa buhay ko ay nawala. Parang puzzle na gulo-gulo. Pilit kong hinahanapan ng kaayusan at buuin ang bawat piraso nito pero hindi ko mahanap kung ano ang kasagutan doon. 

Pinilit ko makaalala, kasi dapat, hindi ba? Pero bakit hindi ko mapilit alalahanin ang lahat? 

Buong buhay ko ay ito pa rin ang iniisip ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay gumagalaw, samantalang ako ay nakahinto. Sumasabay ako sa agos ng oras, pero ang isipan ko ay naiwan sa nakaraan. Hinahanap pa rin ang kasagutan kung sino ba ako at kung ano ba ang pagkatao ko. 

Pakiramdam ko may kulang sa akin, may masakit pero hindi ko alam kung asaan. Pilit kong binabalikan ang nakaraan pero hindi ko magawa iyon. 

Wala ng pag-asa, kaya tumigil na ako dahil baka wala naman talaga akong dapat balikan. Baka ito na ako, baka wala naman akong dapat isipin. Sadyang hinayaan ko lang ang sarili ko na makulong sa nakaraan ng walang dahilan. 

“Hey, okay ka lang nakatulala ka na naman?” I heard a snap of a finger. Agad akong nagising sa ulirat ko at napatingin sa taong nasa harapan ko. 

“Liezel, andito ka na pala,” wika ko sa kaniya. Napangiti naman siya at nilapag ang bag sa harapan ko. 

“Kumusta ang business trip abroad? Ano nagustuhan ba ng mga board members nila doon ang designs natin?” tanong ko sa kaniya. Napangiti naman siya sabay napa thumbs up. 

“Oo naman panalong-panalo. Tuwang-tuwa si Madam Cecile dahil pasado yung mga designs na ginawa mo. Sayang nga at hindi ka sumama.” Napangiti naman ako sa kaniya sabay napailing-iling. 

“Ano ka ba naman, alam mo naman na nagkaroon ng problema sa pamilya ko, hindi ba kaya hindi ako makakasama. Gustuhin ko man pero wala talaga eh,” sambit ko sa kaniya. 

“Alam mo ang ganda talaga doon, alam ko na magugustuhan mo kung pupuntahan natin,” wika niya sa akin. Napangiti na lang ako at napaupo sa mesa ko. 

“May time pa naman para puntahan iyon, besides ang dami pa naman na business trip si Madam. Kapag nangyari iyon sasama talaga ko.” Napangiti naman siya dahil sa sinabi ko. 

“So kumusta na pala?” tanong niya sa akin. “Ano na ang balita sa parents mo?” 

“Okay lang naman, medjo nagkaproblema lang talaga sa bahay. But rest assured na ayos naman sila,” sambit ko. Bigla namang bumaba ang aking emosyon. Hindi ko alam kung bakit, pero bigla akong nalungkot. 

“Iniisip mo pa rin ba yung past mo?” tanong niya sa akin. Napahinga ako nang malalim at napatingin na lang sa drawing book ko. After what happened, hindi na rin naging normal ang buhay ko kasi para akong may hinahanap na hindi ko mahanap. 

Every time, I always dream, pero kulang o hindi naman malinaw. Sinusubukan ko siyang i-drawing pero wala pa rin hindi ko pa rin mahanap ang kasagutan sa tanong ko. “Gusto mo ba magpa-psychologist tayo? Pwede naman, baka kasi need mo na rin ng help para maalala mo yung nakaraan mo,” wika niya sa akin. 

Napahinga naman ako nang malalim at napangiti sa kaniya. Actually iniisip ko rin, handa ba ako sa maalala ko. Kasi bakit meron akong takot na nararamdaman? Bakit parang hindi ako handa? Bakit parang may galit ako na hindi ko mabunyag. 

“Next time, kapag may free time na tayo. Ngayon rin kasi sobrang hectic ng schedule natin.” 

Bigla namang pumasok si Madam Cecile sa loob at hinanap kaming dalawa. “Andito lang pala kayo, girls,” wika niya sa amin. 

“Ano po ang matutulong namin Madam?” tanong ko sa kaniya. “May new client ba tayo?” napangiti naman siya at agad na lumapit sa amin. 

“Yes at sobrang laki ng client na ito. This is the first time na merong ganito kalaking client dito sa Pilipinas ang lumapit sa atin.” Napangiti naman ako dahil sa balita niya. 

“Really madam, that’s great.” 

“Yes and ang gusto nila gumawa tayo ng jewelry for them. Magbibigay sila ng gems sa atin at tayo ang gagawa. Kaya ikaw Krystal ang gagawa ng design na iyon.” Nanlaki naman ang mata ko dahil sa gulat ko. Hindi ko expected na ipagkakatiwala niya sa akin ang bagay na iyon. 

“Seryoso po ba kayo madam?” tanong ko sa kaniya. 

“Nako kaya mo iyan, Krystal ikaw pa ba. Besides yung designs mo rin ang maraming sold simula nung pumasok ka dito.” Medjo nakaramdam ako ng kaba pero may saya din akong naramdaman dahil opportunity iyon. 

“Don’t worry guided ka naman ng may-ari ng jewelry na iyon. Kaya pupuntahan natin sila para alamin kung ano ang gusto niyang design.” 

“Teka madam, sino po ba ang magmamay-ari noon?” tanong ni Liezel. 

“Mga Del Valle.” napatigil ako nang marinig iyon. Habang si Liezel naman ay nagulat, 

“Del Valle? You mean Alfonso Del Valle, Valeria Del Valle?” tanong niya. 

“Yes, pero hindi sila ang client natin dahil ang client natin ay yung anak nila si Conor Vicente Del Valle.” Napatigil ako nang marinig ko ang pangalan na iyon. Conor? Did I hear that right? Bakit parang narinig ko na siya somewhere. 

“After seven years na umalis siya ng pilipinas, finally babalik na siya dito together with his son, kaya gusto niya na gumawa ng isang jewelry para sa kaniyang business.” son? May anak siya?

“O my gosh, so my asawa na pala si Conor Del Valle?” 

“Well ayan ang hindi ko alam, masyadong private si Conor, pero nag leak din kasi na meron siyang anak. Kaya ayon ang speculations ng iba ay may asawa na siya.” Hindi naman ako mapakali habang naririnig ko iyon. Hindi ko alam kung ano’ng meron kay Conor. Sumisikip ang paghinga ko, pakiramdam ko nahihilo ako. 

“Kaya naman ikaw Krystal–Krystal!” narinig ko na lang ang huling sigaw ni Madam Cecile bago maging madilim ang buong paligid ko. 

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 52: The Woman I will never Let Go

    Conor Hindi ko agad sinundan ang programa matapos ang opening remarks. Habang nagsasalita ang host sa entablado at abala ang mga bisita sa pagkuha ng litrato sa gitna ng lobby ng Aurelius Cove, iba ang laman ng isip ko. Hindi ang investors, hindi ang media, at hindi ang tagumpay ng grand opening na ito ang nagpapatakbo sa utak ko ngayon. Kundi ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas sa reception area. Bakit ganoon tumingin si Mom kay Krystal? Hindi iyon simpleng pagkagulat ng isang business chairwoman. Hindi rin iyon tingin ng isang taong nagkamali lang ng pagkilala sa dami ng tao. It was something else. It was dark, heavy, and full of unspoken tension. Parang may malalim silang pinagsamahan o lihim na ako lang ang hindi alam. Huminga ako nang malalim habang naglalakad papunta sa private lounge na nakalaan para sa board members, malayo sa nagniningningang mga ilaw ng ballroom. Pagbukas ko ng pinto, naroon na siya. Tahimik na nakatayo si Mom sa harap ng floor-to-ceiling glass

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 51: Cracks Behind the Smile

    KrystalHindi ko inalis ang tingin ko kay Valeria Del Valle. Tahimik lang kaming magkaharap sa gitna ng napakalawak na lobby ng Aurelius Cove habang patuloy ang pagpitik ng mga camera sa paligid. Ngunit sa pagitan naming dalawa, parang biglang naglaho ang ingay. Parang wala nang ibang tao. Kami lang. Ako, at ang babaeng minsang sumira sa buong buhay ko.Nanatili ang pormal kong ngiti habang nakatingin sa kaniya, kahit na sa loob-loob ko ay gustong-gusto ko na siyang saktan. "I'm sorry, Ma'am..." mahinahon kong ulit, pinapanatili ang boses ko na kaswal at kalmado. "May kailangan po ba kayo sa registration table ng design team natin?"Hindi siya agad nakasagot. Kitang-kita ko kung paano nanginginig ang kaniyang mga daliri habang mahigpit na hawak ang kaniyang mamahaling designer clutch. Hindi ito ang reaksiyong inaasahan niya. Akala niya siguro kapag nagkita kami ay magpapanic ako, iiyak, o kaya'y gagawa ng gulo sa harap ng maraming tao. Pero hindi. Sa pitong taon na itinago ako sa kas

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 50: The Woman Behind Everything

    KrystalDumating din ang araw na pinakahihintay ng lahat. Ang grand opening ng Aurelius Cove, ang proyektong halos ilang linggo rin naming puyatan at pinaghandaan ng buong team.Mula pa lang madaling araw, punong-puno na ng tao at sunod-sunod na ang dating ng mga luxury vehicles sa main entrance ng resort. Napakaraming malalaking pangalan ang imbitado mga kilalang negosyante, foreign investors, sikat na celebrities, pati na rin government officials at influencers. Siyempre, hindi rin mawawala ang iba't ibang media companies para sa live coverage at press conference ng event.Sa bawat sulok na lingunin mo, may mga camera, reporters, at photographers. Sobrang ganda ng kinalabasan ng resort na ako mismo ang tumulong magdisenyo, pero sa likod ng karangyaang iyon, ramdam ko ang unt-unting paggiba sa katahimikan ng puso ko.Huminga ako nang malalim habang nakatayo sa VIP reception area. Suot ko ang isang simpleng champagne-colored formal dress na ako mismo ang nagdisenyo, maayos ang pagkaka

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 49.2: Silent Changes

    Krystal Naupo ako sa isang bakanteng sementadong bench sa ilalim ng malaking puno. Nagpakawala ako ng isang napakalalim na buntong-hininga upang bawasan ang bigat ng aking sistema, hanggang sa isang pamilyar at mababang boses ng lalaki ang biglang sumulpot mula sa likuran ko."Alam ko na sa huli ay maaalala mo rin ang lahat, Krystal. Hindi ganoon kahina ang utak mo."Napatigil ako sa aking pwesto, ngunit hindi ko na binalak pang lumingon nang marahas. Kilalang-kilala ng puso at ng pandinig ko ang seryosong boses na iyon ng panganay na Del Valle."Kuya Zoren," mahina kong sambit sa kaniyang pangalan.Dahan-dahan siyang humakbang pautay-utay papalapit sa bench at tumayo sa harapan ko. Suot niya ang kaniyang pormal na suit, at ang kaniyang mukha ay nananatiling walang emosyon, pormal, at seryoso gaya ng nakagawian ko nang makita pitong taon na ang nakararaan."Ang tagal kitang hindi nakita. Masyado kang naging busy sa pag-aasikaso ng resort property," panimula niya habang inaayos ang ka

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 49.1: Silent Changes

    Krystal Lumipas ang halos tatlong linggo, patuloy pa rin ang pagkukunwari ko. Tatlong linggong araw-araw kong kinakaharap at kinakausap si Conor para sa mga huling detalye ng proyekto. Tatlong linggo ring araw-araw kong tinititigan ang mukha ng lalaking minsan kong minahal nang buong-buo, ang lalaking naging sentro ng aking uniberso bago ang pitong taon ng kadiliman. At sa loob ng tatlong linggong iyon, araw-araw kong pinipilit at pinahihirapan ang sarili ko na huwag ipakita o ipahalata na bumalik na ang bawat piraso ng aking alaala.Hindi naging madali ang bawat segundong lumipas. Doon ko napatunayan na mas matindi at mas nakapapagod pala ang magkunwari at magtago ng katotohanan kaysa ang mabuhay na walang maalala. Noong wala akong memorya ng aking kahapon, natural ang bawat tanong ko sa kaniya. Natural ang bawat ngiti na ipinapakita ko, at natural ang bawat pagtingin ko sa kaniyang mga brown na mata dahil wala akong alam na bigat. Pero ngayon... alam ko na ang lahat. Alam kong

  • Chasing The Wife He Threw Away   Chapter 48.2: Familiar Memory

    KrystalNapakagat ako sa aking ibabang labi hanggang sa malasahan ko ang pait. Kung alam mo lang, Conor... kung alam mo lang ang tindi ng galit na nararamdaman ko sa 'yo ngayon at kung anong gusto kong gawin sa 'yo sa mga sandaling ito, hinding-hindi mo hahangarin na mapalapit sa akin."I'm fine, Conor. Huwag mo nang isipin 'yan.""Where exactly are you right now? Pupuntahan kita."Agad akong tumutol nang walang pag-aalinlangan. "No. Huwag kang pumunta."Napatigil siya nang ilang segundo sa kabilang linya, tila nagulat sa tindi at lamig ng pagtanggi ko. "Bakit naman?"Huminga ako nang napakalalim, pilit kong ibinabalik ang aking pamilyar na awra sa Atelier upang hindi niya mahalata ang pagbabago ng memorya ko. "Huwag na, Conor. May tinapos lang akong kape rito, at ako na lang mismo ang lalakad at pupunta dyan sa condominium mo para sa mga huling adjustments ng Aurelius Cove.""Sure ka ba sa desisyon mo? Pwede naman kitang hintayin—""Yeah, I'm sure, Conor. Jan na tayo mag-usap sa unit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status