LOGINKumunot ang noo ni Vincent. Hindi siya natuwa sa pakikialam ni Mayumi.“Hindi mo naiintindihan ang sitwasyon ng pamilya namin---”Ngunit bago pa man niya maipagpatuloy ang sasabihin, biglang pumasok ang isang kasambahay.“Sir.”Lumingon ang lahat, bahagyang yumuko ang kasambahay.“May dumating po mula sa pamilya Sager.”Agad na nagbago ang ekspresyon ni Vincent, naglaho ang galit sa kanyang mukha at napalitan iyon ng tuwa.“Tingnan mo!” Agad siyang humarap kay Monica. “Sinasabi ko sa iyo! Siguradong nagsisi na si Steven. Bilis, salubungin mo sila.”Bahagyang natigilan si Monica, hindi siya agad gumalaw... May dumating mula sa pamilya Sager?... Si Steven?Hindi maipaliwanag ang naramdaman niya, may bahagyang kaba, may pag-asa at may sakit.Kilalang-kilala niya si Steven. Sa buong panahon ng kanilang pagsasama, hindi pa ito kailanman kusang pumunta sa kanya upang humingi ng tawad. Kahit kapag malinaw na ito ang may kasalanan, palagi nitong hinihintay na siya ang unang lumapit.Kaya ngay
Kinabukasan, napansin ni Gian na nanatiling masama ang timpla ng kanyang kasama. Mula paggising hanggang almusal, halos hindi nagsasalita si Steven.Paminsan-minsan, titingnan nito ang kanyang telepono, pagkatapos ay ibababa. Makalipas ang ilang segundo, kukunin na naman at muling titingnan.Hindi kailangang maging henyo ni Gian upang malaman kung ano ang hinihintay nito... o kung sino. Kaya nang mapansin niyang tila walang balak si Steven na gumawa ng unang hakbang, nagpasya siyang tulungan ito.Ipinakuha niya ang iba’t ibang regalong maaaring ibigay kay Monica. Hindi nagtagal, daan-daang regalo ang inihanay sa harapan ni Steven... Mga mamahaling kuwintas, mga bracelet, mga designer bag, relo, pabango at iba’t ibang alahas na nagkakahalaga ng higit pa sa taunang kita ng isang ordinaryong pamilya.Matagal na tinitigan ni Steven ang mga iyon, kunwari ay walang interes, kunwari ay wala siyang pakialam.Ngunit pagkatapos ng ilang minuto, kaswal niyang itinuro ang isang pares ng hikaw. “I
Marahil, iyon din ang pinakamalaking problema ni Steven Sager. Mahal nito si Monica... walang duda roon. Ngunit ang paraan ng pagmamahal nito ay parang isang hawlang gawa sa ginto. Kaya nitong ibigay ang lahat, maliban sa kalayaan.Hindi iyon sinabi ni Gian. Sa halip, tahimik lang niyang ipinagpatuloy ang pagkain. Ngunit pagkaraan ng ilang sandali, muli siyang nagsalita.“Paano kung hindi siya humingi ng tawad?”Biglang natigil ang kamay ni Steven. Nanigas ang kanyang mukha at dahan-dahang tumingin kay Gian, “At paano kung… may ibang lalaking lumapit sa kanya?”Sa pagkakataong iyon, tuluyang nawala ang gana ni Steven. Malakas niyang ibinagsak ang tinidor sa mesa.“Sinong lalaki?”Napakurap si Gian. “Halimbawa lang.”“Walang lalaking lalapit sa kanya, dahil sisiguraduhin kong walang mangangahas!” Nanlamig ang mga mata ni Steven.Tahimik na tinitigan ni Gian ang binata sa kanyang harapan, pagkatapos ay marahan siyang napabuntong-hininga. Mukhang malayo pa ang lalakbayin n Steven bago n
Sa pananaw ni Steven, dahil napakaraming babaeng nagkakagusto kay Gian, tiyak na mas nauunawaan nito kung paano mag-isip ang mga babae.Gusto niyang sumang-ayon sa kanya si Gian. Gusto niyang sabihin nitong walang mali sa ginawa niya. Na si Monica ang masyadong matigas ang ulo. Na tama lang na protektahan niya ang babaeng mahal niya.At kung hindi man iyon ang sasabihin ni Gian, gusto man lang niyang malaman kung ano ang dapat niyang gawin upang bumalik si Monica sa kanya.Tinapos ni Gian ang pagtutupi sa huling damit bago ito maingat na inilagay sa tabi. Pagkatapos ay humarap kay Steven.Payat at matangkad si Gian. Bahagyang magulo ang kulay-tsokolateng buhok nito, dahilan upang mas lalo itong magmukhang mahinahon at madaling lapitan... kabaligtaran ni Steven.Kung si Steven ay parang isang matalim na espadang kayang manakit sa sinumang lalapit, si Gian naman ay parang banayad na simoy ng hangin.“Medyo gutom na ako. Bumaba muna tayo at kumain.”Natahimik si Steven. Ilang segundo si
Bahagyang nanigas ang mukha ni Steven.Ngunit hindi pa tapos si Monica. “Hindi mo ginagawa ang mga bagay na iyon para protektahan ako. Ginagawa mo iyon dahil hindi mo kayang kontrolin ang sarili mo!”“Monica---”“Pinapakain mo lang ang ego mo at ang nakakasakal mong pagiging possessive!”Napuno ng katahimikan ang paligid. Mariing kinuyom ni Steven ang kanyang mga kamao, pero hindi umiwas ng tingin si Monica.“Hindi ito pag-ibig, Steven!”Ang mga salitang iyon ang pinakamasakit pero hindi pa rin naniwala si Steven na may mali sa kanyang ginagawa. Sa kanyang pananaw, pinoprotektahan lang niya ang babaeng mahal niya. Ano ang masama roon?Dahil galit si Monica, nagkunwari siyang sumang-ayon. Nangako siyang hindi na mauulit ang mga ganoong bagay, pero iyon ay sa harapan lang nito.Sa likod ni Monica, ipinagpatuloy ni Steven ang parehong ginagawa. Mas maingat, mas lihim at mas malupit. Tinitiyak lang niyang hindi malalaman ni Monica.Ngunit walang sikretong nananatiling nakatago habambuhay.
STEVEN'S POV:“Sir, magpapatuloy ba tayo sa paghahanap sa kanila nang isa-isa?” maingat na tanong ni Cole mula sa gilid.Bahagyang iminulat ni Steven Sager ang kanyang mga mata. Walang mabasang emosyon sa malamig nitong mukha, ngunit sapat na ang simpleng kilos na iyon upang makaramdam ng matinding pressure si Cole.Tahimik siyang napalunok. Pagkaraan ng ilang segundo, agad niyang naunawaan ang ibig sabihin ng kanyang amo. Humarap siya sa unang hilera ng mga taong naghihintay at sinenyasan ang mga itong lumapit.Isa-isa, dumaan ang mga tao sa harapan ni Steven. Tahimik niyang pinagmamasdan ang bawat mukha. Lumipas ang ilang minuto, ngunit nanatiling walang pagbabago ang malamig na ekspresyon sa mukha ni Steven.Gayunpaman, habang patuloy na dumaraan sa kanyang harapan ang mga tao, may kung anong unti-unting gumapang sa kanyang isipan....Isang alaala... isang eksenang matagal na niyang ibinaon sa pinakamalalim na bahagi ng kanyang isip. Pamilyar ang ganitong tagpo, at bago pa niya map
Sinuri siya ni Ysabel mula ulo hanggang paa at napaismid. “Mayumi, nakita mo naman noong nakaraan sa mansion kung paano ka ipinagtabuyan ni Xavier. Hindi ka pa nadadala? Wala ka na sa puso ni Xavier. Hindi ko inasahang susubukan mo pa ring gumamit ng kung anu-anong paraan para mapalapit sa kanya. H
“Nabalitaan mong magbabakasyon kami at sinundan mo kami rito nang sadya, hindi ba?” inis na sabi ni Stephanie sa kanya. Maaaring wala na itong maisip na dahilan kung bakit naroon rin siya sa airport.Sa loob ng maraming taong nanirahan siya sa bahay ng Valerio na parang ibong nakakulong sa hawla. W
Ang pagsasalita sa isang malaking product launch at mapansin ng industriya ay pangarap ng maraming designer. Ngunit karamihan sa kanila ay hindi kailanman nabibigyan ng ganoong pagkakataon.At kung sakaling may dumating na ganitong oportunidad, halos walang sinuman ang tatanggi. Kaya nang sabihin n
Bahagyang ipinikit ni Xavier ang kanyang mga mata at naglabas ng mahinang “hm,” tila walang interes sa kung ano man ang nangyayari sa labas ng sasakyan.Sa harap, walang nagawa si Alden kundi muling itaas ang mga bintana ng kotse. Bahagya siyang sumulyap sa rearview mirror, nag-aalinlangan kung dah







