LOGIN“Can I help you?” kalmadong tanong ni Marcus kay Zachary.Ngunit imbes na sumagot, ibinato lang nito sa malayo ang hawak na helmet bago sumugod palapit sa kaniya. Pagkalapit, agad siyang inundayan nito ng suntok. Ngunit dahil alerto si Marcus, mabilis siyang nakaiwas.“What’s wrong with you, Zachary?” asik niya rito.“What’s wrong with me? Baka ako dapat ang magtanong niyan sa iyo, hináyupak ka! What’s wrong with you, Marcus?”Mapaklang tumawa si Zachary, dahilan upang mapakunot-noo si Marcus.“What the hell are you talking about? Look, Zachary, nagbago na ako, kaya ‘wag mo nang ibalik kung sino ako noon. Sumugod ka rito, tapos ganiyan ang ibubungad mo sa akin? Have some respect. You’re in front of my fûcking house!”Nagpatuloy lang sa pagtawa si Zachary.“Ikaw? Rerespetuhin ko? Sa tingin mo ba, Marcus, karapat-dapat kang respetuhin? Hindi porke nagbago ka na, magiging maayos na kayo ng asawa ko. Sino ang nagsabi sa iyo na may karapatan kang kausapin at yakapin ang asawa ko? ‘Wag mong
Bahagyang natawa si Nimfa bago umiling.“A-Ano ba'ng sinasabi mo, hubby?”“'Wag mo nang i-deny pa, Nimfa!” seryoso at malamig na sambit ni Zachary. “Magkayakap kayo ni Marcus. Nakita ko mismo sa litrato. Ano'ng ibig sabihin noon? Sinabi ko na sa iyo na 'wag ka nang lalapit o makikipag-usap sa lalaking 'yon! Pero ano'ng ginawa mo? Binigo mo ako, Nimfa!” nakatiim ang bagang nitong sambit bago siya nilampasan.Hindi agad nakapagsalita si Nimfa sa narinig. Ilang segundo siyang natuliro bago hinabol ang asawa. Hinawakan niya ang kamay nito, ngunit mas lalo niyang naramdaman ang galit nito nang mariin nitong bawiin ang kamay mula sa kaniya.Napailing siya bago muling hinarangan ang daraanan ni Zachary at tinitigan ito nang diretso sa mga mata.“Hindi ko ide-deny 'yon, hubby. Oo, magkayakap kami ni Marcus dahil... dahil okay na kami. Alam kong nabigo kita. H-Hindi ko nasunod ang napagkasunduan nating dalawa, at kasalanan ko 'yon. Pero... mukhang nagbago na naman siya, hubby, simula nang maku
Hindi makakibo si Nimfa. Hinayaan niya lang na nakayakap sa kaniya ang dating asawa hanggang sa ito na rin mismo ang humiwalay sa kaniya.Mariin siyang napalunok bago bahagyang inayos ang nagulo niyang buhok. Hindi niya alam ang sasabihin, halos hindi siya mapakali sa harap ng asawa.“Is there a problem, Nimfa?” mayamaya pa'y tanong nito sa kaniya.Mapakla siyang ngumiti bago umiling. “W-Wala naman, Marcus. Siguro, hindi lang ako makapaniwala na pagkatapos nang nangyari sa atin noon, heto't maayos na tayong nagkakausap.”“Hindi ba maganda ‘yon, na maayos na tayo after what happened? Now that Claire’s gone, I think it's time to reconcile. I mean, alam kong hindi ko na maibabalik ang relasyon natin noon because I cheated on you with my sister-in-law. Ang gusto ko, sana maging magkaibigan ta—”“Hindi pa ako sigurado sa ngayon, Marcus. Binaon ko sa hukay ang nangyari noon, hindi ko na ‘yon tangan sa akin, pero kasi, hindi biro ‘yong ginawa mo. Mahirap nang magtiwala, sapagkat sinira mo na
Mabilis na pumutok ang balita sa buong Pilipinas. Naging laman ng social media ang ginawa ni Claire sa anak. Dahil dito, isinailalim sa masusing imbestigasyon ang kaso, at kalaunan ay natuklasang si Claire ay may severe psychotic depression. Dahil sa mga medical records, psychiatric evaluation, at testimonya ng kaisa-isang psychiatrist na tumingin dito, mabilis na umusad ang imbestigasyon. Sa halip na ikulong si Claire sa presinto, dinala ito sa isang mental hospital upang doon sumailalim sa gamutan. Samantala, si Marcus naman ay nagsampa ng Petition for Sole Custody of the Child. Nag-file rin ito ng Petition for Declaration of Nullity of Marriage Based on Psychological Incapacity upang tuluyan nang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Claire. Sa pagdinig sa korte, napatunayan ni Marcus ang kondisyon ng asawa batay sa mga ebidensya at ulat ng mga eksperto, kaya agad na pinagbigyan ang mga petisyon nito. Hindi naglaon, tuluyan nang napunta dito ang sole custody ng bata, at idineklara r
“Anak, you don't have to do this. May bahay naman ako, I can stay there with Tonette.”“‘Nay naman, sa tingin niyo po ba hahayaan kong malayo kayo sa akin? At isa pa, pumayag naman po si Zachary,” tugon ni Nimfa sa ina habang tulak-tulak niya ito sa wheelchair. “May mga personal kayong buhay rito sa bahay niyo. At baka makasagabal lang kami ni Tonette.”Marahas na lang siyang napabuntong-hininga nang sandaling iyon bago ipinagpatuloy ang pagtulak sa ina. Nang makarating sila sa living area, huminto siya bago nakangiting umupo sa harap ng ina niya.“‘Nay, kahit kailan ay hindi po kayo makakasagabal sa amin. Mas matutuwa pa nga po kami, eh. Kasama ka po namin, h-hindi na po namin kailangang mag-alala dahil nasa iisang bubong lang po tayo. At isa pa, ‘nay…” Kinuha niya ang isa nitong kamay bago masuyong pinisil iyon. “Gusto ko rin po kayong alagaan. Gusto ko pong bumawi sa inyo.”Ngumiti ito bago sinapo ang pisngi niya. “Salamat, anak. Akala ko magagalit ka kapag nalaman mo ang totoo, b
Ngumisi si Everly bago dahan-dahang lumapit sa kaniya. Pero habang papalapit ang babae, pakembot-kembot pa ito. Pagkalapit, mariin nitong hinawakan ang necktie niya.“Na-miss mo ba ako, Marcus?” tanong pa nito.Pinasadahan niya ito ng tingin mula ulo hanggang paa, at isa lang ang masasabi ni Marcus—nagbago na ito. Hindi ito ganito noon. Pakiramdam tuloy niya'y ibang Everly ang nasa harap niya.“What are you doing here, Everly? Why did you come back? Wala ng rason para bumalik—”“Meron, Marcus!” madiin nitong sambit bago sinunggaban siya ng halik.Mabilis siyang naalerto, naiiwas niya agad ang ulo niya.“Umalis ka na, Everly. Wala akong panahon para makipag-usap sa iyo. Isama mo na rin ang batang kasama mo!”Pagkasabi niyon, nilapitan na niya ang lamesa niya. Ngunit nang uupo na siya, biglang humalakhak si Everly.“Ipinagtatabuyan mo ba kami ng anak mo? ‘Yong batang sinasabi mo, anak mo!” asik nito na ikinamulagat niya.“What… what did you say?” Ngumisi ang dating sekretarya bago luma
Nagulat si Atty. Mendoza sa biglaang desisyon ni Nimfa. “Ano'ng sabi mo, Nimfa? Annulment? Are you sure about that?” paninigurado nito.Bumuntong-hininga si Nimfa bago pabagsak na umupo sa kama. “Desidido na po ako, Atty. Mendoza. Niloloko lang ako ni Marcus. May relasyon siya kay Claire, sa asawa
“Don't touch me!” bulyaw sa kaniya ni Harry nang makasakay sila ng sasakyan.Hindi na nagulat si Nimfa—alam niya na ang ipinakita nito sa kaniya sa loob ng ospital kanina ay pagpapanggap lamang, sapagkat pinalaki ni Claire si Harry bilang isang spoiled brat.“Salbahe kang bata ka!” asik niya rito b
“I never touched my wife—never in our three years of marriage.” Umalingawngaw agad sa magkabilang tainga ni Nimfa ang narinig mula sa loob ng VIP room. Pamilyar ang boses, malalim iyon—walang iba kundi ang asawa niyang si Marcus. Mabilis niyang ibinaba ang kamay na sana'y gagamitin niya upang buk
“Ugh, nakakairita talaga ‘yang Nimfa na ‘yan!” ungot ni Claire bago pabagsak na inilapag ang bag niya sa sofa. “Marcus, wala ka man lang ba gagawin sa nangyari?” Sabay baling niya sa asawa na may hawak ng ice pack habang nakadikit sa mukha nitong puno ng pasa.“Can you relax, baby?” kalmado nitong







