Mag-log inClea Mair’s Pov
“Wait… what?” Nanlaki ang mga mata ko nang marinig ang sinabi ng kausap ko sa telepono. “Si Mister Henan mismo ang haharap sa amin para sa plano kong pagre-rent ng isa sa mga warehouse sa port niya?”
“Yes, ma’am,” sambit ni Iona, isang empleyado ng Henan Port na siyang nakilala ko sa isa sa mga restaurant na pag-aari ng JFCC. “Since he was in town, he decided to see your proposal personally in two days.”
“In two days?”
Oh my god! Hindi ko naman inaasahan na ang pinakamay-ari pa pala ng port ang siyang makakausap ko para sa plano namin. Akala ko ay isa lamang sa katiwala ng may-ari.
Kaya naman labis-labis na kaba ang nararamdaman ko ngayon.
“Well, JFCC is a big and famous company so when Mister Henan learned that you are trying to apply for one of our warehouses, he suddenly decided to be the one who will see your proposal,” dagdag pa niya. “Kaya paghandaan mong mabuti, okay? Maselan si Mister Henan.
Hindi kailangan ng mahabang presentation. Just a brief but in detail.”
“O-okay,” sambit ko. “I-ihahanda ko na agad ang proposal ko.”
Narinig ko ang mahina niyang pagtawa kaya napasimangot ako. Parang pinagti-tripan ako ng babaeng ito ah. “Can you please calm down? Hindi po nangangain si Mister Henan. Pero kung gusto mong magpakain ay siguradong mababaliw ka.”
Nanlaki ang mga mata ko. “Iona!” Shit! Napahawak ako sa pisngi ko. Nakakahiya ang lumalabas sa bibig ng babaeng ito.
Muli siyang natawa. “Oh, you still don’t have any experience?”
Napailing na lang ako at napabuntong hininga. “At bakit napunta sa experience ang usapan natin tungkol kay Mister Henan?”
“Kasi sigurado ako na kapag nakita mo siya ay hindi imposibleng malaglag ang panty mo sa kagwapuhan na taglay niya.” aniya. “Just some advice, wear something sexy and make sure na medyo labas ang cleavage mo, okay? Siguradong siya pa mismo ang mag-aaya sayo na magpunta kayo sa hotel.”
“I am not doing that,” giit ko. “At ako nga’y tigilan mo sa ganyan. Wala akong interes sa lovelife ngayon.”
Masyado pa akong abala sa pagbubuo ng bago kong buhay na malayo sa pamilya ko at wala pa akong oras para sa ibang tao.
“If that is what you want,” aniya. “If you give your best, I am sure you will be able to get his approval on renting the warehouse without serving your body to him just like the others.”
“Eh?” sabi ko. “Normal ba kay Mister Henan na ibigay ang space ng mga warehouse niya sa mga representatives na magbibigay ng katawan nila sa kanya?”
“Hindi naman required,” sagot niya. “Pero mas malaki pa din ang tiyansa na makakuha ng space kapag may intimate encounter ka kay Mister Henan. It will give you the advantage rather than the other renter since you will give him a special service.”
Hindi ako aware na mayroon din palang ganitong kalakaran sa industriya na pinasok ko. Akala ko, lahat ay nakabase sa proposal at kakayahan na magbayad ng renter.
Mayroon din palang ganitong dagdag serbisyo.
“Oh, sige na,” sabi ni Iona. “Kung gusto mong makasigurado sa space sa warehouse, gamitin mo na ang katawan mo. Pero hindi naman iyon pilitan kaya maaari mo ding daanin sa detalyadong proposal. Ikaw na ang bahala sa diskarte mo.”
Bumuntong hininga ako. “Sige, ako na nga ang bahala,” sabi ko sa kanya. “Salamat sa tulong mo, Iona. Kung hindi siguro kita nakilala ay baka natagalan pa ang appointment na makukuha ko para sa pag-present ng proposal ko sa kumpanya niyo.”
“Nako, don’t mention it, okay?” aniya. “Ilibre mo na lang ako kapag nagkita uli tayo. Oh siya, ba-bye na.” Siya na ang nagpatay ng tawag.
Ibinaba ko na ang phone ko at muling ibinalik ang atensyon sa screen ng laptop ko kung saan sinimulan ko nang i-type ang proposal ko para kay Mister Henan.
At sa totoo lang ay hindi ko alam kung sasapat ba ang nalalaman ko para makakuha ng slot sa warehouse niya.
Napatingin ako sa repleksyon ko sa salaming nasa gilid ng mesa ko.
Well, hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero alam kong maganda ako. Hindi man ako kaputian ay makinis naman ang balat ko.
Hindi din ako iyong tipo ng babae na sobra kung maglagay ng makeup sa mukha. Tama na sa akin ang simpleng face powder, lipstick at blush on para kahit paano ay pumusyaw ang aking pisngi.
Hindi naman din ako manang kung manamit.
Wala kasi kaming uniform kaya mga simpleng dress ang isinusuot ko papasok sa trabaho ko at tineternohan lang ito ng itim na wedge.
Agad kong iniling-iling ang aking ulo upang alisin ang ideya na ibinigay sa akin ni Iona.
Aba’y hindi yata tama na gumamit ako ng ganoong paraan para lang masiguro ang space na gusto namin para sa warehouse na ire-rent namin.
At kung gagawin ko man iyon, para ko na ding inamin na wala akong kakayahan na mai-close ang deal na ito sa isang malaking kumpanya tulad ng Henan Port.
Malaking insulto iyon sa pagsisikap na ginawa ko sa nakaraang taon.
Ayaw ko din namang sabihin ng mga kasama ko na baka ganoon din ang ginawa ko kaya naging mabilis ang pag-angat ng posisyon ko kahit pa halos wala akong experience sa larangan ng ganitong trabaho noong unang pasok ko sa kumpanya.
Huminga ako ng malalim pagkuwa’y bahagyang nag-inat tsaka muling dinampot ang telepono ko para tawagan ang assistant ko.
“Len, pakidala naman dito ang lahat ng records of transaction natin sa mga Andrius,” sambit ko nang sagutin niya ang tawag ko. “I will need it for the proposal that I am going to prepare.”
“From the beginning of our partnership with Andrius Port?” he asked.
“Yes,” I said. “Mabuti na iyong makita nila ang relasyon natin sa mga Andrius nang sa gayon ay malaman nila na hindi tayo pabayang tenant.”
“Okay, I will take it to the record room.”
“At dahil pupunta ka na din naman doon, baka pwedeng kunin mo na din ang records ng port na siyang naging ka-partner ng JFCC before the Andrius,” sabi ko. “Ang alam ko ay pangalawa na ang Andrius Port sa naging bagsakan ng mga inaangkat na ingredients ng kumpanya namin.
Pero wala akong alam tungkol doon kaya kailangan ko ding pag-aralan nang sa gayon ay walang makakaligtas na impormasyon sa mga Henan kung sakali man na magpaimbestiga sila.
“That will take at least one hour,” he said.
Napakamot ako ng ulo. Masasayang lang ang oras kung maghihintay pa ako ng ganoon katagal kaya isinara ko ang laptop ko tsaka tumayo. “You know what? Ako na lang ang pupunta doon para hindi ko na kailanganin pang ilabas ang mga papeles na iyon. Ikaw na lang muna ang bahala sa mga pupunta dito, okay?” Hindi ko na siya hinintay pang makasagot at agad ko nang ibinaba ang telepono tsaka lumabas ng opisina ko.
Nadaanan ko pa siya sa kanyang table at nag-thumbs up na lang biglang senyales na siya na ang bahala sa mga naka-schedule kong appointment para sa araw na ito.
Importante ang mga iyon pero higit na importante na maayos ko na ang proposal na ito para kay Mister Henan.
I will only have one chance to prove to him that we are worth it to be one of their tenants.
Clea Mair’s POVCutting ties with my parents is like a double-edged sword. It has both advantages and consequences.At ang una kong naramdaman ay ang consequence nito.Dahil nga pinutol ko na ang kaugnayan ko sa mga magulang ko, hindi na ako parte ng angkan. Wala na din sa akin ang titulo ko bilang prinsesa, maging ang karapatan kong manirahan sa palasyo kaya kinailangan kong umalis agad.Mabuti na lang ay mayroon pa akong naipon mula sa trabaho ko noon kaya nakapag-check in muna ako sa isang hindi kamahalang hotel.I was thinking of going back to Teur City to check on my previous apartment. Alam ko ay naroon pa ang mga gamit ko at kung sakali man ay baka mapakiusapan ko pa ang landlord na kung maaari ay bumalik ako doon.With what I have right now, I think I can still live comfortably for a while.May sapat akong oras para pag-isipan kung ano ang susunod kong gagawin.Nakatitig ako sa kisame ng silid nang marinig ko ang sunod-sunod na doorbell mula sa labas.Wala sana akong planong b
Clea Mair’s POV“Is that the truth, Dad?” Hector slammed his hand on the table. “You are the highest authority in this country, yet you are claiming that you are not aware of what they did?”“Your father is telling the truth, Hector!” Mom exclaimed, defending our father, who couldn’t even say anything after realizing the mess that his brothers had made. “Wala siyang kinalaman sa lahat ng katarantaduhang ginawa ng mga tiyuhin mo.”“At paano nangyari iyon?” Si Miracle naman ngayon ang hindi na nakapagpigil na magsalita. “I already told you that they seem to do something strange, and you said you would look into it. Don’t tell me you didn’t pursue it because you thought I was just being paranoid?”Our parents didn’t say anything and just averted their eyes from us.Right now, our country is on the verge of a crisis.Apparently, the Azaria Clan has been conducting invasions of small countries not far from us. And they have been dealing with the Rioghail Mafia for the weapons that they are
Clea Mair’s POVGoing to the Reveni Empire is not as easy as it seems, especially when a cursed surname is attached to my name. The whole Azaria Clan, along with the people working for them, as well as those close to them, are now banned from entering the great empire of Reveni.Ang sabi ni Hector ay naging mahigpit lang ng ganito ang bansang iyon simula noong araw ng pag-atake sa amin.Kaya ngayon, kahit si Miracle na noon naman ay malayang nakakapsok sa kahit anong bansang naisin niya ay limitado na lang din ang access.At ang lahat ng iyon ay dahil lang sa katangahan ng isang miyembro na angkan namin.Inis kong ibinato ang hawak kong baso sa pader. Nabasag iyon at kumalat sa paligid na agad nakakuha ng atensyon ng mga kasambahay namin.Pumasok sila sa loob ng silid ko at napabuntong hininga na lang ng makita nila ang mga kalat sa sahig ko. Sandali silang nag-usap pagkuwa’y umalis ang ilan para kumuha ng panlinis.Habang si Sally, ang head maid na nakatalaga sa pangangalaga sa akin
Clea Mair’s POVTo make up for my deal with Hector, I did what he wanted. I faced our parents and heard what they wanted to say. And just like what I expected, they already manipulated what really happened to me. I guess they heard from Miracle that my memories of that day were still blurry, and they took advantage of that.I just nodded to them, making my response as little as possible.Naging sandali lang din ang pakikiharap ko sa kanila dahil sinabi ni Miracle na kailangan ko pa ding magpahinga lalo na’t kalalabas ko lang ng hospital.Agad na din akong umalis pero imbes na magpahinga sa kwarto ay dumeretso ako sa office ni Hector tulad ng napag-usapan namin.Pagdating ko doon ay nakita ko siyang nakahiga sa sofa na nasa gilid ng silid at sa harap niya ay mayroong center table na puno ng mga papel.“Akala ko ay magtatagal ka pa doon.” Bumangon niya at itinuro ang mga papel sa harap niya. “Those papers contains the information that you want to know.”Agad akong lumapit doon at inisa-
Clea Mair’s POV“Andrel!”Marahas kong iminulat ang mga mata ko at ang unang bumungad sa akin ay isang puting kisame na hindi pamilyar sa akin.Agad akong nakaramdam ng kaba at mabilis na nag-panic ang buong katawan ko lalo na’t ang unang pumasok sa isip ko ay kung ano na ba ang nangyari kay Andrel.I was about to get up, but then I realized that there were a lot of tubes and wires attached to my body. Doon ko lang din naramdaman ang sakit sa bawat sulok ng katawan ko at wala akong lakas kahit sinubukan kong itaas ang kamay ko.What the hell happened? Why am I like this?Gusto kong sumigaw pero nanunuyo ang lalamunan ko at para akong nasusuka.Shit!This is not the time for me to think about myself. I know Andrel was not in a good situation.Napapikit ako dahil sa malakas na paglagabog ng kung ano. Kasunod nito ang pagliwanag ng buong silid na kinalalagyan ko at wala akong ibang nagawa kundi ang umungol na lang bilang pagprotesta.“Clea… Clea…”I felt someone hold my hand while callin
Clea Mair’s POVLeon was right.As soon as we arrived at the downtown of the Yain City, we immediately see the crowd in every establishments around. Halos walang store ang hindi dinudumog ng mga namamasyal dito at karamihan sa kanila ay mga pamilya o kaya naman ay mag-partner.I guess my colleagues were right.Christmas is something that is best celebrated with someone you love.Kahit saan ako tumingin, hindi nawawala ang ngiti sa labi ng mga tao. Ang iba ay masaya pang nagtatawanan at nakikipagkulitan sa mga kasama nila.Ah, this should be what a normal family does for Christmas Day.My family is surely the abnormal one.Sa west side ng downtown makikita ang mga high-end resturants kaya doon kami dumeretso at sa dami ng pagpipilian ay napagkasunduan namin na sa isang stakehouse na lang kumain.Hindi ito nalalayo sa The SweetHeart na isa sa sasadyain namin mamaya pagkatapos dito.Despite what happened to Asper, the founder of that sweet shop, it is still operational, and their recipe
Clea Mair’s POVIt has been a week since I last saw Andrel. The last time we hung out was when he brought me to the mall and we shopped for the things that we were going to use in a party that we would be attending.He got caught up with his job and had to take care of a lot of things in his port sinc
Clea Mair’s POV“Ahm…” I turned to Andrel as the car that he was driving entered the parking lot of a high-end mall not far from my apartment. “What are we doing here?”We just exchanged contact last night and earlier, he called me to ask for my schedule for the whole day. I told him that I don’t have
Clea Mair’s Pov“Congratulations, Miss Clea!”Masaya akong sinalubong ng mga katrabaho ko nang makabalik ako sa opisina mula sa Yain City. They held a small celebration to greet me when they learned that I got the approval of Mister Henan to use his port where JFCC’s ship dock.Our office has already r
Clea Mair’s POVAndrel was right.Ang pagbagsak ng angkan ko ang nag-iisang paraan upang hindi matuloy ang kasal ko sa emperador ng Reveni Empire nang hindi nawawala sa akin ang kalayaan ko.At alam kong may kakayahan siyang gawin iyon kung gugustuhin niya.Kung tutuusin ay wala namang natatagong yaman







