分享

Chapter 32

作者: Ms. Nerie
last update publish date: 2026-04-07 23:01:39

-Cassandra-

Huminto ang sasakyan sa isang tahimik na lugar.

Walang tao. Walang ingay.

Tanging hangin lang ang gumagalaw.

Dahan-dahang bumaba si Cassandra.

At sa unang hakbang pa lang—may kung anong nagsabi sa kanya—

dapat hindi siya pumunta rito!

Samantala—

Mariing hawak ni Ismael ang manibela habang pabalik sa shop.

Hindi na niya kasama si Divina.

Naibaba na niya ito kanina—at hindi na siya nag-aksaya ng oras.

Mas mahalaga ngayon si Cassandra.

Biglang tumunog ang cellphone niya.

INDIRA.

Agad
在 APP 繼續免費閱讀本書
掃碼下載 APP
已鎖定章節
評論 (1)
goodnovel comment avatar
palapuzrea
Prng tanga din c Cassandra alam n nga n patibong pmunta p ewan ko sau author
查看全部評論

最新章節

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 154

    “H-Hindi na kita...”“Humarap ka sa'kin, Cassandra.”Matigas ang tono ni Ismael.Humugot siya ng malalim na hininga. Pilit niyang itinuwid ang katawan at itinaas ang baba, saka dahan-dahang humarap at sinalubong ang mga mata nito.“H-Hindi na kita mahal!”Saglit na natigilan si Cassandra.Hindi niya akalaing masasabi niya ang mga salitang iyon.Kahit labag na labag sa loob niya.Sandaling natahimik ang buong banyo.Tila bahagyang lumamlam ang mga mata ni Ismael.Mabagal itong tumango.“Ganun ba...”Iyon lang ang sinabi nito bago muling ipinagpatuloy ang pagligo.Walang nagsalita sa kanilang dalawa tanging lagaslas lang ng tubig mula sa shower ang maririnig.Ngunit kapansin-pansin ang biglang pagbigat ng ekspresyon ni Ismael.Napakagat-labi si Cassandra.Bahagya siyang tumalikod, pilit iniiwas ang tingin dito.Ngunit ilang segundo pa lang—“Tsk!”Napasinghap si Cassandra nang may tumalsik na tubig sa kanyang braso.Hinarap niya si Ismael.“Hoy!”Hindi siya pinansin nito. Tahimik lang n

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 153

    Napalunok si Cassandra ngunit pilit itinuwid ang balikat.“T-Tabi... aalis na ako.”Hindi kumibo si Ismael.Kalmado lang siyang tinitigan bago mariing nagsalita.“Hindi ka aalis.”“H-Hindi mo 'ko mapipigilan.”Mabilis siyang lumusot sa gilid nito at halos patakbong lumapit sa bakal na gate.Iniangat niya ang kamay upang abutin ang hawakan ng gate.Ngunit bago pa man niya iyon mahawakan—Click.Napasinghap siya.Bigla na lamang may malamig na bakal na pumulupot sa kanyang pulsuhan.Nanlaki ang mga mata ni Cassandra.Mabilis niyang ibinaba ang tingin.Isang posas ang nakakabit sa kanyang kamay.At ang kabilang dulo nito...ay nakaposas naman sa pulsuhan ni Ismael. Sa isang iglap, magkadikit na ang kanilang mga kamay.“A-Anong ibig sabihin nito—”Hindi na niya naituloy ang sasabihin.“Gabi na,” malamig na sabi ni Ismael. “At delikado sa labas.”Napatingala si Cassandra sa kanya.“Anong pinagkaiba sa'yo?” matalim niyang sagot. “Mas mapanganib ka pa.”Bahagyang umangat ang isang sulok ng

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 152

    Sa isang modernong silid ng safe house na nasa liblib na lugar, mahimbing na natutulog si Cassandra sa kama. Maayos ang pagkakakumot sa kanya habang ang malamlam na liwanag ng buwan ay bahagyang pumapasok sa malawak na salaming bintana.Biglang tumunog ang cellphone niya.Nagmula ang tunog sa loob ng bag na nakapatong sa bedside table.Unti-unti siyang nagmulat ng mga mata at agad hinagilap ang bag.Mabilis niyang inilabas ang cellphone at tiningnan ang screen.Si Divina.Agad niyang sinagot ang tawag.“Hello, Divina. Kumusta na kayo diyan sa safe house?”Sa kabilang linya ay ilang segundo munang katahimikan. Pagkatapos, narinig niya ang hinihingal at nanginginig na boses ni Divina.“C-Cassandra... natunton kami ng mga tauhan ni Senyor...”Nanlamig ang buong katawan ni Cassandra.“Ano?” “Pinasok nila ang safe house... napatay nila ang ilan sa mga tauhan...”Parang nawalan ng hangin si Cassandra sa narinig.“Ano?! Kumusta kayo? Nasaan kayo ngayon?”“Si... Ismael—”Putol-putol ang bose

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 151

    “Sinabi nang ibaba mo 'ko! Ano ba!” sigaw ni Cassandra habang nagpupumiglas sa balikat ni Ismael. Pumapadyak pa ang mga paa niya sa hangin, pilit na kumakawala.Ngunit tila walang naririnig si Ismael.Tuloy-tuloy lang itong naglalakad.“Kapag hindi mo 'ko ibinaba, sisigaw talaga ako!” nagpapanic na sabi niya.“Kanina ka pa sumisigaw,” kampante lang na sagot nito.Napanganga si Cassandra.Sandali siyang natahimik sa inis, ngunit makalipas lang ang ilang segundo ay muli na naman siyang nagpumiglas.“Hindi ako sasama sa'yo!” sabay hampas niya sa balikat ni Ismael.Hindi pa rin siya pinansin nito.Ilang hakbang pa ang ginawa ni Ismael hanggang sa huminto sila sa tabi ng isang itim na SUV na nakaparada sa di kalayuan.Kasabay nito, bumukas ang pinto sa passenger seat.Kabababa lamang ng driver.Hindi niya ito nakita.Mabilis lang nitong iniwang bukas ang pinto bago lumipat sa isa pang sasakyang nakaparada ilang metro sa likuran.Ilang sandali pa'y umandar ang pangalawang sasakyan at tuluya

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 150

    “B-Bastos!”Kumibot ang isang sulok ng labi ni Ismael.Bahagya itong yumuko, sapat lang para marinig niya ang sasabihin nito.“Ikaw ang humawak.”Agad na namula ang mukha ni Cassandra.Napaatras siya nang kaunti at kusang iniwas ang tingin, pilit inilalayo ang mukha rito.Sa isang sandali, bumalik sa alaala niya ang nangyari ilang minuto lang ang nakalipas.Ang biglang pagpreno ng bus, pagkawala niya ng balanse... at ang kamay niyang napunta sa ibabang bahagi ng katawan ni Ismael.Mariin niyang ipinikit ang mga mata.Hindi...Hindi siya dapat nagpapaapekto.Muling sumagi sa isip niya ang lahat ng dahilan kung bakit kailangan niyang layuan si Ismael—ang pagbaril nito kay Indira, ang engagement nito kay Nicole, ang planong ipawalang-bisa ang kasal nila...At ang katotohanang gusto lamang nitong makuha ang puso niya upang mailigtas ang ina nito.Parang biglang nawala ang hiya niya at napalitan iyon ng takot at galit.“Para ho! Bababa ako!” malakas niyang sigaw.“Ah, sige ho, Ma'am. Nakah

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 149

    Habang nasa loob pa rin ng shop ni Lina si Cassandra, tumawag naman ang head ng security sa dalawang tauhang kasama niya.“May problema rito. Bumalik muna kayo,” seryosong sabi nito sa kabilang linya.Nagkatinginan ang dalawang tauhan bago lumapit kay Cassandra.“Ma'am Cassandra,” tawag ng isa. “Kailangan po muna naming bumalik sa safehouse.”Napakunot-noo si Cassandra.“Bakit, may nangyari ba?”“Hindi pa po namin alam ang detalye. Utos lang po na bumalik agad.”Tumango siya.“Okay lang. Nandito lang naman ako.”“Ma'am, susunduin po namin kayo mamaya,” dagdag ng isa pang tauhan.Ngumiti si Cassandra at tumango.“Sige. Mag-iingat kayo. Tatawagan ko kayo kapag matatapos na kami rito.”“Opo, Ma’am.”Matapos iyon, mabilis na umalis ang dalawang tauhan.Naiwan sina Cassandra at Lina sa loob ng studio.Lumipas ang mga oras.Unti-unting humupa ang ingay sa labas. Nagsimulang magsara ang ilang boutiques at cafés sa paligid.Ngunit hindi pa rin bumabalik ang mga tauhan.“Bakit wala pa yung sun

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 70

    “C-Cassandra… w-what did you do?” hirap na hirap na sambit ni Nicole habang namamaga ang labi nito at namumula na rin ang paligid ng mga mata. Agad nagkagulo ang dining area. “Nicole?” gulat na tawag ni Abby habang mabilis na tumayo mula sa upuan. “Nicole hija!” kinabahan ding sambit ni Don M

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 69

    Alas singko pa lang ng hapon naroon na sina Ismael at Cassandra sa Hacienda Villegas.Tahimik ang paligid, pero halatang pinaghandaan ang gabing iyon.Pagpasok pa lang nila, agad napansin ni Cassandra ang pagtaas ng kilay ni Nicole. Isang mabilis na reaksyon—pero hindi naitago.Lumapit ito sa isang

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 68

    Isa-isang umatras ang mga tao, tila tinamaan sa bigat ng sinabi ni Nicole. Ang kaninang maingay na paligid ay unti-unting humupa. Sa gitna ng katahimikan, hindi umiwas ng tingin si Nicole. Sa halip, sadya niyang ibinaling ang mga mata kay Cassandra—puno ng kumpiyansa at parang sinasabi na kaya niy

  • Falling for My Ex's Dangerous Uncle   Chapter 67

    Naayos na muli ang harapan ng boutique shop ni Mr. Chen. Wala na ang mga bitak at gulo na iniwan ng nagdaang insidente—malinis na ulit ang salamin sa harap, maayos ang pagkaka-roll ng mga tela sa loob, at tila pilit ibinabalik sa normal ang lahat. Nagpatuloy ang negosyo. Naroon muli si Cassandra

更多章節
探索並免費閱讀 優質小說
GoodNovel APP 免費暢讀海量優秀小說,下載喜歡的書籍,隨時隨地閱讀。
在 APP 免費閱讀書籍
掃碼在 APP 閱讀
DMCA.com Protection Status