Share

CHAPTER 5

last update Petsa ng paglalathala: 2026-05-24 10:50:08

Marielle’s POV

Hindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko kahit nakalabas na kami ng boutique. Pakiramdam ko ay bumabagal ang bawat paghinga ko habang nakatingin ako kay Giovanni.

May dugo pa sa kamao niya.

Malamig pa rin ang mga mata niya.

At kahit katatapos lang niyang iligtas ako, pakiramdam ko mas lalo lang akong nalulunod sa presensya niya.

“Giovanni…” mahina kong tawag.

Mabilis siyang lumingon sa akin.

At doon ko nakita ang biglaang paglambot ng ekspresyon niya.

Parang ibang tao.

Parang sa akin lang niya ipinapakita ang side na iyon.

“Nasaktan ka ba?” mababa niyang tanong habang marahang hinahaplos ang sugat sa labi ko.

Napasinghap ako sa init ng palad niya.

“H-Hindi naman malala.”

Mariing tumigas ang panga niya.

“Hindi ko dapat hinayaang mangyari ‘yon.”

Napailing ako.

“Hindi mo kasalanan.”

Ngunit hindi siya nagsalita.

Sa halip, mas lalo lamang dumilim ang mga mata niya habang nakatitig sa akin. At hindi ko maintindihan kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

Parang may kakaibang init na bumabalot sa buong katawan ko sa tuwing magkadikit ang mga mata namin.

Delikado.

Pero hindi ko kayang lumayo.

“Mommy!”

Bigla akong natigilan nang makarinig ako ng pamilyar na boses.

Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita si Mikayla na mabilis na tumatakbo papunta sa akin habang hawak ng kapitbahay naming si Tiya Lourdes.

“Mika!” agad kong sambit habang nakaluhod para salubungin siya. Mahigpit akong niyakap ng anak ko.

“Mommy, umiiyak ka na naman…” malungkot nitong bulong.

Parang piniga ang puso ko.

Mabilis kong pinunasan ang luha ko at pilit ngumiti.

“Okay lang si Mommy, baby.”

Ngunit bago pa ako makapagsalita muli, napansin kong tahimik na nakatingin si Mikayla kay Giovanni.

Curious ang mga mata nito.

Samantalang si Giovanni?

Parang natigilan.

Hindi ko alam kung bakit, pero tila hindi siya sanay makakita ng bata. Unti-unting kumapit si Mikayla sa braso ko bago marahang tumingin kay Giovanni.

“Mommy…” bulong niya. “Siya po siya?

Napasinghap ako sa hiya.

“M-Mika!”

Ngunit mas lalo lang lumalim ang tingin ni Giovanni kay Mikayla.

At sa unang pagkakataon simula nang makilala ko siya…

Parang may nakita akong init sa mga mata niya.

Hindi malamig.

Hindi mapanganib.

Kundi malambot.

Tahimik siyang lumuhod sa harap ng anak ko.

“What’s your name?” mababa niyang tanong.

Ngumiti si Mikayla.

“Mikayla po. Pero Mika lang tawag ni Mommy.”

Napatitig ako kay Giovanni nang marahan itong napangiti.

At Diyos ko…

Mas lalo siyang naging gwapo.

“Giovanni,” pagpapakilala niya.

Mabilis na kumislap ang mga mata ni Mika.

“Ang pogi mo po.”

Napahawak ako agad sa noo ko dahil sa hiya.

Ngunit mahina lamang natawa si Giovanni. At ang simpleng tunog na iyon ay tila nagpabilis lalo sa tibok ng puso ko.

Hindi ko maintindihan.

Paano nagagawa ng lalaking ito na guluhin ako nang ganito?

“Mommy,” inosenteng saad ni Mika habang nakatingin sa amin, “He’s like a prince.”

“Mika!”

Ngunit bago ko pa mapigilan ang sarili ko ay natawa si Giovanni.

At pakiramdam ko…

Mas lalo akong nahulog sa lalaking hindi ko dapat gustuhin.

—----------

Makalipas ang ilang minuto, tuluyan nang nakatulog si Mikayla nang pauwi kami sa maliit naming apartment, matapos ang lahat ng pagod at takot sa nangyari.

Tahimik akong lumabas ng kwarto habang maingat na isinara ang pinto. Ngunit agad akong natigilan nang makitang nakasandal si Giovanni sa dingding habang tahimik akong pinagmamasdan.

Nakaalis na si Luca.

Kami na lang dalawa.

At biglang parang lumiit ang buong apartment dahil sa tindi ng presensya niya.

“Salamat,” mahina kong sabi.

Hindi siya sumagot agad. Dahan-dahan siyang lumapit sa akin hanggang sa muli kong naamoy ang mamahalin niyang pabango.

“Hindi ka dapat mag-isa rito,” malamig niyang saad.

Napayuko ako.

“Sanay na ako.”

“Then stop getting used to pain.”

Huminto ang paghinga ko.

Napakagat ako sa labi habang pilit iniiwas ang tingin ko. Pero mabilis niyang hinawakan ang baba ko.

“Look at me.” At parang tanga naman akong sumunod.

Doon ko nakita ang matinding emosyon sa mga mata niya.

Galit.

Pagnanasa.

At kung ano mang bagay na pilit niyang nilalabanan.

“Giovanni…”

“You keep crying,” paos niyang bulong. “And it’s driving me insane.”

Mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. Hindi ko na alam kung tama pa bang hayaan siyang lumapit.

Pero sa tuwing nasa tabi ko siya…

Pakiramdam ko gusto kong makalimutan lahat ng sakit.

“Hindi mo ako kailangang iligtas,” mahina kong saad.

Bigla siyang napangisi nang bahagya.

“Too late.”

At bago ko pa mapigilan ang sarili ko—

Hinawakan ko ang polo niya.

Mabilis na nagdilim ang tingin niya sa ginawa ko.

“Marielle…” babala niyang bulong.

Ngunit sa halip na umatras…

Mas lalo akong lumapit. At wala nang natitirang kontrol sa pagitan namin. Mariin niya akong hinalikan. Napasinghap ako habang agad akong napasandal sa kitchen counter dahil sa lakas ng halik niya.

Mainit.

Mapusok.

Nakakahilo.

Parang lahat ng sakit at lungkot ko ay gusto niyang burahin gamit lang ang mga labi niya. Mahigpit ang hawak niya sa bewang ko habang mas lalo niyang pinalalim ang halik.

Napakapit ako sa balikat niya habang mabilis akong hinihingal.

“Damn it…” paos niyang bulong laban sa labi ko. “You’re becoming my weakness.”

Huminto ang puso ko sa sinabi niya. Ngunit bago pa ako makapagsalita—

Biglang nag-ring ang cellphone niya.

At sa isang iglap…

Nagbago ang ekspresyon ni Giovanni.

Muling naging malamig.

Mapanganib.

Unti-unti siyang napalayo sa akin habang sinasagot ang tawag. Ngunit nang marinig niya ang nasa kabilang linya…

Biglang nagdilim ang buong mukha niya.

“Anong sabi mo?” malamig niyang tanong.

Nanlamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang sumunod niyang sinabi.

“Bantayan niyo si Marielle at ang bata.”

At doon ko unang naramdaman…

Na may mas malaking panganib na paparating sa buhay namin.

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 42

    Giovanni’s POV Nang makasiguro kaming ligtas si Mikayla sa loob ng bahay at nakabantay si Luca sa labas, hinila ko si Marielle papunta sa pinakadulong bahagi ng balkonahe — kung saan tanging alon at hangin lang ang makakarinig sa amin. Madilim ang paligid, pero sapat ang liwanag ng buwan para makita ko ang bawat pagbabago sa mukha niya — halo ng pag‑aalinlangan, takot, at ‘yung pamilyar na init na laging nagpapaikot ng mundo ko. Humarap ako sa kanya, ipinatong ang parehong kamay sa balikat niya, dahan‑dahang dumulas pababa sa braso. “Matagal ko na ‘tong gustong sabihin… pero hindi ko alam kung paano,” panimula ko, mababa at seryoso ang boses. “Kasi kapag sinabi ko na ‘to… wala nang atrasan. At baka… hindi mo na ako tignan nang parehong paraan.” Nanatili siyang nakatingin sa akin — matigas ang tindig, pero nanginginig ang gilid ng labi. “Sabi ni Miranda alam mo raw ang lahat mula pa sa simula. Kung totoo ‘yan… magsalita ka na, Giovanni. Huwag mo na akong pag‑isipin pa.” Huminga ak

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 41

    Giovanni’s POV Nakadikit ang likod ko sa matibay na poste ng bakod, pero ang buong atensyon ko ay nasa dalawang babae: si Marielle sa likuran ko, at si Miranda sa kabilang panig ng gate. Ramdam ko ang bawat paghinga ni Marielle — mabilis, nanginginig, pero hindi umatras. Kahit nasa gitna kami ng banta, ang init ng katawan niya ay dumadaloy sa akin, parang tahimik na paalala kung ano talaga ang ipinaglalaban ko. Nakataas ang kamay ko kay Luca — senyales na huwag munang magpaputok. Gusto ko munang marinig kung anong kalokohan ang ilalabas ni Miranda ngayon. “Bakit ba ang higpit niyo? Dati, nakakapasok naman ako dito kahit kailan,” panimula ni Miranda habang nakasandal sa kotseng itim, nakangisi nang mapanghamon. Suot niya ang pulang bestida — ganyan‑ganyan pa rin ang ugali niya, akala niya siguro ay laging umiikot ang mundo sa kanya. “Dati pa ‘yun,” sagot ko nang malamig. “Ngayon, bawal ka na rito. State your business and leave.” Napatawa siya nang mahina, tapos matalas na dumapo a

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 40

    Marielle’s POV Nanginginig pa ang mga balikat ko sa kakatawa habang pinupunasan ang tubig sa mukha. Hinahabol ko ang hininga, nakatayo sa mababaw na bahagi ng dagat, habang si Giovanni ay buhat‑buhat pa rin si Mikayla na parang walang bigat. Basa rin ang buhok niya, dumidikit sa noo, at mas lalong lumitaw ang matitigas na linya ng mukha—nakakaakit, matapang, at sa sandaling ito, tila ganap na akin. Nang humakbang siya palapit, saglit akong napahinto sa paghinga. Kahit nasa harap pa namin ang anak namin, hindi nawawala ang kuryenteng dumadaloy sa bawat tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang pulso ko nang dahan‑dahan, hinila nang kaunti palapit hanggang magkadikit ang aming mga braso. Humahampas ang alon sa ating mga binti—malamig ang tubig, pero mainit ang bawat dampi ng balat niya. “Talo ka na ba?” bulong niya, sadyang ibinaba ang boses para hindi marinig ni Mikayla na nakasandal sa balikat niya. “O gusto mo pa ba ng round two?” Napalunok ako, hindi makaiwas sa tingin niya. “Baka

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 39

    Marielle’s POVPagmulat ko ng mata, wala na ang bigat ng kahapon. Sa halip, naamoy ko ang bango ng sinangag at matamis‑maalat na amoy mula sa labas. Bumangon ako nang dahan‑dahan, suot lang ang malaking puting polo ni Giovanni na halos umabot na sa tuhod ko. Tahimik ang bahay; sa kwarto naman ni Mikayla, mahimbing pa rin siyang natutulog.Paglabas ko papunta sa kusina, doon ko siya nakita — si Giovanni, nakatalikod habang naghahalo sa kawali. Nakasuot lang siya ng itim na pantalon, hubad ang itaas, at sa bawat galaw ng braso ay gumagalaw nang hayagan ang matitigas niyang kalamnan. Hindi ko akalain na isang billionaire tulad niya ay marunong ding mag‑timpla ng kape at mag‑prito ng tinapay. He looks so hot… buti na lang at hindi niya nahuli ang matagal kong pagtitig sa kanya.“Gising ka na pala,” bati niya nang hindi man lang lilingon, pero alam kong ramdam niya ang bawat hakbang ko. “Mabuti naman. Breakfast is ready.”Lumapit ako, nakatayo sa pintuan habang patuloy siyang pinagmamasdan

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 38

    Marielle’s POVTuloy‑tuloy ang takbo ng sasakyan, halos wala nang pakialam si Giovanni sa mga kurba at lubak. Sa likuran, rinig pa rin namin ang mga putok ng baril, pero habang lumalayo kami, unti‑unting humina ang ingay. Mahigpit ang yakap ko kay Mikayla — mahimbing pa rin siyang natutulog sa kandungan ko, parang walang kaalam‑alam na nasa gitna kami ng panganib.Makalipas ang halos isang oras, huminto kami sa tapat ng isang bahay na gawa sa bato at kahoy — nakatago sa likod ng matatayog na puno, nakaharap mismo sa dagat. Napakatahimik dito; tanging ang hampas lang ng alon ang naririnig.“Beach house ‘to,” sabi ni Giovanni habang binubuksan niya ang pinto para sa amin. “Pag‑aari ito ng pamilya, ligtas at halos walang nakakaalam. We’ll stay here until it’s safe to move again.”Bumaba ako, medyo nanginginig pa ang mga tuhod. Tinulungan niya akong pumasok, at dahan‑dahan naming inihiga si Mikayla sa kwartong nasa dulo — maluwag, presko, at amoy‑amoy dagat. Nang maisara ko nang dahan‑dah

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 37

    Giovanni’s POVBumaba ako ng hagdan nang mabilis, mahigpit ang hawak sa telepono — ang balitang kakarating lang ay parang naglagablab ng apoy sa bawat ugat ko. Ryan. Ang pangalang ayaw ko nang marinig, pero ngayon ay naging banta na mismo sa tahanan namin. Kilalang‑kilala ko ang klase ng lalaking ‘yon — mahina, sakim, at handang gamitin kahit sariling dugo, basta makuha lang ang gusto niya.“Nasa labas na sila, Boss. Dalawang sasakyan, nakapwesto sa likod ng bakod,” ulat ni Luca mula sa radyo. “At may kasama silang babae — sigurado kami, kasabwat ni Miranda.”Napakuyom ang kamao ko. Hindi nila ako mapipigilan.Pumasok ako sa kwarto ni Mikayla at doon ko nakita si Marielle, nakaupo sa gilid ng higaan habang inaayos ang kumot sa anak. Napakaganda niya kahit sa simpleng suot lang — mahaba ang buhok, malambot ang mukha, pero halatang may dinadalang pang‑amba sa bawat galaw. Sa tuwing nakikita ko silang dalawa, mas lalong nararamdaman ko kung gaano kalaki ang mawawala sa akin kapag nabigo

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 26

    Giovanni’s POVNakatitig ako nang matagal sa mga dokumentong inilatag sa ibabaw ng aking mesa—mga kopya ng kontrata, kasulatan ng pagmamay-ari, at mga ebidensyang maingat na nakalap ng aking mga tauhan. Ang bawat linya ay nagsisiwalat ng kasinungalingang binuo nang may malisyosong layunin. Hindi la

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 25

    Third Person POVIsang hapon, habang abala si Marielle sa pag-aayos ng ilang papeles sa sala, tumunog ang kanyang telepono. Isang dating kaibigan ang tumawag, may halong pag-aalinlangan sa boses bago ibinahagi ang balitang yumanig sa kanya.“Marielle… narinig ko lang sa mga kakilala. Buntis daw si

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 18

    Marielle’s POVPagkauwi sa penthouse, tila dala pa rin ng hangin ang bakas ng takot at gulo mula sa bodega. Ngunit sa tuwing nakatabi ko si Giovanni, unti-unti itong napapalitan ng kakaibang kapayapaan. Matapos maipahinga si Mikayla sa kanyang kwarto at masiguro na mahimbing ang kanyang tulog, naiw

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 13

    Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana ng penthouse ni Giovanni. Sa likuran ko, narinig ko ang marahang pagbukas ng bote ng alak kasabay ng mabibigat ngunit banayad na yabag ni Giovanni palapit sa akin.“You're overthinking again,

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status