Giovanni POV Hindi ako mapakali. Ilang oras na ang lumipas mula noong makita namin ni Marielle ang lumang litrato sa silid-aklatan, ngunit hanggang ngayon ay hindi pa rin maalis sa isip ko ang bawat detalye nito. Nasa loob ako ng aking opisina, nakatayo sa harap ng mesa at nakatitig nang matagal sa litratong hawak ko. Nandoon si Marielle. Kuha ito apat na taon na ang nakalipas. At sa likuran niya… ako. Bagama’t hindi masyadong malinaw ang mukha ko sa anggulo ng kuha, alam kong ako iyon. Sigurado ako. Mahigpit kong napisil ang gilid ng litrato habang namumuo ang galit at pagkalito sa aking dibdib. “How the hell did this end up here?” Biglang tumunog ang katok sa pinto. Pumasok si Marco, ang aking kanang kamay at pinagkakatiwalaan. “Boss, may nahanap at nakuha kaming impormasyon tungkol sa litratong iyan,” seryoso nitong balita. Agad akong napabaling sa kanya, tumalim ang tingin. “Ano iyon?” “Kuha po ito sa isang charity event na ginanap sa hotel kung saan kayo tumuloy at
Read more