LOGINMarielle’s POV
“Bitawan mo siya.” Nanigas ang buong katawan ko nang marinig ko ang malamig na boses ni Giovanni sa likuran namin. Ramdam ko agad ang pagbabago ng hangin sa paligid. Mabigat. Mapanganib. At punong-puno ng tensyon. Mas humigpit ang hawak ni Ryan sa kamay ko habang matalim nitong tinitigan si Giovanni. “At kapag ayaw ko?” puno ng galit nitong sagot. Unti-unting napangisi si Giovanni. Pero walang init doon. Para iyong babala bago dumating ang bagyo. “Then I’ll make you.” Napasinghap ako nang marahas akong hilahin ni Ryan palapit sa kanya. “Marielle, sabihin mo sa kanya na wala siyang karapatan makialam sa pamilya natin!” Pamilya. Dati, gustong-gusto kong marinig ang salitang iyon mula kay Ryan. Pero ngayon? Parang wala na itong bigat. Napayuko ako habang pilit pinipigilan ang sakit sa dibdib ko. “Ryan…” mahina kong saad. “Tama na.” “Hindi!” galit nitong sigaw. “Hindi ko hahayaang sirain tayo ng lalaking ‘to!” Biglang tumigas ang ekspresyon ni Giovanni. At bago pa lumala ang sitwasyon, mabilis na yumakap si Mikayla sa binti ko. “Mommy…” takot nitong bulong. Parang may pumiga sa puso ko. Mabilis kong niyakap ang anak ko habang nanginginig ito sa takot. At doon ko napagtanto… Hindi lang ako ang nasasaktan sa gulong ito. Pati ang anak ko. “Please…” umiiyak kong sabi habang nakatingin kay Ryan. “Ayoko nang mag-away tayo sa harap ni Mika.” Nakita kong bahagyang lumambot ang mukha ni Ryan nang marinig ang pangalan ng anak namin. Ngunit saglit lang iyon. Dahil muli siyang tumingin kay Giovanni nang puno ng selos at galit. “May relasyon ba kayo?” diretsong tanong niya. Huminto ang paghinga ko. Hindi ako agad nakasagot. Dahil kahit ako…Hindi ko na alam kung ano ba talaga ang namamagitan sa amin ni Giovanni. Hindi kami magkasintahan. Hindi rin simpleng estranghero. Pero sa bawat tingin niya sa akin… Parang unti-unti akong hinihila palapit sa kanya. “At kung meron?” malamig na sagot ni Giovanni. Nanlaki ang mata ko. Pati si Ryan ay tila hindi makapaniwala. “Putangina…” galit nitong bulong bago ako muling hinarap. “Marielle, ganito ka kabilis magpalit?” Parang may matalim na bagay na tumarak sa dibdib ko. Ako pa ngayon ang masama? Ako pa ang pinapalabas niyang nagtaksil? “Ryan,” nanginginig kong saad, “ikaw ang unang nangloko.” Natahimik siya. At ang katahimikang iyon ang tuluyang sumira sa natitirang awa ko para sa kanya. Mabilis kong hinawakan si Mikayla bago marahang umatras palayo kay Ryan. “Pagod na pagod na ako,” umiiyak kong bulong. “Pagod na akong mahalin ka.” Parang natulala siya sa sinabi ko. Ngunit bago pa siya makapagsalita— Biglang naramdaman ko ang mainit na kamay ni Giovanni sa bewang ko. Agad akong napatingin sa kanya. Malamig pa rin ang mukha niya ngunit mahigpit ang pagkakayakap niya sa akin, tila ba pinapaalala niyang hindi ako nag-iisa. At nakakainis dahil sa simpleng hawak niya… Parang gusto kong umiyak lalo. “Let’s go,” mababa niyang saad. Tahimik akong tumango. Ngunit bago kami makaalis, mabilis na hinawakan ni Ryan ang braso ko. “Hindi kita susukuan.” Unti-unting nagdilim ang mga mata ni Giovanni. At sa isang iglap, mabilis niyang tinanggal ang kamay ni Ryan sa akin. “Touch her again,” malamig niyang bulong, “and I swear you’ll regret it.” Nanlamig ako sa paraan ng pagsasalita niya. Hindi iyon simpleng pagbabanta. Parang kaya niya talaga itong gawin. Ngunit ang mas nakakatakot? May parte sa akin na naniniwalang ligtas ako kapag si Giovanni ang kasama ko. — Tahimik ang buong biyahe pauwi. Nasa likod si Mikayla at mahimbing nang natutulog habang ako naman ay tahimik na nakatingin sa bintana. Pero ramdam ko ang titig ni Giovanni sa akin. Mainit. Mabigat. Parang may gusto siyang sabihin ngunit pilit niyang pinipigilan. “Bakit mo ako tinutulungan?” mahina kong tanong. Sandali siyang natahimik. Pagkatapos ay mariing napahawak sa manibela. “I don’t know anymore.” Napakagat ako sa labi. Dahil gano’n din ang nararamdaman ko. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit sa tuwing kasama ko siya… Parang gusto kong kalimutan lahat. Pagdating namin sa apartment, maingat niyang binuhat si Mikayla palabas ng sasakyan. At doon ko muling nakita ang side niya na hindi nakikita ng iba. Maingat. Gentle. Malambot. Parang ibang Giovanni. Tahimik ko siyang pinagmamasdan habang marahang inaayos ang kumot ni Mikayla sa higaan. “Giovanni…” mahina kong tawag. Mabilis siyang lumingon sa akin. At muling bumilis ang tibok ng puso ko. Dahil sa paraan ng pagtitig niya sa akin… Parang ako lang ang nakikita niya. “Hindi ko na alam ang nararamdaman ko,” amin ko habang nanginginig ang boses. Dahan-dahan siyang lumapit. Hanggang sa halos magkadikit na kami. “Then let me make you feel something better,” paos niyang bulong. At bago pa ako makahinga— Mariin niya akong hinalikan. Mainit. Mapusok. At punong-puno ng emosyon na matagal ko nang pilit ikinukubli. Napakapit ako sa polo niya habang mas lalo niyang pinalalim ang halik. At sa mismong sandaling iyon… Napagtanto kong hindi na si Ryan ang laman ng puso ko.Marielle's POV Nakatayo ako sa bintana ng kwarto ni Joan, nakatanaw sa madilim na kalsada sa labas. Mahigit dalawang oras na kaming narito, pero hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Akala ko kapag nakalayo kami sa bahay ni Giovanni, kahit papaano ay makakahinga na ako. Pero mali ako. Mas lalo lang akong kinakabahan. Parang may mga matang nakatingin sa amin mula sa dilim—hindi nawawala, hindi lumilihis. Mula sa sala, naririnig ko ang masayang tawa ni Mikayla habang ipinapakita niya kay Joan ang mga drawing niya. Gusto kong samahan sila, pero hindi ko magawa. Bawat kaluskos, bawat dumaraang sasakyan, nagpapatalon sa puso ko. Lumapit si Joan at iniabot sa akin ang isang baso ng mainit na tubig. "Marielle, kanina ka pa diyan. Halika muna, uminom ka. Hindi ka makakatagal kung puro kaba ang iniisip mo." Tinanggap ko ang baso, pero halos mabitiwan ko iyon dahil sa panginginig ng kamay ko. "Salamat, Joan. Pasensya na talaga kung naabala pa namin kayo." Umiling siya. "Hoy, h
Giovanni’s POVNakahawak na ako sa pinto ng sasakyan, handa nang utusan si Luca na bumiyahe papunta sa sinasabing taguan sa kabundukan.Pakiramdam ko, bawat segundo ay parang oras na unti‑unting nauubos.Sigurado akong naroon sina Miranda at Ryan. Sigurado akong doon nila itinago ang lahat ng ebidensya.Pero bago pa ako tuluyang makasakay, biglang umilaw ang cellphone ko.Isang mensahe mula sa hindi kilalang numero.“Masyado kang nagmamadali, Giovanni. Wala sa bundok ang hinahanap mo. Ang pinakamahalaga sa’yo ay nasa ibang lugar… at hinihintay na sila.”Parang biglang nanlamig ang buong katawan ko.Agad kong tinawagan ang numero, pero pagkatapos lang ng isang ring, pinatay na nila ito.Lumapit si Luca, halatang nag‑aalala. “Boss? Anong nangyari? Tuloy pa rin ba tayo?”Hindi ako agad sumagot. Paulit‑ulit kong binasa ang mensahe, pagkatapos ay tiningnan ko ang rutang dapat naming tahakin. Doon unti‑unting nagdugtong ang lahat—kung gaano kadaling lumabas ang impormasyon, kung paanong par
Giovanni’s POVTatlong araw na.Tatlong araw nang walang balita kina Marielle at Mikayla.Bawat oras na lumilipas, parang may dahan‑dahang dumudurog sa dibdib ko. Hindi ako makatulog. Halos wala rin akong maisubo. Ang paulit‑ulit lang na bumabalik sa isip ko ay ang huling tingin ni Marielle — punong‑puno ng sakit at takot — bago siya tuluyang umalis.At hanggang ngayon, hindi pa rin niya sinasagot ang mga tawag ko. Pati sa bahay nina Tita Joan, walang sumasagot.Mariin akong napakuyom ng kamao.“Saan niyo sila dinala?” sigaw ko habang nakatayo sa gitna ng opisina.Natahimik ang buong silid. Walang sinuman ang nangahas na salubungin ang tingin ko.Lumapit si Luca. Halata ang pagod sa mukha niya, at may mga pasa pa siyang hindi pa naghihilom.“Boss, napuntahan na namin lahat ng alam naming safe house, pati mga terminal at pangunahing labasan ng probinsya. Wala talaga silang bakas. Parang… bigla na lang silang naglaho.”Mabagal akong humarap sa kanya.“Hindi basta‑basta nawawala ang tao,
Marielle’s POV Ang lambing ng mga halik niya kanina… pero parang may matalim pa ring tinik na nakabaon sa dibdib ko. Gusto kong maniwala. Gusto kong ibigay ulit ang buong tiwala ko sa kanya. Pero ang dami nang nagsinungaling sa akin — sina Ryan, Roxanne… at kahit si Giovanni, may mga bagay din siyang itinago. Takot na takot na akong magkamali. At higit sa lahat, natatakot ako para kay Mikayla. Pagdating namin sa bahay, dumiretso ako sa kwarto. Tahimik akong nag-impake ng mga gamit namin ng anak ko. Bawat tiklop ko ng damit, parang isa‑isa kong nililigpit ang mga pangarap na nagsimula pa lang naming buuin. Narinig ko ang mga yabag ni Giovanni sa likuran ko. “Marielle… anong ginagawa mo?” paos niyang tanong. Hindi ako lumingon habang isinasara ang bag. “Aalis muna kami ni Mikayla.” Mabilis siyang lumapit at hinawakan ang braso ko, pero marahan akong umiwas. “Bakit? Akala ko ba nagkaayos na tayo? Sabi mo, haharapin natin sina Roxanne nang magkasama.” Doon lang ako tumingin sa ka
Giovanni’s POV Buong magdamag akong hindi nakapagpahinga. Alam kong gising din siya — naririnig ko ang bawat paghikbi at paggalaw mula sa kabilang dulo ng kama. Hindi niya ako nilapitan, hindi rin niya ako pinansin nang madaling‑araw. At nang sumikat ang araw, wala na siya sa tabi ko. Nakita ko siya mula sa bintana, nakaupo sa pinakadulong bahagi ng buhangin, nakatitig lang sa dagat. Tahimik siyang parang walang buhay, at ang bawat hampas ng alon ay parang nagdadagdag lang sa bigat na nasa pagitan namin. Bago ako lumabas, sinilip ko muna si Mikayla — masayang naglalaro ng mga laruan sa sala, binabantayan ng isa sa mga tauhan ko. Huminga ako nang malalim bago tumungo sa dalampasigan. Dahan‑dahan akong umupo sa tabi niya — hindi masyadong malapit, pero hindi rin malayo. Hahaplos ng hangin ang buhok namin, at amoy na amoy ko ang alat ng dagat. “Kanina ka pa ba dito?” panimula ko, mahina ang boses. Hindi siya lumingon agad. “Hindi ako makatulog. Ang dami kong iniisip.” “Pwede mo ako
Marielle’s POV Ilang oras na ang lumipas mula noong umalis si Ryan, pero parang nanatili ang bigat ng mga salita niya sa hangin. “May katotohanang sisira sa inyong dalawa.” Paulit‑ulit ‘yan sa isip ko, parang matalim na kutsilyong dahan‑dahang tumutusok sa dibdib ko. Kahit mahigpit akong yakap ni Giovanni, hindi ko maalis ang kaba na may mas malalim pang sikreto na itinatago pa niya. Nasa loob kami ng kwarto, nakaupo sa gilid ng kama habang mahimbing na natutulog si Mikayla sa kabilang panig. Hinawakan ni Giovanni ang mukha ko at pinag‑aralan ang bawat bahagi nito, parang sinusubukang basahin kung ano ang gumugulo sa isip ko. “Still thinking about what he said?” mahinahon niyang tanong. Tumingin ako sa kanya — halo ng pag‑aalala at pagdududa ang makikita sa mga mata ko. “Paano ko maiiwasan? Parang sigurado siya, Giovanni. Parang may hawak siyang bagay na kayang gibain ang lahat ng meron tayo ngayon.” Hinila niya ako palapit hanggang sa dumikit ang buong katawan ko sa kanya. Idina
Marielle’s POVAkala ko kilala ko na nang lubusan si Giovanni. Kilala ko siya bilang lalaking maunawain, mapag-aruga, at handang ibigay ang lahat para sa aming kapakanan. Ngunit sa gabing iyon, nakita ko ang ibang mukha niya—isang madilim, mapanganib, at walang takot na panig na hindi ko inakalang
Giovanni’s POVNakatitig ako nang matagal sa mga dokumentong inilatag sa ibabaw ng aking mesa—mga kopya ng kontrata, kasulatan ng pagmamay-ari, at mga ebidensyang maingat na nakalap ng aking mga tauhan. Ang bawat linya ay nagsisiwalat ng kasinungalingang binuo nang may malisyosong layunin. Hindi la
Marielle’s POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang huling naalala ko ay ang mainit na yakap ng estrangherong lalaki, ang mabibigat niyang halik, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na tila ba kaya niyang basahin ang lahat ng sakit na pilit kong itinatago.Ngunit paggising
Basang-basa ng ulan ang buong siyudad nang gabing iyon.Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang tahimik na pagguho ng mundo ni Marielle Guzman.Mahigpit niyang hawak ang cellphone habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato sa screen—si Ryan… nakangiti ha







![SOLD and OWNED by the BILLIONAIRE [R18]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)