LOGINMarielle’s POV
Hindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang huling naalala ko ay ang mainit na yakap ng estrangherong lalaki, ang mabibigat niyang halik, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na tila ba kaya niyang basahin ang lahat ng sakit na pilit kong itinatago. Ngunit paggising ko kinabukasan, wala na siya. Dahan-dahan kong iminulat ang mga mata ko habang umaalingawngaw ang matinding sakit ng ulo ko. Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto kong hindi iyon ang apartment ni Ryan. Masyadong malaki. Masyadong elegante. Masyadong mamahalin. Napabangon ako agad mula sa kama nang mapansin kong tanging puting kumot lamang ang nakatakip sa hubad kong katawan. Biglang bumalik sa isip ko ang mga nangyari kagabi. Ang mapusok na halik. Ang mainit niyang palad sa bewang ko. Ang paraan ng marahan niyang pagbanggit sa pangalan ko habang magkadikit ang aming mga katawan. Napakagat ako sa labi habang mabilis na bumilis ang tibok ng puso ko. “Diyos ko…” mahina kong bulong. Ano ang ginawa ko? Ipinagkaloob ko ang sarili ko sa isang estranghero. At mas masakit—ginawa ko iyon dahil gusto kong takasan ang sakit na iniwan ni Ryan. Mabilis kong pinulot ang mga nagkalat kong damit sa sahig habang pilit inaalala ang mukha ng lalaking kasama ko kagabi. Malamig ang kanyang mga mata ngunit may kakaibang init kapag nakatingin siya sa akin. Nakakatakot. Pero strangely safe. Napalunok ako. Hindi ko dapat iniisip iyon. Hindi ko dapat maalala ang paraan ng paghaplos at paghalik niya sa balat ko na tila ba mahalagang bagay ako. Dahil ang totoo? Isa akong babaeng iniwan. Niloko. At pinalitan. Napasinghap ako nang mapansin ang isang maliit na note sa bedside table. Drink this before leaving. Katabi noon ang isang baso ng tubig at gamot para sa hangover. Hindi ko alam kung bakit, pero lalong sumikip ang dibdib ko. Kahit simpleng bagay lang iyon… ramdam ko ang pag-aalaga. Bagay na matagal ko nang hindi nararamdaman kay Ryan. Mabilis kong iniwas ang isip ko roon at nagmadaling umalis ng condo unit. Ngunit paglabas ko ng building, tila muling bumagsak ang buong mundo ko. Dahil bumungad agad sa cellphone ko ang mahigit tatlumpung missed calls ni Ryan. At sunod-sunod na messages. Ryan: Nasaan ka? Ryan: Bakit hindi ka umuwi kagabi? Ryan: Sagutin mo ako, Marielle. Napatawa ako nang mapait. Ngayon niya ako hinahanap? Pagkatapos niya akong lokohin? Nanginginig ang mga daliri kong tinawagan ko siya. Mabilis siyang sumagot. “Marielle! Where the hell are you?!” galit niyang bungad. Napapikit ako. Dati, konting sigaw lang niya umiiyak na agad ako. Pero ngayon… Parang may namatay na sa loob ko. “Bakit?” malamig kong tanong. “Concerned ka?” “Umuwi ka na rito. Kailangan nating mag-usap.” Napatawa ako habang pilit pinipigilan ang luha. “Mag-usap? Tulad ng pakikipag-usap mo habang pinapakasalan mo si Roxanne?” Biglang natahimik si Ryan. At ang katahimikang iyon ang tuluyang sumira sa natitirang pag-asa ko. “Totoo pala…” nanginginig kong bulong. “Marielle, listen to me—” “Eight years, Ryan!” sigaw ko habang tuluyang bumagsak ang luha ko. “Walong taon kitang minahal!” Narinig ko ang malalim niyang buntong-hininga sa kabilang linya. “It’s complicated.” Napatawa ako nang malakas. Complicated? Ganito lang pala kadaling ipaliwanag ang panloloko. “May anak tayo…” umiiyak kong saad. “Paano mo nagawa sa amin ‘to?” “Ginawa ko ‘to para sa future natin.” Parang may humampas sa buong pagkatao ko. Future? Pinagpalit niya kami para sa pera at koneksyon ng babaeng pinakasalan niya. “Hindi mo na kailangang magsinungaling,” malamig kong sabi. “Piliin mo na lang maging masaya sa bago mong buhay.” “Hindi gano’n kadali!” “Madali lang, Ryan,” putol ko. “Kasi ginawa mo na.” At tuluyan kong pinatay ang tawag. Tuluyan na rin akong napaupo sa gilid ng kalsada habang umiiyak. Pakiramdam ko wala nang natira sa akin. Paano ko haharapin si Mikayla? Paano ko ipapaliwanag sa anak ko na may iba nang pamilya ang daddy niya? Napahawak ako sa dibdib ko habang hirap huminga. Masakit. Sobrang sakit. Ngunit bago pa ako tuluyang malunod sa pag-iyak, may humintong itim na luxury car sa harap ko. Unti-unting bumaba ang tinted window. At doon ko muling nakita ang pares ng malamig ngunit mapanganib na mga mata. Ang estrangherong lalaki mula kagabi. Napatigil ang paghinga ko. Naka-formal suit siya ngayon, mas lalo tuloy naging dominante ang aura niya. Napalunok ako habang dire-diretso lamang ang titig niya sa akin. “Get in,” malamig niyang utos. Nangunot ang noo ko. “H-Ha?” “Umiiyak ka sa gilid ng kalsada,” aniya habang walang emosyon ang mukha. “You’re attracting attention.” Naramdaman kong uminit ang pisngi ko dahil sa hiya. “Hindi ko kailangan ng tulong mo.” Ngunit bago pa ako makaalis ay bumukas ang pinto ng sasakyan. At lumabas siya. Mas lalo akong natulala sa tangkad at lakas ng presensya niya. Lumapit siya sa akin hanggang sa naamoy ko ang mamahalin niyang pabango. “Marielle.” Parang kuryenteng dumaloy sa katawan ko nang marinig ko ang pangalan ko mula sa kanyang labi. “Hindi mo ako kilala,” mahina kong sabi. Tinitigan niya ako nang diretso. “Then let me change that.”Giovanni’s POV Buong magdamag akong hindi nakapagpahinga. Alam kong gising din siya — naririnig ko ang bawat paghikbi at paggalaw mula sa kabilang dulo ng kama. Hindi niya ako nilapitan, hindi rin niya ako pinansin nang madaling‑araw. At nang sumikat ang araw, wala na siya sa tabi ko. Nakita ko siya mula sa bintana, nakaupo sa pinakadulong bahagi ng buhangin, nakatitig lang sa dagat. Tahimik siyang parang walang buhay, at ang bawat hampas ng alon ay parang nagdadagdag lang sa bigat na nasa pagitan namin. Bago ako lumabas, sinilip ko muna si Mikayla — masayang naglalaro ng mga laruan sa sala, binabantayan ng isa sa mga tauhan ko. Huminga ako nang malalim bago tumungo sa dalampasigan. Dahan‑dahan akong umupo sa tabi niya — hindi masyadong malapit, pero hindi rin malayo. Hahaplos ng hangin ang buhok namin, at amoy na amoy ko ang alat ng dagat. “Kanina ka pa ba dito?” panimula ko, mahina ang boses. Hindi siya lumingon agad. “Hindi ako makatulog. Ang dami kong iniisip.” “Pwede mo ako
Marielle’s POV Ilang oras na ang lumipas mula noong umalis si Ryan, pero parang nanatili ang bigat ng mga salita niya sa hangin. “May katotohanang sisira sa inyong dalawa.” Paulit‑ulit ‘yan sa isip ko, parang matalim na kutsilyong dahan‑dahang tumutusok sa dibdib ko. Kahit mahigpit akong yakap ni Giovanni, hindi ko maalis ang kaba na may mas malalim pang sikreto na itinatago pa niya. Nasa loob kami ng kwarto, nakaupo sa gilid ng kama habang mahimbing na natutulog si Mikayla sa kabilang panig. Hinawakan ni Giovanni ang mukha ko at pinag‑aralan ang bawat bahagi nito, parang sinusubukang basahin kung ano ang gumugulo sa isip ko. “Still thinking about what he said?” mahinahon niyang tanong. Tumingin ako sa kanya — halo ng pag‑aalala at pagdududa ang makikita sa mga mata ko. “Paano ko maiiwasan? Parang sigurado siya, Giovanni. Parang may hawak siyang bagay na kayang gibain ang lahat ng meron tayo ngayon.” Hinila niya ako palapit hanggang sa dumikit ang buong katawan ko sa kanya. Idina
Marielle’s POV Ilang araw na ang lumipas mula noong ibunyag ni Giovanni ang buong katotohanan. Sa bawat paggising ko, parang gumagaan ang pakiramdam ko — pero sa kabila ng kapayapaang nararamdaman ko sa piling niya, may kaba pa ring bumabalot sa isip ko. Alam kong hindi magtatagal ang ganitong katahimikan. At tama ang hinala ko… may parating na gulo. Nakaupo kami ni Giovanni sa sala habang mahimbing na natutulog si Mikayla sa itaas. Magkahawak nang mahigpit ang aming mga kamay, at ang init ng balat niya ay parang panangga sa anumang panganib. Kanina pa kami tahimik, pero puno ng di‑nasasabing pangako ang bawat tingin niya sa akin. “Feeling ko… may parating,” bulong ko habang pinaglalaruan ang mga daliri niya. Tumingin siya sa akin — seryoso pero malambing pa rin ang mga mata. “Huwag kang mag‑alala. Bantay‑sarado ang buong lugar. Pero tama ka… hindi tayo pwedeng maging kampante, lalo na ngayong alam na natin ang lahat.” Bago pa ako makasagot, biglang tumunog ang radyo ni Luca mula
Giovanni’s POV Nang makasiguro kaming ligtas si Mikayla sa loob ng bahay at nakabantay si Luca sa labas, hinila ko si Marielle papunta sa pinakadulong bahagi ng balkonahe — kung saan tanging alon at hangin lang ang makakarinig sa amin. Madilim ang paligid, pero sapat ang liwanag ng buwan para makita ko ang bawat pagbabago sa mukha niya — halo ng pag‑aalinlangan, takot, at ‘yung pamilyar na init na laging nagpapaikot ng mundo ko. Humarap ako sa kanya, ipinatong ang parehong kamay sa balikat niya, dahan‑dahang dumulas pababa sa braso. “Matagal ko na ‘tong gustong sabihin… pero hindi ko alam kung paano,” panimula ko, mababa at seryoso ang boses. “Kasi kapag sinabi ko na ‘to… wala nang atrasan. At baka… hindi mo na ako tignan nang parehong paraan.” Nanatili siyang nakatingin sa akin — matigas ang tindig, pero nanginginig ang gilid ng labi. “Sabi ni Miranda alam mo raw ang lahat mula pa sa simula. Kung totoo ‘yan… magsalita ka na, Giovanni. Huwag mo na akong pag‑isipin pa.” Huminga ak
Giovanni’s POV Nakadikit ang likod ko sa matibay na poste ng bakod, pero ang buong atensyon ko ay nasa dalawang babae: si Marielle sa likuran ko, at si Miranda sa kabilang panig ng gate. Ramdam ko ang bawat paghinga ni Marielle — mabilis, nanginginig, pero hindi umatras. Kahit nasa gitna kami ng banta, ang init ng katawan niya ay dumadaloy sa akin, parang tahimik na paalala kung ano talaga ang ipinaglalaban ko. Nakataas ang kamay ko kay Luca — senyales na huwag munang magpaputok. Gusto ko munang marinig kung anong kalokohan ang ilalabas ni Miranda ngayon. “Bakit ba ang higpit niyo? Dati, nakakapasok naman ako dito kahit kailan,” panimula ni Miranda habang nakasandal sa kotseng itim, nakangisi nang mapanghamon. Suot niya ang pulang bestida — ganyan‑ganyan pa rin ang ugali niya, akala niya siguro ay laging umiikot ang mundo sa kanya. “Dati pa ‘yun,” sagot ko nang malamig. “Ngayon, bawal ka na rito. State your business and leave.” Napatawa siya nang mahina, tapos matalas na dumapo a
Marielle’s POV Nanginginig pa ang mga balikat ko sa kakatawa habang pinupunasan ang tubig sa mukha. Hinahabol ko ang hininga, nakatayo sa mababaw na bahagi ng dagat, habang si Giovanni ay buhat‑buhat pa rin si Mikayla na parang walang bigat. Basa rin ang buhok niya, dumidikit sa noo, at mas lalong lumitaw ang matitigas na linya ng mukha—nakakaakit, matapang, at sa sandaling ito, tila ganap na akin. Nang humakbang siya palapit, saglit akong napahinto sa paghinga. Kahit nasa harap pa namin ang anak namin, hindi nawawala ang kuryenteng dumadaloy sa bawat tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang pulso ko nang dahan‑dahan, hinila nang kaunti palapit hanggang magkadikit ang aming mga braso. Humahampas ang alon sa ating mga binti—malamig ang tubig, pero mainit ang bawat dampi ng balat niya. “Talo ka na ba?” bulong niya, sadyang ibinaba ang boses para hindi marinig ni Mikayla na nakasandal sa balikat niya. “O gusto mo pa ba ng round two?” Napalunok ako, hindi makaiwas sa tingin niya. “Baka
Giovanni’s POV Hindi ako natatakot mamatay. Sa mundong ginagalawan ko, matagal ko nang tinanggap na anumang oras ay maaaring may bala nang nakatutok sa ulo ko. Marami nang nagtangkang pumatay sa akin. Marami nang gustong pabagsakin ang Armani Syndicate. Pero ngayon… Sa unang pagkakataon, may ma
Marielle’s POVHindi pa rin tumitigil ang panginginig ng katawan ko kahit nakalabas na kami ng boutique. Pakiramdam ko ay bumabagal ang bawat paghinga ko habang nakatingin ako kay Giovanni.May dugo pa sa kamao niya.Malamig pa rin ang mga mata niya.At kahit katatapos lang niyang iligtas ako, paki
Giovanni’s POVHindi ko dapat siya hinalikan. Pero sa sandaling nakita kong umiiyak si Marielle sa harap ko habang unti-unting dinudurog ng lalaking iyon ang natitira niyang dignidad…May kung anong madilim na parte sa akin ang tuluyang kumawala. At ngayon, habang nasa loob ako ng sasakyan at tahim
Marielle’s POVParang huminto ang buong mundo nang suntukin ni Giovanni si Ryan sa harap ko. Napasinghap ako habang napaatras si Ryan dahil sa lakas ng tama. Dumugo agad ang gilid ng labi nito habang nanlalaki ang mga matang nakatingin kay Giovanni.Ngunit mas nakakatakot ang lalaking nasa harapan k







