LOGINGiovanni’s POV
Hindi ako sanay magkamali. Sa mundong ginagalawan ko, isang maling desisyon lang ang katumbas ay kamatayan. Kaya simula nang maupo ako bilang pinuno ng Armani Syndicate, tinuruan ko ang sarili kong huwag magpadala sa emosyon. Walang awa. Walang attachment. Walang kahinaan. Pero isang babaeng lasing lang pala ang sisira sa lahat ng kontrol na matagal kong binuo. Marielle Guzman. Nakasandal ako sa leather seat ng sasakyan habang tahimik na pinagmamasdan siya sa labas ng bintana. Mukhang basang sisiw. Namumugto ang mga mata. At kahit pilit niyang itinatago ang sakit, kitang-kita ko kung paano siya unti-unting nadudurog. “Boss,” seryosong tawag ni Luca mula sa front seat. “Hindi magandang ideya ‘to.” Hindi ako sumagot. Alam kong tama siya. Simula nang mapadpad si Marielle sa condo ko kagabi, wala nang tigil ang instinct kong lumayo sa babaeng ito. Pero nakakainis dahil mas lalo ko siyang gustong lapitan. “Pinaiimbestigahan ko na siya,” dagdag ni Luca. “Single mother. Live-in partner cheated on her. Mukhang wala namang koneksyon sa kalaban.” Malamig akong tumitig sa kanya. “Mukhang?” Bahagyang tumigas ang panga niya. “We’re still checking.” Tahimik akong napangisi. Sa mundong ginagalawan namin, bawal magtiwala agad. Kahit gaano pa kalinis tingnan ang isang tao, maaaring ginagamit lang ito para makalapit sa akin. Marami nang nagtangkang patayin ako. At marami na ring babaeng ginamit para pabagsakin ako. Pero nang tingnan kong muli si Marielle… Hindi siya mukhang babae na marunong magsinungaling. Mukha siyang babaeng pagod na pagod nang masaktan. “Boss,” muling saad ni Luca. “This woman could be a distraction.” “She already is.” Napatahimik siya. Hindi dahil sa pag-amin ko. Kundi dahil alam niyang totoo iyon. —----------------- Pagkapasok ni Marielle sa sasakyan, agad kong naamoy ang halo ng ulan at mahina niyang pabango. Tahimik lang siya habang nakatingin sa labas. Pero ramdam ko ang pagpipigil niya sa pag-iyak. At hindi ko maintindihan kung bakit ako naiirita sa lalaking nagpaiyak sa kanya. Ryan. Paulit-ulit kong narinig ang pangalang iyon kagabi habang yakap ko siya sa kama. Kahit nasa ilalim siya ng matinding emosyon, hindi niya kailanman itinago ang sakit niya. Naalala ko kung paano siya umiyak habang hawak ko ang bewang niya. Kung paano niya pilit kinakalimutan ang sakit sa bawat halik namin. Mariin akong napamura sa isip. Hindi ko dapat inaalala iyon. One-night stand lang iyon. Pero bakit pakiramdam ko, may naiwan siyang marka sa akin? “Hindi mo kailangang ihatid ako,” malamig niyang saad nang hindi tumitingin. “Too late.” Nangunot ang noo niya at lumingon sa akin. “Bakit mo ba ako tinutulungan?” Diretso ko siyang tinitigan. “Hindi ko rin alam.” At iyon ang unang beses sa maraming taon na naging totoo ako sa isang tao. Napayuko siya. Halatang hindi niya alam kung paano magre-react. Maya-maya ay huminto ang sasakyan sa tapat ng maliit niyang apartment building. Tahimik siyang bumuntong-hininga. “Salamat.” Bago pa siya makababa, mabilis kong nahawakan ang pulsuhan niya. Napatigil siya. At sa mismong sandaling magtagpo ang mga mata namin, muling bumalik ang init ng gabing magkasama kami. “Giovanni…” mahina niyang tawag. Napasinghap ako nang marinig ang pangalan ko mula sa labi niya. Dangerous. Fuckingly dangerous. Dahil sa paraang binibigkas niya iyon, pakiramdam ko gusto kong sirain ang buong mundo para sa kanya. “May boyfriend ka pa ba?” diretso kong tanong. Nanlaki ang mga mata niya. “Ex.” “Do you still love him?” Tahimik siya. At ang katahimikang iyon ang lalong nagpagalit sa akin. Hindi ko maintindihan kung bakit. Hindi ko naman siya pag-aari. Pero nakakainis isipin na pagkatapos siyang sirain ng lalaking iyon, siya pa rin ang laman ng puso niya. “May anak kami,” mahina niyang sagot. Mariin akong napapikit. Damn. Hindi ako dapat naaapektuhan. Pero nang makita kong nanginginig ang mga labi niya para pigilan ang pag-iyak, parang may dumagan sa dibdib ko. Bigla siyang umiwas ng tingin. “Hindi mo maiintindihan.” “You’re right,” malamig kong saad. “I don’t.” Dahil hindi ako naniniwala sa pagmamahal. Sa mundo ko, ang pagmamahal ay kahinaan. At ang kahinaan ay dahilan ng kamatayan. Ngunit habang nakatingin ako kay Marielle, pakiramdam ko gusto kong subukang maniwala ulit. Mabilis kong binitiwan ang kamay niya. “Go upstairs.” Tahimik siyang tumango bago tuluyang bumaba ng sasakyan. Ngunit bago pa siya makapasok sa building— Biglang may humintong puting kotse sa harap namin. At agad bumaba ang lalaki, narinig niya ang galit na pagbanggit ni Marielle sa pangalan nito… Ryan. Nakita kong namutla si Marielle. Samantalang ako? Unti-unting nagdilim ang paningin ko. Mabilis na lumapit si Ryan kay Marielle at hinawakan ang braso nito. “Bakit hindi ka sumasagot?!” galit nitong sigaw. Agad akong bumaba ng sasakyan. Tahimik. Pero nakakamatay ang galit. “Bitawan mo ako, Ryan!” sigaw ni Marielle habang pilit kumakawala. “Hindi tayo tapos mag-usap!” “May asawa ka na!” Napatigil ang buong paligid. Ngunit mas lalong uminit ang dugo ko nang makita kong umiiyak na naman si Marielle. Without warning, mabilis kong hinila si Ryan palayo sa kanya. Malakas. Mabagsik. Nanlaki ang mata ng lalaki nang makita ako. “Who the hell are you?” galit niyang tanong. Malamig ko siyang tinitigan. “Her problem is you!” Bago pa siya makasagot, mariin kong sinuntok ang mukha niya. Napaatras siya habang duguan ang labi. “Giovanni!” gulat na sigaw ni Marielle. Ngunit wala na akong pakialam. Dahil sa unang pagkakataon matapos ang maraming taon… May gusto akong protektahan. At delikado iyon para sa isang lalaking tulad ko.Giovanni’s POV Nang makasiguro kaming ligtas si Mikayla sa loob ng bahay at nakabantay si Luca sa labas, hinila ko si Marielle papunta sa pinakadulong bahagi ng balkonahe — kung saan tanging alon at hangin lang ang makakarinig sa amin. Madilim ang paligid, pero sapat ang liwanag ng buwan para makita ko ang bawat pagbabago sa mukha niya — halo ng pag‑aalinlangan, takot, at ‘yung pamilyar na init na laging nagpapaikot ng mundo ko. Humarap ako sa kanya, ipinatong ang parehong kamay sa balikat niya, dahan‑dahang dumulas pababa sa braso. “Matagal ko na ‘tong gustong sabihin… pero hindi ko alam kung paano,” panimula ko, mababa at seryoso ang boses. “Kasi kapag sinabi ko na ‘to… wala nang atrasan. At baka… hindi mo na ako tignan nang parehong paraan.” Nanatili siyang nakatingin sa akin — matigas ang tindig, pero nanginginig ang gilid ng labi. “Sabi ni Miranda alam mo raw ang lahat mula pa sa simula. Kung totoo ‘yan… magsalita ka na, Giovanni. Huwag mo na akong pag‑isipin pa.” Huminga ak
Giovanni’s POV Nakadikit ang likod ko sa matibay na poste ng bakod, pero ang buong atensyon ko ay nasa dalawang babae: si Marielle sa likuran ko, at si Miranda sa kabilang panig ng gate. Ramdam ko ang bawat paghinga ni Marielle — mabilis, nanginginig, pero hindi umatras. Kahit nasa gitna kami ng banta, ang init ng katawan niya ay dumadaloy sa akin, parang tahimik na paalala kung ano talaga ang ipinaglalaban ko. Nakataas ang kamay ko kay Luca — senyales na huwag munang magpaputok. Gusto ko munang marinig kung anong kalokohan ang ilalabas ni Miranda ngayon. “Bakit ba ang higpit niyo? Dati, nakakapasok naman ako dito kahit kailan,” panimula ni Miranda habang nakasandal sa kotseng itim, nakangisi nang mapanghamon. Suot niya ang pulang bestida — ganyan‑ganyan pa rin ang ugali niya, akala niya siguro ay laging umiikot ang mundo sa kanya. “Dati pa ‘yun,” sagot ko nang malamig. “Ngayon, bawal ka na rito. State your business and leave.” Napatawa siya nang mahina, tapos matalas na dumapo a
Marielle’s POV Nanginginig pa ang mga balikat ko sa kakatawa habang pinupunasan ang tubig sa mukha. Hinahabol ko ang hininga, nakatayo sa mababaw na bahagi ng dagat, habang si Giovanni ay buhat‑buhat pa rin si Mikayla na parang walang bigat. Basa rin ang buhok niya, dumidikit sa noo, at mas lalong lumitaw ang matitigas na linya ng mukha—nakakaakit, matapang, at sa sandaling ito, tila ganap na akin. Nang humakbang siya palapit, saglit akong napahinto sa paghinga. Kahit nasa harap pa namin ang anak namin, hindi nawawala ang kuryenteng dumadaloy sa bawat tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang pulso ko nang dahan‑dahan, hinila nang kaunti palapit hanggang magkadikit ang aming mga braso. Humahampas ang alon sa ating mga binti—malamig ang tubig, pero mainit ang bawat dampi ng balat niya. “Talo ka na ba?” bulong niya, sadyang ibinaba ang boses para hindi marinig ni Mikayla na nakasandal sa balikat niya. “O gusto mo pa ba ng round two?” Napalunok ako, hindi makaiwas sa tingin niya. “Baka
Marielle’s POVPagmulat ko ng mata, wala na ang bigat ng kahapon. Sa halip, naamoy ko ang bango ng sinangag at matamis‑maalat na amoy mula sa labas. Bumangon ako nang dahan‑dahan, suot lang ang malaking puting polo ni Giovanni na halos umabot na sa tuhod ko. Tahimik ang bahay; sa kwarto naman ni Mikayla, mahimbing pa rin siyang natutulog.Paglabas ko papunta sa kusina, doon ko siya nakita — si Giovanni, nakatalikod habang naghahalo sa kawali. Nakasuot lang siya ng itim na pantalon, hubad ang itaas, at sa bawat galaw ng braso ay gumagalaw nang hayagan ang matitigas niyang kalamnan. Hindi ko akalain na isang billionaire tulad niya ay marunong ding mag‑timpla ng kape at mag‑prito ng tinapay. He looks so hot… buti na lang at hindi niya nahuli ang matagal kong pagtitig sa kanya.“Gising ka na pala,” bati niya nang hindi man lang lilingon, pero alam kong ramdam niya ang bawat hakbang ko. “Mabuti naman. Breakfast is ready.”Lumapit ako, nakatayo sa pintuan habang patuloy siyang pinagmamasdan
Marielle’s POVTuloy‑tuloy ang takbo ng sasakyan, halos wala nang pakialam si Giovanni sa mga kurba at lubak. Sa likuran, rinig pa rin namin ang mga putok ng baril, pero habang lumalayo kami, unti‑unting humina ang ingay. Mahigpit ang yakap ko kay Mikayla — mahimbing pa rin siyang natutulog sa kandungan ko, parang walang kaalam‑alam na nasa gitna kami ng panganib.Makalipas ang halos isang oras, huminto kami sa tapat ng isang bahay na gawa sa bato at kahoy — nakatago sa likod ng matatayog na puno, nakaharap mismo sa dagat. Napakatahimik dito; tanging ang hampas lang ng alon ang naririnig.“Beach house ‘to,” sabi ni Giovanni habang binubuksan niya ang pinto para sa amin. “Pag‑aari ito ng pamilya, ligtas at halos walang nakakaalam. We’ll stay here until it’s safe to move again.”Bumaba ako, medyo nanginginig pa ang mga tuhod. Tinulungan niya akong pumasok, at dahan‑dahan naming inihiga si Mikayla sa kwartong nasa dulo — maluwag, presko, at amoy‑amoy dagat. Nang maisara ko nang dahan‑dah
Giovanni’s POVBumaba ako ng hagdan nang mabilis, mahigpit ang hawak sa telepono — ang balitang kakarating lang ay parang naglagablab ng apoy sa bawat ugat ko. Ryan. Ang pangalang ayaw ko nang marinig, pero ngayon ay naging banta na mismo sa tahanan namin. Kilalang‑kilala ko ang klase ng lalaking ‘yon — mahina, sakim, at handang gamitin kahit sariling dugo, basta makuha lang ang gusto niya.“Nasa labas na sila, Boss. Dalawang sasakyan, nakapwesto sa likod ng bakod,” ulat ni Luca mula sa radyo. “At may kasama silang babae — sigurado kami, kasabwat ni Miranda.”Napakuyom ang kamao ko. Hindi nila ako mapipigilan.Pumasok ako sa kwarto ni Mikayla at doon ko nakita si Marielle, nakaupo sa gilid ng higaan habang inaayos ang kumot sa anak. Napakaganda niya kahit sa simpleng suot lang — mahaba ang buhok, malambot ang mukha, pero halatang may dinadalang pang‑amba sa bawat galaw. Sa tuwing nakikita ko silang dalawa, mas lalong nararamdaman ko kung gaano kalaki ang mawawala sa akin kapag nabigo
Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko habang nakatanaw sa labas ng malawak na bintana ng penthouse ni Giovanni. Sa likuran ko, narinig ko ang marahang pagbukas ng bote ng alak kasabay ng mabibigat ngunit banayad na yabag ni Giovanni palapit sa akin.“You're overthinking again,
Marielle's POV Nasa loob kami ngayon ng itim na SUV ni Giovanni habang binabaybay ang daan pabalik sa siyudad. Kailangan naming dumaan sa dati kong apartment para kunin ang ilang gamit namin ni Mikayla. Hindi ako mapakali—may kakaibang kutob ako na parang may masamang mangyayari. “Masyado kang
Marielle's POVKinabukasan.Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang imahe ng litratong nakita namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga numerong nakasulat sa ibaba nito: Room 1708. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksenang iyon habang nakaupo ako sa veranda ng safehouse.S
Marielle’s POVHindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib ko. Mula noong mangyari ang pag-atake sa mansion kagabi, pakiramdam ko ay may mga matang nakabantay sa bawat galaw namin ni Mikayla. Kahit nasa safehouse na kami ni Giovanni—liblib, tahimik, at malayo sa ingay ng siyudad—hindi pa rin tuluyang







