Share

Chapter 11

last update publish date: 2026-06-03 22:07:06

Marielle's POV

Kinabukasan.

Hindi pa rin mawala sa sistema ko ang imahe ng litratong nakita namin. Paulit-ulit na bumabalik sa isip ko ang mga numerong nakasulat sa ibaba nito: Room 1708. Parang paulit-ulit na nagre-replay sa utak ko ang eksenang iyon habang nakaupo ako sa veranda ng safehouse.

Sino ba talaga ang lalaking kasama ko sa litrato apat na taon na ang nakalipas? Bakit ngayon lang ito lumabas?

Napapikit ako nang mariin. Sa loob ng mahabang panahon, itinuring kong bahagi ng nakaraan ang gabing iyon—gabing puno ng alak, kalituhan, at kasiyahan dahil kaarawan noon ni Ryan. Si Ryan… ang lalaking pinaniwalaan kong ama ng anak ko. Siya ang mukha sa bawat alaalang pilit kong binubuo .Pero ngayon… wala na akong kasiguraduhan sa anumang bagay.

“You’re thinking too much again.”

Napalingon ako nang marinig ang malalim at pamilyar na boses ni Giovanni. Nakatayo siya sa may pintuan, hawak ang dalawang tasa ng mainit na kape.

Tinanggap ko ang isa at pilit na ngumiti, bagama’t alam kong halata ang bigat at pagkalito sa mukha ko. “Madali bang huwag mag-isip pagkatapos ng lahat ng nalaman natin? Parang lahat ng bagay na pinaniwalaan kong totoo ay unti-unting gumuguho na lang bigla.”

Umupo siya sa katapat kong upuan, seryoso ang mukha at tila malalim din ang iniisip. “Tama ka. Walang madali sa sitwasyon natin ngayon. Pero kailangan nating maging matatag, lalo na para kay Mikayla. Siya ang priority natin.”

Saglit kaming natahimik. Hanggang sa siya na mismo ang bumasag ng katahimikang bumabalot sa amin.

“May desisyon ka na ba?”

Napakunot-noo ako. “Tungkol saan?”

“Tungkol sa plano mong pagbabalik sa syudad.”

Natigilan ako. Oo, iyon nga ang plano ko. Sa kabila ng lahat ng nangyayari, alam kong hindi ako pwedeng manatili rito habambuhay. May trabaho akong kailangang balikan, may buhay akong iniwan, at higit sa lahat—ayokong maging pabigat para kay Giovanni.

“Giovanni… kailangan kong bumalik. Hindi ako pwedeng magtago rito habambuhay,” mahina ngunit matatag kong sagot.

“Don’t.” Agad niya akong pinutol. Ang tono niya ay mariin at puno ng pagbabawal. “Alam kong gusto mong umalis, pero hindi pwede. Hindi pa ngayon...hangga’t hindi nalulutas ang lahat ng ito.”

Napabuntong-hininga ako at tinitigan siya nang diretso sa mata. “Ibig mo bang sabihin ay magtatago na lang kami habambuhay? Hanggang kailan?”

“Hindi,” mabilis niyang sagot at tumayo mula sa kanyang upuan. Lumapit siya sa mesa at inilapag ang isang makapal na folder. “Hangga’t hindi ko nahuhuli ang mga nasa likod nito at nalalaman ang buong katotohanan, hindi kayo ligtas sa labas. Kaya kailangan nating gumawa ng paraan—isang paraan para protektahan kayo.”

Dahan-dahan at may halong kaba at pagtataka kong binuksan ang folder. Nanlaki agad ang mga mata ko nang makita ang mga nakalagay sa dokumento. Mga kontrata. Mga legal na papeles. Marriage Agreement.

“What?!” Halos mapabalikwas ako sa upo sa gulat. Napatingin ako nang diretso sa kanya, puno ng pagtataka at pagkalito. “Ano ito? Anong ibig sabihin nito?”

Seryoso pa rin ang mukha niya. Walang bahid ng biro, walang ngiti, at puno ng determinasyon ang kanyang mga mata habang nakatitig sa akin nang matalim.

“Marielle,” panimula niya sa mababa at malumanay na tono. “Pakasalan mo ako.”

Tuluyan akong natigilan. Pakiramdam ko ay tumigil ang oras sa paligid namin. “A-ano?” bulong ko, hindi makapaniwala sa narinig ko.

“Contract marriage,” paglilinaw niya. “Sa ilalim ng batas, kapag naging legal kang asawa ko, magkakaroon ka ng ganap na proteksyon sa ilalim ng pangalan at kapangyarihan ko. Walang sinuman ang makakalapit o makakasakit sa inyo dahil kayo ay pamilya ko na.”

Hindi ako makapagsalita.

“Kasama si Mikayla dito,” dagdag niya habang nakatitig sa akin, tila sinusukat ang bawat reaksyon ko. “Siya ay magiging anak ko rin. Walang sinuman ang mangangahas na saktan o ilagay sa panganib ang anak ng isang Giovanni Armani.”

“Giovanni… hindi ganito kadali ang mga bagay-bagay,” nahihirapang kung tugon. “Kasal ’to. Hindi lang ito basta kontrata ng negosyo na pipirmahan at itatabi na lang.”

“Alam ko,” sagot niya at humakbang palapit, pumuwesto sa harapan ko. “Pero ito ang pinakamabisang paraan. Ito lang ang paraan para masiguro kong ligtas kayo. Pagod na akong bantayan ka mula sa malayo. Pagod na akong mag-alala na baka sa susunod na mangyari ang atake ay hindi ko na kayo mailigtas ulit.”

Napasinghap ako sa sinabi niya. May ibig sabihin ba ang mga salitang binitiwan niya?

“Kailangan ninyo ng proteksyon, at ito ang tamang paraan na nakikita ko,” pagtatapos niya.

Napayuko ako. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Nalilito, natatakot, at higit sa lahat… apektado. Dahil sa totoo lang, matagal nang hindi normal ang nararamdaman ko para sa kanya.

Kinagabihan, hirap na hirap akong ipikit ang aking mga mata. Paulit-ulit na umiikot sa isip ko ang kanyang alok: Kasal. Kontrata. Proteksyon. Pamilya. Hanggang sa hindi ko namalayang nilamon na pala ako ng antok, dala na rin ng pagod at dami ng iniisip.

At doon nagsimula ang panaginip.

Nasa isang madilim at malamig na silid ako. Malabo ang paligid, mababa lamang ang ilaw, at nanunuot sa akin ang amoy ng alak at mamahaling pabango. May isang pares ng malalakas at mainit na braso na mahigpit na nakayakap sa akin, hawak ako nang tila ayaw akong pakawalan. Pamilyar ang pakiramdam… parang totoong-totoo.

Unti-unting luminaw ang mukha ng lalaking nasa harapan ko. Sa una, nakita ko si Ryan. Ngumiti siya, katulad ng pagkakatanda ko sa kanya. Ngunit habang tumatagal at habang mas tinititigan ko siya… may kakaibang nangyari.

Unti-unting nag-iba ang kanyang mukha. Ang kulay ng mata, ang hugis ng panga, ang bawat linya ng kanyang mukha… dahan-dahang nagbabago at humuhubog sa ibang anyo. Hanggang sa tuluyan itong magbago. At sa isang iglap… hindi na si Ryan ang nasa harapan ko- si Giovanni.

Nakakubabaw siya sa akin, mabigat at mainit ang katawan. Ramdam na ramdam ko ang bawat galaw niya habang marahan ngunit mariin niyang pinapasok ang matigas at malaki niyang sandata sa aking pagkababae. Ang kanyang mga kamay ay walang tigil sa paghaplos at marahang pagpisil sa aking dibdib, habang ang bawat indayog niya ay sabay sa ritmo ng aking beywang—sumasabay sa init at pagnanasang namumutawi sa aming dalawa.

Napakasarap. Napakainit. Maalab at puno ng damdamin. Hindi ko na napigilan ang sarili ko at napasigaw ako nang sabay kaming umabot sa rurok ng ligaya.

Imposible!

Pero habang lumilinaw pa lalo ang kanyang mukha, lalo kong nararamdaman ang pamilyar na amoy, ang pamilyar na boses, at ang pamilyar na mga mata.

“Aaahhh!”

Napabalikwas ako ng bangon habang humihingal nang malalim at mabilis. Basang-basa ng pawis ang aking noo at likod. At naramdaman ko pa ang init at basa sa aking pagkababae dulot ng panaginip na tila totoong-totoo. Madilim pa ang paligid. Panaginip lang, paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko.

Mabilis ang tibok ng puso ko at pakiramdam ko ay hindi lamang iyon imahinasyon.

Kundi parang isang alaala.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 42

    Giovanni’s POV Nang makasiguro kaming ligtas si Mikayla sa loob ng bahay at nakabantay si Luca sa labas, hinila ko si Marielle papunta sa pinakadulong bahagi ng balkonahe — kung saan tanging alon at hangin lang ang makakarinig sa amin. Madilim ang paligid, pero sapat ang liwanag ng buwan para makita ko ang bawat pagbabago sa mukha niya — halo ng pag‑aalinlangan, takot, at ‘yung pamilyar na init na laging nagpapaikot ng mundo ko. Humarap ako sa kanya, ipinatong ang parehong kamay sa balikat niya, dahan‑dahang dumulas pababa sa braso. “Matagal ko na ‘tong gustong sabihin… pero hindi ko alam kung paano,” panimula ko, mababa at seryoso ang boses. “Kasi kapag sinabi ko na ‘to… wala nang atrasan. At baka… hindi mo na ako tignan nang parehong paraan.” Nanatili siyang nakatingin sa akin — matigas ang tindig, pero nanginginig ang gilid ng labi. “Sabi ni Miranda alam mo raw ang lahat mula pa sa simula. Kung totoo ‘yan… magsalita ka na, Giovanni. Huwag mo na akong pag‑isipin pa.” Huminga ak

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 41

    Giovanni’s POV Nakadikit ang likod ko sa matibay na poste ng bakod, pero ang buong atensyon ko ay nasa dalawang babae: si Marielle sa likuran ko, at si Miranda sa kabilang panig ng gate. Ramdam ko ang bawat paghinga ni Marielle — mabilis, nanginginig, pero hindi umatras. Kahit nasa gitna kami ng banta, ang init ng katawan niya ay dumadaloy sa akin, parang tahimik na paalala kung ano talaga ang ipinaglalaban ko. Nakataas ang kamay ko kay Luca — senyales na huwag munang magpaputok. Gusto ko munang marinig kung anong kalokohan ang ilalabas ni Miranda ngayon. “Bakit ba ang higpit niyo? Dati, nakakapasok naman ako dito kahit kailan,” panimula ni Miranda habang nakasandal sa kotseng itim, nakangisi nang mapanghamon. Suot niya ang pulang bestida — ganyan‑ganyan pa rin ang ugali niya, akala niya siguro ay laging umiikot ang mundo sa kanya. “Dati pa ‘yun,” sagot ko nang malamig. “Ngayon, bawal ka na rito. State your business and leave.” Napatawa siya nang mahina, tapos matalas na dumapo a

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 40

    Marielle’s POV Nanginginig pa ang mga balikat ko sa kakatawa habang pinupunasan ang tubig sa mukha. Hinahabol ko ang hininga, nakatayo sa mababaw na bahagi ng dagat, habang si Giovanni ay buhat‑buhat pa rin si Mikayla na parang walang bigat. Basa rin ang buhok niya, dumidikit sa noo, at mas lalong lumitaw ang matitigas na linya ng mukha—nakakaakit, matapang, at sa sandaling ito, tila ganap na akin. Nang humakbang siya palapit, saglit akong napahinto sa paghinga. Kahit nasa harap pa namin ang anak namin, hindi nawawala ang kuryenteng dumadaloy sa bawat tingin niya sa akin. Hinawakan niya ang pulso ko nang dahan‑dahan, hinila nang kaunti palapit hanggang magkadikit ang aming mga braso. Humahampas ang alon sa ating mga binti—malamig ang tubig, pero mainit ang bawat dampi ng balat niya. “Talo ka na ba?” bulong niya, sadyang ibinaba ang boses para hindi marinig ni Mikayla na nakasandal sa balikat niya. “O gusto mo pa ba ng round two?” Napalunok ako, hindi makaiwas sa tingin niya. “Baka

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 39

    Marielle’s POVPagmulat ko ng mata, wala na ang bigat ng kahapon. Sa halip, naamoy ko ang bango ng sinangag at matamis‑maalat na amoy mula sa labas. Bumangon ako nang dahan‑dahan, suot lang ang malaking puting polo ni Giovanni na halos umabot na sa tuhod ko. Tahimik ang bahay; sa kwarto naman ni Mikayla, mahimbing pa rin siyang natutulog.Paglabas ko papunta sa kusina, doon ko siya nakita — si Giovanni, nakatalikod habang naghahalo sa kawali. Nakasuot lang siya ng itim na pantalon, hubad ang itaas, at sa bawat galaw ng braso ay gumagalaw nang hayagan ang matitigas niyang kalamnan. Hindi ko akalain na isang billionaire tulad niya ay marunong ding mag‑timpla ng kape at mag‑prito ng tinapay. He looks so hot… buti na lang at hindi niya nahuli ang matagal kong pagtitig sa kanya.“Gising ka na pala,” bati niya nang hindi man lang lilingon, pero alam kong ramdam niya ang bawat hakbang ko. “Mabuti naman. Breakfast is ready.”Lumapit ako, nakatayo sa pintuan habang patuloy siyang pinagmamasdan

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 38

    Marielle’s POVTuloy‑tuloy ang takbo ng sasakyan, halos wala nang pakialam si Giovanni sa mga kurba at lubak. Sa likuran, rinig pa rin namin ang mga putok ng baril, pero habang lumalayo kami, unti‑unting humina ang ingay. Mahigpit ang yakap ko kay Mikayla — mahimbing pa rin siyang natutulog sa kandungan ko, parang walang kaalam‑alam na nasa gitna kami ng panganib.Makalipas ang halos isang oras, huminto kami sa tapat ng isang bahay na gawa sa bato at kahoy — nakatago sa likod ng matatayog na puno, nakaharap mismo sa dagat. Napakatahimik dito; tanging ang hampas lang ng alon ang naririnig.“Beach house ‘to,” sabi ni Giovanni habang binubuksan niya ang pinto para sa amin. “Pag‑aari ito ng pamilya, ligtas at halos walang nakakaalam. We’ll stay here until it’s safe to move again.”Bumaba ako, medyo nanginginig pa ang mga tuhod. Tinulungan niya akong pumasok, at dahan‑dahan naming inihiga si Mikayla sa kwartong nasa dulo — maluwag, presko, at amoy‑amoy dagat. Nang maisara ko nang dahan‑dah

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 37

    Giovanni’s POVBumaba ako ng hagdan nang mabilis, mahigpit ang hawak sa telepono — ang balitang kakarating lang ay parang naglagablab ng apoy sa bawat ugat ko. Ryan. Ang pangalang ayaw ko nang marinig, pero ngayon ay naging banta na mismo sa tahanan namin. Kilalang‑kilala ko ang klase ng lalaking ‘yon — mahina, sakim, at handang gamitin kahit sariling dugo, basta makuha lang ang gusto niya.“Nasa labas na sila, Boss. Dalawang sasakyan, nakapwesto sa likod ng bakod,” ulat ni Luca mula sa radyo. “At may kasama silang babae — sigurado kami, kasabwat ni Miranda.”Napakuyom ang kamao ko. Hindi nila ako mapipigilan.Pumasok ako sa kwarto ni Mikayla at doon ko nakita si Marielle, nakaupo sa gilid ng higaan habang inaayos ang kumot sa anak. Napakaganda niya kahit sa simpleng suot lang — mahaba ang buhok, malambot ang mukha, pero halatang may dinadalang pang‑amba sa bawat galaw. Sa tuwing nakikita ko silang dalawa, mas lalong nararamdaman ko kung gaano kalaki ang mawawala sa akin kapag nabigo

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 32

    Marielle’s POVAkala ko kilala ko na nang lubusan si Giovanni. Kilala ko siya bilang lalaking maunawain, mapag-aruga, at handang ibigay ang lahat para sa aming kapakanan. Ngunit sa gabing iyon, nakita ko ang ibang mukha niya—isang madilim, mapanganib, at walang takot na panig na hindi ko inakalang

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   Chapter 26

    Giovanni’s POVNakatitig ako nang matagal sa mga dokumentong inilatag sa ibabaw ng aking mesa—mga kopya ng kontrata, kasulatan ng pagmamay-ari, at mga ebidensyang maingat na nakalap ng aking mga tauhan. Ang bawat linya ay nagsisiwalat ng kasinungalingang binuo nang may malisyosong layunin. Hindi la

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   CHAPTER 1

    Marielle’s POVHindi ko alam kung paano ako nakauwi nang gabing iyon. Ang huling naalala ko ay ang mainit na yakap ng estrangherong lalaki, ang mabibigat niyang halik, at ang paraan ng pagtitig niya sa akin na tila ba kaya niyang basahin ang lahat ng sakit na pilit kong itinatago.Ngunit paggising

  • Goodbye, Ex! Hello Billionaire, Husband   PROLOGUE

    Basang-basa ng ulan ang buong siyudad nang gabing iyon.Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan ay ang tahimik na pagguho ng mundo ni Marielle Guzman.Mahigpit niyang hawak ang cellphone habang nanginginig ang kanyang mga kamay. Paulit-ulit niyang tinitigan ang litrato sa screen—si Ryan… nakangiti ha

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status