LOGIN
THIRD PERSON POV
“Bakit niyo ba kami pinapapili kung sino sa inyo ang sasamahan namin?” sigaw ni Karina sa mga magulang. “Bakit? Kayo ba, noong mas pinili ninyo ang babae at lalaki niyo, pinapapili niyo ba kami? Ha? May narinig ba kayo mula sa amin?” buwelta niya sa mga magulang, dahil hindi na niya kayang kimkimin ang sama ng loob. Gulat naman ang mga magulang ng dalaga at hindi siya matingnan sa mata dahil sa kahihiyan. Hindi rin nila naisip na may mga anak silang nasasaktan at naiipit sa sitwasyon. “Karina, how could you talk to your parents that way?” galit na saway ng Tita Kara niya, kapatid ng kanyang daddy Alfred. “Bakit niyo ba kami pinapahirapan, Ma at Pa?” bulong niya habang impit na humihikbi, nakayuko at puno ng hinanakit. Hindi niya magawang tingnan ang mga magulang. Si Karina ay ang nakatatandang kapatid sa apat na magkakapatid. Bilang panganay, siya ang laging nakaalalay sa tatlo niyang kapatid na lalaki. Dalawampu’t tatlong taong gulang na siya, ang ikalawa ay bente, ang ikatlo ay disiotso, at ang bunso ay sampung taong gulang. Si Karina, Dos, Ariel, at James—lahat sila ay nag-aaral pa. Nasa kolehiyo na si Karina, 3rd year na, habang si Dos ay 1st year. May kanya-kanya silang kurso. Siya rin ang nag-iisang babae sa magkakapatid. “Nak, pasensya na,” ani Karla, ina ni Karina. Lumapit ito at akma sanang hawakan ang kamay ng anak, ngunit mabilis iyong itinago ni Karina sa kanyang likuran. “Anak, please… hayaan mo munang magpaliwanag si Mama,” pagmamakaawa ni Karla, ngunit hindi pa rin siya tiningnan ni Karina. “Wala naman kayong kailangang ipaliwanag, Ma. Dahil pareho kayong may ginawang mali. Alam ko po… alam ko po ang lahat,” hikbi ni Karina. Tahimik lang ang tatlo niyang kapatid sa likuran, ayaw din nilang kausapin ang mga magulang dahil galit sila sa mga ito. “Wala kaming pipiliin sa inyo,” matapang na wika ni Karina sa mga magulang, dahilan para magulat ang mga ito. “Nak, hindi pwede… sige na, sumama na lang kayo sa akin, please…” pagmamakaawa ni Karla sa mga anak. “Sumama na lang kayo kay Papa. Mas maganda ang magiging buhay niyo sa akin, mga anak. Pagsisikapan ko lalo para sa inyo,” desperadong pahayag ni Alfred. “Kaya ko silang buhayin, Alfred. Wag mong lasunin ang utak ng mga bata,” galit na tugon ni Karla. “Bakit? Nasan ka ba noon, noong kailangan ka namin, ha? Kaya lang naman nahihirapan ang mga bata ay dahil sa’yo!” singhal ni Alfred sa kanyang dating asawa. Muli na namang nagsimulang magbangayan ang dalawa—bagay na ayaw na ayaw marinig ni Karina. “Pwede ba, tumahimik na lang kayo? Nakakarindi ang mga boses ninyo. Nagbabangayan pa kayo, nagbibilangan kung sino ang mas may ambag? Pareho naman kayong may ambag, dahil responsibilidad niyo kaming lahat. Walang mas lamang sa inyo dahil ginawa niyo naman lahat para sa amin. Nakakalungkot lang na ganyan kayo mag-isip.” Mahabang salita ni Karina. “Nak, pasensya na… pero gusto ko lang kayong bigyan ng magandang buhay. Alam kong nagkamali ako, pero sana, intindihin mo rin si Mama,” desperadong pakiusap ni Karla, umaasang bababa ang galit ng kanyang mga anak. “Ate at Kuya, hayaan niyo po munang mag-isip ang mga bata. Mas lalo niyo lang po silang iniipit,” sabi naman ni Tita Kara. “Maganda naman ang buhay natin noon, Ma e. Kaya lang mas pinili niyo ang hindi magpakatotoo sa sarili. Mas pinili niyo ang magsinungaling at magpakasaya sa labas. Just like you, Pa. Sabi mo si Mama ang unang nagloko.” ani Karina. “Pero… wala talagang saysay kung sino ang unang nagloko. Pareho kayong mali. Kaya walang sasama sa inyo. Ako ang tatayong ama at ina ng mga kapatid ko.” mahaba niyang pahayag, puno ng galit at determinasyon. Pagkatapos ay lumingon siya sa mga kapatid: “Dos, Ariel, at James—sa kwarto. At kayo namang dalawa, umalis na kayo. Hayaan niyo na kaming manatili dito sa bahay. Dumalaw na lang kayo kung gusto niyo.” Tinalikuran na ni Karina ang kanyang mga magulang at mabilis na pumasok sa loob ng bahay. Wala nang nagawa ang dating mag-asawa kundi umalis, taglay ang bigat ng sama ng loob laban sa isa’t isa. .... KINABUKASAN SA SCHOOL As usual, late na naman si Karina. Mapapagalitan na naman siya ng professor niyang dragon. Kahit five minutes lang siyang late, galit na galit pa rin ang matandang guro na si Mrs. Siva. Humahangos siyang binuksan ang pintuan ng classroom. Dahil kapag nakasarado na iyon, iisa lang ang ibig sabihin—nasa loob na ang professor niya. Sabay-sabay namang napatingin sa kanya ang lahat ng kaklase niya. “Fifteen minutes late… Outside!” galit na sigaw ni Mrs. Siva, nanlilisik ang mga mata at halos lumabas na ang ugat sa leeg. Karina had no choice but to follow. Bagsak ang balikat na lumabas siya ng classroom at tinungo ang palikuran upang pakalmahin ang sarili. Ayaw na niyang umiyak na naman, dahil namamaga na ang mga mata niya sa kakaiyak. Habang nasa loob siya ng cubicle, bigla niyang narinig ang mga pamilyar na tinig ng ilang babaeng kakapasok pa lang ng CR. Napakunot ang noo niya—kilala niya ang mga iyon. “Have you heard?” panimula ng isa. “Karina’s parents… separated?” Napasinghap pa sila, para bang napakalaking isyu. Para bang celebrity ang pamilya niya na dapat pag-usapan. “For real?” tanong naman ng isang estudyante. “Yes, Yuri. Poor thing,” tugon ng isa, halatang puno ng panunukso at insulto ang boses. Karina stayed quiet inside the cubicle. She just waited for them to leave. “Are you not gonna comfort your bestie?” tanong ng isa pa, si Camela, sabay tawa. “No way! I am not gonna do that. I hate her,” sagot naman ni Kaori. “Ang sama mo talaga, Kao. She’s nice and kind,” kontra ni Camela. “Nice and kind? Nah. You’re mistaken. She’s the total opposite. Mukha lang siyang anghel, pero sa loob—nasa kanya ang kulo,” ani Kaori, tumatawa pa. Karina held her breath and tried to control her emotions. Ayaw niyang gumawa ng eksena, ayaw niyang madungisan pa ang pangalan niya. Sira na nga siya sa professor niya dahil palagi siyang late, baka madagdagan pa. “Kalma lang tayo, self,” bulong niya sa sarili. “Are you done, guys? May date pa kami mamaya ni Carson,” ani Kaori bago sila tuluyang lumabas ng CR. Nang marinig iyon, biglang kinabahan si Karina. “Baka ibang Carson lang ’yon…” mahina niyang bulong. Lumabas na siya ng cubicle, nag-ayos, at saka lumabas ng CR. Mag-isa siyang naglakad pabalik sa classroom. May isa pa siyang subject bago siya lilipat sa kabilang department. Determinado siyang hindi na ma-late, baka mapahiya na naman siya. Lalo pa’t mas terror ang professor niya ngayon kaysa kay Mrs. Siva. Pagdating sa classroom, nakilala niya ang ilan niyang kaklase. At isa roon ay si Carson—ang boyfriend niyang itinago nila ng apat na buwan. Popular guy sa university si Carson, at kilalang playboy. Pero si Carson lang ang tanging comforter niya. “Okay, we will be having a surprise quiz today,” anunsyo ni Professor Frank. Sabay-sabay na napaungol at napasinghap ang mga estudyante—isang malinaw na palatandaan na hindi talaga sila nag-aral.CHAPTER 158 That night, they spent the night together, at kinabukasan ng umaga ay agad na nireport ni Luther ang incident sa authorities. Hindi niya hahayaan na makalusot si Mr. Shelton sa ginawa nito sa asawa niya. It was unforgivable. Traumatized si Karina sa nangyari kaya hindi niya tinanggap ang apology ni Mr. Shelton. Samantala, ang anak nitong babae ay nasa custody na ng ina nito. Mr. Shelton would be sent to prison for committing a serious crime. Mali siya ng taong kinalaban. Ngayon, his company was on the verge of bankruptcy matapos mag-pull out ang mga investors nang malaman ang nangyari. “Love? What are you doing here? Hindi ka ba busy sa work?” masayang wika ni Karina nang bisitahin siya ng asawa sa coffee shop. “There’s no such thing as being too busy when it comes to seeing my wife,” Luther said before kissing her. “For you, Love.” He handed her a bouquet of flowers. “Oh… Thank you, Baba…” Everyone who witnessed the couple being lovey-dovey are cheering them.
CHAPTER 157 LUTHER swore after hearing what had actually happened to Karina at the event. Sinabi ni Kaori ang lahat kaya napamura na lang siya nang malutong. Mabilis niyang pinatay ang tawag at nilapitan ang asawa na tahimik na nakaupo sa dulo ng kama. Nakabalot pa rin ito sa kumot. Nakonsensya naman siya dahil sa pagsigaw niya rito kanina. Umupo siya sa tabi nito nang mapansin ang mabibigat nitong paghinga. Akala niya ay umiiyak ito. Dahan-dahan niyang inalis ang isang hibla ng buhok na nakatakip sa mukha ng asawa. At doon siya natigilan. Namumula ang mukha nito at tila hirap sa paghinga. Agad niyang naramdaman na may mali. "Love, are you okay?" nag-aalalang tanong niya. Muli niyang pinagmasdan ang asawa. Namumula pa rin ang mukha nito at mabigat ang paghinga. Agad niyang hinawakan ang noo nito upang alamin kung may lagnat ba ito, ngunit wala naman. Normal lang ang init ng katawan nito. "L-Love, is there something wrong?" he asked. Tinitigan lamang siya ni Karina
CHAPTER 156: STALKER THIRD PERSON POV Nang mahanap ni Kaori ang mga pinsan na sina Uno at Ariel, agad niya silang kinurot sa tagiliran. Kanina pa kasi sila hinahanap ngunit ni tawag o text ay hindi man lang sinasagot ng dalawa. Agad silang bumalik sa pwesto kung saan niya iniwan si Karina. Ngunit nagtaka sila nang makitang wala ito roon. Kaagad na kinabahan si Kaori nang maalala ang mga sinabi ni Karina habang nasa restroom sila kanina. "Nasaan na kaya 'yon? Sabi ko na huwag siyang aalis dito," nag-aalalang sambit ni Kaori. "Baka nag-restroom ulit, Ate Kao?" mungkahi ni Uno. "Hindi 'yon aalis nang walang kasama, Uno. Nababahala nga siya dahil doon sa lalaki na tauhan ni Mr. Shelton. At sa totoo lang, pati kay Mr. Shelton ay wala na rin akong tiwala," sagot niya. "Hanapin na lang natin, Ate. Sigurado akong wala siya rito. Hindi naman basta-basta aalis si Ate kung wala siyang pupuntahan. Kilala niya ang lugar na ito dahil dati siyang nagtatrabaho rito. May mga kakilala rin
CHAPTER 155 { MARRIAGE LIFE } THIRD PERSON POV AT THE EVENT…. Pagdating nila sa hotel ay sinalubong agad sila ni Blake Shelton sa labas ng hotel. Karina was happy after finding out na sa hotel pala gaganapin ang event kung saan siya nagtatrabaho noon. Kaya pala pamilyar ito sa kanya. Dito rin niya nakilala ang asawa niyang si Luther. Kaya masaya niyang naaalala ang lahat ng nangyari sa hotel na ito. “You finally came. I thought you would ignore my invitation, Mrs. Mendez,” Mr. Shelton said as he extended his hand for a handshake. “I won't miss this event, Mr. Shelton, especially when you personally invited us,” ani naman ni Karina habang nakikipag-shake hands dito. “I’m so glad…” he said before turning his attention to Kaori. “And thank you, Miss Kaori.” “This kind of event is a big help for someone like us who's building a small business. Thank you for inviting us here, Mr. Shelton,” Kaori said with a gentle smile, dahilan para bahagyang mamula si Mr. Shelton. “Alrig
CHAPTER 154 (MARRIAGE LIFE) THIRD PERSON POV LUMIPAS ang dalawang buwan at tuluyan nang nakarekober si Luther mula sa coma. Ngunit hindi pa rin ito bumabalik sa trabaho sa opisina. He still wanted to spend more time with his family, lalo na ngayon na naging busy na rin si Karina sa kanyang negosyo. Naging hands-on si Karina sa negosyo simula noong manganak siya kay Precious. Kahit na nag-aalaga at nagbabantay siya sa anak at asawa niya, hindi pa rin siya nawawalan ng oras para asikasuhin ang negosyo. Mas lalo pang lumakas ang café at flower shop ni Karina na pinangalanan niyang Little Precious. Ipinangalan niya ito sa kanilang anak na babae. "Baba, did you check the file?" tanong ni Karina habang inaayos ang sarili para sa isang event. Isa itong event para sa mga businessmen at businesswomen. Maliit man o malaki ang negosyo, basta isa kang negosyante ay puwede kang dumalo. Karina was invited by one of the event hosts, at kasama niya si Kaori dahil hindi puwedeng siya lang
CHAPTER 153 LUTHER Our Christmas was filled with laughter and joy. I’m thankful and continuously praying to Him for waking me up and giving me the chance to be with my family again. Nakasakay ako ngayon sa wheelchair habang marahang itinutulak ng asawa ko. Nasa labas kaming lahat upang salubungin ang Pasko—ang araw kung kailan ipinanganak ang Panginoon. “Five, four, three, two, one… MERRY CHRISTMAS!” sabay-sabay nilang sigaw. I am still so weak that I can barely open my mouth whenever I try to speak. But I’m still trying. Everyone was so happy—giggling, laughing, hugging, and playing around. Ang sarap sa pakiramdam na kasama ko ulit ang buong pamilya ko. Hindi ko mapigilan ang pagluha, at muli na naman akong umiiyak. Sobrang saya ng puso ko na hindi ko na maintindihan kung gaano ako kagalak ngayong gabi. Akala ko hindi na ako muling magigising. Probably, I still have a purpose why I’m still breathing. “May masakit ba, Baba? Are you okay?” nag-aalalang tanong ni Karin
012 Bigla na namang kinabahan si Karina. Hindi niya alam kung bakit. Para na naman siyang nasusuka, kaya pilit niyang pinapakalma ang sarili. Unang bumaba ng sasakyan si Kennedy at umikot pa ito upang buksan ang pintuan para kay Karina. "Salamat," ani Karina. "Let's go. Ipapakilala kita sa na
011 Si Kennedy Coffer, 36 years old, ay sekretarya ni Luther sa loob ng dalawang dekada. Sila’y mag-best friend at magkababata. Kahit na mataas ang estado sa buhay ni Kennedy, nanatili siya kay Luther, lalo na noong panahong sobrang down nito. Hindi basta-basta nagtitiwala si Luther sa iba, kaya
CHAPTER 102 KARINA Ngayon ang alis ng besty ko, and I can't stop crying because I will miss him so much. Wala na akong ka-chismisan. Wala na ring bigla-biglang darating sa bahay na may dalang pagkain. Ma-mi-miss ko ang pagiging sassy niya—na sa akin lang niya ipinapakita. I’m praying for the b
CHAPTER 92 LUTHER I have been looking for Karina for a month now. Sobrang nag-aalala na ako—parang kinakain ako ng takot araw-araw. Minsan pakiramdam ko mamamatay na ako kakaisip kung nasaan siya. Binuksan ko ang GPS sa selpon niya, para ma-locate ko rin ang location niya. But her phone was de







