Share

Chapter 129

Author: Okahel
“Hindi pala tama iyong una kong sinabi,” natatawang sabi ni Winona. “Mas bagay sigurong sabihing finally nakuha mo na ang gusto mo.”

Bahagyang naningkit ang mga mata ni Sven.

“Nag-aalala lang ako na baka mapahamak siya.”

Agad namang sumagot si Winona, “Kahit ano pang dahilan, ang punto pa rin naman doon, sobrang importante niya sa ’yo.”

Narinig iyon ni Assistant Victor kaya kusa itong nagsalita.

“CEO Ferrer, ako na pong aakyat para tingnan.”

Tumango muna si Sven, pero mayamaya umiling din.
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 238

    Ang buong atensyon ni Nevaeh ay nakatuon kay Sven. Habang naglalakad siya, hindi niya napansin ang isang matangkad na lalaki sa kanyang daraanan at aksidente niya itong nabangga. Malaki at matipuno ang katawan nito, at halos natakpan ng anino nito si Nevaeh.“Sorry.” Agad siyang yumuko bilang paghingi ng paumanhin. Hindi man lang niya tiningnan ang lalaki at mabilis na napatingin sa direksyon ni Sven, ngunit wala na ito roon. Natigilan siya at agad na nilibot ng tingin ang paligid. Kahit saan siya tumingin sa lobby, hindi niya makita ang pamilyar na pigura nito.Nang maalala niya ang eleganteng babae na nakita niyang kausap ni Sven kanina, biglang hindi siya mapakali. Gusto niya itong hanapin agad, ngunit bago pa siya makaalis, may humawak sa kanyang palapulsuhan.“Is this how you usually apologize? You don't seem very sincere.”Mababa at malamig ang boses ng lalaki. Napalingon si Nevaeh habang sinusubukang bawiin ang kanyang kamay. Pagkakita niya rito, bahagya siyang natigilan. Ma

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 237

    “Salamat, Kuya Sean.”Maamo at malinis ang ngiti ni Nevaeh habang sinasabi iyon. May natural na tiwala sa sarili ang kanyang tindig, at kahit tahimik lamang siyang nakatayo roon, para bang may sariling liwanag na bumabalot sa kanya. Tahimik na pinagmamasdan ni Sven ang bawat galaw niya... ang bahagyang pag-angat ng sulok ng kanyang labi, ang kislap sa kanyang mga mata, maging ang simpleng paraan ng kanyang pakikipag-usap.Sa kanyang madidilim na mga mata ay makikita ang isang pagmamahal na halos hindi na maitago. Para bang sa buong ballroom, iisang tao lamang ang nakikita niya.At hindi nakaligtas ang tinging iyon sa mga matang lihim na nakamasid sa kanila.“So that's her?”Hindi maitago ang pagkadismaya sa boses ng babaeng nakatayo sa isang sulok ng ballroom. Suot niya ang isang mamahaling evening gown, at ang kanyang matatalim na mata ay nakatutok kay Nevaeh.“Sven doesn't seem like the type to fall for someone like her,” bulong niya sa kanyang katabi na si Elma, na tahimik din

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 236

    Bahagyang nagdilim ang mga mata ni Sven habang pinagmamasdan si Nevaeh. Tahimik siyang nakaupo sa sofa, ngunit may kung anong mabigat sa paraan ng kanyang pagtitig.“Bakit pagkarating na pagkarating mo, naligo ka agad?” tanong niya sa mababang boses.May bahagyang pilyong ngiti sa sulok ng kanyang labi habang dahan-dahan siyang tumatayo at lumalapit. “Didn't you say you had something to tell me?”Sa bawat hakbang niya, tila lalong lumiliit ang distansya sa pagitan nila. Ang presensya ni Sven ay likas na dominante, at kahit wala itong ginagawa, sapat na iyon upang magbigay ng pressure sa paligid.Hindi napigilan ni Nevaeh na mapaatras ng isang hakbang.“Mainit kasi ngayon,” mabilis niyang paliwanag. “And I've been out the whole day. Nakakapagod din ang maglakad-lakad, kaya naligo muna ako.”Bahagyang kumunot ang noo ni Sven.Masyado na silang matagal na magkasama para hindi niya mapansin ang maliliit na pagbabago sa ugali ni Nevaeh. Sa gabing ito, malinaw na may iniiwasan ito.“

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 235

    Napansin agad ni Sven na may kakaiba sa tono ni Nevaeh sa cellphone. Inakala niyang may nangyaring masama, kaya nag-aalala siyang nagtanong, “What happened? Are you okay?”“Nasa bahay na ako,” sagot ni Nevaeh. Nag-atubili siya sandali bago muling nagsalita. “I'll tell you when you get home.” Pagkatapos noon ay mabilis niyang ibinaba ang tawag.Habang nasa daan pauwi, hindi mapigilan ni Nevaeh ang kabahan. Kanina pa mabilis ang tibok ng puso niya, at pakiramdam niya ay lalo lamang itong bumibilis habang papalapit siya sa bahay. Paulit-ulit niyang iniisip ang sasabihin kay Sven. Sa wakas, nagkaroon na siya ng lakas ng loob na aminin ang tunay niyang nararamdaman. Kahit kinakabahan siya, may halong excitement pa rin sa dibdib niya na hindi niya maitago.Samantala, matapos ibaba ang cellphone, bahagyang napakunot ang noo ni Sven. May kakaiba talaga. Hindi naman ganito magsalita si Nevaeh sa kanya.“Was that Nevaeh?” tanong ni Sean mula sa kabilang sofa habang komportableng nakaupo.Ib

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 234

    Mas lalo lang nitong pinaalala kay Nevaeh ang isang bagay... kung paano siya tratuhin ni Sven.Palagi itong maingat, mapag-aruga, at halos walang pagkakataong hindi siya iniintindi. Ngunit kung minsan, pakiramdam niya ay hindi siya nito tinitingnan bilang isang babae. Sa halip, para siyang isang batang kailangang alagaan at bantayan.Dahil doon, kalahati ng saya at kilig na naramdaman niya kanina ay biglang naglaho. Bahagyang nagdilim ang kanyang mga mata bago siya marahang umiling.“Nothing,” mahina niyang sagot.Sa labas ng conference room, biglang may kumatok.“Ahem.” Sumilip si Sean sa loob at agad na napaikot ang mga mata. “You two, please. May ibang tao pa rito. Have some mercy on the single people.”Agad siyang sinulyapan ni Sven. “If you're jealous, you can always get married.”Napanganga si Sean bago mabilis na itinaas ang dalawang kamay na parang sumusuko.“No way. People say marriage is the graveyard of love. Wala na nga akong love life, ayokong mauna sa sementeryo.”

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 233

    “O baka tama talaga ang mga sinasabi ng ibang tao?” bahagyang naningkit ang mga mata ni Dahlia habang palipat-lipat ang tingin kina Nevaeh at Sven. “Do the two of you have some kind of special relationship?”Hindi na kailangang sabihin kung sino ang tinutukoy niyang “ibang tao.” Malinaw na si Neela Santos iyon.Mula pagkabata, ulila na si Neela. Maagang namatay ang kanyang mga magulang kaya ipinagkatiwala siya ng ina nito sa matalik na kaibigang si Dahlia. Sa loob ng maraming taon, inalagaan siya ni Dahlia na parang tunay na anak. Kung hindi lamang dahil sa kaguluhang ginawa niya noon kasama si Jeston na nagpagalit kay Lolo Joseph hindi sana siya ipinadala sa ibang bansa.Ngunit kahit nakabalik na siya, wala pa rin siyang natutunan. Dahil sa sunod-sunod niyang pagkakamali, tuluyan siyang pinalayas sa Ferrer family.Sa isip ni Nevaeh, medyo naiinggit pa nga siya rito. Kahit gaano karaming maling desisyon ang gawin ni Neela, mayroon pa ring taong handang protektahan siya nang walang

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 128

    Una, nilagyan si Nevaeh ng gamot para piliting may mangyari sa kanila at gawing parang “tapos na ang lahat kaya kailangan nang panindigan ang lahat.”Tapos ngayon naman, sinadya pang magpasok ng mga lasing para guluhin siya bago kunwaring sumulpot bilang hero.Sobrang baluktot ng utak. Wala nang l

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 126

    Napatingin muli si Nevaeh kay Sven.“Kung si Jayden Javier hinahanap si Samson Lualhati…” curious niyang tanong, “ikaw, hindi mo ba hahanapin?”Bahagyang tinaas ni Sven ang kilay. Madilim ang mga mata nitong nakatingin sa kanya.“Hmm?” Mahina itong natawa. “Sa tingin mo ba, dapat ko siyang hanapi

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 124

    Parang may naramdamang matinding tingin si Nevaeh kaya naman napalingon siya sa kanyang likuran, at doon ay eksaktong nagtama ang kanilang mga mata ni Sven.Pagkakita niya rito ay agad siyang ngumiti nang maluwag, at hindi nagtagal ay nagsimula na ring maglakad si Sven patungo sa kanyang gawi.“Ta

  • He Left Me? I Married His Mysterious Brother   Chapter 122

    “Siguro wala pa,” mahinang natawa si Nevaeh habang tapat na sumasagot sa kanya, bago dinagdagan ang kanyang sinabi, “pero in the future… hindi ko sure.”Sa kaibuturan ng kanyang puso, naiisip niyang baka nga mahulog talaga siya rito sa paglipas ng panahon dahil hindi naman kasi minsan lang siyang k

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status