Share

Chapter 3

Author: Light_Star
last update publish date: 2026-01-03 09:28:11

Harold's POV:

“Sir, naihatid ko na po si Miss Hanna sa apartment niya.”

Bahagya akong napangiti. “Nakuha mo ba ang pinapahanap ko?”

“Opo, sir. At sa katunayan po, confirmed na may anak si Miss Hanna. Lumaki po ang mata ko, sir, nang makita ko—hundred percent kamukha niyo talaga ang bata.”

“Hindi pa rin tayo sigurado kung akin nga ang bata,” tugon ko, pilit pinapakalma ang sarili. “Kaya ipagpatuloy mo ang paghahanap ng mga ebidensya.”

“Opo, sir.”

“At kung kailangan mong magbayad para sa ebidensya, huwag kang mag-alala sa pera. Ako ang bahala.”

“Yes, sir.”

“Sir,” maingat na tanong ng driver ko, “pwede ko lang po bang itanong… bakit parang sobrang obsessed kayo kay Miss Hanna? Eh ngayon lang naman po kayo muling nagkakilala?”

Naputol ang tanong niya nang tumingin ako sa kanya. “Basta. May kinalaman iyon sa nakaraan. Sige na, may gagawin pa ako.”

Hindi ko maipaliwanag ang bigat ng pakiramdam ko sa tuwing naiisip kong muli kaming magtatagpo ni Hanna. Para bang bumalik ang mga multo ng nakaraan—mga alaala na pilit kong ibinaon.

Ngunit hindi niya ako nakilala.

Apat na taon na ang lumipas, pero parang kahapon lang ang lahat. At sa muling pagkikita namin, muli kong naramdaman ang pananabik—lalo na nang maamoy ko ulit ang natural niyang amoy, ang amoy na minsang naging dahilan kung bakit ako tuluyang naakit sa kanya.

Kaya gagawin ko ang lahat para makuha siyang muli.

Hindi ko hahayaang mapunta siya sa iba. Akin siya. Dapat.

“Hey, kid. Who are you looking for?”

Napansin kong panay ang lingon ng isang batang lalaking nakaupo sa bench.

“My mommy!”

May kung anong kumurot sa dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit, pero may pagkakahawig siya sa akin—sapat para mag-ingay ang kutob ko.

Muli ko sana siyang tatanungin, ngunit halatang takot siya sa mga estranghero. At bago pa ako makapagsalita, dumating ang isang pamilyar na boses.

“Rafael, anak! Kanina pa kita hinahanap. Saan ka ba nagpupunta?”

Napalingon ako.

“Miss H-Hanna… anak mo?” hindi ko napigilang itanong.

Tumingin siya sa akin, halatang nagulat. “Ah, opo, sir. Nag-iisa kong anak.”

“Tara na.”

“By the way, thank you po, sir. Kung wala po siguro kayo, baka napano na ang anak ko.”

Ngumiti ako. “No, it’s okay.”

Hindi ko alam kung paano ipoproseso ng isip ko ang lahat ng nakita ko. Ngunit isang bagay lang ang malinaw—kailangan kong malaman ang buong katotohanan.

“Miss Hanna, kanina ka pa rito. Hindi ka pa ba nakakasakay?”

“Hindi pa po, sir.”

“O, di halika na. Sumabay ka na sa akin. Pauwi na rin naman ako.”

“Wag na po—”

Tinignan ko siya nang diretso. “Hanna, huwag nang makulit. Kapag may nangyari sa’yo, konsensya ko pa.”

Wala na siyang nagawa kundi sumakay.

Pagbaba niya, mahina niyang sinabi, “Sir, thank you po.”

“Welcome.”

Sa totoo lang, gusto ko siyang ihatid at sunduin araw-araw. Pero ayokong mabigla siya. Lalo na’t hindi niya ako kilala—at hindi niya naaalala ang nangyari sa amin apat na taon na ang nakalipas.

Pareho kaming lasing noon. Pero ako… malinaw pa rin ang isip ko. At bawat detalye ng gabing iyon, bawat bahagi niya, malinaw pa rin sa alaala ko.

Sa bawat araw na magkasama kami, parang unti-unting nagbabago ang mundo ko.

“Good morning, Miss Beautiful,” biro ko.

“Good morning too, sir,” nakangiti niyang tugon.

Araw-araw ko na yatang ginagawa iyon.

“Miss Hanna, anong nangyari?” Pawisan siya at halatang nahihilo.

“Sir, parang nag–blackout po ang system.”

“Oh, okay. I’ll help you.”

Tumingin siya sa akin. “Talaga po ba, sir?”

“Of course.”

Masaya ako tuwing kasama ko siya—sabay kaming kumakain, nagkukuwentuhan. Minsan, gusto ko na lang siyang yayain lumabas kahit walang dahilan.

Pero ang pinakanagbigay-linaw sa lahat ay ang katotohanan.

“Sir, si Jun po ito. Nakuha ko na po ang mga impormasyong kailangan ninyo. Iniwan ko na po sa table ninyo.”

Hindi ko na siya sinagot. Agad kong hinanap ang folder.

Confirmed.

Anak ko si Rafael.

Hindi na ako nagdalawang-isip. Agad akong pumunta sa apartment nila.

Si Hanna lang ang nadatnan ko roon. Doon ko sinabi ang buong katotohanan. Una, wala siyang reaksyon. Hindi ako umalis hangga’t hindi niya ako pinakikinggan.

“Mommy, I’m here!”

Nang marinig ko ang boses ni Rafael, parang may liwanag na pumasok sa dibdib ko.

“Rafael, anak,” nanginginig ang boses ni Hanna, “may sasabihin si Mommy sa’yo… Siya ang Daddy mo.”

Tahimik si Rafael sa loob ng ilang segundo.

Pagkatapos, niyakap niya ako nang mahigpit.

“I miss you so much. Dati, dream ko lang magkaroon ng complete family. Ngayon, nangyari na.”

Hindi ko napigilan ang luha ko. Hindi ko akalaing may kakayahan pa akong magbago—na may magbibigay pa ng direksyon sa buhay ko.

“Good morning, everyone,” masaya kong bati sa mga empleyado—lalo na sa babaeng nagbibigay-kulay sa araw ko.

Pero tila nakakita sila ng multo.

“Grace,” tawag ko sa sekretarya ko. “Anong nangyari?”

Napakamot siya sa ulo. “Sir, nagulat lang po kami. First time po kasi naming makita kayong ngumiti mula umaga hanggang ngayon.”

“Oh, iyon lang pala,” natatawa kong sagot.

Marami palang nagbago sa akin simula nang dumating sa buhay ko ang mag-ina ko.

Kung dati, sarili ko lang ang iniisip ko, ngayon iba na ang mundo ko.

“Good evening, Daddy! Did you eat your dinner na?”

“Yes, baby,” masaya kong tugon. “Ikaw, kinain mo ba ang vegetables mo?”

“Yes po!”

“Dingga!” ngumiti siya. “Tanungin mo pa si Mommy.”

“Kausapin ko nga ang Mommy mo,” sabi ko—kahit ang totoo, gusto ko lang talaga marinig ang boses ni Hanna.

“Kumain ka na ba?”

“Kakatapos lang namin ni Rafael. Ikaw?”

“No,” pagkukunwari ko.

“Ay, bakit? Eight p.m. na. Hindi maganda ’yan sa’yo.”

Napangiti ako. Ganito na siya noon pa man—maalaga.

“I want to see you.”

Namula ang mukha niya.

Hindi ako makatulog. Hindi ko inakalang darating ang araw na magkakaroon ako ng anak… ng pamilya.

Pero hindi ko pa rin alam kung ano ba talaga kami ni Hanna. Walang malinaw. Hindi ko alam kung totoo ang lahat ng ipinapakita niya, o kung ginagawa lang niya iyon para sa anak namin.

Pero simula nang makasama ko silang dalawa, umaapaw ang saya sa dibdib ko. Binigyan nila ng kulay ang matagal nang madilim kong mundo.

At kaya kong gawin ang lahat—

huwag lang silang mawala sa piling ko.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 71

    Harold’s POV : Dahil sa tagal niyang bumalik hindi ko napansin na nauna na akong nakatulog. Ngunit dahil late na kami naka uwi mga apat na oras na lamang ang natitirang tulog namin. “Mommy… Mom.. Please wag niyo akong iwan! Please.” “Hon… Wake up! gising anong nangyayari sayo.” dahil sa pag alog niya sa braso ko dito na ako tuluyang nagising. “Hon pawis na pawis kana ano ba kasing nangyayari sayo? At ano ‘yong sinasabi mo?” halos nanlamig ang buong katawan ko dahil sa panaginip kong iyon. Buti nalang pinainom niya ako ng tubig. “Nanaginip lang ako,” pawisan parin ako pero hindi ko alam bakit nitong mga nakaraang mga araw lagi nalang akong nanaginip ng ganito kasama. Parang naalala ko yong nakaraan, iniwan ako ng aking ina. Halos hindi ako makakain noon dahil sa namimiss ko siya, pero hindi siya bumalik. Subalit kong kailan naman kami nag kasama muli ito naman pala ang huling gabi na magkasama kami. Masisilayan ko ang kanyang mukha habang tinatawag ang pangalan ko. “Bakit? Ano ba

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    𝗖𝗵𝗮𝗽𝘁𝗲𝗿 𝟳𝟬

    Third person POV : Kinabukasan ay araw ng lunes kaya maagang nagising si Hanna, dahil ngayon ang kanyang final altrasound bago manganak. Kadalsan na mag-isa lang siyang pumupunta sa OB niya para magpa check-up pero ngayon parang nagiba ang ihip ng hangin. Kong noon ayaw niyang magpasama sa kanyang OB ngayon parang plot twist pinuntahan niya ang anak niyang si Rafael. “Anak! Si Mommy ito!” agad namang binuksan ng bata, “Ano po ba iyon Mommy napaka early papo? Anong oras naba?” pagkatingin ng bata sa relo niya sa gilid ng kama bigla itong napakunot ang nuo,”Mommy ang aga niyo naman po gumisig, wala po akong pasok now!” pagrereklamo ng anak halatang grabi pa angitutulog niya. Pero nanatili paring kalmado si Hanna bago sumagot sa anak. “Uutusan lang kasi kita, gisingin mo ang Daddy mo sabihin mong ngayon ang araw ng OB check-up ni Mommy, and ask him if he’s busy ok? At puwede kanang matulog ulit.” Tumango lang ang bata at nagmadaling puntahan ang Daddy niya. Samantalang si Hanna bumalik

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 69

    Harold’s POV:Pasakay na sana ako ng Elevator ng mapansin ko na naiwan pala ang maliit kong bag sa kotse kaya dali-dali ko itong binalikan, hindi pa naman ako gaanong late at tsaka ngayon lang naman ako malelate.Pagkakuha ko ng bag na naiwan ko dali-dali na akong bunalik para sumakay ng elevator papunta sa meeting place. Kasamaang-palad lang dahil pagbalik ko may naka paskil na agad sa labas na ‘Under Probvision’ kaya pala wala nang mga tao sa labas, wala akong nagawa kundi humanap nalang ng hagdan mabuti naman at nahanap ko rin yong stair way. Alam kong nakakapagod pero wala naman akong magawa dahil business naman pinunta ko rito. Ngunit sa kalagitnaan palang ng aking pag-akyat natauhan agad ako sa ingay sa loob ng dala kong bag. Nang tingnan ko ito binaliwala ko lang dahil si Manang lang naman. Pero kinabahan na agad ako! Hindi si Manang yong tipo ng tao na mangungulit tunawag. Pero wala sinagot ko parin.“Hello” Ngunit sandali pa akong naghintay ng response pero nanatili parin

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 68

    Manang Shie POV:Mag aalas nuwebe na ng umaga, ng magising ang asawa ni Sir Harold. “Ohh hija good morning sa iyo, mu-lingkod kana diri kay mu-handa na ko sa imohang breakfast.” Ngumiti lang ito at naupo, napansin kong palingon-lingon ito. “Hanna ano ba? May hinahanap kaba?” “Wala h—!” Umighim muna ako, “Don't worry umalis na siya.” Pagkasabi ko palang no'n natamimi siya bigla. “Alam ko… iniiwasan mo siya! Pero hanggang kailan.” “Ho? Ano po ba ibig niyong sabihin?” Tinitigan ko siya ng maiigi. “Sakin kapa ba maglilihim? Parehas tayo babae!” Tatayo na sana siya, pero alam kong umiiwas lang siya dahil alam ko naman talaga ang tinutukoy ko. “Total wala na man na dito si Jane, bakit dipa kayo mag-usap? Alam mo hija, ang asawa hindi naman yan kanin na pagnapaso ka iluluwa mo na agad. At tsaka kasal na kayo alalahanin mo.” Nang makita ko na tumutulo na ang mga luha niya, inabutan kona agad ng tissue kahit pigil

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 67

    Harold’s POVNang maihatid na ako ni Mark sa pupuntahan kong conference meeting kasama ang iba pang mga investor ng aking kompanya, agad ko siyang pinauwi at ako nalang ang mag isang dumating sa meeting, pero ng tignan ko ang cellphone ko ni isang paramdam mula sa isang tao wala, na dismaya lang ako ng wala sa oras. Kaya nawala din sa isip ko ang umuwi sa mansion ni hindi ko man lang natawagan ang anak kong si Rafael kong kumusta naba siya, kong nakauwi ba siya galing school ng ligtas. Ni hindi ko nga natawagan si Ate Quenie kong maayos bang nakatulog ang anak ko. Parang naging invisible lang ako sa painingin ng anak ko lately, ni hindi ko na nga siya naihahatid sa school o nakakasabay man lang kumain sa umaga. Kasalanan ko talaga ang lahat kong kelan pa nabuo kuna ang pamilya na noon kolang pinapangarap tsaka pa talaga ako magkakaproblema ng ganto kalala. Minsan iniisip ko nalang na baka may nagawan ako ng masama kaya masamang pangitain din ang dumating sa akin.Wala na rin siguro

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 66

    Hanna's POV "Oh hija hanggang ngayon ba wala ka paring sagot?" Lumapit ito sa tabi ko at na upo. "Diba napaka simpling tanong ngunit wala kang maisagot! Sa totoo lang may sagot ka naman subalit pride ang pinapairal mo!" Hindi ko alam kong ano ba ang nais niyang ipaintindi sakin, blangko talaga ang isip ko sa ngayon ni kumain wala pa akong gana. "Paparusahan mo ba ang sarili mo dahil sa problema niyong mag-asawa?" Dagdag pa niya. "Manang ano po ba gagawin ko?" Habang tumatagal unti-unti nanamang umuulos ang mga luha ko, aaminin ko hindi ako sanay sa gantong sitwasyon namin ngayon ng asawa ko. "Sa bagay na iyan, wala akong masabi..... Ikaw ang may solusyon diyan alam ko kaso natatakot kalang. Tama ba ako?" Wala na akong naging sagot sa kanya. Tama siya nauunahan lang talaga ako ng takot parang bumalik kasi ako sa nakaraan ko, sa taong binigyan ko ng lahat ng sa akin kulang nalang pati katawan ko ibigay kopa. Pero sa lahat ng sakripisyo ko sa kanya nagawa parin niya akong iwan at ip

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 56

    Harold's POV Nagtaka na ako dahil ni isang tao wala sa bahay. Pero nagkamali ako, "Jane!" Gulat itong humarap sakin at nabitawan ang isang bagay. Namumutla na ito kaya ako nalang ang bumasag ng katahimikan. "Ba't walang tao rito? Nasaan ang Ma'am H—" di pa ako nakakatapos binara na niya agad ako.

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 55

    Harold's POV It's almost months, weeks day's, ang lumipas. Pero ang magkaayos kami walang progress. Mas lalong lumalala ang pinaghalo-halong tampo, galit, at selos niya. Gusto ko mang magreklamo hindi ko magawa. Is she feel how I feel? Baka sarili lang niya importante sa kanya. Importante paba ako

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 58

    Hanna's POV Monday!Ang araw ng aking katamaran, pero wala heto ako ngayon ginagampanan ang pagiging ina at asawa..."Jane, hugasan mo nga ito doon." Mabuti nalang masunurin siya. Hindi ako nahirapan sa paghahanda ng almusal. "Pagkatapos mo riyan puwede bang pakitulongan na lang si Manang rito, ma

  • I Found Forever with My Ex's Uncle    Chapter 57

    Harold's POV"Gising kana pala, kamusta nahihilo kapa ba?" I saw her face na subrang nagaalala, kanina paba siyang nandito? Nakatulog kasi ako. Pero hindi ko alam pano siya kakausapin. Baka sa bangayan nanaman umabot ang paguusap namin. Kahit may dextrose pa siya pumunta talaga siya dito para lang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status