로그인CHAPTER 136 [ZACHARIAS] Bitbit ang cellphone, sinilip ni Zacharias si Jillian sa master’s bedroom nang marinig niya ang masayang tawa nito. Amuse na napangiti siya dahil tuwang-tuwa ito habang kini-kwento na may fifty million na raw ito sa bangko. ‘Mas masaya ba na may fifty million kaysa maging girlfriend niya? Kung pakasalan mo kaya ako para mas marami pa sa fifty million ang makuha mo. Ibibigay ko naman lahat sa ‘yo.’ Kapagkuwan ay napailing si Zacharias nang maalala ang sinabi ni Jillian kanina tungkol sa magbabago raw ang nararamdaman niya para rito sa paglipas ng panahon. Kung mayroon man magbabago, siguradong mas lalalim lang ang pagmamahal niya. Katulad ngayon, mas malalim at mas minamahal niya si Jillian pagakatapos ng limang taon na hindi sila nagkita. Mas hinangaan niya ito dahil mag-isa nitong itinaguyod si Kai, kinaya ang lahat kahit ang hirap-hirap at hinintay siya kahit walang kasiguraduhan. Mas gusto niyang alagaan si J
CHAPTER 135 Napahilot si Jillian sa sariling sintido. Kawawa palagi si Rafael sa walanghiyang Zacharias. Isinara niya ang pinto ng walk-in closet at saka lumabas ng kwarto nito. Mukhang nalock naman na ni Zacharias ang mga dapat i-lock kahit pa secured ang village na iyon kaya bumalik na siya sa Master’s bedroom. Eksakto naman na nagri-ring ang kanyang cellphone. “Baby ko!” maligaya niyang sabi."Mommy, susunduin mo ba ako bukas po?”"Oo, baby. Pagkatapos ng almusal, pupunta ako riyan.”“Mommy, hindi ka magwo-work bukas?” gulat nitong tanong."Hindi muna. Magpapahinga muna si Mommy ng ilang araw. Gusto mo ba na mamasyal tayo bukas?”"Talaga po? Gusto ko, Mommy ko. Gusto ko po!” eksayted na sabi ni Kai.“Oo. Teka, saan mo ba gustong pumunta?”Sandaling natahimik si Kai bago nagsalita. “Mommy ko, hindi na po pala. Magsleep ka na lang o kaya manood ng movie. Rest ka na lang, Mommy ko po kasi pagod ka sa work mo.”Parang may mainit na kamay na humaplos sa puso niya
CHAPTER 134 Kumalat ang init sa kanyang mukha at leeg. Ngali-ngaling sipain niya na naman ito. Bakit ba ang berde ng utak ng walanghiyang ‘to kapag kausap siya?! “Okay hindi na.” Nangingisi itong nagtaas ng dalawang kamay. “Thank you for what, Babe? Wala akong maisip na ipinagpapasalamat mo.”"Ikaw ang nag-utos kay Chairman Chase na bigyan ako ng fifty million para sa ginawa ni Katelyn di ba?”"Nareceive mo na?""Oo. Akala ko nga nagkamali ang finance. O kaya may ilegal silang ginagawa tapos isasangkot ako.”“Ang dali mong takutin. Fifty million lang iyon.” Nagsimula itong sumubo ng pagkain."Magkano ba ang assets mo?""Around a hundred billion. Iyon ang sabi sa akin ng finance last year. Ang sarap mo talaga magluto.“Kaya naman pala naliliitan ka sa fifty million,” ismid niya rito.“You can have my assets if you just marry me.”“Hindi mo ako mauuto,” irap niya rito at kumain na rin.Humalakhak lang si Zacharias at dinagdagan pa ng ulam ang plato niya. “Now tha
CHAPTER 133 Tumunog ang kanyang cellphone. Agad niyang sinagot nang makitang si Rafael ang tumatawag. “Miss Jillian, nailipat na po namin dito sa Taguig ang mga gamit niyo. Ibinalik na rin po namin ang susi na hiniram sa Landlady. Kailan po kayo pupunta rito sa Villa para maipasok ang mga gamit?” “Papaunta na,” sagot niya naman. Nakausap niya na kaninang umaga ang Landlady. Nasa kontrata nila na isang taon dapat siya roon kaya hindi na lang niya kinuha ang mga bayad na hindi niya naman magagamit. Usapan na lang nila na magiging bakante ang apartment na iyon. Mas mabuti nga iyon dahil paano pala kung nagkaroon sila ng malaking away ni Zacharias sa hinaharap? Aba, lalayas siya bitbit si Kai at babalik sila sa Apartment."Sige po. Hihintayin namin kayo sa tapat ng pinto. At saka, may meeting si Sir Zacharias. Susubukan daw po niyang makauwi agad. Ano naman pakialam niya kay Zacharias kung maaga itong uuwi o hindi? Saka bakit sa villa ito
CHAPTER 132Inabot ni Joseph ang tubig at sumimsim nang nagsalita siya. "Hindi ako pumapayag na tanggalin si Jillian." Nabulunan ang ama. Galit na ibinagsak nito ang baso. “Gusto niyo talagang mamatay ako ng maaga ano? Wala na bang matino sa inyong mga anak ko?”"Secretary ko si Jillian. Bakit hindi mo man lang ako tinanong?""Ako ang Chairman ng Chase & Co., Hindi ko ba pwedeng tanggalin ang isang hamak na sekretarya? Isa pa, ipinaliwanag ko na hindi ba? Mawawalan din naman ng trabaho si Jillian kung nakipagmatigasan ako dahil siguradong lulubog ang Chase & Co.,”Nagtagis ang kanyang mga ngipin dahil tama ito. Madadamay rin ang iba pang empleyado nila kung nagkataon. Malalim na bumuntong-hininga si Joseph."Anak, kung gusto mong marating ang tuktok kailangan mong kontrolin ang emosyon mo. Matuto kang magsakripisyo. Babae lang ‘yan. Magkapraktikal ka! Isa pa, sa tingin mo ba may pag-asa ka kay Jillian?”Tuluyang nawalan ng imik si Jensen. Una pa lang, alam niya ng talung-t
CHAPTER 131"Pwede ko bang makausap si Chairman?”“Hindi po pumasok si Chairman ngayong araw. Paki-sign na lang po ang kontrata. Sabi ni Chairman ay dapat bukas, hindi na kayo papasok. Miss Jillian, hindi naman po kayo lugi rito sa totoo lang.”Naalala ni Jillian ang plano niya na umalis naman na talaga. Dahil lang kay Sir Jensen kaya hindi siya nagre-resign. Ngayong tinatanggal siya ng mismong Chase & Co., ay mas maganda dahil karapatan niyang makatanggap ng separation pay. Baka kung magmatigas pa siya ay gumawa ng paraan ang kumpanya para siya mismo ang mag-resign. Mas lugi siya kung ganon.Hindi na siya nagpumilit at pinirmahan na ang termination cotract. Pagbalik niya sa opisina ay nilapitan siya ni Shane. “Pinapapunta po kayo ni Sir Jensen sa opisina niya.”"…sige, puntahan ko.” Alam kaya ng boss niya na tinaggal na siya? Mahina siyang kumatok sa pinto ng mismong opisina nito."Come in." "Sir, pinapatawag niyo po raw po ako?” pormal niyang wika nang makapasok.
CHAPTER 74 Napakamot si Zacharias sa kilay dahil humagulgol na talaga ang lola niya. Ganon ba talaga kagusto nito na magkaroon ng apo sa tuhod?Hindi bumitaw si Madame Imelda kay Kai buong umaga. Pumunta pa ito sa kusina at inutusan ang mga kasambahay na magdagdag ng pagkain ng mga pabo
CHAPTER 110 "Tama si Zacharias. Mabait ka lang kapag may mahihita ka. Ang dali-dali mo pang sisihin ako sa mga bagay na hindi ko naman kasalanan. Ang kapal ng mukha mo para i-gaslight ako. Bakit hindi ka tumingin salamin para makita mo kung gaano kakapal ang mukha mo para ipamukha sa akin na Nanay
CHAPTER 87 Nangingilid ang kanyang mga luha. Nagbibigay ng kapayapaan ang mga bisig ni Zacharias na nakapalibot sa kanyang katawan. Pakiramdam niya ay lahat ng mga paghihirap at mga luha niya noon ay nagkaroon ng hustisya. Sa gilid ng kanyang mga mata ay nakita niya na bahag
CHAPTER 1 Tahimik lamang si Jillian habang pinapanood ang kanyang boss, si Jensen, na nakikipag-usap sa kaibigan nito. Nasa isa sa mga high-end restaurant sila sa BGC para sa pribadong dinner party na inorganisa ng kaibigan ng boss niya Sinamahan niya ito dahil alam niyang g







