로그인Alice POV "nasaan ngayon si Gabriel ma?"tanong ko sa aking ina. Dahil gusto ko siyang makausap.Gusto kong siya mismo ang magpaliwanag sa mga nangyayari.At syempre, gusto ko rin siyang makita. "lumabas siya ng bansa anak last month pa.".............. Natigilan ako.Umalis siya ng bansa? "kelan daw siya babalik ma?"agad kong tanong. Humugot nang malalim na paghinga aking ina. "anak,nasaan na ang singsing?Na'sayo pa ba?"tanong sa akin ni mama at hindi sinagot ang tanong ko. "anong singsing ma?"nagtataka kong tanong. "Yong iniwan sayo ni Gabriel bago siya umalis." Nagulat ako. Sa kanya nga talaga galing ang singsing na nagkakahalaga ng isang bilyon—isang taon kong itinago. Dali-dali kong kinuha sa loob ng safety drawer ko ang singsing at agad ipinakita kay mama. "ma, sinabe rin ba niya sayo ang tungkol sa singsing?" Tumango naman agad ang ina ko. "oo anak.At herlum daw ito ng pamilya nila.Ipinapasa sa susunod na maging manugang nang pamilya nila at ikaw iyon
Alice POV Isang lingo ang dumaan,wala akong kinausap sa kanilang dalawa.Ilang beses na rin nagpabalik-balik dito sa bahay si Carlo, ngunit matigas akong hindi siya hinarap.Hindi pa ako handang harapin siya.Pumasok na rin ako ng barangay hall dala ang dalawang kambal.May kasama naman akong mag-aalaga sa kanila.Kaya makakapag trabaho pa rin ako.Hindi ko pwedeng pabayaan ang nakaatang kong trabaho.Ilang buwan na lang, matatapos na ang terminong sinimulan ni papa.Hindi ko alam kung papasok ngayon si ate Ara matapos ang nangyari.Pero sana papasok pa rin siya dahil hindi pa tapos ang pagiging secretary niya.Hindi ko naman siya sinisisi sa nangyari sa kanila.Ang ikinagagalit ko lang sa kanya—bakit itinago niya sa akin ang tungkol sa gabing iyon.Bakit hindi siya naging totoo sa akin.Masama ba akong tao para gawin nila sa akin ito?May pumatak na luha sa aking mata,na agad ko namang pinahid.Nag-angat ako ng ulo dahil may pumasok.Nagkasalubong ang mga mata namin, ngunit siya ang unang nagba
Alice POV Katatapos ko lang paliguan ang dalawang kambal,kaya dinala muna sila rito sa veranda at dito ko napagdesisyunang patulogin.May kuna naman silang nilagay rito—at sakto maganda ang sikat ng araw pagtingin ko sa kalangitan.Sakto lang ang ihip ng hangin—hindi malamig,hindi rin mainit.Napakapayapa rin ang paligid,tanging maririnig mo lang ay mga huni ng ibon. Napangiti ako at tumingin sa dalawang kambal na mahimbing ng natutulog sa kanilang kuna ng mapayapa.Gabi nila ngayon,kaya kahit siguro maingay ang paligid nila,hindi sila magigising. Mabuti pa ang bata,walang iniisip na problema.Hindi tulad naming matatanda,ang daming iniisip na problema. Muli akong napangiti ng may humalik sa tuktok ng ulo ko at yumakap sa aking likuran. "bakit hindi mo ako ginising mahal."may pagtatampo ang kanyang tinig. Unti-unti akong lumingon sa asawa ko paharap sa kanya,saka ngumiti sa kanya. "kasi, ayaw naming sturbohin ang masarap mong tulog."sabe ko sabay haplos sa gwapong mukha ni C
Ara POV "Ara,"tawag ni inay sa pangalan ko. Nasa kusina siya, inihahanda ang kakanin na bagong luto.Ako naman ay nasa silid ko,inaayos ang maluwang kong damit.Hindi nila pwedeng malaman na mayroon akong tinatago sa loob nito.Ilang buwan kong itinago dahil ayaw kong makasira ng isang pamilya.Ilang buwan kong pinagsisisihan ang pagkakamaling iyon.Pero ang pagdating niya sa buhay ko,isang pinakamagandang regalong natanggap ko.Ngunit hindi ko alam hanggang kelan ko maitatago. Nang makita kong maayos na aking suot, nagmamadali akong lumabas ng aking silid. "bakit po nay."sagot ko habang papalapit ako sa kanya. "bago ka pumasok sa barangay hall,ihatid mo muna itong kakainin sa bahay ni madam Fasipa."utos niya sa akin.Agad naman akong tumango. "sige po nay." "pero kumain ka muna,parang wala kang lakas.Kagabi kakaunti lang ang nakain mo."sabe niya sa akin.Tumingin siya sa akin ng diretso at pinasadahan niya ako ng tingin mula ulo hanggang Paa.Ngunit "teka nga muna,Ara.Bakit pala
Alice POV Apat na araw kaming nanatili sa hospital bago kami pinauwi ng doctor.Maayos naman kaming mag-iina kaya walang naging problema.At sa apat na araw na iyon,hindi muling nagpakita sa akin si Gabriel sa hospital.Baka sumuko na ito—iyon naman ang dapat. At si Carlo naman,thru live video ang araw-araw niyang meeting sa mga boardmembers at sa mga shareholders ng kumpanya niya.Naaawa na nga rin ako sa kanya dahil maghapon siyang nakaharap sa laptop at napupuyat pa sa gabi upang tulungan niya lang akong mag-asikaso sa kambal.Tinutulongan naman kami ni mama pero hanggang alas onse lang gabi dahil may trabaho pa siya kinabukasan. Mahirap man ang maging magulang—gabi-gabing puyat.Pero kahit na ganun,nakakaya naman at masaya kaming alagaan ang kambal. Ngayon,isang buwan na ang kambal.Ngunit araw-araw na lumilipas,napapansin namin ang pagkakahawig ng dalawang kambal kay Gabriel.Hindi namin iyon maipagkakaila na siya ang ama at hindi si Carlo.Pero nagpapaama si Carlo sa anak ko,hindi
Carlo POV Kasalukuyan akong nasa meeting—pinag-uusapan ang tungkol sa problema ng kumpanya.Narito lahat ang mga boardmembers ,isa-isa silang nagrereklamo,ang iba ay hindi.Tahimik lang din ako habang pinapakinggan silang magsalita.Halos inabot na kami ng maghapon, hanggang ngayon wala pang natatapos. Ngunit naagaw ang pansin ko cellphone kong nag vibrate sa haparan ko.Kinuha ko iyon at tingnan kong sino ang nagpadala ng mensahe.Biglang napahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko matapos kong mabasa ang text ni mama Alicia. Napatayo ako. "the meeting is over."turan ko sa medyo mataas na boses. "ano?Wala pa tayong natatapos Mr.Martinez,ngayon sasabihin mong the meeting is over."reklamo ng isang board member.Nagsitangunan naman ang iba. Tumingin ako sa kanya at matalim ko siyang tinitign."anong karapatan mong magsalita.Sino ka ba sa inaakala mo?—kayo!May karapatan ba kayong magsalita?Sino ang may-ari ng Kumpanyang ito—hindi ba ako.Kaya kong ano ang sinabe ko,sundin niyo? Don't say
Gabriel Clark/Adan Montes POV "sir Gabriel,may maganda akong balita...nakuha ko na po ang files na magdidiin kay Don Ignacio."bungad agad ng tauhan ko sa kabilang linya. "good."agad kong tugon. "ah sir Gabriel.May nais pa akong sabihin sayo." Hindi ako umimik at alam na niya iyon. "Narini
Alice POV Naghahanda na ako para sa pagpasok ko ng barangay hall.Kailangan kong maagang pumasok ngayon,dahil nakatanggap ako ng mensahe kagabi,na bibisita ngayon si Mayor Gerry Calderon.Kaya hindi ako dapat malate na pumasok.Ano na lang ang sasabihin ng butihing mayor kong pahuli-huli ako sa tra
Alice POV Naging mahirap at nakakapagod ang isang buwang paghahanda para sa fiesta ng Santa Barbara. Pagkatapos ng isang linggo,natapos na rin sa wakas.Talo man kami sa mga aktibidad,basta ang mahalaga ay naitawid namin ng maayos nang walang problema.Ang problema ko naman sa expenses ay natapos
Alice POV Dalawang lingo na ang dumaan,kaya tatlong lingo na rin akong nakaupo bilang kapitana.At si manong mario naman ay nakalabas na nang hospital at ito'y kasalukuyang nagpapagaling na sa kanilang bahay. Bago ako uuwi mamaya, kailangan ko munang dumaan sa bahay nila upang ibigay ang retirem







