ログインSiya si Marikit, ang babaeng sa sobrang ganda ay binansagan siya bilang si Miss Manananggal. Sa baryo San Lazaro, ang pagkakaroon ng porselanang balat at balingkinitang katawan ni Marikit ay hindi biyaya kundi isa itong sumpa. Para sa mga taga-rito, ang babaeng ubod ng ganda ay hindi tao, kundi isang halimaw na nahahati ang katawan pagsapit ng dilim. Habang ang lahat ay nanginginig sa takot tuwing nakikita si Marikit, para kay Joaquin ay isa itong biyaya. Mataas ang paghanga niya kay Marikit dahil sa gandang meron ito. Bukod doon ay namamangha siya sa katatagan ng loob ng dalaga dahil kinakaya nitong sikmurain ang lahat ng pangungutya ng bayan sa kaniya para lang maitaguyod ang kaniyang pamilya. Pero paano kung ang mga tao na ang humadlang sa kanilang dalawa? Anak ng Mayor si Joaquin habang si Marikit naman ang itinuturing na salot sa lugar nila. Sapat na nga ba ang paghanga ni Joaquin para ipaglaban ang isang babaeng sa paningin ng madla ay hindi dapat minamahal? O kailangan din ba niyang maging halimaw para lang maprotektahan ang kaisa-isang dyosa ng buhay niya?
もっと見るDito sa baryo San Lazaro, may paniniwala sila na nagmula pa sa mga yumaong matatanda, na ang manananggal daw ay hindi naman talaga mukhang nakakatakot sa umaga. Sila raw ‘yung mga babaeng may mala-porselanang balat, mahabang buhok na kasing-itim ng gabi, at katawang sobrang sexy. Sa madaling salita, ubod ng ganda. At sa madaling salita ulit, ang babaeng tulad ni Marikit ay isang manananggal.
**** MARIKIT'S POV Malamig ang simoy ng hangin, pero mas malamig ang titig ng mga kapitbahay namin. Nandito kami ngayon ni Inay sa palengke para ibenta kay Mang Kanor ang mga boteng naipon sa bahay. Dapat sana ay mamayang hatinggabi pa pero kailangang-kailangan na kasi namin ng pera. May lagnat ang bunso kong kapatid at kahit isang paracetamol na muna ang maibili namin para sa kaniya. "Marikit, huwag mo na silang nililingon," bulong ni Inay habang hila-hila ako palayo sa kumpol ng mga chismosang kanina pa nagkukrus pagkakita sa amin. "Ang sasama kasi ng tingin nila sa atin. Wala naman tayong ginagawa," reklamo ko. "Hayaan mo na. Mas mabuti nang takot sila sa atin kaysa saktan pa tayo," sagot ni Inay. Tumango na lang ako at hindi na nagreklamo. Kung ako ay tawag nila sa akin ay si Miss Manananggal, si Inay naman ang Reyna ng mga Aswang. Bakit? Simple lang ang basehan nila. Una, hindi kumakain ng luya si Inay. Nagsimula iyon nang may nag-alok sa kanya ng tinola na may maraming luya, tinanggihan iyon ni Inay dahil sa malalang ulcer niya. Pero sa mata ng mga tao dito, ang pag-ayaw sa luya ay katumbas ng pagkakaroon ng mahabang dila at pagnanasa sa dugo. Pangalawa, lumalabas si Inay tuwing hatinggabi. Eh kaya lang naman lumalabas si Inay ng ganoong oras dahil para makapangalakal. Tuwing umaga kasi ay pinagbabato siya ng kung anu-ano ng mga bata. Ang iba naman ay tinatawag siyang tiktik, o ‘di kaya ay sinisigawan ng salot. Para iyon sa seguridad niya kaya mas pinipili niyang sa hatinggabi na mangalakal kung kailan tulog na ang mga tao. Buong buhay ko, iyon na ang nangyayari sa amin ni Inay. Gusto kong sabihin na nasanay ako pero hindi. Kahit gusto kong magalit sa mga tao at sa walang kwenta nilang paniniwala, pinipili ko na lang manahimik at tiisin lahat ng panghuhusga nila. Kaysa naman palayasin nila kaming tatlo. Wala kaming mapupuntahan at walang kakayahang lumipat ng ibang lugar. Hanggang isang gabi, nagbago ang lahat... Kakagaling lang ng bunso kong kapatid kaso si Inay naman ang nagkasakit. Nag-aalburoto na naman kasi ang ulcer niya kaya hindi siya puwedeng mangalakal. "Kaya ko naman po, Nay. Sige na ho. Magpahinga na lang kayo d’yan. Sa malapit na tambakan ng basura na lang ako mangangalakal. Kung may makita akong papalapit na tao, magtatago agad ako o ‘di kaya ay tatakbo pauwi rito," pagpipilit ko habang isinusuot ang luma kong jacket. Ayaw niya talaga akong palabasin sa kadahilanang baka raw saktan ako ng mga tao. Ilang beses na namin ito pinagtatalunan pero ngayon lang ako naglakas-loob na suwayin siya. Wala kaming kakainin bukas kung wala kaming maibenta kay Mang Kanor mamaya. "Huwag, Marikit... mapanganib. Baka kung anong gawin nila sa 'yo," hirap na sabi ni Inay. "Hatinggabi na, Nay. Tulog na ang mga tao. At sino ba ang lalapit sa isang 'manananggal' na tulad ko? Takot lang nila," biro ko. Ayaw man niya pero wala na siyang nagawa nang lumabas na ako ng bahay. Tahimik na kalsada ng San Lazaro ang sumalubong sa akin. Bitbit ang maliit na flashlight na halos pundi na, nagtungo ako sa malapit na tambakan sa tabi ng plasa. Habang naghahalungkat ako sa basura, isang maliwanag na headlight ng motor ang tumama sa akin. Huli na nang sinubukan kong magtago sa gilid dahil isang baritono at awtoritibong boses ang nagsalita mula sa likuran ko. "Sino 'yan?" Agad kong pinangtakip sa mukha ko ang dala kong sako saka niyuko ang ulo para hindi ako makilala, kaso… "Marikit?" Nanigas ako. Nakilala niya ako! Diyos ko, nakilala ako! "Anong ginagawa mo rito sa ganitong oras?" tanong ng kung sinumang lalaki na nasa likuran ko. Dahan-dahan kong tinanggal ang pagkakatakip ng sako sa mukha ko at nilingon na ang lalaki. Agad nanlaki ang mga mata ko nang makilala ito. Si Joaquin Samuel Alonzo. Nakasakay siya sa kaniyang big bike pero agad bumaba sa paglingon ko sa kaniya. “Akala ko kung sino na. Ikaw lang pala!” ani pa niya nang nasa harapan ko na siya. Siya ang nag-iisang anak ng Mayor. Kilala siya sa tawag na Wacky. Gwapo, matalino, at siya ang laging nangunguna sa pagronda para panatilihing ligtas ang baryo laban sa mga masasamang tao. "Na… nangalakal lang," maikli ngunit nauutal kong sagot sabay hila sa sako ko. "Gabi na. Delikado para sa isang babae ang mag-isa rito. Lalo na't..." Tumigil siya, tila nag-iisip ng sasabihin. "Lalo na't ano? Lalo na't baka mamaya ay mahati ang katawan ko at iwan ko rito ang binti ko?" Pagkatapos ko sa sabihin niyan ay inirapan ko siya. "Huwag ka po mag-alala, wala akong planong kumain ng tao ngayon. Busog pa ako." Aalis na sana ako kaso bigla siyang tumawa ng malakas. "Hindi 'yan ang sasabihin ko. Ang sabi ko, delikado dahil baka may mga lasing o masasamang loob sa paligid. At saka, bakit ikaw ang gumagawa nito? Nasaan ang nanay mo?" "Ma… may sakit siya," halos pabulong ko nang sagot dahil bigla akong nahiya. Sandali siyang natahimik kaya yumuko na ako bilang paghingi ng paumanhin. "Pasensya na po sa inasal ko. Sige po, aalis na ako." Patalikod pa lang ako nang hawakan niya bigla ang dala kong sako, dahilan para mapatigil ako. “A-anong… anong gagawin mo? Huhulihin mo ba ko?” kinakabahan ko nang tanong. Pero imbes na sagutin niya ako ay inagaw niya sa akin ang sako sabay lapit sa basurahan. "Alin dito ang kukunin?" tanong niya habang seryosong nakatingin sa mga nakatambak na sako at plastik. "A-ano?” halos mabulol ako. "Wala kasi akong dalang cash kaya tutulungan na lang kita. Alin ba dito ang bote? Ang lata?" Akmang dadamputin niya ang maruming bote nang harangan ko siya. "S-Sir, huwag na ho! Baka madumihan ka!" Tumingin siya sa akin, diretso sa mga mata ko. "Marikit, ayos lang naman sa’kin. Sige na, ituro mo na lang sa’kin ang dapat at hindi dapat na damputin para alam ko." Mariin akong napakagat-labi. “P-pero nakakahiya po… baka may makakita sa’yo at pag-isipan ka pa nila ng… masama.” “Ako nga dapat ang mahiya, e. Si Papa kasi, ayaw pakinggan mga reklamo ko. Oh siya, asan na ba dito ang puwede?” akmang dadampot ulit siya ng bote kaya sinipa ko na iyon para hindi niya mahawakan. Nagulat siya sa ginawa ko pero mayamaya ay natawa na lang. “Ganito na lang, hintayin na lang kita matapos, tapos ihatid na kita sa pagbebentahan mo. Kay Mang Kanor, ‘di ba?” Hilaw na akong napangiti sa kadahilanang hindi ko alam kung paano ayawan ang alok niya. Gusto lang naman niya tumulong pero heto ako’t aayawan na naman siya. “Uh… ano kasi—” “Sige na, pumayag ka na. O baka naman gusto mong gamitin ang mga pakpak mo kaysa magpahatid sa akin?” aniya at humalakhak. Imbes na mainsulto ako sa tanong niya ay natawa na lang ako, pero mahina lang. Halata naman kasing binibiro niya lang ako. “Sige…” nagdadalawamg isip kong sagot. “Sige na ano? Sige na ihahatid kita o sige na gagamitin mo pakpak mo?” At pareho na nga kaming napahalakhak. Iyon ang unang beses na makausap ko siya. Sa buong buhay kong nakatira dito sa lugar kung saan laganap ang panghuhusga, siya lang ang kaisa-isang tao na hindi turing sa akin ay isang manananggal, kundi isang tao. Simula noong araw na iyon, walang araw na hindi ko siya iniisip. At simula rin sa araw na iyon, ang bata kong puso ay sa kaniya lang tumibok—kahit pa halos sampung taon ang tanda niya sa akin Kaso iyon din pala ang una at huli naming pagkikita. Gabi-gabi akong bumalik sa parehong lugar ng basurahan kung saan niya ako naabutan. Halos araw-araw na akong naghintay doon sa kaniya sa parehong oras, umaasang makikita at makakausap ko siya ulit. Pero hindi na siya muli nagronda doon. Hanggang sa narinig ko na lang kay Inay na nag-ibang bansa na pala siya para doon na mag-aaral ng kolehiyo.Simula nang mangyari ang insidente sa opisina ng Principal, literal na wala na talagang nagtangkang mambully sa akin. Siguro ay kumalat na sa buong San Lazaro National High School ang tungkol sa pagpoprotekta sa akin ni Joaquin. Kahit ang mga dating tinitingnan ako na parang dumi sa kalsada, ngayon ay umiiwas na rin ng tingin o kaya naman ay napipilitang ngitian ako kapag nagkakasalubong kami sa hallway. "Marikit, oh! Sandwich, baka magutom ka sa susunod na subject," abot sa akin ni Jace habang naglalakad kami patungo sa susunod naming subject. "S-salamat, Jace. Pero nakakahiya na, halos araw-araw mo na akong nililibre," sagot ko. "Sus, maliit na bagay! At saka, reward ko rin ito sa sarili ko dahil ako na ang unofficial bodyguard mo kapag wala si Sir Wacky," pagmamalaki niya. Ganito na siya sa akin ngayon. Kung minsan ay naririnig ko pa siyang pinagsasabihan ni Brent sa gilid dahil sa pagiging malapit na namin, pero wala lang iyon sa kaniya. Ang nakakagulat pa, dahil sa pagigin
Binalot ng nakakabinging katahimikan ang buong opisina ng Principal. Ang kaniyang boses na seryoso at ang mga mata niya ay tila nag-aapoy sa galit, sapat na para manginig sa takot sina Celeste. Kahit ako ay hindi na rin makatingin nang diretso sa kaniya. Ramdam na ramdam ko rin ang init ng kaniyang mga palad sa balikat ko, indikasyon na matindi na talaga ang galit niya."Sir Joaquin... a-ano po kasi, nagkakabiruan lang naman po ang mga bata," pilit na pagpapakalma ng Principal, pero isang matalim na tingin lang ang isinagot ni Joaquin. "Nagkakabiruan? Ma'am, look at her hair. Look at her blouse. Biruan pa ba ang sinapit niya? Dati ko nang nababalitaan na lagi siyang binubully pero bakit parang wala pa ring aksyon?" bulyaw ni Joaquin. Ibinaling niya ang tingin sa tatlong babae na ngayo’y nakayuko na. "Sino sa inyo ang unang humawak sa kaniya?"Walang nakasagot. Pati si Jace ay tila natakot din dahil dahan-dahan siyang napaatras nang kaunti, pero agad din nakabawi at tinuro na si Celes
Kinabukasan, maaga na naman ang pagparada ng Hilux ni Joaquin sa tapat ng bahay namin. Pero sa pagkakataong ito, may dala na siyang pang-almusal naming pamilya. Tatlong kape at isang balot ng pandesal. Pero saglit lang siyang nag-stay dahil dadaan daw muna siya sa munisipyo bago ako ihatid. Saktong tapos na kaming mag-almusal nina Inay at bihis na bihis na rin ako nang bumalik din siya. "’Yan na ba ’yung bagong sapatos? Bagay sa'yo," puna niya habang nagmamaneho."Opo, salamat po ulit," tipid kong sagot. Iniisip ko pa rin ang sinabi ni Inay kagabi. Hangganan. Ngayon pa lang ay dapat itatak ko na talaga sa utak ko na hanggang kuya lang dapat ang tingin ko sa kaniya at hindi na pwedeng lumampas pa doon.Pagbaba ko sa school, hindi na ako nagulat nang nasa amin ang mga tingin ng estudyante. Nagpaalam na ako sa kaniya at mabilis nang nagtungo sa room ko. Pero ang hindi ko inaasahan ay ang pagsalubong sa akin ni Celeste sa mismong bukana ng room namin. Kasama niya ang dalawa niyang mga al
Parang gusto ko na lang talaga maging totoong manananggal sa oras na ito para lang makalipad ako palayo at maglaho sa paningin ng lahat. Maganda kong kapatid? Nakakahiya! Pakiramdam ko ay pulang-pula na ang pisngi ko sa sobrang hiya. "Hala, Marikit! Kapatid ka pala talaga ni Sir Wacky?" hindi makapaniwalang tanong ng isa kong kaklase na kanina pa nakatayo sa tabi ko. "A-ah... h-hindi... k-kapatid-kapatiran lang," halos pabulong kong sagot bago ako napilitang humakbang palabas ng room. Sinalubong ako ni Jace sa may pinto at tinapik ang balikat ko. "O, kapatid pala turing sa'yo, e. Huwag mong kakalimutan 'yung sa assistant ha? Una na ako, best friend!" Hindi ko na siya nasagot dahil diretso na ang tingin sa akin ni Joaquin. Naglakad ako pababa ng hagdan habang nakayuko, ramdam na ramdam ko ang mga mata ng mga estudyanteng nakadungaw sa bawat corridor ng building. "Bakit hindi ka agad lumabas? Akala ko tuloy kanina tinakbuhan mo na naman ako,” bungad ni Joaquin nang makalapit ako
Alas-nuwebe na ng gabi nang ihatid kaming mga scholar ng puting van pabalik sa school bago kami tuluyang nakauwi sa kani-kaniya naming bahay. Sa buong biyahe, hindi nawala ang ngiti sa labi ko. Kung kanina ay pasan ko ang mundo, ngayon ay parang lumilipad na ako sa ulap sa sobrang saya. “At… ang
Eksaktong alas-kwatro ay nasa tapat na kami ng gate. Isang puting van ang huminto sa harap namin, at kahit labag sa loob ko, sumakay ako. Tahimik lang ako sa tabi ng bintana habang ang apat kong kasama ay excited na nag-uusap tungkol sa kung anong pagkain ang ihahain bukas. "Sigurado ako, steak an
"Huy, Miss Manananggal! Baka gusto mong bilisan ang paglalakad!" Isang malakas na tawanan ang sumunod sa sigaw na iyon ni Jace, ang kaklase kong babae na walang ibang ginawa kundi bwisitin ang buhay ko simula nang pumasok ako rito sa San Lazaro National High School. Grade 10 na ako, at sa loob
“Marikit! Marikit, bumalik na ang anak ng Mayor! Si Joaquin, bumalik na!” Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ko ang mga sigaw ni Inay mula sa labas. Dali-dali akong lumabas mula sa kusina, bitbit pa ang basang basahan nang salubungan ko siya sa bandang sala namin. “Ano ba'ng nangyari












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
レビュー