LOGINChusan POVI can’t remember the last time I sat at a dinner table this happy. Siguro, sobrang tagal na rin.Ang haba ng lamesa rito ng mga helltrace. Saktong-sakto sa aming lahat na nandito.Tapos, punong-puno ng pagkain ang buong lamesa.May inihaw na manok, Barbecue, Seafood, Mga gulay, Mainit na sabaw, at iba’t ibang putahe na parang espesyal na handaan.Pero hindi pagkain ang nagpapabusog sa akin, kundi ang mag-ina kong sina Ila at Isla.Hindi pa rin mawala-wala ang kilig ko kapag tinitignan ko silang dalawa. Lalo na si Isla na anak ko pala. Now I get why she’s so cute. Why she’s so fair-skinned. Why she looks Korean. Because she’s my daughter, after all.Paminsan-minsan ay palihim ko silang tinitingnan.Hanggang ngayon, hindi pa rin ako makapaniwalang magkatabi kaming tatlo.Parang ilang taon kong ipinagdasal ang eksenang ito. Na ang akala ko, sobrang imposibleng mangyari ito kasi ang alam ko, patay na talaga si Sylala.Sa kabilang bahagi ng lamesa naman ay naroon sina Mama Keila
Sera POVPakiramdam ko, ngayon lang ako tunay na natalo sa buong buhay ko. Ang sama-sama ng pakiramdam ko. Ang masamang pakiramdam ko simula nung magpunta ako sa Amontala ay tila nagtuloy-tuloy na ngayon. Nag-iinit na ang katawan ko, pero tahimik akong naglalakad sa airport kasama si Harry.Gusto ko sanang magpahinga, pero ayoko nang mag-stay pa doon. Kasama na niya si Sylaila. Nawala agad sa akin ang Chusan ko.Alam kong wala na akong puwang sa puso niya ngayon, at kahit magmakaawa pa ako, wala na akong magagawa pa talaga.Mahigpit kong hinila pababa ang cap ko. Mas inayos ko rin ang facemask na suot ko. Ayokong may makakilala sa akin. Ayokong may makakita sa mukha kong namamaga na sa kakaiyak.Sa mga oras na ito, trending din ako sa lahat ng social media. Pinagtatawanan ako dahil karma ko na raw ang dumating dahil wala na akong saysay kay Chusan. Nagbalik na raw ang tunay na reyna.Lahat ng tinarayan ko noon, nagsama-sama sa social media para ma-bully ako.“Sa wakas, nagbalik na ang
Nardo POVSa wakas. Nakarating din ako rito. Pagbaba ko ng lumang bus, agad kong nilibot ng tingin ang buong paligid.Napabuntong-hininga ako. Hindi ako nagkamali nang pinuntahang lugar. Mas liblib pa pala talaga rito kaysa sa Amontala.Ito pala ang Gitambak Province. Ang pinakadulong lugar na alam kong halos walang gustong pumunta.Dito kasi ay makitid ang mga kalsadang dadaan bago makarating sa Gitambak. Halos puro bundok ang nakapaligid din.May ilang kabayo at kalabaw na dumaraan sa daan. Ang mga bahay ay gawa sa kahoy at kawayan. Ang iba pa nga ay nipa hut lang.Napangiti ako nang bahagya. “Perfect talaga rito,” kalmado kong bulong.Ito mismo ang hinahanap kong pagtataguan. Isang lugar na hindi ako madaling mahahanap ng kahit sinuman.Naglakad ako habang pasan ang luma kong backpack. Wala akong dalang maraming gamit. Kaunting damit lang. Ilang personal na gamit, at wala nang iba pa.Napatingin ako sa maliit na tindahan sa gilid ng daan. May ilang matatandang lalaki ang nakaupo ro
Sylaila POVDahan-dahan kaming naghiwalay sa pagkakayakap ni Chusan. Pag-angat ko ng tingin ay namumula pa rin ang mga mata ni Chusan. Ngumiti pa siya sa akin kahit halatang kakaiyak lang.Hindi ko napigilang gumanti rin ng ngiti kahit nahihiya pa ako.Hindi pa man ako nakakapagsalita ay may maliit na boses na biglang sumingit.“Hello po, Kuya cute!”Napalingon kaming lahat kay Isla. Nakangiti siyang tumatakbo papunta kay Chusan.Nagulat pa ako nang kusang yumakap ang anak ko sa binti niya. Mas lalo namang nanlaki ang mga mata nina Mama, Papa, Kuya Keilys, at Ate Ilaria.Napayuko si Chusan kay Isla.Ngumiti siya. “Hello, Isla! Sa wakas, nagkita ulit tayo, anak ko,” masayang bati niya.Napapaluha sina Fabian at Lusing dahil hindi sila makapaniwala sa nakikita. Lalo na sa eksena nila Chusan at Isla.“Sandali lang.” Napatingin kaming lahat kay Mama Keilani. “Bakit Kuya Cute ang tawag ni Isla kay Chusan?”Napatingin din ako kay Chusan. Titignan ko kung anong isasagot niya.Napangiti nang
Sylaila POVMasayang nagkukuwentuhan sina Mama, Papa, Kuya Keilys, habang si Isla naman ay abala sa paglalaro ng stuffed toy na ibinigay ni Tito Keilys niya.Ako naman ay tahimik lang na nakaupo. Paminsan-minsan ay napapatingin ako sa malaking pinto ng bahay na kinaroroonan namin. Hindi ko alam kung bakit. Pero simula nang sabihin nila na si Chusan ang ama ni Isla, parang hindi na mapakali ang puso ko. Para bang pati ako ay excited na rin siyang ma-meet ulit, kahit na-meet ko na siya nun sa farm namin ni Nardo. Kaya pala ganoon ang pakiramdam ko nung mga oras na iyon, matagal na pala kaming nagmamahalan. Tapos, siya pa pala ang ama ni Isla.Tama, gets ko na rin kung bakit ganoon na lang ang pagka-attach niya sa bata. Kasi nga anak niya si Isla.Napahawak ako sa dibdib ko. Bakit ganoon? Bakit hindi ko man maalala ang buong nakaraan ko?Kung limang taon na nung mangyari ang aksidente, bakit hindi pa bumabalik ang mga alaala ko?“Ila?"Napalingon ako kay Mama.“Ayos ka lang ba?”Ngumiti
Chusan POVMahigpit kong hawak ang manibela habang mabilis na umaandar ang sasakyan sa mga kalsada ng Colmenares Town. Nakaiwan nga ng cellphone si Sera dito sa loob ng sasakyan pero bigla ring nawalan ng battery, lowbat na agad. Sinubukan ko pang buksan, pero patay na talaga ang lintik na cellphone.Napamura na lang ako sa inis. Pero wala na akong magagawa. Kailangan ko na lang magtanong-tanong sa mga tao. Gagamitin ko na ang totoong mukha ko, ‘yung walang facemask at cap, para mas mabilis nila akong tulungan.Huminga ako nang malalim at pinabagal ang takbo ng sasakyan.Pagdating sa isang kanto ay may nakita akong grupo ng mga tricycle driver na nagkukuwentuhan.Ibinaba ko ang bintana. “Boss, tanong lang po.” Napalingon silang lahat sa akin. Nagulat pa sila kasi agad nila akong nakilala.“Uy, si Chusan oh!”“Astig, guwapo pala itong binatang ito sa personal.”“Mukhang nandito na rin siya para kay Sylaila, sikat na sikat tuloy ang lugar natin ngayon dahil sa balita.”Napangiti na lan
Ilaria POVNung gabing iyon, kahit alas nuebe na, pinilit naming puntahan si Rica para ibalita ang nakita namin sa isang USB na nakuha namin sa taguan ni Lorcan.Pagbukas palang ng pinto ng condo niya, parang ayoko muna talagang harapin siya kasi ang bigat ng balitang dala-dala namin ni Keilys. Ina
Ilaria POVHindi na ako nagulat nang dumating si Lorcan sa harap ko na parang asong basang-basa ng pawis.Last day na kasi ngayon ng isang linggong palugit na binigay ko sa kaniya. Pero mukhang natupad na niya, kasi sumagot na siya sa message ko.Tahimik siyang pumasok sa maliit na meeting room dit
Ilaria POV“Ilaria, dito ka lang. Tutulungan ko si Papa Sylas. Lalaki ako, ayokong maging duwag. Gusto kong kumilos din,” paalam ni Keilys.Tinignan ko siya ng masama. “Seryoso ka ba diyan? Baka mapahamak ka?” tanong ko pa. Ayoko sana siyang paalisin, pero mukhang desidido siya sa pagtulong sa papa
Ilaria POVPagkalabas namin ng mansiyon ng Pamilyang Trey, parang doon pa lang ako nakahinga nang maluwag. Hindi ko alam kung dahil ba sa presensya ni Loraine na parang kayang manapak kahit naka-wheelchair, o dahil sa adrenaline na umakyat bigla sa leeg ko noong sinabi niyang gusto niya akong kunin






![Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]](https://yfbwww.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)
