LOGINTuluyan nang bumuhos ang kanyang mga luha. Hindi na niya mabilang kung ilang beses siyang umiyak ngayong gabi. Sa loob lamang ng isang gabi... tinanggap siya ng pamilya, ginawang bahagi ng angkan. At ngayon... ang lalaking pinakamamahal niya ay humihingi ng kanyang habambuhay."Jolie?"Mahinang tawag muli ni Tyler. Napangiti siya sa gitna ng kanyang pagluha. Tumango siya nang paulit-ulit."Yes... Yes, love... I will marry you." Napasinghap siya habang pinipigilan ang paghikbi. Kasabay ng kanyang sagot ay umalingawngaw ang malalakas na palakpakan at hiyawan ng buong pamilya. Napuno ng tawanan, sigawan, at luha ng kaligayahan ang buong hardin.Bago pa man tuluyang makabawi si Jolie sa sobrang emosyon ay marahang kinuha ni Tyler ang singsing mula sa maliit na kahon."Can I?" mahina nitong tanong habang nakatingala pa rin sa kanya.Tumango lamang siya habang tuloy-tuloy ang pagpatak ng kanyang mga luha."I love you so much...""I love you too," nanginginig niyang tugon.Maingat na isinuo
"Iha..."Marahang tawag ni Tita Bebe na siyang nagpabalik sa ulirat ni Jolie.Dahan-dahan nitong hinawakan ang kanyang kamay. Nang magtama ang kanilang mga mata, bigla siyang kinabahan."A-ano po 'yon, Tita?" mahina niyang tanong.Ngumiti si Tita Bebe bago marahang nagsalita."We really mean it noong sinabi naming nagpapasalamat kami sa'yo. Hindi mo lang napasaya ang anak namin... binago mo rin siya. Ibinigay mo sa kanya ang kapayapaang matagal na naming ipinagdarasal." Sandaling huminto ito bago muling nagsalita. "At dahil doon... may gusto akong ibigay sa'yo."Mula sa bulsa nito ay dahan-dahang inilabas ang isang maliit na velvet box. Napahawak siya sa sariling dibdib. Nang mabuksan ang kahon ay tila tumigil ang oras. Isang napakagandang heirloom bracelet ang nakahimlay sa loob nito. Gawa iyon sa puting ginto, at napapalibutan ng maliliit ngunit napakakinang na mga diyamante. Nang tamaan iyon ng ilaw mula sa chandelier ay para iyong nagmistulang mga bituin sa kalangitan.Nanlaki ang
Napalingon si Tyler sa direksiyong kanyang tinitingnan. Ngumiti lang ito at mukhang alam na ang lahat Sa kabilang dulo ng veranda ay nakatayo sina Tito James at Tita Bebe. Tahimik lamang ang mga itong nakatingin sa kanya.Nang magtama ang kanilang mga mata ni Tita Bebe ay biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. Hindi niya namalayang kusang yumuko ang kanyang ulo, bigla siyang kinabahan.Ang huli niyang pagkikita sa mga ito ay noong kasal pa nina Kuya Clarkson at Ate Aria... noong indi pa sila ni Tyler. Wala pa silang relasyon.Lalong hindi niya inaasahang darating ang araw na dadalhin niya ang apo ng mga ito sa kanyang sinapupunan. Hindi rin niya alam kung alam na ba ng mga ito ang lahat. Kung tanggap ba siya. O kung may sama ng loob ang mga ito sa kanya... hindi niya alam ang iisipin.Napansin ni Tyler ang biglang pagkapit niya sa manggas nito. Marahan nitong pinisil ang kanyang kamay."Relax, love." Mahina nitong bulong. "Everything is going to be okay."Ngunit kahit ganoon, hin
"Our Family?" Natigilan siya. Limang araw na ang nakalipas mula nang kaarawan niya.Sa dami ng nangyari... ang aksidente, ang pagkakaospital, ang takot na muntik niyang maranasan, nakalimutan na niyang nagkaroon pala siya ng kaarawan.Hindi niya inakalang aalalahanin pa iyon ng pamilya Miller. Hindi na nga kailangan. Ang mahalaga sa kanya ay ligtas silang mag-ina.Unti-unting namuo ang luha sa kanyang mga mata. Bago pa man siya makapagsalita ay muli na namang bumukas ang pintuan ng mansyon.Isa-isang lumabas ang mga miyembro ng pamilya... Nauna niyang nakita sina Kuya Gray at Ate Rosabel, asayang kumakaway ang dalawa habang nakangiti.Kasunod naman sina Ate Lilly at Kuya Finn na parehong may dalang mga regalo."Happy birthday ulit, Jolie!" sigaw ni Gray."Mas bongga ngayon!" natatawang dagdag ni Rosabel.Napangiti siya. Halos maiyak siya sa sobrang saya. Kahit hindi niya kadugo ang mga ito... hindi niya kailanman naramdamang iba siya sa pamilya. Palagi siyang tinuturing na tunay nilan
JOLIE'S POV:Makalipas ang ilang araw...s a wakas ay pinayagan na rin silang makalabas ng ospital.Kasalukuyan silang bumibiyahe patungo sa rancho nina Lola Beth sa Pampanga. Mahaba ang biyahe, pero hindi siya nagrereklamo. Maaari naman sana silang dumiretso muna sa condominium o kaya'y sa Miller hotel para makapagpahinga. Ngunit mariing tumutol si Lola Beth.Matapos ang lahat ng nangyari kay sa kanya... ang aksidente, ang panganib na muntik nang kumitil sa kanilang buhay ni Tyler, at ang takot ito na baka mawala ang apo nitong nasa sinapupunan niya. Hindi na pumayag ang matanda na malayo pa sila sa paningin nito kahit isang araw lang.Mas gusto nitong makasama siya sa rancho, kung saan tahimik, sariwa ang hangin, at ligtas siya sa anumang maaaring magdulot ng stress.Habang iniisip iyon, hindi niya namalayan na unti-unti nang namumuo ang luha sa kanyang mga mata. Tahimik siyang napasinghap. Ano bang kabutihan ang nagawa niya para pagkalooban ng ganitong klaseng pamilya?Lumaki siyan
Samantala...Naka-park ang isang itim na sedan sa madilim na bahagi ng parking lot ng ospital.Sa loob nito ay tahimik na nakaupo si Tiffany. Mahigpit ang pagkakahawak niya sa manibela. Halos mamuti ang kanyang mga daliri sa sobrang diin habang nakatitig sa gusaling kinaroroonan nina Tyler at Jolie.Nanlilisik ang kanyang mga mata. "That bitch..." gigil niyang sambit.Parang gusto niyang sugurin ang ospital at kaladkarin palabas si Jolie. Hindi niya matanggap ang lahat ng nangyari. Bumalik siya ng Pilipinas na puno ng pag-asa.Bumalik siya para pakiusapan si Tyler. Umaasa pa din siyang mapapabago niya ang desisyon nito na iwan ang babaeng yun at balikan siya. After all, she is Tyler's first love. Tyler was madly in-love with her back then. Ngunit kabaligtaran ang nangyari. Sa halip na mapalapit si Tyler... Lalo lang itong napalayo sa kanya. Lalo pa nitong pinili ang babaeng matagal na niyang kinamumuhian.Mariin niyang ipinikit ang kanyang mga mata. Kasabay noon ay muling bumalik sa
Sandaling katahimikan ang namayani sa silid. Wala ni isa ang gustong magsalita. Maging si Tyler ay tahimik lang, nakatayo sa gilid na para bang malalim ang iniisip. May kung anong pait sa kanyang mga mata na hindi niya maintindihan. Hindi ba dapat masaya ito? Kanina lang ay siya pa ang nagsasabing
Pagkatapos magpaalam sa dalawang matanda ay lumipat na siya sa kanilang kuwarto ni Tyler.Kumatok siya nang mahina at dahan-dahan niya iyong binuksan. Pero pagpasok ay wala pa doon si Tyler.Nilapag niya ang paper bag sa sahig at dali-daling pumasok sa banyo para maligo. Susulitin niya ang pagkakat
Unti-unti niyang inangat ang kamay at inabot ang kamay ni Tyler saka tumayo. Magkahawak-kamay silang bumalik sa kama. Inalalayan siya nitong humiga at kinumutan. Humiga rin ito nang patagilid na nakaharap sa kanya at inilagay ang kamay sa bandang tiyan niya... yakap yakap siya nitoNakatingin lang
“Now please, will you get lost, Paul? Iniistorbo mo ang date namin ng girlfriend ko.”“Okay, okay… aalis na ako. Pero bibisita ako sa rancho ha. Matagal na tayong hindi nakapag-bonding at miss na kita,” wika nito, saka siya naman ang binalingan.“Nice meeting you, Jolisa. Sana lang magtagal kayo ng







