Mag-log inNawala ang kulay sa mukha ni Theo.Dahan-dahan itong napalingon sa kama kung saan natutulog si Nate.Pagkatapos, bumalik ang tingin nito sa kanya.“Si Nate… Ibig mong sabihin--” halos hindi lumabas ang boses nito.Tumulo ang luha ni Fiona.“Oo,” mahina niyang sabi. “Anak mo si Nate.”Hindi gumalaw si Theo.Nanatili lang itong nakaupo, hawak ang gilid ng mesa, habang unti-unting pumapatak ang luha nito.“Limang taon,” sabi nito, halos pabulong.Napapikit siya. “Alam ko.”“Lumaki siya…” Naputol ang boses ni Theo. “Lumaki siya nang hindi ko alam.”“Theo, please…”“Unang iyak niya.” Napatingin ito sa kanya, wasak na wasak. “Unang hakbang. Unang salita. Lahat iyon, wala ako.”Humagulgol si Fiona nang tahimik. “Akala ko pinoprotektahan ko kayo.”Kahit gaano kalinis ang intensiyon niya, alam niyang may parte ng ginawa niya na hindi na niya maibabalik. Parang ninakaw niya ang limang taon sa mag-ama.Napatingin si Theo sa kamay niyang nakapatong sa mesa. Ilang segundo bago nito iyon inabot.Na
Nagkatitigan sina Fiona at Theo habang mahimbing na natutulog si Nate sa kabilang kuwarto. Sa labas ng bintana, tahimik ang resort, pero sa dibdib niya, parang may bagyong matagal nang gustong kumawala.Nagtimpla siya ng tea. Hindi kape.Dahil sapat na ang kaba sa dibdib niya.Nang maihain niya iyon sa maliit na mesa, umupo si Theo sa tapat niya. Hindi nito ginalaw agad ang tasa. Nakatingin lang ito sa kanya na para bang hindi nito alam kung paano sisimulan ang usapang limang taon nilang parehong tinakasan.“Fiona, may sasabihin ako sa ’yo. Pakinggan mo lang ako. At puwede kang magtanong kung may hindi malinaw.”Napahigpit ang hawak niya sa tasa. “Tungkol saan?”“Tungkol sa kung bakit ako bumalik.”Dahan-dahang tumango si Theo, parang tinatanggap na nito ang sarili nitong kasalanan bago pa niya iyon marinig.“Mahal kita noon pa man.”Natigilan si Fiona.Hindi iyon ang inaasahan niyang unang salita.“Bago pa ang lahat.” Napabuntong-hininga ito. “Ikaw ang first love ko, Fiona.”Nanikip
Nanikip ang dibdib ni Fiona.Sa kama, mahimbing na natutulog si Nate, hawak ang maliit nitong pulang kotse. Payapa ang mukha ng anak niya. Wala itong kamalay-malay na sa katahimikan ng kuwarto, unti-unting lumalapit sa kanila ang katotohanang limang taon niyang itinago.“Hindi pa ako handang pag-usapan,” mahina niyang sabi.Akala niya pipilitin siya nito. Akala niya magtatanong ito, maniningil, hihingi ng paliwanag sa gabing iyon mismo.Pero hindi.Tumango lang ito nang bahagya, kahit kita niya ang sakit sa mga mata nito.“Then tell me kapag handa ka na. Pero huwag mo na akong paghintayin ng another five years.Tumama iyon sa kanya.Napayuko si Fiona. “Theo…”Dahan-dahang napatingin ito kay Nate. Sandaling nanatili roon ang tingin nito, parang may hinahanap sa mukha ng bata. Parang may piraso ng sariling nakaraan na unti-unting nagbabalik.Pagkatapos ay bumalik ang tingin nito sa kanya.“Fiona, ako ba ang--”“Please,” putol niya agad.Napatigil si Theo.Hindi nito itinuloy ang tanong.
Matapos nilang dumaan sa hotel para makapagpalit siya ng damit, nagprisinta si Theo na samahan siya sa Ayala Bay Resort. Hindi na siya tumanggi. Siguro dahil pagod siya. O siguro dahil may bahagi sa kanyang gustong makita ni Nate si Theo.Hindi niya inamin iyon kahit sa sarili niya.Pagdating nila sa resort, si Nate ang unang nakakita sa kanya sa lobby.“Mommy!”Bumilis ang takbo nito papunta sa kanya.Hindi na ininda ni Fiona ang sakit ng paa. Lumuhod siya at sinalubong ang anak sa mahigpit na yakap.“Nate,” bulong niya, halos mapaiyak ulit. “Baby ko.”Mahigpit siyang niyakap ng bata. “Mommy, where did you go? Ang tagal mo.”“Sorry,” sabi niya, hinaplos ang buhok nito. “May importanteng ginawa si mommy.”Umatras nang kaunti si Nate at tiningnan ang mukha niya. Kumunot ang maliit nitong noo.“Mommy, umiiyak ka po?”Napangiti siya kahit kumirot ang dibdib niya. Hinalikan niya ito sa noo.“Na-miss lang talaga kita.”Pagkatapos, napatingin si Nate sa likod niya.“Sir Theo!”Dahan-dahang
Maya-maya, mabilis na dumating sina Neil at Angel sa hallway. Parehong mukhang pagod at nag-aalala.“Fiona,” tawag ni Neil, agad siyang nilapitan. “Okay ka lang? Nabalitaan namin ang nangyari.”Tumango siya, pero hindi niya alam kung kapani-paniwala iyon. “Okay ako.”“May nagtangkang pumatay kay Lucio pero nakatakas,” sagot ni Theo.Tumango si Neil. Pagkatapos, bumaling ito sa kanya. “Kailangan mong kumain kahit kaunti. Namumutla ka na.”“Mamaya na.”“Kumain ka na muna,” mariing sabi ni Neil.“Kakain siya,” sabay na sabi ni Theo.Napansin ni Angel ang suot nila, ang lumang bestidang may maliliit na bulaklak ni Fiona at ang simpleng damit panlalaki ni Theo.“Interesting outfit,” sabi ni Angel, bahagyang kumurba ang labi. “Anong nangyari sa inyo?”Nasamid si Fiona kahit wala siyang iniinom.Kalmado namang sumagot si Theo. “Nabasa kami ng ulan. May mabait na mag-asawang nagpatuloy sa amin.”Tumaas ang kilay ni Angel. “Ah.”Si Neil at Angel na muna ang nag-asikaso sa hospital report, CCTV
Walang hikbi o ingay ang pagpatak ng luha niya habang hawak siya ni Theo sa hallway ng ospital.“Pagod na ako,” bulong niya.Mas humigpit ang hawak nito sa kamay niya. “Then rest for a while.”Napatingin siya kay Theo.“Ako muna ang magbabantay,” sabi ni Theo.Gabi na nang ilipat si Lucio sa isang private room para bantayan at obserbahan. Unconscious pa rin ito. Nakakabit sa oxygen. May suwero. May monitor na paulit-ulit ang tunog.Nagpadala na sila ng mensahe kina Neil at Angel nang makakuha sila ng signal. May security na paparating.Pero habang wala pa ang mga iyon, si Theo ang nanatili sa labas ng kuwarto ni Lucio.Si Fiona, pagod na pagod, ay nakaupo sa mahabang upuan sa hallway. Nakapikit siya, pero hindi tulog. Bawat tunog ng sapatos, bawat pagbukas ng pinto, bawat yabag ng tao ay naririnig niya.Hanggang sa may dumaan na nurse.Nakasuot ito ng mask. May hawak na tray. Diretso itong pumasok sa kuwarto ni Lucio.Sa una, hindi gumalaw si Fiona.Pero pakiramdam niya parang may kak
Bumuhos ang ulan sa kabuuan ng expo grounds. Tahimik ang paligid, maliban sa tunog ng tubig na pumapalo sa lupa.Sa loob ng tent, nakaupo si Maya, yakap ang tuhod at hindi gumagalaw.Nanginginig ang mga kamay habang pinagmamasdan ang tela na naghihiwalay sa kanya at sa kabilang tent.Lumapit si Luc
Kinabukasan, bumalik si Lorie, bitbit ang report kay Camille.“Ma’am… we confirmed it. The founder’s name is Candice Rosales.”“Who the hell is she? Ni hindi ko nadidinig ang pangalan niya sa industriya.”“Bago lang po ma’am. Pero base sa imbestigasyon, may business partner siya na gumagawa ng paba
“Eternity Perfume,” mahinang sabi ni Lucas.Napatigil siya, napatingin sa label.Pinisil niya ang bote, pilit pinapakalma ang sarili.“Do you know where I can contact her?”“Kasama po namin ang magandang owner. Wait lang po, tatawagin ko.”Lucas nodded, still holding the tester bottle of Eternity Pe
Tahimik ang gabi. Nasa loob ng kubo si Lucas, hawak ang cellphone, tinitingnan ang chat thread nila ni Maylee. Ang mga huling mensahe ay mula pa noong nakaraang linggo.Nag-type siya ng mensahe.“Good evening, Ms. Maylee. I just want to apologize for calling you the other night. I was drunk, and I







