Share

Mahal Kita Dati Pa
Mahal Kita Dati Pa
Author: Binibining_mary24

Chapter 1

last update publish date: 2026-05-25 20:51:52

"ANO SA PALAGAY MO OKAY NA BA ITO PARA SA IYO?" tanong ni Mariel sa kanya.

Ito ang bestfriend niya na may ari ng condominium unit na nasa Fantasy Condominium. Ibenta kasi ito ni Mariel kaya kinuha na lang niya, doon na kasi ito tumira sa bahay ng mister na kaklase din nila noong high school sila.

Nilibot niya ang tingin sa paligid at nilingon ang babae sabay ngiti. "Hindi lang basta okay, dahil okay na okay ito para sa akin." 

Ngumiti na rin ang babae. "Mabuti naman at nagustuhan mo, actually kompleto na ito sa gamit dahil kaunti lang naman ang dinala ko sa unit ng mister ko."

Napansin nga niya iyon. "Oo nga kaya't mukhang mapapabilis ang paglipat ko," sagot niya. 

May ilang pa silang pinag-usapan tungkol sa high school days nila.

"Sabi ko naman sa iyo mars, kayo talaga 'yong magkakatuluyan eh, noon eh hate na hate mo 'yang si Ricky. Tingnan mo ngayon siya pa pala naging husband mo," pambubuska niya sa kaibigan

Namula naman si Mariel at iniba ang usapan.

"Mary, naalala mo pa ba si King? Diba crush na crush mo 'yon?" nakangiting anito.

"Aba! Nag-aasar pa talaga." Sa isip isip niya

"Ha? Ah, oo naman hehe, bakit anong meron?" pagsasakay niya sa trip nito.

"Nabalitaan mo bang nag-asawa 'yon tapos naghiwalay sila ng asawa at may anak silang lalaki, ang kyut at gwapo nga eh kamukhang-kamukha ni King," masayang kwento nito.

Tumango-tango naman siya. "Ah gano'n ba? Sayang naman kung gano'n."

Sa narinig ay hindi niya tuloy maiwasang magbalik tanaw sa nakaraang kung paano niya nakilala ang gwapong binata na siyang bumihag sa puso niya...

Maaga ang uwian nila maingay ang mga kaklase niya nakikisabay din siya simpre, masaya silang nagbibiruan ng may dumaan sa harap nila. Napatingin siya sa isang lalaki mataas, maputi at hmm gwapo? Napatingin ito sa kanya ng malalim na parang pinag-aaralan siya nito na siyang pinagtaka niya. Nagtama ang mga mata nila ng lalaki at nagkatitingan sila hanggang sa bumukas na ang gate. Simula noon palagi na silang nagtatagpo ng lalaki. Hindi niya alam kung bakit at hindi niya man ma-amin alam niyang nahuhulog na loob niya sa lalaki kaya para maitago iyon, sa tuwing tinutukso siya ng tropa niya eh nilalait niya ito.

"Ba't ba crush na crush ng mga babae 'yang si King na 'yan, eh mukha naman 'yang tuko eh, ang laki ng mata mas gwapo pa nga 'yung kapatid niya," naiinis na komento niya.

"Oyy ikaw ah, aminin mo na kasi nagseselos ka lang, kasi maraming umaaligid sa kanya," sabat ni Juliane.

"Alam mo ikaw, aminin muna kasi na crush mo siya!" pag-aasar naman ni Irene.

"Oo nga naman, 'insan, gwapo niya kaya," kinikilig na dagdag ni Juliane.

"Hmmp ako? Mag-seselos." Tinuro niya ang sarili. "A-S-A, hahaha never ako magka-crush diyan sa bukaw na 'yan no!!" mariing tangi niya.

"Sinungaling!" sigaw naman ng hudas niyang utak

"Oyy, 'wag kang magsalita ng tapos my dear langga, ika nga, "The more you hate, the more you love," giit ni Janjan at ngumisi sa kanya na tila ba inaasar siya nito.

"Oo nga baka lamunin mo lahat ng mga sinasabi mo, ikaw din," makahulugang singit naman ni Irene.

"Che! Tumahimik ka nga, 'di ako magkakagusto doon never," napipikon saway ko.

Napatingin siya sa pwesto ng lalaki naabutan niyang nakatingin ito sa kanya biglang bumilis ang tibok ng puso niya. Wala sa sariling na pahawak siya sa dibdib niyang walang laman. Oo na sila na 'yung pinagpala, siya na 'yong minalas.

"Hala!! Ano ito? Kinakabahan ako? S-sa tingin niya? Shit!! 'Di 'to maganda," kinakabahang usal ng isip niya.

Kaagad siyang bumawi ng tingin at natulala.

"Psst, 'insan, natulala ka?" nagtatakang tanong ni Juliane.

"Omo!! Hala!! Baka narealize muna-" pabitin na singit ni Charmaine.

"Na inlove na siya kay Mr King yiee," dugtong ni Irene.

"Heh! Hindi ah," namumula tanggi niya sabay iwas ng tingin. Nagsihiyawan naman ang tatlo.

ALAM ni Mary na pag hindi siya umiwas sa lalaki lalo lang siya mahuhulog rito, kaya minabuti niya doon na lang mag tanghalian sa room niya. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana kasi doon na naman tumambay ang lalaki sa dinadaan niya, kaya pagkadumadaan siya doon, todo tagu talaga ang lola mo, pero no epek, nakikita pa rin siya ng lalaki.

"Hirap talaga pagtaguan ang taong malaki ang mga mata kasi makikita at makikita ka pa rin," naiinis na bulong niya sa hangin sabay kamot sa ulo.

"Anyare sa iyo teh?" nagtatakang tanong ni Myca na kasama niya ng mga sandaling iyon.

"Ah wala iyon," mabilis na tugon niya sabay wagayway ng kamay.

-------FASTFORWARD------

LUMIPAS pa ang mga araw, gano'n pa din ang mga nangyari dahil laging naroon ang lalaki sa tambayan nito kung saan siya dumadaan.

"Nanadya ata ito eh!" naiinis na bulong ni Mary sa kanyang sarili.

Hapon nang makita niya itong naglalaro ng Volleyball sa school gym nila.

"Ang galing pala nito maglaro ng volleyball ah," namamanghang komento niya.

"Try ko din kaya," nakangiting giit niya.

Kahit pa alam niya sa sariling wala siyang kalam-alam sa gano'n laro pero she just feels to try it. Dahil ba iyon ang larong kinahilingan ng lalaki? Gusto ba niya magpapansin rito? Iyon ang mga katanungan sa isipan niyang hindi niya pa malaman ang sagot sa ngayon. Bago sa kanya ang damdamin na pinukaw ng lalaki. Kung ano man ang kakahinatnan nito ay hindi niya pa mawari pero isa lang na sisiguro niya, wala na siyang ligtas dahil itanggi man niya, lumalaban naman ang puso niya at malakas na sinisigaw ang pangalan ng binata.

...

Binibining mary ✍️

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 26

    NAPANGITI si Mary nang matapos na niya lutuin ang mga kailangan ihain para mag-ama. Lumakad na siya patungo sa kung saan si Kian upang tawagin."Kian.... Kian!!" "Yes po, Tita Mary?""Kain ka na, baby, nasaan na Daddy mo?" nakangiting sabi niya."Sige po, nasa kwarto pa din po," sagot nito."Ganun ba, mauna ka na doon sa kusina, tatawagin ko lang si Daddy crush," may halong kapilyang giit niya."Yieeee, sige po," masayang sagot nito.Nang makarating na siya sa labas ng kwarto ng lalaki ay kaagad siyang puwesto sa harap ng pinto."Sir-boss-among-tunay, breakfast is ready.... ay! 'Di sumasagot...ahmmm," nagtatakang tanong niya sabay tulak sa pinto. Nagulat siya ng mapansing bukas ito, ganun pa man ay tinulak niya ang pintuan at pumasok."Kin—ayy, shit!" gulat na hiyaw niya sabay takip sa kaniyang mga mata at saka tumalikod. Nakita niya kasi ang hindi dapat makita, naka-half-naked lang naman ang lalaki sa harap niya. Sa palagay niya'y galing ito sa banyo at katatapos lang maligo."Ang O

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 25

    NASA bahay na niya si Mary pero feeling niya nandun pa rin siya sa condo ni King. Grabe nakakahiya, nakakakilig, nakakainis at nakakabaliw ang nangyari kanina buti na lang paglabas niya sa cr nasa kusina na si Kian kasi kung hindi baka umuwi na lang siya sa sobrang hiya. Masaya ang bata nang makita siya at mas lalo pa itong sumaya nang ibigay niya ang cookies na niluto niya. Hinalik-halikan siya nito at niyakap, tuwang-tuwa naman siya. Si King naman nakamasid lang, magpapaalam na sana siya para umuwi pero pinigilan siya ni Kian at inalok na sabayan na ang mga ito sa tanghalian, kailan pa siya humihindi kay Kian? Medyo nawala na ang pagkailang niya pero sa tuwing nakikita niya at sinusubo ang itlog naalala niya uli, nagtanong pa nga si Kian kung bakit namumula siya. Sinabi niyang mainit pero alam niyang 'di naniwala ang bata sapagkat malakas ang air-conditioning habang si King naman tahimik pero alam niyang pinagtatawanan na siya nito, halata naman kasi na pinipigilan lang nito mapangi

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 24

    PALABAS na siya sa kaniyang condo nang makita niya si Reynier na naka-upo sa kanyang sofa. Tumingin ito sa gawi niya nababasa niya ang pagtataka sa itsura nito."Oh, bhe, saan punta mo?" kaagad na tanong ni Reynier sa kanya. Bihis na bihis kasi siya gan'on din si Kianna."Hmmm bounding with girls lang, bhe, ikaw muna bahala dito sa bahay ko ah," habilin niya sa kaibigan."Sige, bhe, regards mo 'ko kay Janen ha?" pahabol nito."Opo," natatawang sagot niya.PAGDATING niya sa restaurant ng kaibigan niyang si Jonamie ay kaagad niyang nakita si Mariel at Myca."Oh! Anak mo?" manghang tanong ni Mariel."Oo, "di ba halata?" biro niya habang buhat-buhat ang anak."Hindi!! Wala man lang na mana sa 'yo," direktang sagot nito.Simaan niya naman ito ng tingin. Kahit kailan talaga napaka-abnormal itong kaibigan niya."'Di ka pa rin nagbabago," napailing na komento niya."Hmm parang may kamukha," singit ni Myca na sinusuri si Kianna na inosenteng nakatingin sa babae."Artista?" pabirong tanong niya

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 23

    KALALABAS lang ni King sa kaniyang silid nang makita niya ang kaniyang anak na si Kian nakaupo sa may sofa."Kian...." tawag niya sa atensiyun ng anak."Yes po, Daddy?" sagot nito.Nakaupo ito sa kanilang sofa at bihis na bihis. Hindi niya maiwasang pagmasdan ang kaniyang anak. "Hmm sino 'yung babaeng kinausap mo last week? Ba't close kayo anak?" mamaya ay usisa niya."Po?" nalilitong tumingin iyo sa kanya.Hindi kasi masyado naiintindihan ni Kian na may amnesia ang kanyang ama kaya't gano'n na lamang ang naging reaksiyun ng bata."Ahh, 'yun po ba, Daddy? Si Tita Mary po, kapitbahay po natin siya dati sa Fantasy Condominium. Mabait po siya sobra. Noong na hospital po ako, siya po ang nagbabantay sa akin kapag nasa work ka po, saka po sa pagkaalala ko nililigawan mo po siya kasi inutusan mo ako bigyan siya ng chocolates at nag-date pa kayo kaya nga po lagi mo ako iniiwan kay Lola-Mama ehh, diba ginagawa lang 'yun ng mag-dyowa? Saka po gusto ko siyang maging Mommy," mahabang salaysay n

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 22

    1 YEAR AND 8 MONTHS LATER..."Mommy! Mommy! Wake up!" Ingay na nagmumula sa alarm clock ni Mary.Napabalikwas siya ng bangon dahil narinig niya ang tunog ng alarm clock, senyales kasi iyon na kailangan niyang painumin ng gatas ang kaniyang anak. Yes, nanganak na siya, mag iisang taon na ito and her name is Kianna Mary Sigua sobrang kyut nito at maganda mana sa ama, mukha itong girl version ni King, minsan nga nagtatampo siya kasi sa itsura wala man lang itong nakuha sa kanya dagdag mo pa sa ugali."Good morning, sweetheart," bati niya sa anak na naabutan niyang nakaupo na sa little chair nito, siguro kinuha ito ni Reynier sa crib nito sapagkat maaga nagising. Tinaas nito ang kamay sa kanya means gusto nitong magpabuhat. Nanggigil na binuhat niya ito."Naglalambing na naman ang baby ni Mommy hmm," aniya sabay halik sa pisngi ng anak at leeg. Tawang tawa naman ito pati siya natawa na din."Good morning, bhe," bati ng bagong dating na si Reynier galing sa kusina may bitbit kasi itong ul

  • Mahal Kita Dati Pa   Chapter 21

    NARITO siya ngayon sa kaniyang condo, kasama niya ang kaniyang pinsan na si Valliere ang nakababatang kapatid ni Juliane."Nagpunta ka na ba sa clinic niya, pinsan? O sa opisana niya?" tanong ni Vallire sa kanya.Tumango naman siya. " Oo eh, kaso wala din ako nakuha,” malungkot tugon niya.Mag-iisang buwan na pero wala pa rin siyang clue kung nasaan sina King at Kian. Noong nakaraang araw muntik pa siyang mahimatay sa sobrang hilo. Buti na lang inalalayan siya ni Reynier, sinamahan siya kasi nito. Ito lagi ang taga comfort niya dahil gabi-gabi siyang umiiyak, ewan ba niya pero sobrang napakaemosyunal niya.Nagtataka rin siya kada umaga sumusuka siya at ‘di maganda ang pakiramdam niya nitong mga nakalipas na araw at meron pagkakataong inaaway niya si Reynier kasi kumain ito ng cheese na ‘di niya nagustuhan ang amoy. May clue na siya kung ano ‘tong nangyayari sa kanya pero kailangan niyang ikumpirma muna. Tumunog bigla cellphone niya napatalon tuloy siya sa isipang baka si King ang tuma

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status