INICIAR SESIÓNENDLESSLY SERIES 10:MAKE YOU MINE Ariella was still young when she fell in love with Gael. Hindi niya magawang ibaling sa iba ang kanyang damdamin kahit pa walang ibang ginawa ang binata kundi ang iparamdam sa kanya na hindi siya mahalaga para rito. Nangako siyang hindi niya ito susukuan. She's willing to do everything just to make him fall in love with her. Ngunit lahat ay balewala para kay Gael kahit dumating na siya sa puntong ibinigay dito maging ang kanyang sarili. Until Gael gave her the biggest heartache that she could ever experience--- he planned to marry his girlfriend just to prove that he really doesn't like her. Magagawa niya pa bang paibigin ang binata? Paano kapag malaman niya ang dahilan kung bakit ganoon na lang ang pagkamuhi ni Gael sa kanya? Would she give up? Or would she continue to love until she made him hers?
Ver másMarahang bumababa ng hagdan si Ariella habang iginagala niya ang kanyang paningin sa kabuuan ng kanilang bahay. It has been a year since she last went home. Isang buong taon din kasi siyang namalagi sa ibang bansa at kahapon pa lamang nakauwi ng Pilipinas.
Nang makababa na ay tuloy-tuloy na siyang naglakad patungo sa kanilang komedor at hindi pa nga maiwasang mapangiti nang maabutan doon ang kanyang mga magulang--- ang kanyang Daddy Ronniel at Mommy Arianna. Masaya pang nagkukuwentuhan ang mga ito habang sinasalinan ng kanyang ina ng juice ang baso ng kanyang ama. Natigil lamang ang pag-uusap ng dalawa nang kapwa na napalingon sa kanya. “Oh, Ariella, hija,” sambit ni Arianna sabay lapag na ng pitsel na hawak nito. Mabilis na itong naglakad palapit sa kanya saka siya pinatakan ng isang halik sa kanyang pisngi. “Good morning, baby. Come join me and your dad for breakfast.” Pagkawika ay marahan na siya nitong iginiya palapit sa hapag. Sa kaliwang panig ng kanyang ama siya pumuwesto habang ang Mommy Aria niya ay umikot na sa kanang bahagi at doon naman naupo. Lumapit pa muna siya sa kanyang ama bago tuluyang maupo sa silyang laan para sa kanya. “Good morning, Dad,” bati niya kay Ronniel kasabay ng paggawad dito ng isang halik sa kaliwang pisngi. “Good morning. Have your breakfast,” anito sa banayad na tinig na sadyang inilahad pa ang kamay upang maituro ang kanyang upuan. Ariella sat and looked at the food in front of them. Hindi siya nakadarama ng gutom kanina pero pagkakita sa mga pagkain ay sadyang natakam siya. It had been a year since she has been home. Na-miss niya rin talaga ang mga pagkaing Pinoy, lalo na ang makasalo ang kanyang pamilya sa iisang hapag. Isa sa mga hinanap-hanap niya habang nasa ibang bansa ay ang mga luto ng kanyang Mommy Arianna. Napangiti pa siya nang makitang ang kanyang ama na ang kumilos para malagyan siya ng pagkain sa kanyang pinggan. Ronniel put sunny-side up egg, two hotdogs and some bacon. Naglagay din ito ng sinangag sa plato niya na mabilis niya nang inawat nang mapansing ang dami nitong kinuha. “Dad, it’s too much,” napapangiti niya pang sabi. “You have to eat. Look at yourself. I wonder what had you been eating abroad and you look so thin,” parang nanenermon pang sabi ng daddy niya. Ariella almost rolled her eyes upwardly after hearing what her father said. “Dad, it’s slim, not thin,” pagtatama niya pa rito. “What’s the difference?” he snapped at her. Marahan na lamang na natawa si Ariella saka napatitig sa kanyang ina. Napapangiti ito habang pinagmamasdan silang mag-ama. “I miss you so much, Ariella, and I am so glad that you are home now,” parang naiiyak pa nitong sabi. “I miss you too, Mom. But please, let’s skip the drama,” wika niya pa sa pinasiglang tinig upang iwaksi ang mga luhang parang nabubuo sa kanyang mga mata dahil sa mga sinabi nito. She missed her parents too. Maging ang nakatatanda niyang kapatid na si Rafael ay na-miss niya rin kahit pa sabihing madalas ay istrikto ito sa kanya. Kung tutuusin ay hindi niya naman nga sana gustong umalis ng bansa at malayo sa mga ito. As the youngest in their family, hindi rin naman siya sanay na wala ang mga ito sa tabi niya. But she decided to leave. Mas pinili niyang umalis dahil kung hindi niya pa iyon gagawin ay tuluyan niyang maiwawala ang kanyang sarili. She had to bring back her own sanity before she totally lost it... lost it because of one man--- si Gael. Mariing napalunok si Ariella nang sumagi sa isipan niya ang binata. Ito ang dahilan kung bakit siya umalis ng bansa. Labis na sakit ang idinulot sa kanya ni Gael at para makalimutan ito ay nagpasya siyang manirahan muna sa pinsan ng kanyang ina na nakabase sa Canada. Hindi pa sana sang-ayon ang mga magulang niya sa kanyang pag-alis pero nagpumilit siya. She just told them that she wanted a new environment... that she needed some rest. Nang-usisa pa ang mga ito, lalo na ang kanyang ina, pero hindi na siya masyadong nagbigay ng detalye. Pakiramdam niya naman, kahit hindi niya sabihin sa kanyang ina ay nahuhulaan na nito kung bakit bigla niyang ginustong umalis ng bansa. “Anyway,” natatawang sabi na ni Arianna. Nagsimula na rin itong kumuha ng pagkain nang magsalita. “This Friday is your Uncle Paul’s birthday. We are invited so, you’ll come with us.” Agad na nahinto ang akmang pagsubo ni Ariella nang marinig niya ang mga sinabi nito. Pilit niya pang hindi ipinahalata ang pagkabiglang nadama saka mabilis na hinamig ang kanyang sarili. Ang Paul na tinutukoy nito ay ang ama ni Gael... ang ama ng lalaking minahal niya nang lubos pero walang ibang ginawa kundi ang saktan siya. Ang pamilya ng ina ni Gael, si Beatrice Olvidares-Velasquez, ay matalik na kaibigan ng kanyang ama. May dalawang kapatid pang lalaki ang Auntie Beatrice niya, sina Jake at Vincent Olvidares na matatalik na kaibigan ng daddy niya. Kahit hindi nila kadugo ang mga ito ay parang totoong tiyahin at tiyuhin talaga ang turing niya sa magkakapatid. They were like real families. It may not be by blood, but with affinity. Dahilan nga iyon para makilala niya rin nang lubusan si Gael. Ngunit kumpara sa mga pinsan nito ay hindi siya malapit sa binata. “S-Sure, Mom,” aniya, napaupo pa nang tuwid. “How about Kuya Rafael and Diana? Are they coming too?” tanong niya pa na ang tinutukoy ay ang kapatid niya at asawa nito. Her Kuya Rafael was already married. Isang taon na ring nagsasama ito at si Diana. Katunayan, buntis na ang hipag niya at lalaki ang inaasahan ng mga ito bilang panganay na anak. At sa bahay ng pamilya ni Diana nakatira ang mag-asawa dahilan para hindi na nila kasama ngayon ang kapatid niya. “Yes,” tugon ni Arianna sa tanong niya kanina. “Sa bahay na ng mga Velasquez sila tutuloy.” Tumango-tango siya. “O-Okay. I’ll go with you.” Narinig niya pa ang pagpapakawala ng isang malalim na buntonghininga ng kanyang ina. “Narito ka at makadadalo sa kaarawan ng Uncle Paul mo. Sa katapusan naman ay ang first birthday celebration ng kambal nina Lucas at Janel. Hopefully, you are here on our birthdays, hija.” Ariella couldn’t help but chuckled. “Of course, I am, Mom. I am staying for good.” She paused for a while and smiled. “I am excited to meet the twins,” aniya pa na ang tinutukoy ay ang kambal na anak ni Lucas. Lucas is Gael’s cousin. Panganay itong anak ng Uncle Jake niya. At sa lahat ng magpipinsan, kay Lucas talaga siya pinakamalapit. Matanda man ito sa kanya ng ilang taon, hindi pa rin iyon naging hadlang para maging matalik silang magkaibigan. And she couldn’t wait to see all of them again. Isa lang ang gumugulo sa isipan niya ngayon--- si Gael. Paniguradong magkikita rin sila sa kaarawan ng ama nito. Paano niya pakikiharapan ngayon ang lalaking naging dahilan ng unang pagkabigo niya sa pag-ibig? ***** INISANG lagok ni Ariella ang lamang alak ng kopitang hawak niya. Pangatlong salin niya na iyon at sa totoo lang ay unti-unti niya nang nararamdaman ng epekto ng alak sa kanyang katawan. Hindi siya malakas uminom. Kahit isang kopita lang ay mabilis ang epekto sa kanya. But she didn’t mind drinking that time. Pakiramdam niya ay kailangan niya iyon. Kanina pa kasi siya hindi mapalagay at nababalot ng labis na kaba sa kanyang dibdib. Kasalukuyan na silang nasa bahay ng mga Velasquez, ang bahay nina Gael. Marami nang tao sa malawak na bakuran ng mga ito kung saan ginaganap ang pagdiriwang sa kaarawan ng ama ng binata. Ang ibang naroon ay pawang pamilyar na sa kanya kaya paniguradong hindi siya mangangapang makihalubilo. But Ariella chose to be alone. Mas pinili niyang manatili malayo sa karamihan. Sa halip nga na makipag-usap sa mga taong naroon ay dinala niya ang kopitang sinalinan ng alak at naglakad patungo sa bahagi kung saan naroon ang swimming pool ng naturang bahay. Kanina pa siya nakatayo roon at nakatuon lamang ang kanyang mga mata sa malinaw na tubig ng pool. Mula sa kinaroroonan niya ay rinig niya pa ang malakas na tugtugin at masayang kuwentuhan ng mga tao ngunit wala roon ang kanyang atensyon. Instead, Ariella couldn’t help but think of the man who, despite the years that had passed, still lingered in her mind. Bakit ba hindi niya magawang kalimutan ang binata? Bakit ba sa kabila ng mga nagawa nito sa kanya ay hindi man lang nawala ang nararamdaman niya para rito? Was she that stupid to still love the man that made her feel worthless? “Damn, Ariella...” she murmured to herself. Napapikit pa siya ng kanyang mga mata at bahagyang napatingala habang bumubulong sa kanyang sarili. “You should have stayed in Canada. Hindi ka na sana bumalik dito.” “How ironic! Hindi ganyan ang narinig ko kay Auntie Aria kanina,” wika ng isang pamilyar na tinig na agad nagpamulat ng kanyang mga mata. Parang itinulos sa kanyang kinatatayuan si Ariella at sa loob ng ilang saglit ay hindi siya nakahuma. Nakatayo lang siya roon at ni hindi magawang lumingon sa kanyang likuran kung saan nasisiguro niyang naroon ang nagsalita. Ramdam niya pa nga ang paninitig nito sa kanyang likod, dahilan para lukuban siya ng labis na pagkailang. “Kausap ng mommy mo ang mga magulang ko,” wika pa ng baritonong tinig. “She said you are staying for good. Now, you are saying you should have just stayed in Canada? Why, Ariella?” Slowly, Ariella turned to look at the man behind her. Hindi niya pa maipaliwanag ang kakaibang emosyong nasa dibdib niya nang tuluyan nang mapaharap dito. She saw him again. After a year, she saw him again! “G-Gael...” she said in almost a whisper. May pakiramdam pa siyang walang lumabas na tinig mula sa kanya. Para kasing may bumara sa lalamunan niya nang makita niya ulit ang binata. Gael was staring at her intently. Hindi pa nakaligtas sa kanya ang paggala ng paningin nito sa kanyang mukha. Mayamaya ay bumaba pa ang tingin nito sa kanyang kabuuan na para bang sinusuri siya. Then, his gaze when up again until their eyes met. An unexplainable emotion enveloped her. Nakatayo ngayon sa kanyang harapan ang lalaking mula pa yata pagkabata ay tinatangi na ng puso niya. At bagay iyon na alam ng binata. But instead of getting a mutual emotion, what she got were humiliation and embarrassment. Wala itong ibang ginawa kundi ang saktan siya... pero bakit hindi niya magawang kalimutan ang nararamdaman niya para rito?Maraming salamat po sa pagbabasa ng MAKE YOU MINE (ENDLESSLY SERIES 10). Abangan ang kasunod na kuwentong kabilang sa series na iyo, ang YOURS UNTIL THE END (ENDLESSLY SERIES 11). Kuwento ito ng pinsan ni Gael na si Aleya (anak nina Vincent at Ysabella). Para malaman ang pagkakasunod-sunod ng kuwento sa ENDLESSLY SERIES:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s story)ENDLESSLY SERIES 2: CAPTIVE (Ronniel and Arianna’s story)ENDLESSLY SERIES 3: MY LONGTIME FIANCEE (Vincent and Ysabella’s story)ENDLESSLY SERIES 4: TAMING MY WIFE (Paul and Beatrice’s story)ENDLESSLY SERIES 5: ONE NIGHT OF ENCHANTMENT (Luis and Bettina’s story)ENDLESSLY SERIES 6: ONCE AGAIN (Andrew and Minerva’s story)***SECOND GENERATION***ENDLESSLY SERIES 7: WAY TO YOUR HEART (Lucas and Janel’s story)ENDLESSLY SERIES 8: FOR THE LOVE OF FIONA (Randall and Fiona’s story)ENDLESSLY SERIES 9: UNTIL YOU LOVE ME (Rafael and Diana’s story)ENDLESSLY SERIES 10: MAKE YOU MINE (Gae
Ariella was gently stroking her paintbrush on the canvass in front of her. May isang masuyong ngiti pa ang hindi maiwasang mamutawi mula sa kanyang mga labi habang patuloy siya sa pagpinta.Yes, she went back to painting. Aminado siyang nitong mga nagdaang buwan ay nawalan siya ng motibasyon para magpinta. Isinantabi niya ang hilig niyang iyon dahil na rin sa mga nangyari sa kanya. But now, she found reasons to get going. Nagkaroon ulit siya ng sigla para gawin ulit ang mga bagay na noon pa lang ay minahal na niya. Nakaranas ulit siya ng masasayang sandali sa buhay niya na naging rason para makapagpinta ulit siya nang maayos.And one of those reasons was her wedding with Gael. Yes! After everything that happened between them, finally, they got married. Asawa niya na nga ang lalaking mula pa pagkabata ay laman na ng puso niya!It has been eight months since she found out that Gael followed her to Canada. Walong buwan na rin mula nang magkaayos silang dalawa at tanggapin niya nga ang in
Mulagat na napatitig si Ariella sa mukha ni Gael matapos niyang marinig ang mga sinabi nito. Hindi na niya kailangan pang itanong. Alam niyang sa kanyang Tita Norma nito nalaman ang tungkol sa pagbubuntis niya. Hindi niya alam kung paano pero dahil alam niyang nakakapag-usap ang dalawa, hindi malayong mangyaring nabanggit nga ng tiyahin niya rito na nagdadalang-tao siya.Ang tanong na lang, kilala na kaya ito ng kanyang Tita Norma? Ang pakilala ng binata ay Seth ang pangalan nito. Alam kaya ng tiyahin niya na ang lalaking nakakausap nito... ang lalaking bago nitong kapitbahay ay ang lalaking ama ng batang nasa sinapupunan niya?“Y-You knew...” wika niya sa pabulong na tinig. “Alam kong nalaman mo mula kay Tita Norma. A-Alam niya ba na... I mean, kilala ka na ba niya?”For a moment, Gael didn’t say a word. Nakatitig lamang ito sa kanya hanggang sa gumuhit ang isang nahihiyang ngiti mula sa mga labi nito.“Like what I told you, I didn’t mean to lie. Sadyang naghahanap lang ako ng tamang
Mistulang nakuryente na mabilis na humiwalay si Ariella kay Gael. Dalawang hakbang paatras pa ang ginawa niya upang magbigay ng distansiya sa pagitan nilang dalawa. At dahil sa paglayong ginawa niya ay agad na nitong nabitiwan ang kanang braso niyang hawak nito.She looked at him in disbelief. Parang gusto niya pang isiping nananaginip lamang siya kaya niya ito nakikita roon. O baka dahil lagi niya itong iniisip kaya pakiramdam niya ay ito ang kanyang kaharap. She must be hallucinating and Ariella almost wanted to pinch herself just so she could wake up.Pero alin man sa dalawa ay hindi totoo. Hindi siya nananaginip. Mas lalong hindi rin siya nagha-hallucinate lamang. Totoong kaharap niya nga ngayon si Gael at patunay lamang niyon ang pagwika nito sa kanya pagkaraan ng ilang saglit.“Are you okay, Ariella?” he asked her worriedly.That voice! Ariella swallowed hard. Hindi niya maipagkakamali sa iba ang tinig na iyon. Nahihinuha niya na nga ngayon na si Gael ang kanyang kaharap.Pero a
Isang malalim na buntonghininga ang pinakawalan ni Ariella nang maihinto ni Justin ang sasakyan nito sa tapat ng barangay hall ng lugar kung saan nakatakdang magsagawa ng isang medical mission ang Health Well Company. Sa taon na iyon ay mas pinili ng mga Velasquez na gawin ang taunang medical missi
Dama ni Ariella na maging si Justin ay nabigla sa kanyang mga sinabi. Kahit kasi sabihing suhestiyon nito ang tungkol sa bagay na iyon ay hindi pa rin nila napag-uusapan nang maigi. Ni hindi pa nga siya sumasang-ayon sa nais nitong mangyari pero hayun at siya pa ang unang nagsabi kay Gael na nobyo
Sa lahat ng new readers ng MAKE YOU MINE (Endlessly Series 10), gusto ko lang pong sabihing ang kuwento nina Gael at Ariella ay parte ng series kong ENDLESSLY. Narito pa ang ibang kuwentong kabilang sa seryeng ito:***FIRST GENERATION***ENDLESSLY SERIES 1: MY RUTHLESS LOVER (Jake and Francheska’s s
Hindi na malinaw kay Ariella ang mga sumunod na nangyari nang gabing iyon matapos niyang kusang halikan sa mga labi si Gael. Alam niyang dala ng alak na nainom kaya ganoon na lamang kalakas ang loob niyang gawin iyon. Kung sakaling nasa tamang huwisyo pa ang kanyang pag-iisip ay baka nunca niyang l












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reseñas