Compartir

Chapter 1

Autor: Helenmaria
last update Fecha de publicación: 2025-12-17 03:10:08

14 years ago:

“Nana, paparating na ba sila?” Masiglang tanong niya sa kanyang Yaya.

 

“Oo, Señorita. Dumating na sila mula sa airport  ayon kay Mr. De Guzman,” sagot ng kanyang Yaya.

Ngayon ang araw ng pag-uwi ng kanyang mga kapatid mula sa London. Magbabakasyon Ang mga ito sa hacienda ngayong tapos na ang pasukan. Si Patricia at Alec ay ipinadala sa England upang doon mag-aral at umuuwi lamang ang mga ito sa bansa tuwing semestral break o katapusan ng taon. Si Patricia ang panganay ng kanilang amang si Don Alonzo De Hizon at katorse na siya ngayon samantalang si Alec ay sampung tao na. Dalawang taong mas matanda ito sa kanya at siya na bunso na walong taong lamang. Tuwing bumibisita sila sa hacienda, hindi niya mapigilan ang kagalakan at antisipasyon na makita ang mga kapatid. Sobrang na miss niya ang mga ito. 

 

Mula nang tumawag ang kanyang ama mula sa Italy at sabihin kay Mr.  De Guzman —ang mayordomo na uuwi sina Alec at Patty sa hacienda ay nagsimula nang maging abala ang mga tao sa mansyon para sa pagdating nila. Pinalinis nito  ang buong mansyon hanggang sa kaliit-liitang sulok ng bawat silid. Inayos at pininturahang muli ang mga silid ng mga ito at pinalitan ang mga lumang  furniture at  kama. 

  

Ang araw na ito ang pinakaabala sa mansyon dahil naghanda sila ng malaking hapunan para sa pagdating ng kanyang mga kapatid. Isang welcome party para kina Patty at Alec.

 

“Nana Marcela, nandito na ba si Patty at Alec sa bansa?” Muli niyang tanong.

Gusto niyang siya ang unang makakita kina Patty at Alec kapag dumating sila sa mansyon, kayat matiyaga siyang naghintay sa harap ng malaking dalawang pinto na nagsisilbing main door ng mansyon kasama si Nana Marcela at ang iba pang katulong. Plano nilang sorpresahin at masayang batiin ang mga ito  kapag bumaba na mula sa sasakyan.

 

“Oo, Senorita Emerald. Nasa hacienda na sila at papunta na ngayon sa mansyon.” sagot ng Yaya niya. 

 

“Ano sa tingin mo, Nana Marcela? Sa tingin mo ba masaya at excited din silang makita ako? Sa tingin mo ba namiss din nila ako?” Muli niyang tanong. Hindi niya maitago ang kagalakan na sa wakas ay makikita na niya uli ang kanyang mga kapatid matapos ng ilang buwang lumipas. 

 

“Syempre, Señorita. Tiyak na masaya at excited silang makita ka,” 

"I'll show Alec my pet Cinnamon and he will surely going to like it and then I'll also give this flower bracelet I made for Patty. I hope Patty loves flowers as much as I do." Masayang sabi niya patungkol sa kanyang alagang hamster at ang pulseras na ginawa niya mula sa mga ligaw na bulaklak na kinuha niya sa labas ng bahay nila Sheila.

Si Sheila ang laging kasama niyang maglaro at pareho lang sila ng edad. Ang ina nito na si Anita ay isa sa mga katulong sa mansyon, at ang ama nito ay ang  kanilang hardinero. Malapit lang ang kanilang bahay sa sakahan at dahil hardinero ang kanyang ama, marami silang halaman at iba’t ibang bulaklak sa labas ng kanilang tahanan. Palagi silang gumagawa ng mga flower crowns, necklaces at mga bracelets na gawa mula sa mga bulaklak — bagay na talagang kinawiwilihan niyang gawin. 

Sa inip at tagal ng kanilang paghihintay, napagpasyahan niyang maupo muna sa sementadong daanan habang naghihintay.

 

“Nana, akala ko nasa hacienda na sila? Bakit ang tagal nila?” Tanong niya habang nagsisimula nang maging impatient. Ang mga mata ay nakatuon parin sa pangunahing tarangkahan ng mansyon.

 

“Hindi ko alam, Señorita. Maghintay na lang muna tayo ng kaunti. Baka darating na sila anumang oras mula ngayon,” sagot ng Yaya.

 

Pagkalipas ng ilang minuto, nakarinig sila ng malakas na busina ng sasakyan sa main gate ng mansyon. Biglang huminto ang kanyang paghinga at nanlaki ang kanyang mga mata sa kagalakan nang makitang pumasok na ang sasakyang lulan ang mga kapatid. 

"Welcome Señorita Patricia and Señorito Alec!" Sabay-sabay na bati ng mga katulong matapos bumaba ng mga ito mula sa sasakyan.

 

“Thank you!” Magkasabay na ngumiti ang dalawa para magpasalamat sa lahat.

Lumundag ang puso niya sa  kagalakan nang makita ang kanyang dalawang kapatid. Mas maganda na ngayon si Patty kaysa noong huli niyang makita. Kulot na ang buhok at may make up na sa labi at pisngi nito. At si Alec, lalong tumangkad ito at gumuwapo. The moment she met his eyes, something strange and unfamiliar tugged in her chest she felt and she couldn't understand the reason why. He looked at her with a curious stare and then all of a sudden a knot in his forehead suddenly showed.

 

“Emerald?” Narinig niyang bati ni Patty na ngayon ay nakatingin sa kanya ng may ngiti sa mga labi. 

Dahil doon, napatakbo siya dito at mabilis na sinalubong ito ng yakap. Tumawa lang si Patty nang malakas at niyakap din siya pabalik habang si Alec ay nanatiling nakatayo at walang reaksyon.

 

"Hey, little Emerald was quite a big girl now! You look so cute, little Emmy..." Masiglang bati ng kanyang Ate saka dahan-dahang kinurot ang kanyang pisngi.

"You're so beautiful, Ate Patty..." Sagot  niya habang nakatingin sa kapatid nang may pagkamangha. 

Hindi niya mapigilan na hawakan ang buhok at mukha nito. Napakakintab ng buhok nito at napakalambot ng balat.  

“Thank you, little sister..." Sagot ni Patty saka tumawa na parang nagustuhan compliment na binigay niya. 

"I missed you." She stated.

"Oh, I missed you too." Pattry stated then kissed her on the cheek. 

 

"I missed you too, Alec."  Pagkatapos ay hinarap naman niya si Alec. 

Sa kanyang pagtataka, tila nagulat ito at pinanlakihan ng mga mata ngunit sandali lamang iyon. Hindi ito sumagot na parang nagkunwaring hindi siya narinig. Ang mukha nito ay malamig at walang emosyon.

"Hey Alec, Emerald says she has missed you. Didn't you miss her too? " Narinig niyang sambit ni Patty dito. 

"And so?" Alec stated sarcastically. Mabilis na nawala ang kanyang matamis na ngiti nang marinig niya ang galit na boses nito.

He seemed not happy to see me...

"Alec here misses you too Emmy, he was just ashamed and so stupid enough to admit it. Right brother?" sambit ni Patty saka hinawakan ang balikat ng kanyang kapatid.

"Shut up, Patty!" Alec retorted.

"You know what Emmy, Alec was the most excited one while we were on the plane. He's so excited to finally see you and this silly boy  was just too shy to tell you that..." Patty stated trying to mock Alec.

"I said shut up, Patty!" Looking so disgusted, Alec immediately walked away from them leaving Patty laughing. And together, everyone proceeded to the lawn's area. 

  

Naghanda sila ng malaking salu-salo sa lawa pagkatapos noon. Maraming pagkain sa mesa para sa lahat. Ang mga katulong, magsasaka, at lahat ng manggagawa ng Hacienda De Hizon ay naroon para ipagdiwang ang pagbabalik nina Patty at Alec. Ang ilang manggagawa ay tumugtog ng mga instrumento at kumanta ng masayang kanta para aliwin sila. Ang mga katulong naman ay nagtanghal ng sayaw at ang ilang magsasaka ay nagperform ng magic show. Lahat ay masigla at tila lahat ay nasisiyahan sa welcome party. Ang gabing iyon ay  napuno ng galak at saya para sa mga trabahador ng Hacienda De Hizon.

*  *  *

Dala ang kanyang alagang  si Cinnamon, masayang pumunta siya sa silid ni Alec nang umagang iyon  para ipakita dito ang alagang hamster. Inaasahan niyang magugustuhan ni Alec si Cinnamon at gugustuhing makalaro siya. Nang pumasok siya sa silid ni Alec, nabigo siya nang hindi niya makitang nandoon ito. Nagsimula siyang maghanap sa buong kabahayan at nang hindi mahanap ay pumunta siya sa kusina at hinanap si Nana Marcela para tulungan itong hanapin si Alec.

 

“Nana, nakita mo na ba si Alec?” Tanong niya.

 

“Nakita ko siya kanina sa paddock ng mga kabayo. Bakit?” Tanong ng kanyang Yaya.

 

“Ipapakita ko sa kanya si Cinnamon. Sa tingin mo ba magugustuhan niya Si Cinnamon, yaya?”

“Syempre naman! Napaka-cute ni  Cinnamon. Sino bang hindi magugustuhan ang maliit at cute na hamster na iyan?” Masiglang sabi ng matanda. 

 

Lumabas siya sa kusina at agad na pumunta sa kulungan ng mga kabayo para hanapin si Alec doon. Sa paddock, mabilis niyang nakita si Alec na nakatayo lang at nanonood sa mga kabayo. Nakita niyang namamanngha ito habang nakatingin kay Black Tornado.

 

"That's Black Tornado. He looked so magnificent right?" sambit niya na na umagaw ng atensyon ni Alec. Natigilan ito nang makita siya at napansin biglang tila inis ang histura nito.

He seemed not happy to see me...

"He runs as fast as the wind. He's the fastest among all of the horses here." Muli niyang sabi. Kagaya kanina, Hindi parin siya pinansin nito na  parang hindi siya naririnig.

"And that's Belle the white horse which is as pretty as me." She said referring  to a white mare. 

Patuloy pa rin sa panahimik ito at Hindi pagpansin sa kanya  kayat nagtataka siya kung naririnig ba siya nito o binabalewala lang.

 

"That's Shrek the brown one with a black tail. He didn't look green and I was wondering why they named him Shrek. That mare beside Shrek is Fiona. She always followed Shrek wherever he went so maybe she was his girlfriend. " Patuloy pa rin niya sa pagasalita. 

 

Sa kanyang pagtataka, hindi man lang tumingin si Alec sa ibang mga kabayo. Ang mga mata nito ay nakatuon lamang kay Black Tornado.

"You like him? Do you know how to ride a horse Alec?" Bigla  itong tumingin sa kanya nang may pagtataka. Nakaramdam nman siya ng kagalakan nang makita niyang pansinin  siya nito.

"Me, I don't know yet but Mr. Collins promised to teach me when I'm at the right age. Do you want me to tell Mr. Collins that you wanna learn to ride a horse too?" Masiglang tanong niya.

" I wanna ride him." Alec said, pointing to the black horse.

"Black Tornado? No way!" lumaki ang mata niya sa gulat  sa sinabi nito.

"No one rides Black Tornado except Mr. Collins. Whoever tries to ride him, they always end up falling to the ground. He's too dangerous to ride Alec." Babala niya.

" I don't care. Tell the servant to teach me to ride him." Utos nito.

At upang paluguran si Alec, sumunod siya sa inutos nito  at hinanap si Mr. Collins. Sumama naman Ang  matandang lalaki sa kanya at magkasabay na pinuntahan nila si Alec. 

 

“Ngunit Señorito, hindi mo pwedeng sakyan si Black Tornado. Agresibo ito at delikadong sakyan Siya  para sa batang katulad mo.” sagot ni Mr. Collins.

" I don't care, I will ride Black Tomato right now!" Pagpupumilit nito. 

Dahil doon, hindi niya napigilan ang bumunghalit ng tawa nang sambitin ni Alec Ang maling pangalan ng kabayo. 

“Black Tornado po, Señorito,  hindi Black Tomato.” Sabi ni Mr. Collins habang sinusubukang itago ang ngiti sa kanyang labi.

 

"Whatever! I will ride him and when I said it, I want it right now!" Galit na utos nito. 

“Pasensiya napo Señorito, ngunit hindi ko po kayo maaaring payagan. Baka mahulog kayo at masugatan, at kung mangyari iyon, siguradong papatalsikin ako ni Don Alonzo sa trabaho.” sagot ni Mr. Collins. 

 

Ilang sandali pa ang lumipas at nagpasyang umalis na si Mr. Collins pagkatapos noon.  Sa kanyang panggigilalas, biglang lumapit si Alec sa kabayo at tinanggal ang renda nito. Mabilis itong sumampa dito saka sinakyan ang kabayo. At sa loob lamang ng ilang segundo, ikinamangha niya na nakaya nitong mapagalaw at maniobrahin ito ang kabayo.

His face seemed proud when he successfully rode Black Tornado. Puno ng kayabangan siyang nitong tinignanan habang siya naman ay manghang-mangha at hindi namamalayang naihulog ang hamster na hawak sa kanyang mga kamay.  To her dismay, Cinnamon ran all over that made Black Tornado alarmed and scared. Bilang tugon, gumawa ng malakas na ungol ang kabayo at nagkakasag dahilan para makawala ito sa kulungan Ssaka mabilis na tumakbo nang mabilis palabas ng bakuran.

 

A few seconds later she went shocked when she saw the horse drop Alec as he violently fell on the ground...

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • Married To The Ruthless   Chapter 125

    She wanted nothing more than to turn and run, but she knew it would be childish to leave without hearing what he had to say. It might have been foolish, but she was still searching for a reason to hold on, wondering if he deserved to know about their child.This was no longer about understanding him or being a patient wife. It was about knowing where she stood, because she had finally reached her limit. This was too much. She had never felt so small and humiliated.Nilunok niya ang kanyang pride at ginawa ang lahat upang unawain ito. Ngunit may hangganan din ang lahat. Hindi niya hahayaang tuluyan mawala ang natitira niyang respeto sa sarili. Maaaring naging mapagpatawad siya at mapagpasensiya dito noon pero hinding-hindi niya kayang i-tolerate ang cheating this time."Look, that was Andrea. She is a very impo

  • Married To The Ruthless   Chapter 124

    "Lizza, this is Mrs. Emerald De Hizon. Gusto ko lang sanang malaman kung pumasok si Alec sa opisina ngayon. Nag-aalala kasi ako dahil hindi siya nakauwi kagabi," pahayag niya sa sekretarya ni Alec."Yes, Ma'am. Narito po siya. Mukhang dito na siya nagpalipas ng gabi dahil iyon pa rin po ang suot niyang suit mula kahapon," sagot naman ni Lizza sa tonong may halong pag-aalinlangan."I see. Thank you, Lizza.""You are very welcome po, Mrs. De Hizon." sagot ng sekretarya.Sa opisina ba siya natulog? Ginagawa ba niya talaga ito para saktan ako? I asked him to come home, and he chose not to come at all. Ano ba ang inaasahan niyang maramdaman ko? Sinasadya ba niya akong saktan? Pero bakit? Ano ba ang nagawa ko para tratuhin niya ako nang ganito?Nasasaktan siya, oo, ngunit higit pa roon ay labis siyang nag-aalala.Perhaps he had his own reasons. It might have been foolish, but she found herself heading to his office, bringing breakfast for him.&nbs

  • Married To The Ruthless   Chapter 123

    Hindi pa siya kailanman naging ganito kasaya sa buong buhay niya. Knowing she carried a little life inside her was something truly wonderful and deeply humbling. She was going to have a baby, and heaven knew how incredibly blessed and overjoyed she felt in that moment.Magkakaroon na siya ng anak at alam ng langit kung gaano siya kasaya dahil dito. Maaaring hindi man niya nakilala ang kanyang tunay na ina, ngunit ipinakita naman ni Nana Marcela sa kanya kung ano ang ibig sabihin ng pagiging mabuti at mapagmahal na magulang. Mamahalin at aalagaan niya ang kanyang anak sa lahat ng paraang kaya niya.Walang mga salita ang tunay na makapaglalarawan sa kanyang nararamdaman sa mga sandaling iyon. Realizing there was a new life growing within her reminded her that she would never be alone again.This was something she could finally call her very own. One thing was certain: she would give everything she had for this child. She would never let her baby feel u

  • Married To The Ruthless   Chapter 122

    “It is not all right, Emmy! That old man just clearly showed he does not care about you at all! He’s really vicious! Matapos ang lahat ng isinakripisyo mo para sa pamilyang ito, ganito pa rin ang igaganti niya!” galit na sabi ni Patty.“Tama na, Patty! Mga sakripisyo? She owes this family a great deal, and what she did was paying back, not sacrificing. And that vicious man you are calling is our own father. Maaaring wala na siya, pero sana’y igalang at irespeto mo pa rin siya,” galit na pahayga ni Alec nang hindi man lang tumitingin sa kanyang mga mata.Shocked by Alec’s words, she suddenly felt her eyes fill with tears. Hearing that from Alec hurts a lot. Ang marinig mula rito na para bang may utang na loob siya sa pamilyang ito ay tila isang patalim na sumaksak sa sa kanyang dibdib.Ano na ba ang nangyayari dito? Para bang wala na itong pakialam sa kanyang nararamdaman. Mas masakit pang makita ang reaksyon na ganito ni Alec kaysa malaman ang ipinamana sa

  • Married To The Ruthless   Chapter 121

    Marahan siyang lumingon kay Alec at masuyong inabot ang kamay nito. Saglit siyang tiningnan ni Alec at binigyan ng malamig at nagtatanong na tingin. Sinubukan niyang nginitian ito upang bigyan ng katiyakan na mananatili siya sa tabi nito anuman ang nilalaman ng last will. Bahagyang lumambot ang mukha nito at naging masuyo ang tingin sa kanya, ngunit panandalian lamang iyon dahil agad nitong inilihis ang tingin at muling itinuon ang atensyon kay Attorney Dela Marced.Siguro minsan talaga, masakit ang katotohanan. Gusto niyang maniwala na mahal siya ni Alec, gaya ng ipinadama nito sa kanya noon ngunit sino ba ang niloloko niya? Maaaring nagpakita ito ng pagmamahal at pagsuyo sa kanya noon, ngunit hindi bat iba naman ang pagnanasa at atraksyon sa tunay na pag-ibig? Napakasakit lang tanggapin na hindi siya mainahal ni Alec kagaya ng pagmamahal na Meron siya dito. Naputol ang kanyang pag-iisip nang muling magsalita ang abogado at nakuh

  • Married To The Ruthless   Chapter 120

    His eyes were full of lust and desire; gone was the gentleness and endearing look in his eyes. Gayunpaman, masaya pa rin siya sa pag-asang kahit sa paraang ito ay natutulungan niya itong makalimot sa mabigat nitong dinadala. Ngunit alam niyang may kakaiba. May kulang sa paraan ng paghalik at paghaplos nito sa kanya.His hand moved to her stomach down to her intimate area, and she moaned deliciously when he touched her there. She bit her lips hard as he playfully slid his finger inside her. He moved his finger deeper and harder as he played with her. She could hardly hear the lapping sound as his finger plunged inside as he quickened his pace, harder and rougher. Her damp opening grew moist as she started to feel pleasure there.“Hmmmmnnnn....” She moaned deliciously.He continued doing that act and made it a bit faster and rougher that she was almost moaning so loud. Every deep plunge made her scream in pleas

  • Married To The Ruthless   Chapter 13

    "Nana Marcela, what do you think of Joachin?" Ang matandang babae ay naghuhugas ng mga prutas at gulay sa lababo nang lumapit siya rito at tinanong ito.Parang ina na ang turing niya sa kanyang yaya at komportable siyang ibinabahagi ang lahat ng mga lihim niya dito.

    last updateÚltima actualización : 2026-03-19
  • Married To The Ruthless   Chapter 10

    Pumili sila ng magagandang kabayo sa stable para sakyan. Isinakay si Cristel ni Alec sa kabayo nito dahil hindi marunong sumakay ng kabayo ang dalaga. Pinili nilang sakyan ang kabayo ni Alec na si Thunder Storm— isang magandang itim na stallion na anak nina Black Tor

    last updateÚltima actualización : 2026-03-18
  • Married To The Ruthless   Chapter 9

    Isang linggo matapos niyang bumalik sa hacienda mula sa Russia, umuwi si Alec sa mansyon na kayang ikinasurpresa niya. Kasama nito ang mga kaibigan at ayon kay Nana Marcela, inanyayahan ang mga ito ni Alec na magbakasyon sa hacienda. Nang umagang iyon, bumaba siya sa hagdan at tumungo sa kusina p

    last updateÚltima actualización : 2026-03-18
  • Married To The Ruthless   Chapter 11

    Kinabukasan, pumunta sina Alec at ang kanyang mga kaibigan sa bayan para bumili ng kanilang mga pangangailangang personal. Nangako din si Alec na ililibot ang mga kaibigan sa magagandang lugar sa bayan. Sinubukan ni Joachin na kumbinsihin siyang sumama sa kanila ngunit tinanggihan niya ito. Kahit

    last updateÚltima actualización : 2026-03-18
Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status