เข้าสู่ระบบFeeling agitated, pinanood niya ang kanilang family doctor na sinusuri si Alec habang ang kapatid ay nakahiga sa kama na walang malay. Mayroon siyang mga pasa at sugat sa kanyang braso na natamo nito mula sa pagbagsak sa kabayo.
"Kumusta na po siya, Dr. Ramirez?" May pag-aalalang tanong ni Mr. De Guzman- ang kanilang butler, sa doktor matapos nitong suriin si Alec."Nagtamo siya ng mga pasa at sugat sa buong katawan at nabali din ang kaliwang kamay. Salamat sa Diyos hindi siya nahulog sa mabatong lugar at hindi natamaan ang ulo."
"Maraming salamat po, Dr. Edwards. Agad na tumawag si Senior Alonzo mula sa Itally nang malaman niya ang nangyari sa kanyang unico hijo. Magiging maayos na po ba siya doktor?" Tanong ni Mr. De Guzman."Kapag gumising na siya, tiyak na makakaramdam siya ng kirot at pananakit dulot ng aksidente, kaya inirerekomenda kong turukan siya ng pain relievers. Tiyakin ninyong naipapainom ang mga ibibigay kong gamot sa tamang oras. I'll send a personal nurse here to take good care of him for days." Bilin ng doctor bago lumisan at nagpa-alam.
Nang makaalis na ang doktor, nagpasya siyang lumapit kay Alec habang pinapanood itong nakahiga pa rin sa kama na walang malay. Nakakunot ang mukha nito habang pantay ang kanyang paghinga na para bang nararamdaman nito ang sakit maging sa pagtulog.
"Mr. De Guzman, is he going to be okay? Why he's not waking up yet?" Hindi niya napigilang itanong sa matanda habang sinusubukang pigilan ang sariling umiyak. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari."Maayos na siya, Señorita, kaya huwag ka ng masyadong mag-alala. Matapang na bata si Señorito Alec." Sagot ng butler.
"Claudia, sabihin mo sa mga guwardya sa main gate na darating anumang oras ang personal nurse ni Señorito Alec. Ipinadala siya ni Dr. Edwards at mangyaring asistahin ninto siya patungo sa kwarto ni Señorito Alec kapag dumating na siya..." Utos naman ni Mr. De Guzman sa isa sa mga kasambahay. Tumango naman ang kasambahay bilang sagot at agad na sinunod ang utos ni Mr. De Guzman."Oh God! Did Dad know about what happened to Alec?" Biglang pasok ni Patty sa kwarto na hinihingal. Sa hitsura nito ay mukhang galing ito sa pagtakbo. Pawis na pawis ang noo nito at ang mukha nito ay may bahid ng pag-aalala.
Patty was supposed to be in the city shopping for herself. Umalis ito ng maaga kanina kasama ang isang kasambahay at mukhang natanggap nito ang masamang balita tungkol kay Alec kaya agad napasugod ito ng balik sa mansiyon.
"Yes Senorita, sobrang nag-alala siya kay Señorito Alec at agad na nagbigay sa akin ng utos na tanggalin si Mr. Collins at ang miyembro ng kanyang pamilya na nagtatrabaho sa hacienda." Walang emosyong sagot ng Butler.
"That was too much, Mr De Guzman..." Sagot ni Patty habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa kapatid.
"No! You can't fire Mr. Collins, he never gave Alec permission to ride Black Tornado! It was Alec who untied the horse and manipulated it to move even Mr. Collins forbid him not tobecause it's dangerous." Paliwanag niya na nagsasabi ng totoo. Totoong walang kasalanan si Mr. Collins kaya hindi tama na mawalan ng trabaho at basta na lang tanggalin ito.
"Oo, alam namin iyan, Señorita, ngunit galit na galit ang inyong ama at naniniwala siyang kapabayaan ni Mr. Collins Ang nangyari at dapat nito iyong panagutan. Ipinaliwanag ko na ang nangyari ngunit ipinilit parin niyang tanggalin ko si Mr. Collins at ang mga miyembro ng pamilya nitong nagtatrabaho sa hacienda.”
"No, Mr. De Guzman! You should have told my Dad that it was my fault because I brought Cinnamon in the paddock and it caused Black Tornado to get alarmed and afraid and that made him run faster so he fell Alec. You should have told Dad that it was my fault." Paliwanag niya sa naiiyak ng tono.
"Paumanhin po, Señorita. Kapag nagbigay ng utos ang inyong ama, tiyak na tiyak na ito. Lalo lang siyang magagalit kapag nagatwiran at sinaway natin ang kanyang utos. At kapag sinubukan ko pang pagpaliwanag ay tiyak na ako rin ay malalagot at mawawalan ng trabaho.” malungkot na paliwanag ni Mr. De Guzman.
Dahil doon, nakaramdam siya ng pagkaguilty at lungkot kayat tumakbo siya palayo sa kwarto ni Alec. Mabuting tao si Mr. Collins at hindi nararapat na mawalan ng trabaho. Alam niya kung gaano kahalaga ang trabaho sa mga simpleng manggagawa sa kanilang hacienda. Minsan nang sinabi sa kanya ni Sheila na kung mawawalan ng trabaho ang kanyang mga magulang sa mansyon, mawawalan sila ng perang panustos sa kanilang pagkain at pati narin pampaaral ng kanyang mga kapatid. Nang malamang mawawalan ng trabaho si Mr. Collins at ang kanyang pamilya ay bigla niyang naalala ang sinabi noon sa kanya ni Sheila. Maaaring magutom Ang pamilya ni Mr. Collins at kasalanan niya iyon. Hindi niya maiwasang sisihin ang sarili sa nangyari.
* * *Makalipas ang isang linggo, sa kasamaang palad, matapos mawalan ng trabaho ni Mr. Collins at ng kanyang pamilya sa hacienda, napilitan Ang mga itong umalis ng bayan at humanap ng ibang trabaho sa kabilang bayan. Nakaramdam ng kalungkutan ang mga kasambahay ng mansyon para sa pamilya Collins at napagpasyahang mag-ambag-ambag ng maliit na halaga para tulungan ang pamilya nito.
Lumaki siya sa hacienda at matagal na nakasama ang mga trabahador, kaya alam niyang pinahahalagaan ng mga ito ang kanilang mga trabaho. Kaya bilang isang bata, sobrang nagi-guilty siya dahil alam niyang may kasalanan siya sa nangyari. Although palaging ipinapaliwanag ni Nana Marcela na hindi niya kasalanan, ngunit sa kanyang loob, alam niyang may mali din siyang nagawa, kasalanan nilang dalawa ni Alec ang nangyari.
Agad namang umuwi ang kanilang ama mula sa ibang bansa pagkatapos ng insidente. Lumaki silang ang ama lang ang tumatayong magulang, kaya bihira silang magkita-kita sa loob ng isang taon. Pumupunta ang kanilang ama sa iba't ibang bansa para pamahalaan ang kanilang negosyo sa iba't ibang bahagi ng mundo. Mayaman sila at alam niya iyon. Kilala ang pamilya nila sa lipunan at alam niyang sila ang pinakamayaman sa bayan. Minsan, nagtataka siya kung bakit walang siyang tinatawag na Ina tulad ng kanyang mga kaklase at ni Sheila. Minsan nang sinabi sa kanya ni Nana Marcela na namatay ito noong siya ay bata pa. Sinubukan niya pa ngang minsan na tumawag kay Patty sa London at tanungin ang tungkol dito. Masaya namang nagkwento si Patty tungkol sa kanilang Ina. Sinabi niyang maganda, sweet, mabait at maasikaso ito. Ipinakita pa nga nito ang larawan nito at ng kanilang ina na magkasama. And with that, her questions and curiosity came to an end.
Mabilis namang gumaling si Alec although neron paring benda ang kanyang kaliwang braso habang patuloy parin ito sa kanyang therapy at pag-inom ng mga gamot. Halos dalawang Linggo din siyang nanatili sa mansiyon at hindi pinapayagang lumabas. Galit parin si Alec sa kanya dahil sa nangyari. Sinisisi siya nito sa kanyang aksidente. Dahil doon, palagi itong nakasigaw sa kanya at madalas siyang inaaway. "Ano bang ginagawa mo diyan! Nag-alala na si Nana Marcela at hinahanap ka." Natagpuan siya ni Alec na nag-iisa sa lawa noong oras na iyon. Naghahagis siya ng mga bato sa lawa habang namamangha sa layo ng nararating ng mga bato sa tubig tuwing kanyang malakas na inihahagis.Naalala niyang kaninang umaga aysinigawan siya nito dahil pumasok si Cinnamon sa kanyang kwarto. Ayaw ni Alec Kay Cinnamon mula noong mangyari ang aksidente sa kanya. Dahil sa pagkainis, lumabas siya ng mansyon at pumunta sa lugar na malayo kay Alec at dahil bumisita si Sheila sa kanyang lola sa lungsod, mag-isa na lang siyang pumunta sa lawa at naglaro doon.
"Iwan mo na ako, Alec. Hayaan mo akong mag-isa dito!" Inis na sagot niya dito."Lunch is ready. Dad wanted the whole family at the table. Don't keep Dad waiting. Come on Emerald!" Sigaw ulit nito sa kanya.
"Pumunta ka na doon, susunod ako mamaya." Sagot niya at ipinagpatuloy parin ang paglalaro ng bato sa lawa.
"Nana Marcela told me to look for you and she told me not to go home without you, you understand! So better come with me or else I'll drag you even if you get hurt." Banta nito.Natakot siya sa sinabi ni Alec. Minsan nang binalaan siya ni Alec na ibabato sa kanya ang mga nakakatakot na insektong hawak nito noong sila ay nag-away at talagang ginawa iyon ng kanyang hangal na kapatid. Ibinato nito ang ilang tipaklong sa kanyang kama habang siya ay natutulog, kaya hindi nakakapagtaka na kayang nitong gawin ang banta.
"I'll tell Patty you're hurting me so she'll hit you in the head." Sagot niya.
Alam niyang takot si Alec sa kanilang panganay na kapatid, kaya iyon ang taktika na sinabi niya para huwag gawin nito ang banta. Napansin niyang hindi nakikinig si Alec sa kanyang sinabi, nakatingin lamang ito sa isang parte ng lawa, at nang tingnan niya kung saan ito nkatingin ay nakita niya ang isang grupo ng mga swan ang naglalaro sa tubig."They're beautiful aren't they?" Bulong niya habang nakatingin parin sa grupo ng mga swan sa lawa.
"They're just some freaking ugly birds.." Narinig niyang inis na sabi nito ngunit ang kanyang mga mata ay nagsasabi ng kabaligtaran. Mukhang namamangha ito sa mga swan na bumubuo ng hugis sa lawa.
"Alam mo ba, naniniwala ang mga matatanda na kung makikita mo ang isang grupo ng mga swan na bumubuo ng hugis sa buong liwanag ng buwan sa lawang ito, you will be granted an amazing love in your lifetime.” Kwento niya dito.
"You believe in that folklore? People here are idiots and pathetic. I hate this place. I wanna go back to London." Inis na turan naman nito.
"You don't know them to even called them idiots, Alec!"
"Whatever!" Nakita niyang umupo ito sa malaking bato habang ang mga mata ay nakatutok pa rin sa mga swan. Sandaling natahimik silang dalawa pagkatapos habang nakamasid lamang sa mga sisne."Alec why do you hate me?" Bigla niyang naitanong na bumasag sa kanilang katahimikan. Tumingin sa kanya si Alec na may pagtataka sa mga mata.
"I don't hate you, silly."
"Kung ganoon, bakit mo ako palaging sinisigawan at inaaway?”"Because your presence pisses me off." Maikling sagot nito.
"Huh?" Sambit niya na naguguluhan. Muling nanaig sa kanila ang katahimikan."Alec?" Tawag niya ngunit hindi ito sumagot.
"Alec!" Ulit niya."What!" He answered annoyingly.
"Bakit naiinis ka sa presence ko?”"Because you're so annoying and very nosy." Nais niyang magalit sa sinabi nito.
Alam niyang hindi siya makulit at hindi rin siya nakakainis! Sa totoo lang, napakamasayahin at mabuting bata niya. Mahal siya ng lahat sa mansyon at sa buong hacienda.
"If I stop being annoying and nosy, will you stop teasing and shouting at me? Will you be kind and play with me then?" Hindi niya mapigilang itanong.
"No."
"You're cruel Alec...." Nakaramdam siya ng pagtatampo sa sinabi nito at tila gusto niyang maiiyak.
"I know..." Sagot nito.
"Halika na, bumalik na tayo sa mansyon. Baka hinihintay na tayo ni Dad at Patty sa hapag-kainan." Turan nito at pagkatapos ay tumayo na sa malaking bato na kinauupuan nito. Sinimulan niyang sundan ito habang sila ay tumatawid sa maliit na daanan patungo sa mansyon. Nais niyang suntukin si Alec sa ulo habang nakatalikod ito sa kanya habang sila ay naglalakad. Nakakainis ang kanyang kapatid at sobrang naiinis siya sa trato nito sa kanya. "Alec..." Tawag niya "Alec...." Muling tawag niya ngunit hindi parin ito sumasagot at tinatapunan siya ng pansin. ."Alec!" Malakas na sigaw niya.
"What!" Galit na sagot nito saka tumigil sa paglalakad.
"Why do you hate me?" Tanong niyang umiiyak na.
"I don't!"
"Why do you keep shouting and getting mad at me if you don't hate me?"
Natigilan si Alec habang nakatingin lamang sa kanya. Nakita niya ang iba't ibang emosyon sa kanyang mukha na hindi niya mapangalanan.
"Fine, I hate you! Happy now?" He shouted disgustingly afterwards, that made her cry even more."You're so bad, Alec! I hate you! I hate you!!" Sigaw niya pabalik saka tumakbo palayo dito.
Mabilis siyang tumakbo palayo at tinahak ang daan patungo sa mansyon.
Nang marinig ni Nana Marcela na umiiyak siya pagpasok niya sa mansyon, nag-aalalang tinanong siya ng matanda. Nang sabihin niya na si Alec ang dahilan, pinatahan lamang siya ng matandang upang tumigil na sa pag-iyak.Kinaiinisan niya si Alec, kinaiinisan niya ang kanyang kapatid!
Hindi siya sumalo sa tanghalian noong hapong iyon kahit na sinubukan ni Nana Marcela na kumbinsihin siya. Nag stay lang siya sa kanyang kwarto at ikinulong ang sarili doon.And that night, sabay sabay na kumain ng hapunan ang buong pamilya sa utos narin ng kanilang ama. Bukas ang flight nito pabalik sa Italy at hiniling na lahat ng kanyang anak ay dapat nasa hapag-kainan. Bilang isang mabuting anak, hindi niya gustong biguin ang kanyang ama, kaya wala siyang pagpipilian kundi sumunod kahit na hindi niya gustong makita si Alec dahil galit pa rin siya sa dito. Sa buong hapunan, tahimik at malungkot siya. Napansin ng kanyang ama ang kanyang pananahimik, kaya tinanong siya nito kung bakit tahimik at malungkot siya. Sinagot naman niya Ang ama na hindi maganda ang kanyang pakiramdam at nais ng umakyat sa kanyang silid. Pinayagan siya ng kanyang ama na umakyat pagkatapos ng hapunan, kaya agad siyang sumunod.
Nang umalis ang kanilang ama sa bansa, isang linggo lang ang lumipas ay umalis din sina Patty at Alec papuntang London para sa kanilang pag-aaral. Umalis si Alec nang walang paalam sa kanya. Hindi man lang siya nag-sorry o nakipagbati sa kanya. Umalis ito nang hindi pa rin sila nag-uusap. Dahil doon nakaramdam siya ng pagkabigo at pagkainis kay Alec nang mga panahong iyon…"Come on, Emm. Hayaan muna natin siya...” mahinang bulong ni Patty sa kanya.She took one last look at Alec and saw him staring blankly ahead with a cold expression, before she decided to leave the room.Lumabas siya ng ospital dahil hindi na niya mapigilan ang kanyang emosyon. Hindi na niya kayang manatili sa loob at pigilan pa ang kanyang mga luha.Paano siya nagawang paratangan ni Alec ng ganoon? Nasasaktan din siya habang nakikita si Don Alonzo na nakikipaglaban para sa buhay nito. Alam ng Diyos kung gaano niya kagustong magising ito at tuluyan ng gumaling. Paano nito nagawang sabihin ang masakit na salitang iyon na hindi man lamang isinasaalang-alang ang kanyang mararamdaman?Was this the price she had to pay for loving someone who did not love her back? Was this the pain she had to endure for caring too much?Hindi naman siya umaasang mamahalin pa siya ni Alec pabalik. All this time, inisip niyang sapat na ang mahalin
"You know the De Hizons do not believe in divorce. I hope one day I will see the two of you fall in love with each other. Is there still a chance, Emm?" biglang tanong ni nito, dahilan upang mabilis siyang umiwas ng tingin dito.Awtomatikong yumuko ang kanyang ulo nang maramdaman niyang namumula ang kanyang mga pisngi sa hiya. Para bang nawalan siya ng boses at hindi alam kung ano ang sasabihin. Kilalang-kilala ni Patty ang kanyang mga kilos at reaksyon, kaya tila naging interesado ito sa igininawi niya.“D-Don’t t-tell me…" Natigilan si Patty, ngunit sapat na ang mahabang katahimikang namagitan sa kanila upang makumpirma nito ang sagot.Isang masaya at aliw na ngiti ang unti-unting sumilay sa mga labi nito nang mapatunayan ang hinala."Oh, I am glad you do. I knew this would happen eventually. I mean, the way Alec agreed to marry you and then chased you all the way to Venezuela. I knew he had feelings for you even back then.""No
Puno ng pagsisisi at pag-aalala ang mga mata nito, ngunit pilit pa rin nitong pinananatili ang malamigat matatag nitong anyo. Hindi siya sanay na makita itong ganito. Nasasaktan ito, ngunit ayaw nitong ipahalata o ipakita iyon sa mga taong naka paligid sa kanya.How she wished he would open up to her about his fears and vulnerabilities. Handa naman siyang damayan ito at manatili sa tabi nito. Pareho silang apektado sa kalagayan ni Don Alonzo, ngunit pinipilit nitong nanahimik at kimkimin ang lahat.Bakit ba tila itinataboy ni Alec ang lahat ng tao sa paligid niya at pinababayaan ang sarili nitong kalusugan? Hindi ba nito naiisip na nasasaktan din siya sa tuwing nakikita niya itong nagkakaganito?“You haven’t eaten since we arrived here. Come on, you need to put something in your stomach, Alec," marahan niyang pahayag dito saka dahan-dahang hinawakan ang kamay nito.“Wala akong ganang kumain. Ikaw na lang ang kumain,” malamig nitong
"Oh thank goodness, you're here!" saad ni Patty sa nag-aalalang tinig nang makita sila.Agad niya itong niyakap, at pagkatapos ay si Alec. Patty looked tired, with sunken eyes as if she had not slept. Marahil ay dali-dali itong bumiyahe mula pa sa Russia nang mabalitaan ang nangyari kay Don Alonzo. Nakatayo naman sa tabi nito ang asawa niyang si Jon Carlo na tahimik lamang nakamasid. “Kumusta na siya?” tanong ni Alec, na halatang puno ng pag-aalala ang tinig.Sa anyo ng mukha nito, kitang-kita ang kaba at takot dito. Ito ang unang pagkakataong nakita niya itong nagpakita ng ganoong reaksyon para sa ama. Kaagad silang bumalik sa Maynila mula sa asyenda nang matanggap nila ang masamang balita tungkol kay Don Alonzo. He had settled all matters concerning the De Hizon Empire first and chosen people to manage the business while they were away.Kinabukasan ay agad silang lumipad patungong Zurich, Switzerland, at binook ang pinakam
Maya-maya, napansin niyang mas naging masidhi at mapusok ang mga halik nito. Ang mga haplos nito ay naging mas mapilit, at ang dati’y mararahang pagdampi ay naging mas madiin at mapaghanap. Ramdam niya ang paglapit at pagdiin ng katawan nito sa kanya.Feeling his hard shaft rubbing between her legs was turning her on, but suddenly a flash of dark memories she desperately wanted to forget flooded her mind. Her body instantly stiffened, and she stopped kissing him back as vivid memories of the last time they had sex flashed through her mind.Bigla niyang naaalala kung gaano ito naging marahas at agresibo noong gabing iyon nang sapilitan siyang angkinin nito. Muling nagbalik ang lahat ng takot at sakit na naramdaman niya ng gabing iyon at hindi niya namalayang tumutulo na pala ang mga luha sa kanyang mga pisngi, ngunit agad iyong napansin ni Alec.“Shit! I’m so sorry, babe. Did I hurt
Napakasarap sa pakiramdam ang pagmamasid niya mula sa veranda sa ilalim ng mapusyaw na liwanag ng buwan habang nakatanaw sa napakagandang hardin at sa malawak na swimming pool sa kanyang harapan. Tapos na ang masyado at masarap na hapunan na pinagsaluhan niya kasama ang mga kasambahay ng mansyon.Masaya siyang nakisalo at nakupagkuwentuhan muli ang mga ito. She had truly missed them all.Gaya ng dati, sa silid ni Alec sila matutulog ngayong gabi. Ikalawang beses pa lamang niyang matutulog doon, ngunit napansin niya agad ang mga pagbabago sa kuwarto. The room now felt cozier and more inviting. The heavy masculine aura of the room was gone.Nalaman niya mula kay Mr. De Guzman na pina-renovate pala ni Alec at ipinabago ang disenyo ng silid nito noong nasa Maynila pa sila upang maging mas komportable at mas maluwag ito para sa kanila kapag nandito sila sa hacienda.The room is no longer looked like a bachelor’s
His touch made her tingle and shiver with fear at the same time. Then the memories of last night suddenly flooded her mind, the memories she had been trying to forget since she woke up this morning.Sobra siyang tinakot nito kagabi, at labis niya itong kinaiinisan dahil sa pagiging asshole nito. S
“Señorita, gising na..." Mahinang tapik ni Nana Marcela sa kanyang bisig ang nagpagising sa kanya sa umagang iyon. "Ano po ba ‘yan, Nana?" tanong niya, paos pa ang boses habang sinusubukang ibukas ang mabibigat na talukap ng mga mata matapos ang mahabang pagtulog.
"It's getting darker, what are you still doing here?" Isang marahas na singhap ang kumawala sa kanyang mga labi nang marinig ang malamig at baritonong boses na iyon mula sa kanyang likuran.It was Alec. Nakasakay ito sa paborito nitong kabayo na si Thunder Storm, suot ang isang cowboy hat at itim na
Sa gitna ng kanyang pagtulog ay nagising siya sa pakiramdam na tila may mga matang nakamasid sa kanya. Iminulat niya ang kanyang mga mata at naramdaman niyang mahapdi ang mga ito dahil sa magdamag na pag-iyak. Parang mabibiyak din ang kanyang ulo sa sakit kung kayat marahan niyang hinilot niya an







